CHAPTER 11

Tease

Dumiretso akong vip area pagkapasok saaming cafe, wala si Mommy ngayon at may isang linggo business trip sa abroad, dapat nga ay sarado din ang cafe na ito ng isang linggo, pero pinigilan ko si Mommy.

Kaya nag-assign sya ng staff na magiging manager dito which is si Jet.

Sinenyasan ko sya na dalhan ako ng usual na kinakain ko dito sa taas, tumango lang sya at inihanda iyon.

Doon ko palang nakita si Acye na paakyat sa hagdan, tila hingal na hingal pa at tumutulo ang pawis.

"Ang bilis mo," aniya nya at naupo sa sofa na parang pagod na pagod.

"Ang bagal mo," pabalik ko sa kanya, tumaas lang ang kanyang kilay at ngumisi.

"Really? you run away to me," he said at mas lalo pang natuwa, teka anong nakakatuwa?!

"Talaga ba hindi ko napansin!" umirap ako sa kanya.

"Are you mad at me?" umayos na sya ng upo saaking harapan, naging seryoso na din.

"Why would i?" umiwas sya ng tingin.

"A-ahm, can i order my usual order?" nagtaas ako ng kilay sa kanyang sinabi,  at may gana pa syang umorder saakin!

"Of course, tawagin mo si Jet-"

"Gusto ko yung gawa mo," aniya nya at nag-iwas ulit ng tingin.

"I'm not in duty Acye, kung gusto mong umorder doon ka kay Jet umorder!"

"But, i want the one you made," tila malambing nyang pagkakasabi!

Gosh! and yuck!

Tila naging malumanay ang kanyang mga mata at diretsong tumingin saakin.

This is why i don't want to enter commitment yet!

"Please?" tumayo ako at parang nasusuka sa kanyang pagpapaawa!

I hate that kind of things! especially sweet things!

It's so clingy, and childish!

"Fine! just don't do it again!"

"Do what?" malambing pa rin ang tono ng kanyang pagkakasalita!

Akmang tatayo pa sya pero pinigilan ko agad.

"Like this?" ipinatong nya ang kanyang mukha sa dalawang kamay sabay pout!

Pwede bang masuka!

"Stop it! you're not cute! it's disgusting!" kahit gwapo pa sya ay ayaw kong makita ito in real situation!

Siguro nga ay kilig na kilig ako lalo na pag sa mga movies! pero ngayong nakakasuka!

Ngumisi muna sya saakin bago pinagpatuloy ang ginagawa.

"Stop it, Acye or else!"

"Or else what? I'm cute right?" ginawa nya ulit iyon, sa laki ng katawan nya at mukha pa syang matured ay masusuka ka talaga! kung di lang may itsura to na ko!

"Or else, i will not make your order, magutom ka mag-isa!" sapagkakataon na yon ay umayos na sya ng upo.

Umirap ako at padabog na lumabas sa vip room.

Ilang minuto ang lumipas ay nahatid ko na ang order naming pareho sa taas, akmang baba pa sya pero inirapan ko sya at bumalik naman sya sa kanyang ginagawa.

May ibinigay sya saaking papel, which is ito daw ang mga chords at strumming pattern na pwede kong gamitin.

Naging maganda naman ang simula namin at naging seryoso sya pagtuturo.

Hawak ko ngayon ang aking gitara at sya naman ay nasa likodan ko para itama ang aking daliri.

Medyo mahirap nga lang at masakit dahil sa talim ng string, at hindi talaga ako sanay.

"Ouch!" reklamo ko at agad na isinubo ang aking kamay.

"Are you okay? let me see," aniya nya at pilit na itinatanggal ang kamay ko saaking bibig.

"I'm okay! masakit lang!" tuluyan nya ng natanggal ito at tiningnan ng mabuti.

"We will continue our lesson tomorrow," he said at may kinuha sa kanyang bag.

"Why? wala pang isang oras ah! sayang bayad ko!" hindi nya pinansin ang reklamo ko.

May inilabas syang bagay sa kanyang bag, isa iyong band aid? at may design?!

Hindi ko maiwasang matawa ng makita iyon! pigil na tumawa ako kahit nasasakitan dahil nilalagyan nya ng alcohol ang aking daliri!

"Ouch kasi! dahan dahan naman!" reklamo ko kahit natatawa!

"Then stop laughing, o hindi ako magtuturo ng buong linggo!" nagulat ako sa kanyang sinabi pero natatawa pa din sa kanyang band aid! pano ba naman at may design itong spongebob! sa laki nyang tao ngayon lang ako nakakitang fan ni spongebob!

"Hahaha!"

"Shut up," dahan dahan nyang inilagay ang band aid kahit ang likot ko kakatawa.

"Sorry, i can't help it! spongebob really?" tawa kong ani, nagkunot noo naman sya at ichineck pa ang iba kong daliri!

Pagkatapos non ay may mabilis syang bagay naisinuksok sa kanyang bag, pero huli na ng mapasok nya dahil nakuha ko na iyon.

Mas lalo akong tumawa dahil may isang box papala sya ng band aid na spongebob ang design! at hindi lang yon! nandon pa ang lahat ng cast!

"We will continue our lesson next week-"

"Hoy bakit? next week?!" seryoso sya ngayon, pinigilan ko ng tumawa dahil baka mas lalo syang magalit!

"Pagalingin mo muna iyan, and don't use guitar, okay," nagtaka ako sa kanyang sinabi, pero mas lalong nagtaka ng maglipit sya ng gamit at inangat din ang aking gitara!

"Teka, bat kasama yan?"

"So you cannot use it? ang tigas pa naman ng ulo mo," ani nya na seryoso pa din.

"Really Acye? at aalis kana ngayon? at hindi naman malala itong daliri ko ah!"

"You can't use guitar, hangga't hindi gumagaling yan," tumingin sya sa daliri ko na may dalawang band aid!

"Pero kaya ko naman ah! tinry ko pa nga kanina bago tayo maglesson!" tila galit na sya dahil sa pagpigil kong umalis.

"I have an appointment, I'll text you kung kelan ang next lesson natin,"

"Teka, teka! kahit dalhin mo yang gitara ko ay useless! marami pa ko nyan sa bahay!" napaisip sya sa aking sinabi, ngumisi naman ako at nakapamaywang na tumingin sa kanya.

Napatingin sya sa lamesa namin at ganon din ang ginawa ko, huli na ng marealize ko ang kinuha nya!

Sabay pa kami kumuha non pero naunahan nya ako!

Tingnan ko sya ng masama habang sya ay seryoso pa din!

"Akin yan di ba! sabi mo?!" itinuro ko ang hand made chords sheet na ibinigay nya saakin.

"Tsk, it's okay, may internet naman i can search it,"

"Try me, Acelle,"

"What is your problem! ano naman kung may sugat ito!" aniya ko sabay turo sa daliri, umiwas lang sya ng tingin, fine Acye! ikaw na ang panalo sa ngayon!

"Umalis ka na nga! nababadtrip ako sayo!" padabog na umupo ako sa sofa, sya naman ay tila nagdalawang isip at hindi alam ang uunahin.

"Okay, i will call you-"

"No! i will call you kung kelan tayo magkikita! umalis ka na nga!"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top