CHAPTER 25

Graduation Day

Nagpahatid ako kay Acye sa condo nila Lia, may plano pala kaming sleep over!

Hindi naman na nagtaka si Acye na doon ako nagpapahatid hindi sa bahay namin, sinabihan ko naman din sya na may sleep over kami.

"What time?" kalmado kong tanong habang inaayos ang gamit sa loob ng kotse.

"It's nine am, but it's okay if you will be late, i understand-"

"No, i think i can make it on time, wag mo kong susunduin just focus on your day, okay?" ngumiti ito at tumango, ngayon ay umaliwalas na ang kanyang mukha kaysa kanina.

Nung matapos kasi sya sa katawagan nya kanina ay parang nag-iba ang mood nya, ayoko naman magtanong dahil isineset ko pa ang feelings ko!

Well actually, I set things up na agad, habang nasa byahe ay napaisip ako saaking nararamdaman, i think it's just infatuation dahil naooverwhelmed ako sa mga ginagawa nya para saakin.

I don't know, should i just ask Lia? pero puro landi lang alam non eh!

Tomorrow is his graduation day, hindi makakapunta ang pamilya nya dahil nasa ibang bansa ang mga ito at hindi nya na din inabala, ayoko din naman magtanong tungkol sa kanila na kung totoo man ang sinasabi ni Daddy ay baka isipan pa ko ng masama ni Acye.

The night ends well, surprisingly walang sa pamilya ko ang nagpakita at naghanap saakin, wala akong updates sa nangyari sa event na iyon, na mas lalo kong ikinaba.

"Are you okay?" niyakap ako ng dalawa pagkapasok sa condo.

"Nabalitaan namin ang lahat, why didn't you tell us?" si Lia na iginaya ako papasok.

Tama lang na pinigilan ko si Acye na ihatid ako dito sa taas at baka magdamag akong guluhin ng dalawa.

But my plan is to tell them everything, gusto kong iiyak lahat sa kanila, gusto kong ilabas lahat ng sama ng loob ko.

Nakatulog na ata ako kakaiyak sa kanilang dalawa, maaga ako gumising dahil aattend pa ako ng graduation ni Acye, nanghiram muna ako ng damit kay Lia at dumiretso na doon.

It's nine thirty ng makarating ako doon, hindi ko naman inakala dahil sa nalate din ako ng gising at napaka traffic!

Pumasok ako sa loob ng venue at hinanap si Acye, di ko naman sya matext dahil sa nakaoff ang aking phone.

"Bachelor of chuchu,"

Ito na ata yung course ni Acye, nasaktuhan ko pa!

Ng sya na ang tawagin ay pumalakpak nalang ako ng malakas, di ko naman sya mapicturan kase ng wala akong phone.

"Acye Elize Novaldez, summa cum laude," napangiti ako sa huling binanggit, wow he's smart pala!

Ng malapit na matapos ang ceremony ay pilit kong kinawayan si Acye, di pa din nya ako nakikita!

Pagkatapos ng graduation song ay tumayo na ko at nag abang nalang sa gilid.

Nakita ko syang naglalakad habang kinakalikot ang phone, seryoso lang sya at ngumiti ng kaunti ng tawagin ng mga kaibigan.

Dahil sa hiya ay pinatapos ko muna syang magpapicture sa mga kaklase nya, rinig ko ding balita na pinaubaya nyang magspeech ang isa nilang kabatch, kaya pala hindi sya ang nagspeech.

Ng matapos sila ay ngiting pinuntahan ko sya sa gitna.

"Hi!" kumaway pa ako sa kanya bago lumapit, ang kaninang mukhang seryoso nyang mukha ay biglang lumiwanag.

"I thought you wouldn't come," seryoso nitong ani, nilapitan nya ako at yinakap, nakarinig naman ako ng ibang pang-asar dahil sa kanyang ginawa.

"Thank you for coming," he whispered to my ear.

Tinulak ko sya ng bahagya dahil sa maraming nakatingin saamin.

"You're welcome, kanina pa kita kinakawayan di mo ko nakita?" tumaas ang kilay nya at ngumisi.

"You didn't reply to my texts, but i know you're here," nagtaka ako sa sinabi nya pero binalewala nalang iyon ng bigla kaming hilain ng kaniyang mga kaklase.

"Congratulations! you have a smart ass boyfriend," ngising aniya ng isa.

"Oh, magpicture muna kayo," hindi na ako nakapalag dahil pinagitna na kami nila sabay picture.

Ganon din sa Acye, inakbayan nya ako at nakisabay sa mga kaibigan at ngiting ngiti sa nangyayari kanila lang busangot to ah!

Nagkaayaan ang kanyang mga kaibigan mamayang gabi, kumain lang kami ni Acye sa isang resto bago nya ako iuwi sa condo dahil susunduin nya nanaman ako mamayang gabi para sa celebration nila.

At dahil bar yon, inaya ko sila Lia at Orie pero masyadong busy, nanghiram nalang ulit ako ng damit kay Lia, yon nga lang at masyadong mga sexy iyon!

Tumingin ako sa aking phone na nakaooff buong dalawang araw, mas lalo akong kinakahaban dahil ni hanap saakin ay hindi nila ginawa.

Mas nakakatakot ito dahil tahimik lang sila, i know Mommy but I don't know Daddy, kaya nakakatakot isipin mas matindi ang magiging plano nila saakin!

Or they realize na anak din nila ako at hahayaan nila ako sa mga gusto ko?

"Hi," kumaway ulit ako sa kanya pagkabukas ng pinto.

"Ready?" aniya at tiningnan muna ako mula ulo hanggang paa.

Tumango ako at tinaasan sya ng kilay.

Well I'm wearing a black backless dress.

Hanggang sa makapunta kaming bar ay naging seryoso sya at para bang may pinoproblema.

Pagkadating ay dumiretso kami sa isang sofa na pa bilog, malaki ito pero tila wala nang pwesto dahil sa punong puno ito ng mga kaklase nya, nahagip naman ng aking mata si Hailey na nagulat ng makita ako.

Hindi ko sya tiningnan at sumunod nalang kay Acye, habang magkahawak ng kamay.

Naupo kami sa medyo gitnang part kaya kitang kita kaming dalawa, naghiyawan naman ang mga kaibigan nyang lalaki at pilit inaasar si Acye saakin.

"Hi, i think you know me, I'm Liam-" hindi  pa natapos ang sasabihin ng kaibigan ni Acye na katabi ko ay agad nitong tinabig ang kamay na nakaabang saakin.

Hinapit ako ng mahigpit ni Acye para mas mapalapit sa kanya, teka baka gusto nya ikandong nya nalang ako!

Napatingin ulit ako doon sa lalaki, i think i saw him, sa cafe!

"I'm Acelle, nice too meet you-" kinuha agad ni Acye ang aking kamay.

"Don't talk to stranger," bulong nya saakin, pero alam kong rinig na rinig ng katabi namin ang kanyang sinabi.

Bigla itong ngumisi at sumisim ng alak.

"I'm very well know you, Miss Acelle, and Acye i didn't though you have a side like this?" mas lalo itong ngumisi kay Acye, ako naman ay nagtaka, very well know? like paano? isa din ba syang Novaldez?

"Shut up, just go to your girlfriend," simpleng aniya ni Acye, inofferan naman nya ako ng kung ano anong juice para mawala ang atensyon ko kay Liam.

"Tsk, she went away again," nagulat ako ng bigla itong magsalita, napalingon ako sa kanya, ngumiti sya saakin at tinaas ang hawak na alak.

"Don't mind him, he's a playboy-"

"And you, you're not?" pinutol ko ang pagkakasabi nya.

"I'm not," simple nitong aniya at uminom ng isa sa mga juice na inoffer nya, really juice sa bar? i want alcohol!

"Really? what about Hailey?-"

"What about her?" mas lalo nyang idinikit ang katawan nya saakin, para mabulungan ako ng maayos, i don't know but i feel comfortable sa pwesto namin.

Ipinatong ko naman ang aking mga kamay sa kanyang hita.

Tila parang kaming dalawa lang sa lugar na iyon, wala may balak mang istorbo, at umiikot lang ang mundo sa isa't isa.

"His your girlfriend-"

"She's a classmate," he stated.

"Bakit babe tawag nya sayo? you even hug her!" may bahig na tampo saaking boses na parang pinagsisihan ko!

"Oh my, my honey is jealous!" aniya nito na may tono ng pang aasar.

"Shut up! and don't call me that!"

"Why you didn't like it? should we change our callsign?"

Our? really? sya lang may gusto non!

Inirapan ko nalang sya at bahagyang lumayo na di rin nangyari.

"Okay, we can think about it later, pagsinagot mo na ko, from now love nalang itatawag ko sayo-"

"What? are you insane?"

"Yes, to you," malambing nitong aniya.

Di ko na alam ang gagawin sa lalaking to! yung pinag uusapan namin ay lumayo na din!

I don't know what to do! at hindi rin nasagawa ang mga plano ko!

Ngumiti sya na nagpangiti saakin, i don't know din! i don't know to myself!

But for now, i want to enjoy this feeling, this feeling that might be the last...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top