CHAPTER 10
Tutor
"Apaka bagal mo talaga! ano nanaman nangyari sayo?" si Lia na nagsesermon kay Orie, habang si Orie ay hingal na hingal sa pagmamadali.
"Wait lang naman ano, walang bang magtatanong kung okay lang ako? or mag-ooffer ng tubig!" ibinigay ko sa kanya ang bottled water ko na agad nyang inubos.
"Okay kalang ba?" tanong ko na sinamaan nya ng tingin, teka sabi nya magtanong ah!
"Tsk, plastic!" tumawa ako na sinabayan ni Lia.
"Oh, ano nasagap mo? buntis na ba si Rachel?" si Lia.
"Boba! anong buntis eh di naman ayon ang chinismis ko!" si Orie.
Tumawa ulit si Lia, paano ba naman yung ex nya ay pinagpalit sya doon sa Rachel na yon, eh mas maputi pa raw kili kili nya sa mukha non!
"Eh, ano nga bukod sa buntis si Rachel?" lumapit si Orie saamin at mas lalo naman kaming lumapit.
"We will be having a party!" takang napatingin ako kay Orie.
Nasa unahan kami ng school dahil hinihintay ko ang inirecommend nyang guitar tutor, kaibigan ito ng kanyang pinsan at hindi nya din daw alam kung bakit pumayag, baliw din itong isang to!
At tsaka buti nalang at binigyan nya pa ako ng chance makipagkita! I'm so excited na matuto!
"Anong party? at tsaka gabi gabi naman tayong nagpaparty!" aniya ni Lia na nag-aaya nanamang mag-bar mamaya.
Talaga tong babaeng to, hindi mapakali pagwalang boyfriend!
"Party! as in sa school! gumawa kasi kami ng event for fourth year student! which is ball," si Orie.
"Eh pangfourth year naman pala eh! panong party natin yon?"
Oo nga, edi sa mga gagraduate lang iyon!
"Oo nga, pero malay nyo may mag-aya saatin sa ball na yon?!" nganga as in nganga akong nakatingin kay Orie!
Gosh! sya? gustong maaya? eh allergic nga sya sa lalaki eh!
"Talaga ba Orie? siguro may jowa ka ng fourth year no?!" biglang nag-iba ang itsura nya sa tanong ko at nag-iwas ng tingin.
Nagkatinginan kami ni Lia at sabay napatili!
"Omg! legit ba?!" sabay naming tanong.
"Wala ah! imbento kayo!" pagdedeny nya.
"Eh, bat excited ka sa party na yon? na hindi naman pala para saatin?" nag-iwas ulit sya ng tingin.
"Shut up guys! papunta na daw yung tutor mo Acelle!" pag-iiba nya pero hindi pa rin namin syang tinigilang asarin.
"Huy! nako, nako! akala ko pa naman mahihirapan akong maghanap ng jojowain nyo! no need na pala!" tuwang tuwang aniya ni Lia.
Hahanapan ng jojowain? eh hindi naman hinahanap yon eh, kusa lang darating, sabagay itong isa hanap ng hanap kaya laging naiiwan.
Ay mali pala, sya yung nang-iiwan!
"Ikaw lang daw gustong kitain Acelle, doon daw sa may harap ng library," aniya ni Orie habang nakatingin sa phone.
"Bakit daw?"
"Ewan ko, sabi ng pinsan ko eh, yaan mo na baka shy type, kaya mo yan!" bigla akong kinabahan sa kanyang sinabi, pwede namang kasama sila Orie eh!
Tuluyan na nga akong iniwan ng dalawa na tuwang tuwa pa, kabang naghintay ako sa harap ng library.
According to Orie, graduating student na ito at napakabusy, at ewan nya kung bakit pumayag?
Ewan basta!
Ilang minuto ng ang lumipas ay wala pa ding dumadating, bat kasi hindi binigay ni Orie ang number saakin!
Umupo ako sa may bench ng maaninag ko si Acye.
Wait, teka si Acye?!
May hawak itong gitara sa likodan at may bag na maliit, nakauniporme din sya na kahit hapon na ay straight pa din ang damit!
Seryoso sya habang papalapit saakin, sakto at marami pa akong itatanong sa kanya! buti nalang at nakita ko sya dito!
Kahit medyo seryoso sya ay hinarap ko sya ng nakangiti.
"Hi!" sinalubong ko sya at winagayway ang kamay.
Nanatili syang seryoso.
"Buti nalang nagkita tayo dito! a-ahm kasi," nag-iwas ako ng tingin dahil feel ko ay hindi nya ako kikibuin!
Ano kaya ang nangyari sa kanya this past few days?
"Let's go and start the lesson," nagtaka ako sa una nyang sinabi pero unting unti din nanlaki ang aking mata at napaharap sa kanya.
Wait, teka...
Sya ba yung tinutukoy ni Orie?!
Kahit gulat ako ay ganon pa din ang pagmumukha nya! nagulat ako ng hilain nya ang kamay ko papuntang lilim, which is sa ilalim ng puno.
May upuan doon at pinaupo nya ako doon, inilabas nya naman ang kanyang gitara.
At ako, nanatiling gulat sa pangyayari! teka, paano?
"Bakit?" tanong ko sa kanya, bigla naman syang ngumisi.
"Long time no see," he said while starting strumming his guitar!
"Paano? edi-"
"Kamusta?" aniya nya at binalewala ang aking sinabi, samantala ako ay hindi pa din maproseso ang nangyayari!
"My mother doesn't want to tell me what's going on, sorry i have no news for you," he said na lalong nagpagulat saakin.
So wala din syang alam? at mananatili lang kaming curious!
"What, why?" naguguluhan man ako ay may gana pa di syang ngumiti at itaas ang kanyang gitara.
"Is that part of our lesson?" ngumisi sya at mas lalong lumapit saakin.
"A-are you really my tutor?" gulo kong ani.
"Yes, if you want to,"
"Pero bakit?" umiling sya at ngumiti.
"Why? ayaw mo ba?" mas lalo akong naguluhan sa kanya!
"G-gusto, pero bakit nga kasi!?"
"Gusto mo ba o ayaw?"
Konting konti nalang masasapak ko na to!
"Gusto nga! can you just answer my question?!" inis kong ani sa kanya, habang sya ay nakangisi pa din.
"Can we just talk about our lesson? we have one hour, may lakad ako mamaya," aniya nya na mas nagpa-inis saakin!
Umirap ako at huminga ng malalim, focus Acelle! sya nalang ang kakilala mong makakapagturo sayo! ikalma mo lang!
Pero naiinis talaga ako! simple question hard to answer!
Eh kung magself study nalang ako? pero mas maganda kasi kung nakikita mo at natuturuan ka talaga ng hands on! bahala na!
"Fine! at bakit dito sa labas? ang init init!" maarte kong ani at umirap sa kanya, sya naman sana ngayon ang mainis!
"Then, we can do it at your cafe shop?" napaisip ako doon, mas malapit at mas maayos na space.
Tumango ako at dali daling tumayo, bahala syang maiwan!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top