II

SSFY 2

"Sumali ka na kaya Rye, makapal naman mukha mo," sabi ni Rae kay Ryzelle dahil nga namomroblema ako na walang gustong sumali sa pageant.

"Hayop ka," tanging sagot ni Rye kay Lyrae.

"Tulungan niyo na lang ako humanap ng sasali." Ayoko rin naman kasi sila pilitin sa mga bagay na ayaw naman nilang gawin.

"Winona ikaw na lang, tutal sabi mo maganda ka diba?" nang-aasar na sabi ni Ryezelle. Inirapan siya naman siya ni Win.

"Kapag sumali ako kawawa ang iba, talo agad sila." Natawa na lang ako at umiling sa pinagsasasabi nila.

"Hahanap ka na lang namin ng sasali, Ada," sabi ni Winona at tumango ako.

Ayaw ko pa naman ng namimilit ng tao kaso kailangan may representative bawat isa.

"We got you!" pambibiro pa ni Rye sa akin napailing na lang ako at napangiti. Sana nga may mahanap kaming willing sumali dahil kapag wala baka mas lalong magalit sa akin ang ibang SC members dahil hindi naman daw ako tumutulong.

Pumapasok pa rin kami dahil may klase pa rin naman at preparations pa lang ang ginagawa for CEAT week, medyo matagal pa naman bago ang event.

Halos lagi rin kaming may meeting kaya kahit na walang plates naiistress pa rin ako although this time may tulog at ligo na ako.

"Baka naman may mga contact kayo sa mga banda or singer diyan para sa concert?" tanong ni Kuya Kai. As usual may meeting nanaman pero hindi na ako tumabi kay Paula baka ako nanaman ang pag-initan niya.

May kilala akong singer, kilalang-kilala pero siyempre hindi ko i-susuggest iyon.

"Uno, baka mayroon ka? May mga gig ka 'di ba?" tanong ni Kuya Kai. Hindi ko tuloy maiwasan na mapatingin sa gawi niya. Musikero pala siya, wala sa itsura. Ayoko maging judgemental pero sa unang tingin kasi akala mo si Uno iyong taong puro aral ang ginagawa at walang kaibigan, pero baka nga aura niya lang iyon 'di ko naman siya gaano kilala e. Kailan ko nga lang nalaman ang pangalan niya.

"Sasabihin ko kapag meron," maikling sabi niya na hindi man lang tumitingin sa kausap niya. Ano kayang problema ni Uno at parang galit siya sa mundo?

"If ever, pwede lahat tayo kumuha ng contact? Kahit sino para lang at least marami tayong pagpilian," dugtong pa ni Kuya Kairo, tumango lang ako at hindi na inabalang isulat iyon dahil wala naman akong kilalang iba.

Kinamusta rin niya iyong sa pageant kaya nanahimik ako lalo dahil wala pa kaming representative. "Uno, may nagbigay na sa'yo ng list?" Tumango si Uno at may inabot na papel kay Kuya Kai. Sandali niya iyong tinignan at binasa bago malipat ang tingin sa akin.

"Wala pong may gusto sumali," agad na dipensa ko at ramdam ko nanaman ang tingin ni Paula, hindi ko talaga alam bakit ang laki ng galit sa akin nito, ngayon ngayon ko lang naman siya nakakasama. Dinamdam niya ba masyado na hindi ako nagpapakita sa meetings before? Lagi siguro siyang present.

"Meron 'yan kaunting pilit pa, antayin ko hanggang Friday." Napahinga na lang ako nang malalim, kung mismong mga kaibigan ko nga ayaw magsisali ano pa kaya 'yung mga hindi ko naman ganoon kaclose.

Nang matapos ang meeting nagstay lang ako habang iniisip kung paano ba gagawin ko at kung paano ba ako mamimilit. Gusto ko na lang matapos to.

"Oy." Napatingin ako sa tumawag sa akin, napalunok naman ako agad nang tignan siya.

"Why?" tanong ko nang makarecover sa presensiya niya, never ata talaga akong masasanay sa kaniya.

"Kaya ba today?" tanong niya sa akin. For sure iyong sa pageant ang tinutukoy niya. Mukhang ako na lang ang hindi nagpapasa ng list.

"Pwede hanggang Friday?" nagbabakasakaling tanong ko kung hindi siya papayag edi magmamakaawa na ako sa mga second year na sumali na.

"Kaya mo hanggang Friday? Sure ka?" tanong niya ulit. Bakit ba parang mananapak siya lagi, maayos naman ako kausap hindi ko naman siya inaaway.

"Uhm... Paano kapag hindi?" nahihiyang tanong ko. Ayoko na rin kasi magroom to room ulit, nahihiya na ako baka sabihin ang kulit ko.

"Edi hindi, ako na bahala." Umalis na siya bigla pero naiwan ako rito na hindi alam kung anong ibig niyang sabihin.

Siya na bahala? Wala na akong gagawin gano'n? Bakit kasi bigla bigla na lang siya naalis? Napilitan tuloy akong kuhanin ang bag ko at tumakbo palabas ng room para habulin siya. Ang layo na agad niya!

"Uno!" sigaw ko kahit nakakahiya, tumingin siya sa akin nang walang kainte-interes.

Buti na lang nag-aantay pa siya sa may elevator kaya naabutan ko siya. "Wala na akong gagawin? Gano'n?" tanong ko habang nakatayo ako sa tabi niya. Diretso lang ang tingin ko sa elevator dahil natatakot ako sa itsura niya.

"Ah malamang? Kung gusto mo may gawin okay lang naman," sagot niya kaya mabilis akong umiling.

"Ayaw ko." I pressed my lips dahil sa biglang lumabas sa bibig ko, baka sabihan nanaman akong hindi ako tumutulong.

"I mean salamat," sabi ko. Nakatingin lang ako sa number ng elevator habang nakatayo sa tabi niya. "Huwag ka magpasalamat sa akin hindi naman para sayo 'yan, gusto ko na kasing matapos." I should be offended pero hindi, dahil thankful talaga ako sa kaniya. Same lang naman kami na gusto na matapos.

"Hindi ka sasakay?" tanong niya sa akin kaya hindi ko napansin andoon na pala siya sa loob ng elevator at pinipindot lang 'yong button na open.

Nagpanic ako kaya hindi na ako nakapagsalita at pumasok na ako sa elevator. Gusto ko magsalita at kausapin siya, feeling ko kasi okay naman siya kapag nakilala mo pero mas nananaig kasi 'yong takot ko sa kaniya eh. Feeling ko pa naman annoyed siya sa akin.

Naglakad na kami papunta sa gate, medyo comfortable naman kahit hindi kami nag-uusap. Mas okay nga iyong hindi ko siya kausapin.

"magbus ka?" 'di ko na napigilan itanong sa kaniya. Tumingin siya sa akin at umiling siya kaya tumango lang ako hindi ko na rin pinush magkaconversation. Mas okay na talaga kapag tahimik lang.

May huminto na itim na sasakyan sa harapan namin then he looked at me. "Una na ako, don't hit other people's head," he remind me bago sumakay roon.

Napaawang na lang ang labi ko sa sinabi niya. Ilang beses ko ba dapat sabihin sa kaniya na hindi ko sinasadiya tsaka wala akong dalang plates ngayon noh. Infairness naman sa kaniya ano? Medyo nagtatanim siya ng sama ng loob.

Nang makauwi ako ginawa ko na ang dapat kong gawin, may mga assignments pa rin naman kasi ako sa minors.

Maaga ako natapos kaya binuksan ko na ang matagal ko nang 'di binubuksan na group chat. Nag-uusap lang sila about sa kailangan bilhin and sa fund na gagamitin.

Kai Esquivel: Nay pasok ba lahat bukas?

Adria Chung: Wala ako, may gagawin ba?

Adria Chung: Kailangan ba pumasok?

Natuto na ako, dahil sa pagsusuplada ni Paula sa akin ay kailangan ko na tumulong baka talagang tama siya na hindi talaga ako natulong.

Kai Esquivel: Nope, need namin ng bibili ng materials.

Kai Esquivel: Magkasama naman kayo ni Uno.

Uno De Franco: Desisyon ka?

Hindi ko napigilan ang pagtawa ko sa attitude ni Uno, kahit sa chat ganoon na ganoon pa rin ang attitude niya. Kahit ilang beses ko pa lang siya nakakausap ay parang narinig ko na ang boses niya habang binabasa ang chat niya.

Kai Esquivel: Wala ka kayang pasok bukas tol

Kai Esquivel: Pwede naman ikaw maglakad ng mga letter sa dean

Kai Esquivel: Ako na sasama kay Ada

Mas okay sa akin kung si Kuya Kai ang sasama baka himatayin lang ako sa presensiya ni Uno, anytime bubugahan niya ako ng apoy eh.

Uno De Franco: I'll go with her.

Hindi ako mahilig mangialam sa desisyon ng mga tao, pero parang gusto kong tanungin si Uno kung bakit niya naisipan pumayag? Ganoon niya ba kaayaw maglakad ng letter sa dean?

Hindi ko na ulit binuksan ang group chat na iyon dahil hindi ko na alam anong gagawin ko. I mean bibili lang naman kami materials sa divisoria I guess, pero with Uno? Kami lang dalawa? Kaya ko bang tumagal ng ilang oras nang hindi siya ginagalit?

Uno De Franco sent you a friend request

Agad kong inaccept ang request niya, hindi ko rin napigilan na i-stalk siya. Iyong profile picture niya ay siyempre mukha niya, Nasa maliit na stage at may hawak na gitara, siguro nasa gig siya nito.

Nagscroll pa ako pero wala naman ako masyadong nakita, mostly tagged photos lang ang meron siya. Wala ring mga shared post kaya tinigilan ko na.

Uno De Franco: Anong oras bukas?

Nagulat ako nang magchat siya. Oo nga pala magkasama kami bukas halos makalimutan ko na.

Adria Chung: Ayos lang sa'yo maaga?

Uno De Franco: Anytime will do.

Adria Chung: Nga 8 na lang siguro para maaga rin makauwi.

Adria Chung: Doon na ba tayo magkikita?

Uno De Franco: I'll fetch you.

Hindi ako nakapagtype nang ilang segundo sa sinabi niya, hindi naman siguro niya ako gagantihan ano?

Adria Chung: Sure ka?

Uno De Franco: Sabihin mo lang kung ayaw mo.

Lagi na lang siyang galit kahit maayos naman yung sinasabi mo. Minsan ko lang marinig magsalita si Uno pero bakit kaya naririnig ko talaga tono ng pananalita niya?!

Adria: Okay sa Lessandra ako, just chat me kapag andito ka na.

Kinabukasan maaga ako nagising dahil nakakahiya naman if ever magpapaantay ako kay Uno, baka lalo lang magalit sa akin 'yon kapag late ako.

Kumain lang ako ng cereals tapos naligo na ako. Nagsuot lang ako ng v-neck na white shirt saka pants at vans dahil mamimili lang naman kami.

Habang nag-aantay ay tumawag si Winona sa group chat namin at agad ko naman sinagot, ang aga nila magising ah.

"Nood tayong sine!" aya niya pagkasagot namin. Kami lang ni Rae ang sumagot, mukhang tulog pa si Rye.

"Ano ba panonoorin?" tanong ni Lyrae.

"Hindi ako pwede eh, may lakad ako." Agad natahimik si Winona.

Alam kasi nila na wala naman akong ibang kaibigan maliban sa kanilang tatlo. "SC," sabi ko agad bago pa nila ako i-judge. Hindi ko alam bakit ako kinakabahan e totoo naman 'yong sinabi ko.

"Samahan ka na lang namin," sabi ni Lyrae kaya nanlaki ang mata ko. Ayoko naman gawing awkward para kay Uno ang pamimili dahil sinama ko silang tatlo. Tsaka nagmagandang loob na nga siyang sunduin ako eh.

"May kasama ako e." Pinipili ko maige ang mga sasabihin ko dahil grabe talaga 'yang mga iyan kung maghinala kahit never naman ako nagsinungaling sa kanila.

"Ay ganun ba? Okay take care bb, tayo na lang Rae!" Nakahinga ako nang maluwag nang hindi na nila i-push ang balak nilang samahan na lang ako o 'di kaya alamin kung sino ang kasama ko. Wala naman talagang kakaiba sa gagawin namin ni Uno, I just don't want them to get the wrong idea.

Nang magchat na si Uno, bumaba na ako agad. Hinahanap ko siya sa lobby pero hindi ko siya makita kaya i-chachat ko sana siya kaso nagchat pala siya ng 'outside.' kaya lumabas na ako

Nakita ko ang itim na range rover na naka-hazard, 'di ko sure kung siya 'yon, wala naman siyang sinabi kaya tumapat ako sa bintana no'n kaso tinted.

Ayoko naman silipin kasi baka ibang tao pala, nakakahiya. Kukunin ko pa lang ang phone ko nang biglang bumaba ang bintana at nakita ko si Uno sa driver's seat.

Ewan ko pero natulala ako sa itsura niya, sa sobrang takot ko sa kaniya na set aside ko na 'yong fact na ang gwapo niya at mas gwapo siya ngayon pero naka-white shirt lang naman siya na may sulat sa gitna na hindi ko mabasa dahil naka-side view siya pati na rin itim na cap.

"Oy," sabi niya kaya bumalik ako sa katotohanan at pumasok na sa loob.

"Good morning," bati ko na lang. Bakit ba ako natulala sa kaniya? Hindi naman ito ang first time na nakita ko siya.

"Morning," sagot niya at nagsimula na magdrive. Tumingin na lang ako sa bintana dahil medyo nakakadistract talaga ang itsura niya ngayon.

"Nagbreakfast ka na?" Nabigla ako nang magsalita siya, never na ata ako masasanay na nagsasalita siya. Kinikilibutan talaga ako hindi ko alam bakit.

"Ah oo, ikaw ba?" Napalingon tuloy ako sa kaniya at umiling naman siya bago siya lumiko sa drive thru ng Starbucks.

"No straws," sabi niya bago kinuha ang paper bag at dalawang drink at binigay niya 'yung isa sa akin.

"Hala thanks pero 'di ako nagkakape." Nagkakape lang ako kapag kailangan na kailangan ko na lalo na kapag nagawa ako ng plates pero may nakapagsabi kasi sa akin na effective raw ang apple kaya madalas kumakain na lang ako ng apple.

"Archi student na hindi nagkakape? Bago 'yon ah." Natawa ako sa kumento niya.

"Wala pa akong plates ulit e," sagot ko na lang.

"But thanks anyway." Binuksan niya ang parang small compartment sa harapan ko at may kinuhang parang lalagyan ng sunglasses pero metal straw ang kinuha niya mula roon.

"Choose," utos niya sa akin na pumili between doon sa straight lang na straw at doon sa may curve. Kinuha ko ang may curve dahil baka mas gusto niya 'yong straight dahil ganoon naman talaga yung binibigay sa Starbucks.

Naamaze ako sa kaniya na may metal straw siya palagi kaya nakatitig lang ako roon. "Malinis 'yan," sabi niya na para bang na-judge ko siya kaya natawa ako.

"Defensive?" Tumingin ako sa kaniya pero 'di niya ako pinansin. "Na-amaze lang ako na may metal straw kang dala."

"Well, save the turtles."











Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top