CHAPTER 7

Plan

Nagplano kami ng aming gagawin para daw sa isang mission, at first ay hindi ako pumayag pero napapayag nya din kalaunan, what should i do? I'm curious too! at kung hindi nila kaya sabihin saakin iyon ay aalamin ko nalang!

"Gawan mo muna ako ng kape," natigilan ako sa kanyang sinabi, nginitian nya lang ako at iwinagayway ang tasa na walang laman.

"Sige sasabihin ko kay Jet-"

"No, gusto ko ikaw yung gumawa," he smile again at inabot saakin ang cup na hawak nya!

Wala akong magawa kundi gawan sya ng kape! this americano man! ang hilig sa americano! dapat doon nalang sya tumira sa Amerika!

Naabutan ko syang may kausap sa kabilang linya, tahimik akong pumasok at inilagay ang kanyang order.

"Where's my blueberry cheesecake?" aniya kahit may katawagan.

"Huh? ito oh-" napatigil ako ng makitang wala ng laman ang kanyang pinggan! teka ang laki pa non kanina! wag mo sabihing nilamon nya yon ng isahan nung wala ako?

"Can you please get me another blueberry cheesecake? yung nakadisplay sa counter ah," aniya nya at bumalik ulit sa katawagan! inis na bumaba ako, relaxe Acelle customer mo yan!

"A-acelle, di ba bawal pa pong kunin yan?" aniya ni Mia.

Tumango ako at umiling.

"May nagrequest kasi, tsaka magbabake nalang ulit ako bukas para makadisplay ulit dito," tumango lang sya at bumalik sa counter.

Kakabake ko lang nito kanina, nagbake din naman si Andy at iyon ang binibenta namin, pangdisplay lang itong bake ko, ewan ko ba sa lalaking yon!

Pagkabalik ko sa taas ay may dala na din akong iced coffee pangpatanggal pagod, naabutan ko namang nakangisi si Acye at nakataas ulit ang cup!

Teka, wag mo sabihin!

"I would like to order another cup of americano please," napasinghap nalang ako sa kanya pano ba kami makakapagplano nito!

Binuksan ko ang pintuan ng office ni Daddy! kabang kaba man ay ikinalma ko ang aking sarili!

Naabutan ko syang nandon kaya napakatok ako ng disaoras!

Plan number 1

Ask my parents.

Alam ko namang hindi ito epektibo pero pinilit nya ako! pagnapagalitan talaga ako yari sya saakin!

"What is it Acelle?" isang baritong boses ang nagpagising saakin sa realidad!

Kaylangan ko ba talagang gawin ito!

Maingat ako pumasok at tumayo sa harap ni Daddy, si Daddy naman ay patuloy sa pagpirma ng mga files na nasa harap.

"Ahm, ano po kasi Daddy," inusog nya ang kanyang upuan para humarap saakin ang masungit nyang mukha ang lalong nagpakaba saakin!

Leche ka talaga Acye!

"Daddy, pwede po bang m-magtanong?" huminga ako ng malalim at tumingin ulit kay Daddy.

"About the engagement po ni K-kuya?" bumalik ulit sa pagpirma ng documento si Daddy.

"What is it about?"

"Di ba p-po, sila po ni A-ate Dalia-"

"Why don't you just study? imbes na tanungin ako sa ganyan?"

Mission failed.

"Wala pa si Mommy! napilitan nga lang ako kay Daddy! why don't you ask him by yourself!" he sighed in the other line.

"He's your Daddy, bakit ako papatanungin mo, eh anak ka," aniya nya, inis na umakyat ako saaking kwarto.

"How about you? natanong mo na ba yung parents mo?"

"Not yet, they went to Iceland, wala atang signal," nagpagulong gulong ako sa kama, bago sya sagutin.

"Bakit nasa Iceland? anong ginagawa nila don?!"

"Why don't you ask them by yourself," balik nyang tugon.

Umirap ako sa ere, mali ata na nagexchange number kami at gumawa ng mission!

"Really Acye! dyan kana nga-"

"Wait...wait, they went for Aurora borealis! bukas pa ang dating nila,"

"Tsk, i thought bibilhan ka ng alagang penguin, anyway, proceed to the other plan!" inend call ko agad ang tawag at kinabahan nanaman muli.

Plan Number 2

Ask your brother/sister.

Nasa harap na ako ngayon ng kwarto ni Kuya, wait is this too sensitive kay Kuya? wag nalang kaya?

Pero kaylangan kong malaman! kung ano talaga ang nangyari!

Huminga ako ng malalim at kumatok sa kanyang pinto.

Tama itatanong ko lang sya kung bakit naging ganon ang ganito basta, kaya mo yan!

Kumatok ulit ako pero walang sumasagot.

"Excuse me po, Miss Acelle wala po si Sir dyan, lumabas po ata,"

Mission failed!

"Eh, ano nga ang magagawa ko wala din si Kuya!" asik ko sa kabilang linya.

"What about your sister? natanong mo ba?"

"Nope, she went away, hindi ko macontact,"

Great! I think this plan is not gonna work!

"Eh, kung makatanong ka sakin, hindi mo din pala natanong ang Ate mo!"

"So, kasalanan mo?"

"Oo! kasalanan ko! wait, what?!" inis nahinagis ko ang unan sa kawalan.

Kung nandito kalang talaga ihahagis ko sayo to!

"Just kidding," ani nya habang tumatawa.

"So, we need to plan our other plan tomorrow," napatigil ako sa kanyang sinabi.

Tomorrow! talagang magkikita pa kami?!

"Why don't we talk about it now,"

"Maganda ang face to face, so we can understand each other,"

"I'm busy tomorrow!" pagsisinungaling ko, hindi na ako busy malapit na ang bakasyon! pwera nalang sa competition namin.

"Then, after your class,"

"Matagal pa matatapos yon,"

"I'll wait then,"

"Sabihin mo nalang kasi dito!" inis kong ani.

"Do you want our mission to be success?" ani nya.

"Oo naman! pero pwede mo namang sabihin dito ang sunod na plano,"

"Hindi nga pwede," nagtaka ako sa kanyang sinabi.

"At bakit naman?!"

"Gumagana lang ang isip ko pagkumakain ng blueberry cheesecake, wala tayong plano kung di dahil doon," gusto ko na atang magwala ngayon!

Plano! eh dalawang plano lang ang naisip nya kanina! at puro failed pa!

"And i want your own bake, may hinahanap kasi akong lasa," umirap ulit ako sa ere.

Natapos na ang tawagan namin na walang kakwenta kwenta!

Mission ba to? puro kain nga lang yung ginagawa nya sa cafe!

Biglang tumunog ang aking phone hudyat ng may tumawag muli, nahiga nalang ako sa kama at sinagot iyon.

"Oh, ano nanaman problema mo?"

"Acelle, i need you to come to my room, wait what did you just say?" halos matapon ko ang aking cellphone ng makita kung sino ang tumawag!

"Hello po, Kuya! w-wala iyon akala ko si Lia," kabang kaba kong ani!

"I need you to come to my room, get my other car keys and give it to Manong," nakarinig ako ng ingay sa paligid.

Teka nasa bar ba sya?

"S-sige, sige, where are you ba?"

"I'm in the bar, nakuha mo na ba?"

"Yes, yes, nabigay ko na,"

"Okay, okay, matulog kana and don't tell Daddy where I'm," inend call ko na ang tawag namin at napahilamos sa mukha.

Nakalimutan ko pala syang tanungin!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top