CHAPTER 6

Mission

Hindi kami magkaundamayaw ng hilain kami palabas ni Orie, teka anong problema ng babae na to? ngayon lang nagpakita at parang may malaking nasagap na chismis!

"Ano ba kasi yon! binatawan mo nga kami!" si Lia na nagpupumiglas, binitawan naman kami ni Orie yun nga lang ay sa dulo na ng hallway.

"Guys! you won't believe this!" tarantang aniya ni Orie.

"What is it ba?! ang tagal sabihin bitin na bitin na kami eh!" aniya ko sinabunutan naman ako ni Orie! aba na nanakit pa to!

Inirapan nya ako at may inilabas na envelope, binuksan nya ito ay halos ipagsaksakan sa mukha namin!

"What is this! akin na kasi!" kinuha ni Lia ng maayos at doon lang din namin nakita, hinampas ko naman si Orie at nanlaki ang mata sa nakita.

Wait! What?!

"I'm sure you don't know this Acelle, kaya nagmamadali akong pumunta dito! nalate pa ko dahil dyan!" nanlaki ang mata ko at paulit-ulit itong binasa!

This can't be real!

"W-what?! we have an engagement party yesterday! hindi ito totoo!" napaharap ako kay Orie at nagkibit balikat lang sya.

"Natanggap ni Papa yan kanina, galing sa Daddy mo! kaninang umaga! nagulat din ako! hindi ba sabi mo engaged na si Kuya Finn kay Dalia? bakit na engaged ulit sya kay Ginny Samaniego?!" si Orie.

"H-how? maayos ang usapan kagabi! and Kuya seems in love with Dalia! and Dalia too! bakit naging ganto?!"

"I don't know Acelle, and this invitation palagay ko ay napamigay na! right after the engagement dinner nyo!"

Napatingin ulit ako sa invitation na iyon, at may photoshoot pa sila!

"Oh, san ka pupunta? pinapatawag pa tayo!" napabalik ako ng hilain ako ni Lia.

"Mamaya na yan Acelle, wala ka naman ding magagawa! that's your Daddy's decision!" napatingin ako sa kanila at tumango nalang.

Alam ko namang kahit magtanong ako ay hindi din nila iyon sasagutin! even Mommy! kaya sometimes i feel far from them, our family's secret is secret to me too!

"Halikana nga, punta nalang tayo kay Ma'am," buntong hininga kong ani, siguro mamaya ko na iintindihin yon!

Kumatok muna kami bago pumasok sa office nadatnan namin si Ma'am Kia.

"Oh, welcome girls! have a sit!" umupo kaming tatlo sa sofa.

Inexplain lang ni Ma'am na kami ang ilalaban sa contest para sa darating na cooking show, isa lang ang Main Chef kaya si Lia ang napagbotohan namin at sya naman talaga ang pinakamagaling saamin! kami naman ay assistant chef at gagawa din ng courses like appetizers etc.

"I trust the three of you, kaya kayo ang kinuha ko at alam kong masasarap kayo magluto! you will be the face of your department this year! hindi ko kaya tinatakot pero nanalo ang school natin nung nakaraan!" nahihiyang tumawa kaming tatlo, omg! is this real!

Pagtapos ng aming huling cooking laboratory ay tapos na ang finals namin, next week pa raw ang preparation magpapa photoshoots kami for the tarpulin at irerepresent namin ang aming school!

Medyo kinabahan kaming tatlo at napepressure! hindi ako gamay sa pagluluto, sabihin na nating masasarap ang mga naluto ko, pero pinag-aaralan ko pa iyon ng ilang araw para makuha!

Nagpasya kaming maghiwalay muna dahil sa iba pa nilang schedules, pumunta akong cafe namin wala doon si Mommy, at tanging sila Jet lang ang nandon.

"A-acelle, pinafull day pala ako ni Ma'am Fresla," tumango ako sa kanya pati kay Mia na nasa counter.

"Kamusta?" tanong ko sa kanya, medyo nag-alinlangan sya at tumingin sa second floor.

"Ano po kasi...nandon po yung regular natin si Mr. Novaldez, ahm sabi nya po gusto ka daw po nya makausap kung dadalaw ka dito at-"

Hindi ko na pinakinggan ang iba pa nyang sinabi agad na akong tumakbo papuntang vip area.

Right, sya lang magpagtatanungan ko sa nangyari!

Pagkabukas ko ng pinto ay bumungad saakin ang lalaking nakaayos ng upo habang hawak ang tasa ng kape!

His wearing a uniform! at... at pangbusiness administration! and he looks...good! no actually so handsome!

Tila napako ang tingin ko sa kanya, teka may mas ibaba papalang damit sa kanya pwera sa tux na suot nya kahapon!

"Are you gonna keep staring at me? or you will sit?" natigilan ako sa kanyang ani.

Tumikhim ako at tila nangapa ng sasabihin!

Acelle umayos ka! ano nga ulit ang pakay mo!

"A-ahm,-"

"Umupo ka muna," dali akong umupo sa kanyang harap! Gosh! kahit nasa harap ko sya para syang nagmodel sa magazine!

Bat ngayon ko lang to narealize?!

Umiling ulit ako at inayos ang sarili, kalma Acelle!

"Do you know what happened? how's your sister? alam nya ba ito?" tumaas ang kanyang kilay habang kumakain ulit ng blueberry cheesecake!

"Ako dapat ang nagtatanong nyan," aniya nya.

"I don't know what really happened! kahapon lang ay maayos naman di ba? bakit naging ganon? bakit naengaged si Kuya kay Ginny Samaniego!?" taranta kong ani.

"Hindi ko din alam, did you not ask your parents about this?" tanong nya.

"No, at kahit magtanong ako ay hindi din nila sasagutin! kaya nagbabakasakali ako sayo," he sighed at tila nag-iisip.

"My sister is not okay, bigla nalang kakalat na engaged na pala ang Kuya mo sa ibang babae, I don't know what happened too and i like to ask you, but it seems na you don't know anything," nagulat ako sa kanyang sinabi.

So hindi nya din alam?

"How about your parents? hindi din nila alam?"

"My parents just went abroad before the announcement, hindi ko pa sila natatawagan, your Kuya? natanong muna?" umiling ako sa kanya.

What is really happening? bat parang kaming dalawa lang ang walang alam sa mga nangyayari.

"So, are you up for something?" nagtaka ako sa kanyang sinabi.

"What do you mean?" he smiled and drink again his americano.

"For a mission," nanliit ang aking mata, sya naman ay parang desidido sa kanyang sinasabi.

"A mission for what?"

"To know their secret? don't tell me you are not curious too?"

"I'm curious! pero paano?"

"We need to execute a plan," nanlaki ang mata ko at sa huli ay naintindihan din.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top