Chapter Two
"The Lawyer of the Year for two years in a row, Attorney Luna Madrigal has yet to fail the people of the Philippines. A beacon of hope and a defender of justice, she proves time and time again that not all heroes wear capes," pagbasa ni ate sa isang newspaper article sa umagang 'yon.
Natawa naman ako habang pinapanood siyang ginugupit ang article na 'yon. Sakto rin na tumabi sakanya si kuya na may dalang glue. The album mama made years ago was in front of them. Sa panibagong page nila ilalagay 'yung article.
"Mas mabilis mapuno 'tong sa'yo, Luna," komento ni ate nang matapos na siya sa paggupit. She immediately discarded the rest of the newspaper.
"Well, the media loves me," pagbibiro ko at pinanood siyang lagyan ng glue 'yung likod nung article.
Kuya chuckled. "You mean, the media loves us," sabi niya. "The articles about us three are ridiculous."
"Magsasawa rin sila. Bago pa kasi," sabi ko.
It started three months ago when ate was appointed CEO of the company she worked for. At ang unang accomplishment niya ay ang announcement na may ipapatayo silang Wizarding World of Harry Potter replica sa isang isla. At dahil doon, nakilala si ate. Nadamay na rin kami ni kuya sa spotlight at suddenly everyone was interested in us.
Three siblings raised by a single mother who was abandoned by her husband. And each sibling successful in their own careers. A businesswoman, a neurosurgeon, and a lawyer. Kahit sino siguro, mai-impress rin.
"Kailan natin sisimulan 'yung kay Gabriel?" tanong ni kuya bigla. "I still think we should've started when he did kindergarten. Valedictorian siya, e!"
"Kindergarten barely counts, Sol. Sayang 'yung space dahil gusto ko na First Place sa Quiz Bee ang una," sambit naman ni ate, abala na ngayon sa pagdagdag sa album ko.
Noong nag-graduate sina kuya at ate ng high school, sinimulan ni mama ang kaugalian na ilagay 'yung mga achievements namin sa isang album. Kuya's first page was filled with his past certificates for topping quiz bees at ganon rin kay ate. 'Yun nga lang, valedictorian si kuya at salutatorian naman si ate. It didn't matter since both graduate as magna cum laudes in college at nag-top si kuya sa board exams.
Mine was similar to theirs. Hindi nga lang nag-top sa bar exams, pero ayos lang rin dahil naging lawyer parin ako. Now, mama was done collecting certificates. She was more interested in articles about us.
Which makes me think na siguro ayos na ring simulan kay Gabriel. He will be a first grader in a few months at interesado na agad siyang sumali sa mga Quiz Bee. Maybe I should buy one now...
"Nasaan nga pala si Gabriel?" tanong ni ate.
"Kasama si mama. I think they're making breakfast," sagot ko at sumulyap sa bahay.
Nasa gazebo kami at naghihintay lang. From here, kitang-kita ko si mama na inabutan si Gabriel ng isang plato na may pagkain. Sabay rin silang lumabas at tumungo sa kung saan kami.
Tumayo agad si kuya para tulungan sila. He let Gabriel carry the plate of food at siya an nagdala sa buhat ni mama. I smiled as I watched my son carefully carrying the plate.
Seven years old na siya ngayon. Malusog na rin at napakatalino. Ni minsan ay hindi ko pinagsisihan na inampon ko siya noon. That tiny baby chose me that day. And seven years later, he remains to be the light of our worlds.
"Ang pogi naman ng waiter namin!" puri agad ni ate at sinimulang itinabi 'yung pinagkakaabalahan niya kanina pa.
Gabriel, named after the angel, grinned while still focusing on not spilling the food.
"Thank you," pabirong sagot naman ni kuya kaya napasimangot si ate.
"Mama, excuse me," sabi ni Gabriel.
Tumayo ako para magka-espasyo siya. Dahan-dahan niyang nilapag 'yung dala niya at sumunod si kuya. Agad rin akong umupo pagkatapos humalik ng mabilis sa pisngi niya.
"Good morning, baby," malambing na bati ni ate nang lumapit si Gabriel sakanya para yumakap.
"Good morning, tita," bati rin ni Gabriel bago pumagitna kay mama at kuya.
Pabirong sumimangot si ate. "Ba't ganon? Talagang paborito ka, Sol."
Ngumisi naman si kuya at nakipag-apir sa anak ko. "Syempre. Tito's boy 'yan, e. 'No, Gabriel?"
"Opo, tito," sagot ni Gabriel bago bumaling kay ate. "Pero love parin kita, tita."
Ate grinned, now happy.
"Pati ako?" singit ko naman.
Gabriel eagerly nodded. "Syempre, mama kita."
"Ay sus! 'Tong apo ko!" tuwang-tuwa na sabi ni mama at pinisil pa ang pisngi niya. "Ang laki mo na. Magg-grade one na rin!"
Our Sunday morning was simple but always the needed break of the week. Lagi rin kaming buo tuwing linggo kaya talagang importante ito sa'min.
Hindi na kasi ako nakatira kay mama. Simula nang magsimula akong magtrabaho ay masyado nang malayo para magcommute. Lalo na at kailangan kong umuwi agad para kay Gabriel noon.
Pati si kuya ay bumukod na rin dahil mas naging abala na rin siya. Si ate nalang ang natitira dito sa bahay kasama si mama at mukhang wala pang balak bumukod kahit 31 years old na siya. Kinakabahan na nga si mama dahil mukhang wala pang balak magkapamilya ang mga kapatid ko. Even with me, na kahit may anak na, kinakabahan siya dahil gusto din naman daw niyang ikasal kami.
I don't see the rush. Lalo na't wala pa akong nakikilala na gusto ko talaga. Besides, aside from being a single mom, my work is hard to accept, too. Kung hindi ako abala sa anak ko, lunod naman ako sa mga inaasikaso kong mga kaso. Not everyone years to be married early. And, frankly, that's okay.
"Isasama mo ba si Gabriel sa California?" tanong ni kuya. "P'wedeng ako magbantay muna sakanya."
"P'wede rin namang ako," singit agad ni mama. "I'm retired. Wala akong ibang gagawin."
"I agree with mama," sabi ni ate.
Sumimangot si kuya. "Syempre agree ka. Dito ka rin nakatira, e."
Inunahan ko na si ate bago pa sila magbangayan. Wala pa naman silang pakialam kahit andiyan si Gabriel.
"Dadalhin ko siya," mabilis kong sabi. "Okay na rin dahil gusto niyang pumunta ng Disneyland."
Agad ngumiti si Gabriel nang marinig niya 'yon. Hindi na rin umapila ang mga kapatid ko dahil nakita nila na excited na siya. Kaya spoiled si Gabriel dahil tiklop agad sila pagdating sakanya.
The next day, I was busy with reading some documents when my secretary suddenly came in. Napaayos ako ng upo dahil mukha siyang problemado at hindi mapakali.
"Kris, bakit?" kalmado kong tanong.
Napakamot siya ng ulo. "Attorney, may dumating po kasi. Wala sa schedule niyo at mukhang hindi naman magpapa-consult..."
Kumunot ang noo ko. "Pero?"
"Pero gusto daw po kayong maka-usap. Okay lang po ba, attorney? Mukhang pursigido rin siyang kausapin talaga kayo."
Normally, I would decline, pero hindi rin naman ako busy at wala rin naman akong meeting sa araw na 'to. Plus, I'm curious. Ano naman kaya ang pag-uusapan namin?
"Sure. Papasukin mo nalang, Kris. Thank you."
Tumango siya at lumabas na rin. Inayos ko ang sarii ko habang naririnig na kinausap ni Kris 'yung tao. I heard a baritone "thank you" and realized it was a guy. At hindi rin pamilyar ang boses niya kaya mas lalo akong nagtaka.
I stood up when the door opened and he came in. I'm normally calm and collected when dealing with strangers, but for the first time in my life, I was speechless.
Umawang ang mga labi ko habang nakatingin sakanya. He was tall and his suit was obviously custom-made. Kapansin-pansin rin ang kakaibang postura niya. He looked confident and sure of himself.
But what made me step back was... his face...
Which looked exactly like my son's.
Tumigil siya sa mismong harap ko. At habang hinihingal na ako sa sobrang pagkagulat, kalmado niyang nilahad ang kamay niya.
"Attorney Madrigal, my name is Vincent Serrano. And based on your facial expression, I believe you know why I'm here."
Umiwas ako sa mga mata niya at tinignan ang nakalahad niyang kamay. Instincts led me. I shook his hand and regretted it. Doon ko lang kasi napansin na nanginginig ang mga kamay ko.
What the fuck is happening?
"A-anong..." I blinked repeatedly, trying to calm myself. "Bakit ka andito? At... paano mo ako nahanap?"
"I think..." Umikot ang mga mata niya sa opisina ko. Tumigil 'yon sa mga couch. "Mas mabuti kung maupo tayo at mag-usap ng maayos."
Gusto kong magwala at maghisterya. Na paalisin siya dahil wala siyang karapatan na pumunta dito, pero hindi ko magawa dahil hindi 'yon tama. He's here for a reason and I need to listen to him. Hindi p'wedeng padalos-dalos ako dahil... Tinignan ko ulit siya.
Napalunok ako at dahan-dahan na tumango. He looked exactly like Gabriel. Or Gabriel looked exactly like him.
"Uh, maupo ka na at... kakausapin ko lang si Kris," sabi ko.
Tumango siya at dumiretso sa couch. He sat there primly and professionally.
"Uh, drinks?" tanong ko, my manners ruling me.
"Water is fine," aniya.
Tinalikuran ko siya at mabilis akong lumabas ng opisina ko. Agad naman akong dinaluhan ni Kris nang makita na wala ako sa sarili.
"Attorney, okay lang po kayo? Tatawag po ba ako ng security?" dire-diretso nitong tanong.
Sunod-sunod akong umiling, medyo mas kalmado na. "Uh, two glasses of water, please," sabi ko.
"Po?" nagtataka nitong tanong dahil sa biglaan kong utos.
"And... huwag kang tatanggap ng kahit sino pa. This is a personal matter and I don't want to be disturbed."
She nodded, still looking concerned.
Ngumiti ako para sakanya. "I'm fine, Kris. It's okay."
"S-sige po, attorney..."
I went back inside after a few deep breathing exercises. Nakaupo parin doon si Vincent Serrano na agad ring tumayo nang makita ako.
I tried my best to look calm when I approached him. At nang malapit na ako ay naalala ko rin kung gaano siya katangkad. I usually tower over most guys. Pero naka-heels na ako ay may konting pulgada pa ang tangkad niya sa'kin.
"Please, sit down," sabi ko at sabay kaming umupo.
We were perpendicular to each other.
"I apologize for intruding so suddenly," pagsimula niya. "Hindi lang talaga ako makapag-hintay nang sinabi sa'kin na nahanap na nila ang anak ko."
I flinched at his statement pero hindi ako nag-react. "S-sino ang nagsabi sa'yo?"
"I hired a private investigator. Pitong taon na pero ngayon niya lang nahanap talaga," sagot niya. His voice was deep and his tone was stern. Hindi man niya sabihin ay malakas na ang kutob ko na businessman siya. Sa mga pagkakataong sinasamahan ko si ate sa ibang mga meeting niya ay ganito rin makipag-usap ang mga kasosyo niya. It was the type of talk that intimidated those that weren't used to it.
"You hired an investigator? Hindi mo ba alam kung saan siya, in the first place?"
Wala akong alam tungkol sa buhay ni Gabriel bago siya napadpad sa Angels Orphanage. Nasali lang siya sa mga batang nakuha mula sa isang raid noon, pero nasabi rin ng isang pulis na mukhang ilang buwan palang simula noong naipanganak siya. Kinumpirma rin ng mga mas nakatatandang mga bata noon na bigla nalang daw dinala 'yung bata noon sa kung saan sila tinatago. Wala naman daw buntis noon sa mga babaeng nakakulong rin doon. Gabriel's mother was completely unknown to me.
Umiling si Vincent. His lips pursed in obvious frustration. "Sa pagkakaalam ko, papunta dapat ng Dumaguete ang nanay niya. Doon dapat manganganak. But she never arrived in Dumaguete. It was a year later that we found out she was dead."
Kumunot ang noo ko. "What's your relationship with her?"
Madidilim ang mga mata niya. Naaasiwa rin ako dahil walang tapon na kamukha talaga siya ni Gabriel. I am so uncomfortable. While my son's eyes were kind and sometimes serious, this man's were piercing and stern. Para bang sinusuri ako ng mga mata niya. I've always prided myself in being able to master the poker face, pero pakiramdam ko ay kitang-kita niya kung ano ang nararamdaman ko talaga. It was weird but I felt so vulnerable to his gaze.
"A one-night stand," diretso nitong sagot.
Napasinghap ako at sasagot na sana pero kumatok si Kris bigla. She came in with two glasses of cold water. Nakita ko kung paano niya tignan ng pagtataka si Vincent. She was cautious while putting down the glasses pero wala naman na siyang sinabi pa. She simply went out quicker than usual.
Agad kong inabot ang tubig at napainom ng konti. Umiwas ako ng tingin dahil pinanood niya ako habang umiinom. It made me a bit conscious kaya binaba ko rin kaagad. I was still trying to find the right way to react. Paano ba mag-react kapag malaman mong sa isang one-night stand nabuo ang anak mo? It's not really an issue, but I don't know the proper response. Pull-out game, weak?
Tumikhim nalang ako at iba nalang ang inisip. "So, paano mo nalaman? Sinabi niya ba sa'yo?"
Umiling siya. "Her cousin came to my office one day. Siya lang ang may alam na ako ang ama ng bata. She came in trying to see if her cousin was staying with me at kung nasaan na 'yung bata. That was also when I found out thatI got her pregnant."
Ilang segundo akong natahimik. I tried to imagine his predicament at that time. Na malalaman mong nakabuntis ka pala, tapos nawawala pa ang anak mo. And worse, to find out that the mother was dead.
"What was her name?" I asked quietly. I never knew.
"Amanda."
Pumikit ako at mabilisang nagdasal para sa kaluluwa niya. Thank you, Amanda. I will love and take care of him for the rest of my life. Rest in peace.
"From what I remember... Gabriel was retrieved from a sex trafficking circle..." I purposely didn't finish my sentence.
He looked grim with pursed lips. Tumango siya. "Ang sabi ng imbstigador, nadampot siguro si Amanda ng isa sa mga 'yon. He believes she was a victim of it and it affected her during labor. 'Yun ang iniisip nilang dahilan kung bakit hindi siya nabuhay nang manganak."
Napalunok ako, naiisip kung gaano kadilim ang naging buha ng ina ni Gabriel. And to think, while she went through all that trauma, she was also pregnant with my son. I am so relieved that the men behind that operation were caught. I pray they also receive their perpetual punishments.
But now, I'm curious about another thing.
"Paano daw nahanap si Gabriel?"
His eyes softened at nakita kong napalunok siya. Hindi rin siya agad nakasagot. "Gabriel... 'Yan lang ba ang pangalan niya?"
My current fears evaporated. In front of me was not just any man, but the father of my beloved child. Ama niya na pitong taon niyang hindi nakilala. Isang ama na pinagkaitan rin ng isang anak. No matter his agenda for being here today, hindi ko 'yon p'wedeng ipagkaila. Because, unlike my own father, Vincent Serrano did not abandon his child. May karapatan siya kay Gabriel, gustuhin ko man o hindi.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top