CHAPTER ONE | NO BODY, NO CRIME
Our crime against criminals lies in the fact that we treat them like rascals – Friedrich Nietzsche
RUTHLESS SINS SERIES 4 | SWEET RUNAWAY
CHAPTER ONE | NO BODY, NO CRIME
JED
"Nagustuhan mo ba 'to?"
Hindi ako sumagot sa tanong na iyon ni Patek... ni Kuya Santo... napangiwi ako. Ano nga ba ang itatawag ko sa kanya? Nasanay akong tawagin siyang boss o kaya Sir katulad ng pagtawag ko kay Mr. Rozovsky. Pero ngayon na alam na niyang kapatid niya ako, hindi ko alam kung paano siya tatawagin. Nakakaalangan naman na tawagin ko siyang Kuya Santo katulad ng pagtawag ko sa kanya noong maliit pa ako. Parang hindi na siya bagay na tawagin ng ganoon ngayon.
Tumingin siya sa akin dahil hindi ako sumagot. Nagtatanong ang tingin tapos ay muling tumingin sa paligid.
"Ayaw mo ba dito? Kung ayaw mo, maghahanap tayo ng ng iba. Townhouse maybe if you want to have a big garage for your cars. Kung hindi mo gusto itong condo puwedeng-"
"Hindi ko alam kung ano ang itatawag ko sa iyo." Seryosong sabi ko sa kanya.
Saglit siyang natigilan tapos mayamaya ay napangiti.
"Ano ba ang gusto mong itawag sa akin?"
Napakamot ako ng ulo at napailing. "Hindi na bagay kasi sa hitsura mo at personalidad na tawagin kitang Kuya Santo. Baka hindi ka igalang ng mga tao mo. Nakakaasiwa naman kung basta na lang kitang tatawagin na Patek. Boss na lang kaya ulit."
Lumapit siya sa akin at umakbay. "Whatever you want to call me, it's up to you. Kahit tawagin mo akong pare walang problema. Basta nandito ka na at magkasama tayo." Napahinga siya ng malalim at hinawakan ang mukha ko. "Hindi na tayo magkakahiwalay."
Ngumiti din ako sa kanya at tumango. Humiwalay siya sa akin at tiningnan muli ang paligid ng condo unit na ibinili niya para sa akin.
"Two bedrooms naman 'to kaya kung may mga bisita kang gustong papuntahin dito walang problema. Umalis ka na sa apartment na tinutuluyan mo. Ayaw kitang tumira pa doon," sabi pa niya habang naglakad at tumungo sa kusina. Doon naman nagtingin-tingin ng paligid. Nakasunod lang ako at natatawa sa kanya. Naaalala ko noong maliit pa ako. Ganito na talaga siya. Gusto niya organized ang lahat ng bagay. Kahit laman siya ng kalsada noon at uuwi na madusing, pagdating sa bahay magliligpit pa siya at lilinisin pa niya ako bago ako matulog. Hindi puwedeng matutulog ako na madungis. Samantalang ang nanay namin ay wala sa kung saan.
"Ano? Gusto mo na ba dito o ihahanap kita ng townhouse? Kung problema mo ang dalawang kotse na ibinigay ko sa iyo dito, we can buy two parking slots for your cars. Kakausapin ko ang-"
"Okay na ako dito. Kahit naman walang kotse sanay naman akong mamasahe saka magta-trabaho pa rin naman ako kay Mr. Rozovsky kaya hindi ko rin naman magagamit 'yon dahil ipagda-drive kita saka siya." Putol ko sa sinasabi niya.
Natawa siya. "Sabagay. Pero iba pa rin 'yong mayroon ka. Para naman ma-impress mo ng maigi ang mga babae mo. Ayaw kong mamaliitin ng mga babae ang kapatid ko."
Napailing na lang ako at natatawa na lumabas sa kusina habang nakasunod sa kanya. Sige lang siya lakad sa loob ng unit habang tinitingnan talaga ang lahat ng naroon. Gustong masiguro na nasa tama ang lahat at magugustuhan ko.
"What's the news about..." hindi ko agad naituloy ang sasabihin ko kaya napatingin siya sa akin at hinihintay ang sasabihin ko.
"News about?" tanong niya.
"Him. Isidro."
Hindi agad siya nakasagot. Pagkatapos naming mapatay si Isidro ay talagang siniguro namin na hindi na matatagpuan pa ang katawan nito. Isa iyon sa talagang hindi ko makakalimutan noong nag-aaral pa ako ng pagkapulis. Corpus delicti. A crime must be proved to have occurred before a person can be convicted of committing a crime. In short, no body, no crime.
So, what we did to Isidro's body?
Cut it in pieces and burned it to ashes. There was no trace of him to be found anymore.
Just the dark past that he did to us and forever imbedded in our heads.
"Ilyenna did something about it. She made a news about him that he fled the country to prevent jail time because of the rape crimes that those boys are pinning him." Kaswal niyang sagot at naupo sa sofa na naroon.
"Talaga bang biktima din niya ang mga lumabas na mga lalaki?"
"Of course not. Those are actors. Paid by Ilyenna to pin Isidro. Pero iyong batang pulis na nagreklamo sa kanya, totoo iyon. Are you not watching news? Kalat na kalat ang nangyari na iyon kay Isidro. Pinasok ng mga imbestigador ang opisina niya at natagpuan doon ang mga male child pornos, pictures of young boys and his computer history..." napahinga siya ng malalim. "He is a fucking sick bastard and he deserve what we did to him." Seryoso na ngayong sabi niya. "Bakit? Nakokonsensiya ka ba?"
Sunod-sunod ang iling ko. "If I can kill him again, I will do it. Again and again." Mariing sabi ko.
Ngumiti siya ng mapakla. "And everything is over. This is our time to change the course of our lives. Together. I mean..." naihilamos niya ang kamay sa mukha at napabuga ng hangin. "Even if I am going to get married, I will never abandon you anymore."
"Married? You are going to get married?" Nangingiting tanong ko.
Tumango siya. "Well, she doesn't know it yet, but I already have plans. I wanted to surprise her."
"Katarina Botkov, huh? Nagpaalam ka na ba sa Kuya? Kay Pavel. I heard something happened to their family. Her parents died with Dmitri." Paniniguro ko.
"Iyon nga din." Napakamot siya ng ulo at napasandal sa kinauupuan. "The last time I called her she told me that there is an investigation going on but... it seems like the three of them died to that explosion."
"Was it an accident or someone did that?"
Nagkibit siya ng balikat. "Who knows? Sa dami ng mga kaaway ng mga Botkov, puwedeng pagbintangan ang lahat. But definitely, it was not Stas. Stas would never do that kind of retaliation. You know him. He doesn't like an easy death for his enemies."
"That's why he spared me?"
Umangat ang kilay niya at natawa sa akin. "Spared you? You are not his enemy, Basil. You are part of the family now. Alam ni Stas iyan. Napatunayan mo na naman kung nasaan ang loyalty mo 'di ba? The job that he told you do, that would seal the deal."
"Arseny Sidorov." Naupo rin ako sa tabi niya at napasandal sa sofa.
"Yeah. You need to kill him. For Antolin Kurnirov, let me do that one. Stas wanted to do it to him personally since he was the one who kidnapped and tried to hurt Damien."
"But they are all hiding. Their organization are on the brink of collapse." Paliwanag ko.
"And that is good news to us. Stas are beginning to take over their businesses now that they on their weakest. Although ang grupo ni Sidorov, marami pa ring loyal sa animal na iyon kaya hindi agad-agad madi-dissolve ang Black Spider Group. That's your job. Find these guys and kill Sidorov."
Hindi ako nakasagot. Saan ko naman hahanapin ang isang iyon? Pero hindi ko puwedeng biguin ang kapatid ko. Alam kong siya ang dahilan kung bakit humihinga pa ako ngayon at hindi pinatay ni Mr. Rozovsky. Kaya kailangan kong patunayan na worthy pa rin akong maging miyembro ng organization ng mga Rozovsky.
Naramdaman kong inakbayan niya ako at nangingiting tumingin sa akin.
"Alam kong magagawa mo 'yon. Ikaw pa ba? So, are you okay with this?" Muli ay tumingin siya sa buong paligid.
"Oo naman. Napakaganda nito. Walang-wala sa apartment na tinitirahan ko. Okay na ako dito."
"Good. Gusto ko lahat ng mayroon ako, mayroon ka din. Give me your bank account, I'll wire money for you."
Sunod-sunod ang iling ko. "Hindi ko na kailangan 'yon. May ipon naman ako saka wala naman akong ibang pagkakagastusan. Wala akong hilig."
Kumunot ang noo niya sa akin. "Wala kang hilig? Kahit ano? Kotse? Relo?"
"Wala." Umiiling na sagot ko.
"Babae? Pagkakagastusan na babae?"
Lalo akong natawa. "Lalong wala."
Nakita kong sumeryoso ang mukha niya sa akin at napatiim-bagang.
"Are you gay, Basil?" seryosong-seryosong tanong niya. "I-if you are like that I... I can accept you but is that because of-"
"Ano?" Natatawang lumayo ako sa kanya. "Gay? Hindi ako bakla. Lalaking-lalaki ako."
"But do you have experience with women? I mean, if you are still a virgin, I can get women to teach you how. Twosome, threesome, fucking gangbang you just tell me." Talagang seryosong-seryoso siya at hitsurang concerned na concerned.
"Of course, I have experience with women. Madami." Natatawa pa rin ako.
"Girlfriend. Wala kang girlfriend?" Worried pa rin ang tono ng salita niya.
Gusto ko nang humalakhak. Hindi pa rin ako sanay ng ganitong klaseng usapan. Secretive akong tao. Wala akong pinagsasabihan na kahit sino kung ano ang nangyayari sa buhay ko. Siguro kasi wala naman akong pinagkakatiwalaan magmula nang magkahiwalay kaming magkapatid noon.
Umiling ako. "Wala lang akong matipuhan pa."
"Sabagay. Mahirap naman ipilit kung sino ang gugustuhin mo." Napahinga lang siya ng malalim. "I just want to be everything normal with you. Kung may chance lang talaga akong baguhin ang mga nangyari, hindi ako papayag na ganito rin ang maging buhay mo. Gusto kong maging maayos ka. Magkaroon ng tahimik at malayo sa gulong buhay."
"Tingin ko ito na ang kapalaran natin. Saka kung hindi naman nangyari ang mga bagay-bagay sa buhay natin hindi rin tayo magkakaganito. Experiences in our lives taught us how to be strong and resilient. All my bad experiences taught me how to cope up with it."
Napangiti siya at napapailing. "Ibang-iba na talaga ang kapatid ko. Wala na ang uhuging bata na laging umiiyak noon tuwing uuwi ako."
Natawa din ako. "Hindi na naman ako sipunin ngayon."
"Talaga naman. Ibang-iba ka na. Pero tanggapin mo ang lahat ng mga ibibigay ko sa'yo. Hindi mo puwedeng tanggihan. Regarding kay Sidorov, I'll help you with him. Don't worry. You will find him." Tumayo na siya at inayos ang sarili. "I'll get going. Ang tagal na naming hindi nagkikita ni Katarina and I need to plan a surprise for her."
Inihatid ko siya hanggang sa may pinto. Binuksan ko na iyon pero hindi siya agad lumabas. Humarap siya sa akin at bahagyang ngumiti.
"Please send me your account number. And I just have one little request." Hitsurang kinakabahan siya nang sabihin iyon.
"Ano?"
"Can you call me kuya?" Nakita kong napalunok pa siya at alanganing ngumiti sa akin. "I know it will sound awkward and I know it had been so many years and you won't be used to call me-"
"Salamat, Kuya." Putol ko sa sinasabi niya.
Nakita kong natigilan siya nang marinig ang sinabi ko tapos ay bahagya pang namula ang mga mata. Mayamaya ay napangiti at hitsurang tuwang-tuwa siya sa narinig niya.
"Thank you." Nakangiting sabi niya at yumakap sa akin. "I'll see you again."
Kumaway siya sa akin at tuloy-tuloy na lumabas. Isinara ko ang pinto at napangiti. Ibang klase ang gaan ng pakiramdam ko. Pakiramdam ko, buo na ang pagkatao ko ngayon na magkasama na uli kami ni Kuya. And calling him kuya again was the best part of this new beginning.
Tumunog ang telepono ko. May email akong na-receive mula sa bangko ko na may na-credit daw na pera. Tiningnan ko iyon at nanlaki ang mata ko nang may madagdag doon na five million. Muli, may nagsend sa akin ng message. Si Kuya Santo.
Dadagdagan ko pa 'yan. Use it. Enjoy it. And please, mambabae ka para hindi ako kinakabahan. Kung may gusto kang kahit ano, sabihin mo lang sa akin.
Napahalakhak ako sa message na ipinadala niya at nag-reply ako.
Thank you, Kuya. Pero mabait kasi ako. Hindi ako babaero.
Smiley na may angel halo lang ang reply niya sa akin.
Pabagsak akong naupo sa sofa na naroon at isinandal ko ang sarili ko. Ilang beses akong huminga ng malalim dahil gusto kong maramdaman ang kalayaan mula sa madilim na nakaraan na nangyari sa aming magkapatid. Ngayong wala na si Isidro, pipilitin kong baguhin ang buhay ko.
At uumpisahan ko iyon sa paghahanap kay Arseny Sidorov.
Kailangan kong mapatunayan na deserve ko ang second chance na ibinigay sa akin ni Mr. Stas Rozovsky.
---------------
Currently on Chapter 26 in Patreon and FB VIP. Slide a message to Helene Mendoza's Stories to read the exclusive chapters.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top