CHAPTER 3

Hate

Buong linggo ay naging busy ako at ang mga kaibigan ko dahil exam na namin sa finals, buong linggo din akong wala sa cafe para tumulong, Mommy said na ang mga regulars namin nagustong gusto ang timpla ng kape ko ay hinahanap ako.

"You sure you want to try this?" tumango ako kay Orie, nagbabalot ako ngayon ng aking gitara para ipuslit saaming bahay, pagnakita kasi ako ni Kuya ay malamang magagalit yon!

"Bakit ba kasi ayaw kang ipaprivate lesson ng magulang mo?" umiling ako sa kanya, sya naman ay nilalantakan ang meryenda namin ngayon, Lia is not here busy somewhere.

"Alam mo namang ayaw ni Daddy at Kuya na makitang maggitara ako, Mommy just secretly buy me this guitars!"

"Why nga ba kase?" oo nga bakit nga ba? edi sana natuto na ko dati pa kung pinayagan ako!

"I don't know to them, past issues i guess?" nagkibit balikat lang ako, tumambay muna kami at nanood ng romantic movies dito sa movie room, it's friday na at ayaw naman akong papuntahin ni Mommy sa cafe kaya dito muna kami.

Finally at natapos na din namin ang exam at laboratory nalang ang kulang for cooking.

"Sometimes you also need to let go kahit masakit," nagtaka ako sa sinabi ni Orie at naintindihan din ng ituro nya ang tv.

"Letting go of someone needs time and understanding, hindi naman kasi ganon kadali lahat, malay mo mahal nila ang isa't isa," i said while looking at the movie, the girl wants to leave her boyfriend for some reasons, at ang boy naman ay tila pilit na nagmamakaawa.

"Mahal nga nila, pero pagmasyado ng toxic don nagkakatalo," she said.

"Bat kaya ganon? pagnang-iwan sila ganon nalang kadali? hindi nila naiisip yung nararamdaman ng iniiwan nila,"

"Don't know, if you love someone you will do anything, that situation proves that the girl doesn't really love that boy," si Orie.

"I just don't understand, kung mahal nyo talaga ang isa't isa magkasama kayo sa hirap at ginhawa, pero bat may  mga tao na bigla bigla nalang nang-iiwan,"

"That is called selfish," she pointed out.

"Tapos pagbabalik sila ang dali dali, yung para bang walang nangyari tapos sasabihin mahal ka ulit, hindi nila naiisip ang pinagdadaan ng iniwan nila!" natapos ang movie at puro critical thinking at reviews ang ginawa namin ni Orie, having a lovestory is very exciting pero may mga times talaga na mahahamon ang inyong pagmamahalan.

Basta ako kung mainlove man ako balang araw ay magtitira pa din ako saaking sarili, you can't love someone more than yourself, because loving yourself is a way to love someone else.

Takbong pumasok kami nila Acelle sa aming cafe, Mommy has a business meeting again at pinilit ko sya buksan ito ngayong sabado! sinama ko si Acelle at si Orie.

"Orie! baka mabasag yan!" saway ni Acelle, pero baka mukhang maiistress pa kami kay Orie buong araw!

"Why? this is just a plastic! tingnan nyo," napatili kami ng ihagis saamin ni Orie yon.

Pasaway na bata!

"Alam mo umalis kana dyan sa kusina don kana sa counter! and don't think of serving foods! baka malugi pa tayo!" sumimangot si Orie at nagpasyang lumabas sa kusina, kami naman ni Acelle ay gumawa ng aming breakfast.

"So, do you agree on that lessons?" si Acelle habang naglalagay ng honey syrup saaming pancake.

"Yes, sabi ni Orie ay sasabihan nya ang kakilala nya, from business ad daw? don't know pa,"

"Alam na ba ni Tita?" kuryoso nyang tanong.

"W-well hindi pa, sasabihin ko nalang pagnagustuhan ko na ang magiging tutor ko!" umiling sya at nagbabantang tumingin saakin.

"You know your brother Acelle, ayaw nya sa ganito especially your father, kahit pa hobby mo lang yan!" ngumiti lang ako sa kanya, kahit ako i don't really understand why they hate all types of guitar!

Lia is my first bestfriend since elementary, we also have common friends pero nagbabago din iyon sa paglipat namin ng mga year level, at masasabi ko na kahit sa dami mong kaibigan ay pili lang talaga ang tunay at magpagkakatiwalaan.

She knows my family, dahil sa kababata ko din sya at same path lang ang kinuha namin, Orie enter to our lives noong highschool na kami.

"Ma'am- A-acelle," tarantang tumakbo si Jet saaming table, susubo palang ako ng pancake pero hindi natuloy!

"May problema ba Jet?" sunod sunod ang kanyang tango.

"Nandito po kasi ulit ang long time vip po natin! at wala po si Ma'am Fresla!" tumaas ang kilay ko saaking narinig, so bumabalik pa din pala ang lalaki na yon dito!

I remember the day, monday ata yon at pinagsabihan ako ni Mommy! I was rude daw to our customer! at nalaman ko na ang lalaki na yon ang nagsumbong non!

Mang-aagaw na nga sumbungero pa!

"Is that the cart snatcher?" tumango ako kay Orie.

"So, regular pala dito yon! wait ako na ang kukuha ng orders nya!" si Lia na tatayo na sana pero parang nakakita ng multo at yumuko sa ilalim ng lamesa!

Napatingin ako sa gawi non at may mga kalalakihan na paakyat saaming vip area.

"Mga apat po sila Ma'am Lia, kaya nyo po ba-" hindi na natapos ni Jet ang kanyang sasabihin ng tumakbo na si Lia papasok sa kusina dala ang kanyang plato!

Nagkatinginan kami ni Orie, nagkibit balikat naman sya.

"Problema non?"

"Baka nakulangan ng syrup," kinuha ko ang papel at ballpen kay Jet, tiningnan nya ako na parang nagsasabi ng goodluck, tsk mas goodluck sa lalaki na yon!

Dirediretso ang pasok ko sa vip area, hindi naman ako nagulat pero namangha saaking nakikita!

Nagtaas kilay ang lalaking kinaiinisan ko, pero hindi ko iyon pinansin at gumapang ang tingin sa mga kalalakihang kasama nito!

Nakaupo silang apat sa isang table, kung titinangnan mo ay parang siksikan na sila dahil sa laki ng katawan!

"Oh, h-hi! i heard ikaw yung daughter ng may-ari?" magpaglarong ngiti ang binungad saakin ng  lalaking di katangkaran at mestiso ang balat!

"Oh, yes good morning! I'm here to take your orders," ngumiti ako at naglahad naman sya ng kamay.

Tinanggap ko ito at ngumiti, inirapan ko naman yung isa na nakataas pa din ang kilay!

"We would like to order-" pinigilan kong magsalita ang lalaki na yon at humarap sa lalaking nakangiti din saakin, their facial expressions is so unique and same! tila ba magkakalahi lang sila!

"Yes, what is your order? ahm here's the menu," binigay ko yon sa lalaking di kaputian, rinig ko ang asaran nila pero nagfocus lang ako doon sa kaharap ko.

Makapal ang kanyang kilay at mapupula ang labi! ganon din ang iba! pwera sa isa na ngayon ay masama ang tingin saakin!

"Well, we would like to order some three chocolate cakes and one blueberry cheesecake-"

"I'm sorry we don't have that blueberry cheesecake," i said confidently kahit kitang kita naman sa mga nakaarrange na cake doon sa counter.

"Oh that's bad chocolate nalang din, and three iced coffee, one americano-"

"We don't have americano either, wala ng stocks," tumango sya at tumingin sa kanyang kaharap, may ngisi ito sa labi ng humarap ulit saakin.

"Iced coffee then, and your name and number," nagulat ako sa panghuli nyang sinabi, kahit may mga itsura sila at mukha magpagkakatiwalaan ay hindi ko basta basta ibinibigay ang number ko.

"I'm Acelle, and my number is not available," i said, umiling lang sila at tumawa.

"Oh, that's bad, mukhang mapapadalas pala kami dito," aniya ng isa.

"This is Acye nga pala," itinuro nya ang lalaking, ngayon ay masamang masama ang tingin saakin!

"Ow, the cart snatcher!" tumawa naman ang tatlo at inasar muli ang lalaking may pangalan na Acye, tsk i don't even care!

Inulit ko lang ang kanilang order at nagmamadali ng umalis, gusto pa sana akong kausapin sa kung anong bagay.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top