CHAPTER 8
Investigate
"Morning," napairap ako at dumiretso lang papuntang counter.
"Can i have iced coffee Andy," tumango sya at nagsimula ng gumawa, humarap naman ako sa lalaking kanina pa ko tinatawag!
I don't know but i find him annoying!
"I said good morning!" pagpapapansin nya, nasa baba sya ngayon nakaupo at wala pang masyadong tao.
It's seven am at nine pa ang class namin, pero pagkukumpleto nalang iyon ng aming requirements. Next week ay magpoproceed na kami for the preparation para saaming competition.
Magiging bakasyon ang laban namin pero, na ka support pa din ang bawat university sa bawat candidate.
"Same to you," aniya ko at umupo sa harap nya.
Ako lang ba ang nag-akala? na seryoso sya at masungit? bakit ang kulit kulit nya ngayon!
"Yung gaya lang ng dati please," aniya nya na ipinagtaka ko.
"Anong gaya ng dati?"
"My order? ang tagal mo kanina pa ko nagugutom!" aba'y magaling!
"Eh bakit mo ba ako hinihintay? pwede ka namang umorder!" ipinatong nya lang ang kanyang baba sa dalawang kamay at seryoso na tumingin.
"I want the one you made," he said.
Umalis nalang ako at ginawa ang gusto nyang order, nako kung wala lang talaga kaming misyon na gagawin!
"Ako na po," si Andy.
"Wag na ako na, may maarte kasi tayong customer," tinuro ko ng tingin si Acye na tila komportableng nakaupo!
May dala syang school bag and laptop.
Teka nakitang kong business ad student sya, ano kayang year nya?
"Oh, ito na! sabihin mo na kasi yung plano!" nagtaas sya ng kilay.
"Can i eat first?" mas lalo akong napairap sa kanya, sige lang! matatapos din ito!
"Dalian mo! may klase pa ako!"
"You're so rude, mas matanda ako sayo," aniya habang umiinom ng americano nya, seriously? nakakatulog pa ba sya?
"Really? ilang taon kana ba? at tsaka anong year kana?" tumaas ang kanyang kilay at biglang ngumisi.
"Curious?" ngisi nyang ani.
Aba tong lalaki na to! nanggigil na ako sayo!
"No! just asking!" umiling sya at parang di naniniwala.
"I'm a fourth year student, graduating next month," nanlaki ang aking mata! really?
"How about you? Highschool?" aniya nya habang tumawa.
"Ha ha! funny! third year na ako! turning fourth next school year!"
"Really? hindi halata," aniya nya at tumingin pa mula ulo hanggang baba!
Umirap ako sa kanya at sinamaan sya ng tingin.
"Shut up! I know I'm beautiful and baby face! sa height lang ang hindi halata!" napatitig sya saakin na ipanagtaka ko.
"Yes, you're right," he whispered.
"What did you say?" umiling lang sya at sinubo ang last piece ng kanyang cheesecake.
Aba ang takaw!
"Can i have another one?" aniya nya at ibinigay saakin ang walang lamang plato!
"Seriously Acye! kakain ka nalang ba dito?" nagkibit balikat sya at tumingin lang sa laptop.
Pagkabalik ko ay naubos nya na din ang kape nya, pwede bang magwala!
"No, no just sit, mamaya na ulit," napahinga ako ng malalim buti nalang!
"I'm twenty two year's old by the way," aniya habang may kinakalikot sa laptop.
So twenty two! at ganyan na ang katawan nya!
I mean, hindi sa tinititigan ko sya ah! the way he wears a uniform fitted his body! yung tipong may abs na tinatago and his broad shoulder makes him look so hot!
Gosh! kalma Acelle!
Nakita ko syang ngumisi kaya napabalik ako sa wisyo.
"Who cares?"
"What about yours? how old are you?"
"Turning twenty, ahm this year," napatitig sya saakin at may parang may gustong sabihin pero hindi natuloy, tumango nalang sya at hinarap saakin ang kanyang laptop.
"We're gonna go to our companies building," seryoso nyang ani, nagtaka naman ako sa kanyang sinabi.
"Wait, what do you mean?"
"Pupunta tayo sa company ng Daddy mo at ng Daddy ko, i believe that it has a connection to business? or something?"
Teka pupunta sa company ni Daddy? The Lexc Company, minsan lang ako isama nila Mommy at Kuya doon! at hindi ko na alam kung saan banda iyon!
"How?" umayos sya ng upo at nagsimula ng magexplain.
Plan Number 3
Ask my parents or brother, if I'm allowed to go to their office.
At kung failed proceed to plan 4.
Plan Number 4
Magdisguise! para makapasok sa company!
Pero paano?
"Tsk, I'm not planning without back ups, here we will pretend to be an investor,"
"Pano kung mahuli tayo!" problemado kong tanong.
"Edi itry natin kung mahuhuli nga tayo," simple nyang ani, oo nga no!
Napagkasunduan namin na maginvestigate pagtapos ng aking klase, hindi na ako nakapagpaliwanag kay Lia dahil nang-aaya syang magbar, tumakbo ako para makatakas sa kanila!
Mamaya na siguro ako magpapaliwanag!
Sabi ni Acye, nasa parking lot na sya!
Inisa-isa ko ng ang kotse wala naman sya!
Biglang tumunog ang cellphone ko.
"Where are you ba?"
"Nasa harap mo," pagkasabi non ay may umingay na sasakyan dahilan ng aking pagkagulat.
Langya tong lalaki na to!
Lumabas sya at may malaking ngisi sa kanyang labi.
"Let's go," binuksan nya ang pinto ng kanyang black SUV, agad naman akong pumasok don pero inirapan ko muna sya!
Saglit lang ang naging byahe papunta sa kanilang company! kasunod ang akin dahil malayo layo ito.
"Teka nga kinakabahan ako!" aniya ko sa kanya, hinila nya naman ako papasok at nanlaki ang mata saaking nabasa.
Novaldez Group of Company!
Teka nga! ano maiinbestiga namin dito? at tsaka paano?
"Ano ba talagang gagawin natin dito?" bulong ko sa kanya ng nasa elevator na kami, marami kaming kasabay kaya bumulong din sya bilang tugon.
"To investigate," he simply said.
"How?" ngumisi lang sya at hinila na ako palabas!
Pagpasok palang sa hallway ay tila kilala sya ng lahat dahil halos lahat ay bumabati sa kanya!
May napapatingin saakin at ngumingiti nalang, pano ba naman at nakaholding hands kami ni Acye!
Pilit ko iyong tinanggal pero lalo nya panghinigpitan!
Yari ka talaga saakin mamaya!
"Excuse me Mr. Novaldez, hindi pa po nakakauwi ang Daddy nyo," sabi ng isang secretary ata ng Daddy nya.
Hindi ko namalayang nasa pinakataas na pala kami ng floor ng makita ko ang labas.
"I'm here for Ate Dalia, tinawagan ko na sya," tumango ang sekretarya at iginaya kami sa isang pinto.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top