III
SSFY 3
“Where do we find these?,” maybe I said it out loud while looking doon sa list na binigay nila Kuya Kairo kaya napatingin si Uno sa akin.
“First time?” tanong niya sa akin kaya naman tumango ako.
“Mayaman,” he commented kaya napatingin ako sa kaniya, parang jinudge na niya ang buong pagkatao ko. Hindi ba pwedeng hindi lang makalibot sa buong maynila dahil puro school at condo lang ako?
“Sttereotyping,” I said. Sa sandaling nakausap ko si Uno, may pagkajudgemental talaga siya pansin ko lang, but I won’t use it against him.
He chuckled which I found really amusing akala ko lagi siyang galit sa mundo eh.
“Mayaman ka rin naman ah,” I said. I mean hindi naman ako nagmamayabang na may kaya naman kami, my father provided me everything I need pero alam ko naman na may mga mayayaman naman na nagpupunta ng divisoria.
“Hundi ah.” I looked at him with amusement in my face.
“Wow ha Range rover, really?” I don’t like to be sarcastic but he's making me do it.
He chuckled once again. Kung hindi galit, tinatawanan naman ako hindi ko alam kung anong mas gusto ko roon.
Napailing na lang siya sa akin at hinatak ako sa isang building na puno ng iba’t ibang mga stalls ng kung anu-ano.
May mga tela, school supplies, pailaw at mga bagay na cute pero alam mong hindi mo kailangan. Mabilis akong nadistract sa mga bagay na nakikita ko at mas lalong naentertain sa presyo. Nakakita ako ng mga bag na sobrang cute at naisip ko matutuwa si Winona dahil ang kikay noon e, kaso nga lang para akong may magulang na kasama dahil hinatak nanaman ako ni Uno.
“You really got short attention span huh,” he commented. Napanguso na lang ako sa sinabi niya at nagpahatak sa kaniya dahil baka mairita nanaman siya sa akin kapag hindi ako sumunod sa kaniya.
Pumunta na kami sa bilihan ng tela and nagtanong-tanong siya roon kung magkano per yard gano'n. Hinayaan ko siya hanggang makabili siya, malay ko ba kung alin doon ang kailangan, napakadami kasing klase e.
“Choose,” utos niya sa akin at pinakita ang dalawang klase ng tela sa akin. Kumunot naman ang noo ko kasi 'di ko alam bakit tinatanong niya pa ako.
“You’re more artistic,” he said na parang nabasa niya ang iniisip ko.
Tinignan ko ang dalawang tela.“Para saan ba yan?” Pinakita niya ang phone niya sa akin kung saan andoon ang peg namin for the stage kaya naman nakapili ako agad.
Aliw na aliw ako doon sa mga ilaw na sunod naming pinuntahan. May mga letters na may ilaw tapos mga fairy lights at christmas lights.
“Bili ka na ganda,” alok sa akin noong kuya na nagbabantay roon, sasagot pa lang ako nang hilahin nanaman ako ni Uno.
I feel bad baka isipin ni Kuya ang rude ko lilingon sana ako pero agad hinawakan ni Uno ang likod ng ulo ko. “Don’t look back tsk,” sabi niya kaya hindi na rin talaga ako lumingon.
Halos si Uno lang din naman talaga ang bumili ng kailangan namin, taga-check lang ako sa listahan at tagatingin kung magkano pa ang pera na nasa amin. At least medyo may ambag pa rin ako.
“Uno.” Busy siya sa pagcompare ng presyo ng mga paint at spray paint doon. Tinignan niya lang ako saglit bago ibinalik ang tingin sa mga paint. “Kain tayo.” nagugutom na kasi talaga ako, kanina ko pa tinitiis kasi nahihiya ako sa kaniya. 12:30 na kasi ilang oras na kami nag-iikot.
“Later,” tanging sagot niya bago ibinigay kay Ate kung ano ang napili niya. Grabe pa makangiti si Ate sa kaniya pero mukhang wala naman siyang pake.
Chineck ko na lang sa list ang spray paint at ibinawas sa budget sa phone ko. “Need mo ng help?” tanong ko. Bitbit niya kasi lahat ng pinamili namin. Medyo kita na ang ugat sa may arms niya.
Agad naman siyang umiling. “May dala akong tote bag gusto mo gamitin?” Medyo prepared naman ako kaya nagsiksik ako ng tote bag sa sling bag na gamit ko.
Nilabas ko ang tote bag ko at ibinigay sa kaniya ibinaba niya saglit ang pinamili namin bago niya kunin sa akin. Tinitigan niya ang design ng tote bag.
Pattern ng donut lang naman iyon na purple na may sprinkles buti nga hindi 'yong regalo ni Rye ang dinala ko kasi tote bag iyon na may different types ng boobs na drawing.
Kinuha ko sa kaniya ang tote bag, ang tagal niya kasing titigan eh, nilagay ko na lahat ng pwedeng magkasya roon bago binigay sa kaniya. Pero tinitigan niya lang ulit.
“Sabihin mo kung ayaw mo,” panggagaya ko sa lagi niyang linya sa akin.
Agad niyang kinuha sa kamay ko ang tote bag at binuhat. “Kain na tayo?” hopeful na tanong ko sa kaniya and he wrinkled his nose kaya muntik na akong matawa kasi ang cute niya, for a moment medyo hindi ako natakot sa kaniya.
“Para akong may kasamang anak,” bulong niya pero alam ko naman na pinaparinig niya sa akin, nagmake face na lang ako sa kaniya.
Pwede naman na magtuloy siya sa pamimili basta ako kakain muna, buti nga inaya ko pa siya e kahit na baka himatayin na ako sa gutom e. Joke, ang OA.
Pumunta kami sa floor na puro stalls ng pagkain at umupo . Nilibot ko ang paningin ko sa kung anong gusto kong kainin pero ang daming choices.
“Ako na bibili, ano sa'yo?” Uno asked, nag-isip ako saglit but I was too hungry to think. “Kung ano sa’yo,” sagot ko but he looked at me. “Sure ka?” Tumango ako. Feeling ko jinujudge niya ako na pihikan ako sa pagkain kaya ganoon siya makatingin.
Habang nag-aantay sa kaniya ay nagphone na lang ako but I felt someone is looking at me. Tinignan ko kung sino iyon, baka mamaya someone I know but unfortunately hindi ko siya kilala.
Nang magtapat ang mga mata namin agad kong iniwas ang mata ako, ang creepy niya kasi makatingin. Ano bang problema niya sa akin?
Nagkunwari na lang ako na may tinetext para kunwari busy ako while secretly wishing for Uno to comeback already.
“Hi, Miss.” I froze when I sense someone standing in front. I look up and he smiled at me. I’m torn between just be nice or just ignore him kaso baka lumala kung hindi ko siya kakausapin.
Ngumiti ako ng kaunti at tumango na lang sa kaniya. “Kinakausap kita,” he said again at mayroon pang diin sa pananalitan niya. Ano bang gusto niyang sabihin ko?
“Uhm why?” sabi ko na lang and bigla siyang tumawa. Super creepy talaga. “May kasama ka?” Tumango ako at luminga-linga naman siya na para bang sinisigurado kung may kasama ba talaga ako o wala.
“Parang wala naman, Miss.” Naiinis na ako na natatakot, ang dami-daming ibang tao pero bakit ako pinagtitripan pa ang pinagtripan niya? Pero on the other hand ayoko rin na ganituhin niya ang ibang tao. So ano bang problema niya at nanghaharass siya ng mga tao rito?
“Can you leave me alone?” I calmly asked para hindi siya matrigger. Psimple akong luminga-linga para makita kung may guard ba na malapit kaso wala akong makita.
“Bakit naman? Bakit ko iiwan mag-isa ang kasing ganda mo?” he playfully said and put both his hands on the table and lower himself so that he could level his face with mine.
“Kasi ibubuhos ko to sa’yo kapag ‘di ka pa umalis.” Nanlaki ang mata ko nang makita si Uno sa likod niya looking so mad.
The guy scoffed and sinamaan niya ng tingin si Uno. “'Wag kang pakialamero, Tol,” sabi niya pa and Uno placed the tray on the table.
“Don’t call me Tol, hindi tayo tropa.” Natatakot na ako sa itsura ni Uno dahil parang mananapak na talaga siyasa puntong ito.
“Umalis ka na habang 'di pa nandidilim paningin ko sa’yo.” Hindi ko alam ang gagawin ko ayoko naman sila magsuntukan kaya hinatak ko ang kamay ni Uno. May ilang tao na ang napapatingin sa amin, gusto ko humingi ng tulong kaya lang hindi ko rin sila maiwan dito dahil baka magkasakitan na sila anytime soon.
“Alis na lang tayo.” Uno glared at the guy, tinaas niya ang dalawa niyang kamay na para bang suko na siya bago umalis, ni hindi na siya bumalik sa table niya kanina.
Napayuko na lang ako nang tignan ako ni Uno. “I’m sorry.” Wala akong narinig na kahit ano sa kaniya kaya napatingala ako sa kaniya.
“Don’t say sorry,” sabi niya lang bago bumitaw sa pagkakahawak ko at umupo sa tapat ko. Takot na takot tuloy ako feeling ko ginalit ko nanaman siya kung kailan medyo okay na kami e.
Parang nawala tuloy ang gutom ko at hindi ako makakain ng maayos. “Ayaw mo?” tanong niya kasi hindi ko nga magalaw 'yong pagkain.
“Gusto,” halos pabulong ko na lang na sabi kasi nahihiya ako sa kaniya kahit wala naman akong ginagawang masama.
“Don’t think too much,” sabi niya lang at nagpatuloy sa pag kain, kaya kumain na lang din ako kahit na kung saan-saan pumupunta ang isip ko.
Nang matapos kami, tinignan ko ang list at konti na lang ‘yon kaya pipigilan ko na talagang kung saan-saan pa tumingin para hindi na matagalan at mahirapan si Uno sa akin.
Patayo na sana ako nang isuot sa akin ni Uno ang cap niya kaya napatingala ako sa kaniya.
“Bakit?” tanong ko sa kaniya. Nakakapagtaka naman kasi na bigla na lang niya ibinigay sa akin ang cap na suot-suot niya 'di ba? “You attract too much guys,” sagot niya lang at kinuha na ang tote bag at hinatak na ako paalis.
Umuwi na rin kami agad pagkatapos and hinatid niya ako pauwi, nakalimutan ko tuloy itanong kung bakit siya nagbus no'ng araw na una kaming nagkita kung may sasakyan naman pala siya, pero naisip ko rin na baka sungitan lang niya ako at sabihang tsismosa ako.
Kinabukasan as usual pumasok lang ulit ako medyo nagkakaroon na ng pinapagawa pero tahimik pa naman ang mga major subject lalo na ang design 4 pero isang plate ako na kailangan kong idrawing ang buong facade ng campus. Gusto ko sanang magpaalam na hindi ako makakapunta sa meeting kaso mag s-start na kami mag-ayos ngayon baka malditahan nanaman ako ni Paula.
Habang nasa meeting kami nagboborder na ako sa papel para mamaya dadrawingan ko na langm
“Ada, busy ka ba? Pwede naman umuwi ka na if ever,” sabi ni Kuya Kairo. Naramdaman ko agad ang tingin sa akin ng mga kasamahan ko sa SC kaya agad kong niligpit ang gamit ko.
“Hindi, niready ko lang,” sabi ko na lang kahit hindi ko alam kung magagawa ko ba agad iyon dahil magsastart na kami ngayon baka gabihin na kami ng uwi.
Dahil hindi pa nakaset-up ang stage sa grounds hindi na muna kami doon gagawa, nasa room lang kami at ginagawa ang mga props at stage designs.
“Ada, ikaw nga magdrawing nito,” tawag ni Paula sa akin kaya iniwan ko ang ginugupit ko at lumapit sa kaniya. Pinakita niya sa akin ang picture ng gagayahin ko kaya sinimulan ko na agad. Ayaw ko na mag-away pa kami kaya sumusunod na lang ako sa sinasabi niya.
Nagstart na ako magdrawing, medyo na hihirapan lang ako kasi ang laki pero maayos naman ang pagkakagawa ko.
“Oh sino ba dapat naggugupit dito? Bakit iniwan na lang?” rinig kong sabi ni Paula kaya tinaas ko ang kamay ko.
“Ako, kaso sabi mo idrawing ko 'to,” naguguluhan na sabi ko pero she glared at me e totoo naman 'yung sinasahi ko. Gusto jiya ba hatiin ang katawan ko? Hindi ko maintindihan ang isang to, college na pero para pa rin akong may kaaway na highschool.
“So sinisisi mo 'ko?” sabi niya. Ang diin na ng hawak ko sa lapis dahil pinipigilan ko ang inis ko.
I’m better than this, baka may nagawa lang talaga akong masama sa kaniya na hindi ko alam kaya niya ako pinag-iinitan.
“Paula,” Kuya Kairo said in a warning tone.
“Wala akong sinasabi,” sagit ko lang bago ako tumayo at kinuha ang gunting na nasa lapag pati ang mga ginugupit ko bago bumalik sa malaking karton na dinadrawingan ko.
Kuya Kairo looks apologetic when I saw him looking at me, I just smiled at him and nodded. Kailangan ko rin naman talaga bumawi sa SC for always ditching them.
Pinagpatuloy ko ang pagdadrawing habang nasa tabi ko ang kumpol ng mga papel na kailangan kong gupitin.
Tatapusin ko muna ang kalahati bago ako maggupit ulit, kung gusto ni Paula na magmultitask ako o edi sige pagbibigyan ko siya, para wala na siyang masabi pa sa akin kasi malapit na rin talaga ako marindi sa kaniya.
Nang matapos ako sa pagdadrawing ng kalahati kukunin ko na sana ang gunting nang agawin ni Uno iyon sa akin tapos umupo siya sa tabi ko bago iniusog papalapit sa kaniya ang mga gugupitin na papel.
Napatulala tuloy ako sa kaniya. “Don’t thank me, tapos na kasi ako sa ginagawa ko,” agad na sabi niya bago sinimulan maggupit.
Thank you pa rin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top