V

SSFY 5

"Why do you make Paula feel like what she's doing to you is okay?" bigla niyang tanong kaya nabigla ako buti na lang hindi ako nainom dahil baka mabuga ko sa kaniya. Paano ba naman kanina pa kami tahimik pero kumportable naman tapos bigla niyang itatanong 'yon.

"I just don't feel like talking back at her," I said. Sabi nga nila, kill them with kindness pero ayoko naman na literal na manatay siya. I believe in karma I know it will do its job in the future, but I hope she will just stop because everybody's patience has its extent.

"I know that she is mean, but I'm not," I said and he looked at me like he's judging me. Typical Uno the judgemental.

"Judgemental mo no?" Mukhang siya naman ang nabigla sa tinanong ko kaya napaiwas siya ng tingin. Uminom siya ng tubig before looking back at me.

"Pnagsasasabi mo?" he shot back and I laughed at him dahil kunot na kunot ang noo niya. Galit nanaman siya.

"Kung makatingin ka kasi sa akin," sagot ko na lang and not elaborating what happened in the past few days between us.

"I'm not judging you, ikaw ang judgemental wala pa nga akong sinasabi," inis na sabi niya kaya natawa na lang ako lalo dahil nainis ko nanaman siya like the usual.

As days go by nasasanay na ako kay Uno, lagi siyang inis sa akin pero alam ko naman na hindi 'yon seryoso katulad ng inis ni Paula sa akin. Palagay ko mabait naman siya kasi lagi niya akong tinutulungan sadiyan may sarili lang siyang paraan. Mabilis siyang mamisunderstood kaya kailangan makasama mo pa siya ng ilang beses para magets mo siya.

"Tara na akyat na tayo, sabihin nanaman ni Paula nag-aantay ako ng pasko," aya ko sa kaniya and he just laughed before standing up and follow me.

Feeling ko minsan kaya sinasamahan na lang ako ni Uno dahil natatawa siya sa akin at hindi naman talaga siya ganoon ka concern sa nangyayari, source of entertainment lang ganoon.

Paulit-ulit lang ang nangyari sa susunod na mga araw. Papasok akong lutang, uuwi akong pagod at matutulog ako ng ilang oras lang.

Malapit na ang CEAT week kaya double time na kami pero parang double time rin ang mga prof sa pagbibigay ng kung anu-anong gagawin.

Habang may inaayos ako sa laptop para sa CEAT week ay sinasabay ko na rin ang pagwawatercolor doon sa plate ko.

"Busy na busy ah." Kairo sat beside me habang nagwawatercolor ako at may inaantay na ma-download sa laptop

"Oo nga e no President?" I sarcastically said and he looked amused before he laughed.

Naniniwala na ako kila Lyrae na nag-iiba ako kapag stressed ako siguro kasi dahil nga hindi ako kalmado hindi ko nakocontrol ang iniisip at sinasabi ko.

"Need help?" Pilyo siyang ngumiti sa akin kaya tumango ako sa kaniya at hindi na umimik dahil nga nagwawatercolor ako ng plate dahil hindi lang naman ito ang plate ko na kailangan gawin, may gagawin pa ako mamaya pag-uwi ko, may rereviewhin pa ako.

"Madami-dami na rin pala to ah," kumento niya habang chinecheck ang mga nagawa ko sa laptop.

"Eto yung listahan." Inabot ko sa kaniya 'yong papel kung saan nakalagay lahat ng kailangan ko gawin ngayong araw na tungkol sa CEAT week.

"Bakit ang dami?" nagtatakang tanong niya habang inaanalyze ang mga nakalagay sa papel.

Natawa na lang ako sa itsura niya at sumandal sa upuan at nagstretching nang kaunti. "Si Paula nagbigay niyan." Tumingin siya sa akin saglit at unti-unting nagets kung bakit gano'n karami ang naka-assign sa akin.

Hinawakan ko ang leeg ko at medyo inikot-ikot ang ulo ko, ang sakit na kasi pati likod ko ang sakit na.

"Uwi ka na kaya? Ako na tatapos nito." Tinignan ko ang relo magsisix pa lang, maaga sa usual uwi namin.

"Kahit ano namang gawin mo ayaw pa rin sa'yo ni Paula so why do you try so hard?" natatawang tanong niya and I can't help but glare at him. I don't need a reality check today, masakit ulo ko.

Hindi ko alam na magiging kaclose ko si Kai ever, tingin ko lang kasi sa kaniya dati higher year na president ng SC. I can't belive we will be friends.

May point naman siya, pero hindi lang naman si Paula ang dahilan bakit ako natulong nang sobra sa SC, siyempre gusto ko rin naman maging successful ang event. Ito na nga lang inaabangan ng mga students pagkatapos ng mga paghihirap eh.

"Alam ko, kainis," pabirong sabi ko and tinawanan niya lang ako bago pinisil ang pisngi ko.

"Uuwi na ako ah, sabi mo 'yan." Kinuha ko ang hard case mula sa bag ko at nilagay ang plate ko doon para hindi malukot.

"Oo nga! Ingat ka," sabi niya nang hindi na tumitingin sa akin dahil busy na siya sa may laptop at sumeyas na lang na umalis na ako.

Sinukbit ko na ang bag ko at naglakad na palabas ng room at nag-antay sa may elevator. Nang bumukas ang elevator niluwa no'n si Uno na may hawak na dalawang bote ng tubig, isang bawas at isang bago.

Nang makita niya ako ay napatingin siya sa relo niya. "Are you going home already?" tanong niya kaya tumango ako at tinapik ang balikat niya bago sumakay sa elevator, magsasara na sana ang elevator nang iharang ni Uno ang kamay niya doon kaya nagtaka ako. Inabot niya sa akin iyong tubig na wala pang bawas kaya napangiti ako.

"Para saan 'to?" I asked. Kinamot niya ang bridge ng ilong niya while he's looking at the floor habang ang isang kamay nakaharang sa pinto ng elevator.

"You just look stressed earlier, by the way ingat." Tapos tumalikod na siya at naglakad paalis.

Napatingin na lang ako sa bote ng tubig na binigay niya bago ko ininuman. Sayang e ang thoughtful pa naman ni Uno e minsan lang 'yan.

"I think I deserve alak," sabi ni Rye nang maipasa namin ang huling plate namin for this week. Agad napatingin sa akin si Win almost like doing a puppy eyes.

"Ditch SC for us? Please?" Agad akong umiling. This is not the right time to ditch them kasi malapit na ang event at i-seset up na ang stage.

"Pero tapos na kami ng eight," I said. It's not like hindi sila mags-stay sa kung saan man 'yon nang hanggang madaling araw.

"Sunod ako, promise," I said and tuwang-tuwa naman sila. At least may mag-aalaga sa kanila habang lasing na silang tatlo.

"Kaoag 'di ka talaga nagpakita magtatampo ako," Winona jokingly said. Tumango-tango na lang ako at nginitian siya.

I looked at Lyrae, she seems down din kaya siguro pinupush nila mag-inom.

"I'm fine Ada don't look at me like that." She laughed kaya I just shrugged and let it go.

Hinatid nila ako sa tapat ng room ng SC bago sila nagsi-uwi. Pagpasok ko binubuhat na nila ang mga tapos na back drop and stage designs dahil ililipat na nila sa baba.

Agad akong pumunta roon sa isang plywood na hindi ko pa tapos, actually, tatlo pa 'yon. Wala naman kasi akong kahati sa gawain dahil lahat sila busy.

Kinuha ko ang mga paint and started to mix some of it para makuha ang tamang kulay.

"Hindi ka pa rin tapos?" Siyempre it's the daily dose of Paula giving me attitude.

"Busy ako Paula, save mo muna 'yan," I calmly said without even looking at her. Ang dami ko pang gagawin, bakit ba ang hilig niyang dumagdag?

Halos lahat naman ata ng pinapagawa sa kaniya, pinapasa niya sa akin tapos magtataka siya bakit hindi pa ako tapos? Minsan nagugulat na lang si Kai na ako ang gumagawa ng mga inassign niya kay Paula. May narinig ba siyang reklamo sa akin? Wala.

Gusto ko sanang sabihin sa kaniya na bakit ba siya nagtataka na hindi pa ako tapos e ultimo pagd-download ng kung anu-ano sa akin niya pinagawa, pero siyempre hindi ako gano'n ayoko manumbat kasi tinanggap ko rin naman.

"Sobrang bait-baitan ka no? 'Di nila alam may attitude ka," she stated as if kilalang-kilala niya ako at matagal na niya akong nakakasama. Nakakahiya naman sa mga kaibigan ko no.

Laging sinasabi ng mga tao sa akin na sobrang bait ko pero hindi gano'n ang tingin ko sa sarili ko, I've thought of bad things too, I judge people, I say mean things and other stuff. I never said I'm always kind but I never fake it whenever I am.

"Why do you waste time on me?" tanong ko na lang bago ako nagstart magpaint habang nakaupo ako sa lapag.

"Papansin ka kasi," she shot back and I can't help but scoff at her kaya she's even more pissed now. Hindi ko nga siya kinakausap diyan, tsaka aanhin ko ba ang atensyon niya? Hindi naman nakakain 'yon.

"Papansin ako? Kahit naman ata huminga lang ako ayaw mo," hindi ko napigilan sabihin but I manage to tell her that in my most calm voice.

"Ayan, show them gaano ka kaattitude," sabi niya pa. Wala pa nga akong ginagawa feeling niya maattitude na agad ako. Ang laki talaga ng problema niya sa akin. Bored ba siya masyado na naghahanao na lang siya ng away? At bakit ako? Feeling niya ba na hindi ako pumapatol kaya kinakaya-kaya niya lang ako?

Hindi rin naman talaga ako papatol kasi kapag pumatol ako edi para ko na ring pinatunayan na kaugali ko siya.

"Bakit ko gagawin 'yon? Hindi naman nila deserve." Tumayo ako para lumipat ng pwesto dahil hindi ko abot iyong kabilang part ng plywood pero tinulak niya ako which cause me to be out of balance.

Tumalsik ang hawak kong paint sa ginagawa ni Uno at sa uniform niya at may kaunti rin sa akin kaya nanlaki ang mata ko. I felt slight pain on my wrist dahil iyon ang naitukod ko nang matumba ako.

"Paula!" rinig kong sigaw ni Kairo at agad hinatak si Paula palabas, tumayo agad ako at nilapitan si Uno.

"I'm sorry, sorry Uno, sorry." Hindi ko alam ang gagawin dahil kapag pinunasan ko ang paint sa uniform niya lalo lang kakalat 'yong kulay.

Kumuha ako ng wipes sa bag ko at bumalik sa kaniya, pupunasan ko na sana ang braso niya nang pigilan niya ang kamay ko.

"Will you please stop saying sorry, it's getting annoying," he said bago niya kuhanin ang wipes sa kamay ko at tumayo bago lumabas ng room.

Mukhang nagulat ang lahat sa nangyari pero after no'n lumapit rin naman sila para tulungan ako maglinis doon dahil baka ma-charge kami ng school dahil nagkalat kami ng paint.

Ilang minuto rin ang tinagal bago bumalik si Kairo pero hindi na niya kasama si Paula.

"Where's Paula?" I asked pagpasok niya pero imbis na sagutin niya ako lumapit siya sa akin.

Pinulot niya ang wipes na nailapag ko sa floor at kumuha ng isa doon bago niya pinunas sa may pisngi ko. Ramdam ko ang tingin ng mga tao sa amin kaya kukunin ko sana sa kamay niya ang wipes pero pinigilan niya ako kaya napangiwi ako dahil sa pulso niya ako hinawakan e masakit nga iyon.

Nagbago ang ekspresiyon sa mukha niya. "W-Why? Masakit?" He looked worried but I still nodded there's no point in lying rin naman kasi masakit talaga.

"Let's go to the clinic." Naguiguilty ako dahil kung sana nagtimpi pa ako nang kaunti ay hindi mangyayari 'to. Mas lalo tuloy kaming na delay, lalo na ako tapos dinamay ko pa si Uno.

"Huwag na, may tatapusin pa ako." I tried to go back to what I'm doing.

"Adria, please" Kairo said in a serious tone na ngayon ko lang narinig kahit na minsan pinapagalitan niya kaming SC never naging gano'n ang tono niya that's why nagpahila na ako sa kaniya. Ayoko na pati siya magalit sa akin, quota na ako sa mga galot sa akin. Ayoko na pati siya dumagdag pa.

Napaisip tuloy ako, what am I doing? Baka naman nasa akin pala talaga ang problema at hindi ko lang napapansin? That thought stressed me out, sa susunod ko na lang iisipin. Ang mahalaga ngayon ay matapos ko ang mga kailangan ko gawin.

Naglalakad kami paalis sa room nang makasalubong namin si Uno, basa 'yong uniform niya at may stain ng pintura pero faded, pinupunasan niya iyon nang mapansin niya kami.

He look at me and then shifted his gaze sa kamay ko na hawak ni Kairo before siya napailing at nagpatuloy sa paglalakad pabalik sa room.

Hindi naman malala ang nangyari sa pulsuhan ko pero sinuggest na rin ng nurse sa clinic na ipa-x-ray ko para daw sure and talagang magpapa-x-ray ako. Puhunan ko kamay ko no, paano na lang ako kung hindi na ako makakapagdrawing? Ayoko maparanoid at maging O.A but we never know kung anong pwedeng mangyari dahil sa small injury.

Dahil nga sa delay kailangan na namin i-take home ni Uno ang mga hindi namin natapos, naguiguilty ako na kailangan niya i-take home iyong kaniya dahil natapunan ko iyong gawa niya.

"Tulungan na kita sa part mo," alok ni Kairo. I wanted to refuse kaso delay na kami and medyo mahihirapan ako dahil nga sa wrist ko.

"Kaso paano mo mat-take home eh magkakadugtong 'yang tatlo." Nakatayo kaming dalawa sa harap ng tatlong plywood at pinag-iisipan kung ano ang gagawin naming diskarte para mabilis matapos.

Problema ko pa nga paano ko iuuwi 'yang tatlo. Kung mag-gagrab ako eh ang lapit-lapit lang ng condo ko pero kaysa naman magjeep ako na dala ito so I'm considering it.

"I'll go with you na lang, if okay lang?" Okay lang naman sa akin, Kairo is a friend naman e.

"Oo naman, wala nga lang pagkain sa condo," nahihiyang sabi ko pero tumawa siya kaya kumunot ang noo ko. Akala niya ba nagbibiro ako? Wala talagang pagkain.

"Let's buy first," tumango ako bilang pagsang-ayon at nagtry na magbook ng grab.

Tinulungan ako ng iba pa naming members sa pagbubuhat ng plywood kaya wala akong dala-dala at busy lang ako maghanap ng pinakamurang fare sa grab na kayang isakay ang mga dala namin.

Biglang tumawag si Winona sa akin kaya nanlaki ang mata ko. May usapan nga pala kami ngayong gabi muntik ko na makalimutan.

"I'm sorry Win! I can't make it," bungad ko sa kaniya kasi ayoko magtampo siya sa akin. Agad naman akong nakarinig ng tawa mula sa kaniya.

"It's okay, I called to inform you na hindi tayo tuloy kasi Ryezelle's on a biglaang date. You got lucky tonight Adria," she said in a warning but playful tone.

Nakahinga ako nang maluwag, akala ko magtatampo na nang tuluyan si Winona sa akin, may pagkamatampuhin kasi siya and may pagkaspoiled din pero not too much.

"Sino naman 'yan?" I asked. Rye got a playgirl type of image kaya I'm sure that guy is different from the other guys from the past few days.

"Ay nako 'di ko rin alam girl, 'yaan mo na malaki na siya." Binaba na niya ang tawag after she bid goodbye.

"May na book ka na?" Kairo asked. May nakita na ako na medyo mura lang ang fare, i-bobook ko na sana nang kuhain ni Uno ang phone ko sa akin. I was too startled to even speak nakatingin lang ako sa kaniya habang kumukurap-kurap.

Hinome niya ang phone ko at clinick ang off button bago ako hinatak papunta sa parking kung saan nakita ko ang Range rover niya.

"Uhm anong ginagawa mo?" naguguluhang tanong ko, lumingon ako at nakitang nakasunod si Kai at 'yung ibang nagbitbit ng plywood.

Mukhang nag-isip pa si Uno dahil he pursed his lips and looked up for about 2 seconds bago niya ako tignan.

"Sama ako," he answered.


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top