Chapter Seven
"Nahihilo ka, Gab?"
Ngumuso siya bago sumiksik sa dibdib ko. Sumisinghot pa na parang naiiyak. I felt like being stabbed when I heard his pained sob.
"Mama, sakit sa ears," maktol niya.
Mukhang nag-aalala rin si Vince na nasa kabilang gilid niya. He looked unsure of what to do or how to help. Hinila ko ng mas malapit sa'kin si Gabriel at hinaplos ang buhok niya.
"Bumili ka ba ng sinabi ko kanina?" tanong ko kay Vince.
Tumango siya at may kinuha mula sa jacket niya. He handed me a pack of gum. "Will that help?"
"It should. Depende rin kasi sa tao," sabi ko at binuksan 'yon. I unwrapped one and gave it to Gabriel. "Gab, chew on this gum, baby. Para hindi na masakit sa ears."
"Talaga, mama?" His hopeful and teary eyes made me soft.
"Mhm. Try mo," sabi ko.
He took it from me and chewed on it. Pero sumiksik parin siya sa'kin kaya umayos ako ng upo para hindi ma-strain ang likod niya. Patuloy parin siya sa mahinang paghikbi niya pero nang maglaon ay umayos na rin naman. It was his first time flying kaya nabigla siguro siya sa ear pressure. Buti nalang naalala ko na magpabili ng gum.
"You okay? P'wedeng sa'kin siya sumandal," presinta ni Vince nang makita ang itsura namin.
I smiled to reassure him. Nang marinig 'yon ni Gab, mas lalo siyang kumapit sa'kin. "It's fine, Vince. Hindi naman siya mabigat."
He nodded. Hinagod niya ang likod ni Gabriel. "It's okay, Gab. Few more hours and we'll be there."
Hindi nagsalita si Gabriel pero mas sumiksik pa sa'kin. Inamoy pa ang leeg ko hanggang sa tuluyan nang nakatulog. I watched Vince move around and unwrap the blanket. Dahan-dahan niya itong nilagay sa'ming dalawa ni Gabriel kaya nakangiting nagpasalamat ako sakanya.
He smiled and leaned over to kiss Gabriel's cheek. Napasinghap ako sa lapit ng mukha niya at nang marinig niya 'yon ay nag-angat siya ng tingin. His dark eyes met mine and I could see how they darkened even more.
Bumaba ang mga mata niya sa labi ko at wala sa sariling nakagat ko ito. He groaned and pulled away quickly.
"Kung wala lang si Gab..." parinig niya at itinawa ko nalang.
The flight was tiring because Gab was restless the whole time. Pero nang maka-touchdown na kami at habang hinhintay na 'yung mga bagahe namin, hindi naman siya mapigilan sa pag-galaw.
"I'll handle our stuff. Bili ka muna ng pagkain," bilin ni Vince nang makitang gutom na gutom na si Gabriel.
I nodded. "Ano'ng gusto mo?"
He shrugged. "Get me whatever he's getting."
May McDonald's kaming nakita kaya doon na kami bumili ng pagkain. 'Yung sapat lang para sa byahe namin. Kailangan pa kasi naming magdrive papunta sa hotel na kinuha namin. It's a good thing Vince has a license here kaya madali kaming nakarenta ng sasakyan.
"We should visit my family's house here," sabi ni Vince habang nagmamaneho. We were about an hour away from our hotel because of traffic.
"Oh, saan?"
"It's in San Francisco. Wala kaming bahay dito sa L.A. We could've stayed there."
"May house kayo dito, papa?" Gab asked, distracted from looking outside. Kanina pa siya naa-amaze sa mga nakikita niyang Amerikano.
"Malayo, Gab. Maybe eight hours away," sagot niya.
"Oh..." Hindi na ulit siya sumagot dahil nakakita ng isang Ferrari.
"We can probably visit, kung gusto mo," sabi ko.
Tumango siya. "It will be nice. Malapit sa lake 'yon so he can swim and do some water activities."
"That's nice. Maybe I can get a tan while we're here."
I'm not super light, but with being stuck in the office almost every day, I've become a bit pale. Isa rin sa dahilan kung bakit ko pinili ang California ay dahil sa beaches dito. Naisingit ko nga ang magworkout para naman mas kampante akong magbikini.
"A tan, huh?" Vince smirked. "I'd like to see that."
Namula ako sa sinabi niya pero hindi pinatulan. Baka kung saan pa mapunta at kung ano pa ang marinig ni Gabriel! I just simply made a face and he laughed.
The hotel we're staying at was nice. Dahil na rin kasosyo ni ate ang hotel na 'to, nakakuha kami ng magandang deal. We were staying at the presidential suite that even had its own indoor jacuzzi. Dalawang kwarto 'yon at may kusina narin. It was spacious but really simple.
"This is my room!" sigaw ni Gabriel nang makita ang kwarto na may magandang view sa dagat. Tumalon siya sa kama niya at pabagsak na humiga.
My eyes widened at that. His room? Hindi ba sila magtatabi ni Vince?
My worried eyes met Vince's amused ones.
"Your room, Gab?" tanong ni Vince at lumapit ng konti sakanya. Tinabihan niya ito sa kama. "Ayaw mo ba akong katabi?"
Umupo si Gab at umiling-iling, nakasimangot na ngayon. "No. You and mama have your own room."
Oh my gosh! I did not expect this! Inakala ko talaga na pati dito ay magtatabi silang dalawa! I wasn't expecting to share a room with Vince! Let alone a bed!
Vince chuckled, looking unaffected. "Really? So you won't sleep next to us? Ang laki pa naman ng room mo oh."
Gab shook his head again. "Papa, katabi naman kita lagi. Si mama naman ang katabi mo."
Nasapo ko ang noo ko. Napatingin sa'kin si Vince pero imbes na ma-stress siya, mukhang okay lang sakanya! I don't want to raise Gab's hopes up! Baka mamaya ay kung ano na ang ine-expect niyang mangyari! We are his parents, but Vince and I aren't together.
"Okay, bud. Mama and I will stay in the other room," sabi niya na mas lalong ikinagulat ko. He even had a smirk on his lips!
"Gab, baby," sabi ko at lumapit. Tumabi rin ako sakanya sa kabilang gilid niya. "Ayaw mo ba na may katabi dito? This is a really big room for one person."
Ngumiwi si Gabriel. "Mama, I'm okay. And mas malaki 'yung room ninyo. Kaya tabi kayo doon."
"Gab..." simula ko. How do I even tell him this?
"Okay," mabilis na singit ni Vince kaya hindi ko natuloy. "But you can come sleep there whenever you want."
Hindi na kami pinansin ni Gabriel. He even sounded so much like his dad when he said, "Uh-huh. I need to freshen up, mama, papa. You can go now..."
Vince and I left him alone. Hindi parin ako makapaniwala habang si Vince naman ay nakangisi na ngayon. Inirapan ko siya at nang makita niya ang reaksyon ko ay natatawang itinaas niya ang mga kamay niya.
"Hey. I'm just amused!"
Pinaningkitan ko siya ng mata. "Did you tell him to say those? Bakit biglang ayaw na niyang magkatabi kayo?"
He shrugged, trying to look innocent. "Wala akong sinabi. I don't play dirty like that, Luna."
"Hmm..." I still didn't believe it.
Vince grinned. "I need to shower. Mauna ka na ba o sabay na tayo?"
Nanlaki ang mga mata ko at umambang susuntukin siya nang natatawa siyang umatras. I tried my best to maintain an angry expression, pero hindi rin ako nakatiis. Kahit ano'ng pigil ko, nakawala rin ang ngiti sa mga labi ko.
"You're crazy, Vince. Go shower!"
"Offer still stands," he said like a flirt and even winked.
Nang pumasok siya sa kwarto namin, nasapo ko ang dibdib ko at walang lakas na napaupo sa sofa. My heart was beating so fast I almost can't believe it. Pakiramdam ko ay mahihimatay na ako sa sobrang bilis nito.
Damn... Dangerous territory, Luna.
Dahil parehong naliligo ang mag-ama, naisipan kong ayusin nalang ang mga gamit ko. Gabriel took his luggage kaya mamaya ko na siya tutulungan. I opened my luggage and Vince's dahil may mga damit rin ako doon. He had a few kilos left kaya pinakinabangan ko na.
Nasa gitna ako ng pag-aayos nang lumabas siya ng banyo. He only had a towel wrapped around his waist while his hand was busy drying his hair with a smaller towel. Ang isang kamay niya ay nakahawak sa tuwalya niya para hindi ito mahulog.
Napalunok ako at agad napaiwas ng tingin. I started to wonder when he started becoming so comfortable around me. Naaalala ko rin namang ganito sa condominium sa Pilipinas, pero hindi ako masyadong apektado doon.
But here... in this room... right next to the bed we'll be sharing tonight... His wet and half naked body affects me.
"Are you fixing my things, too?" kaswal niyang tanong at tumabi sa'kin. He started moving his things around to look for clothes.
Tumikhim ako. My throat suddenly felt dry. "Yeah, sure."
He chuckled deeply. "By the way, Luna..."
"Hmm?" Hindi ko siya matignan. Kunwari ay masyado akong busy sa paglagay ng damit sa hanger.
"Don't freak out if you find something."
Sa gulat ay napatingin ako sakanya. He had a cheeky smile on his face, halatang may kalokohan na ginawa. Naningkit ang mga mata ko at magtatanong na sana pero mabilis siyang bumalik sa ensuite dala ang damit niya.
I just shook my head and continued fixing our things. The closet wasn't huge but it was decent-sized na p'wede paring pumasok. Not much room, though.
Inayos ko na rin ang mga gamit ni Vince at ramdam ko pa ang pamumula ng buong mukha ko nang ayusin ko ang mga boxers niya. When I finished fixing those, nasa kama na siya, wearing grey sweatpants and a black shirt. He was still drying his hair with a towel while scrolling through his phone.
"Nagdala ka ba ng shoes?" tanong ko sakanya.
Sinulyapan niya ako. "Yeah. 'Yung suot ko sa byahe tapos 'yung formal shoes na dala ko. I think it's in one of the pockets."
"Dalawang shoes lang?" Ngumuso ako nang maalala ang halos limang pares ng shoe-wear na dala ko. No wonder his luggage was so light.
He chuckled. "Uh-huh. Those should be enough."
I just made a face and tried to empty his luggage. Nahanap ko ang isa pang pares ng sapatos na dala niya at itinabi 'yon sa mga dala ko. I thought it was empty but one of the pockets still had things in it.
Nakahiga na ngayon si Vince sa kama, abala parin sa cellphone niya habang katabi ang bukas niyang luggage. I refuse to think too much about how domesticated this all feels. Baka mamaya ay madala ako.
I opened the last pocket and felt plastic. Kumunot ang noo ko at nilabas ko ang mga 'yon. Malakas akong napasinghap nang mapagtanto kung ano ang mga 'yon!
"Vince!" Binato ko sakanya ang iba sa mga 'yon.
He started laughing. Umupo siya at hinawakan ang mga binato ko sakanya. "What? Just in case."
Pinanlakihan ko siya ng mata. "You—Ang horny mo!"
Mas lalo siyang humalakhak sa sinabi ko. "I'm not saying it will happen, Luna. Nagdala lang ako just in case you prefer them."
"I—I prefer them? Vince!" Pulang-pula na siguro ang buong mukha ko. Funny enough, I wasn't offended. Sobrang nahihiya lang talaga ako.
He winked at me and collected the condom packets. Nagkalat nalang 'yon dahil hindi man lang niya iniwan sa kahon. Now our bed was filled with condom packets!
I covered my burning face and went to the bathroom. Naririnig ko parin ang tawa niya at nang lumingon ako sakanya ay kakasara niya lang ng drawer sa gilid niya. But then I saw him put a packet under his pillow kaya mas lalo akong namula!
For the first time in my life, I took a really cold shower. The image of him above me, while smoothly pulling out the condom from under the pillow, really did things to my system. Hindi ko alam kung makakatulog pa ba ako ng maayos kung 'yun ang laman ng utak ko!
Buti nalang wala na siya sa kwarto nang lumabas ako. Talagang hindi ako tumingin sa kama kahit na ilang beses ko itong nilagpasan. I went out and followed their voices. Nasa may dining area na sila, maraming mga papel sa harap nila.
"Ano 'yan?" tanong ko at nilapitan sila.
"Take out menus," sabi ni Vince at nag-angat ng tingin. His eyes checked me out and then he smirked.
Hindi ko nalang siya pinansin at tumabi na kay Gabriel. "What are you in the mood for, Gab?"
"I don't know, mama. What do you want?"
"Siguro gutom na gutom na kayo. Why not Chinese?"
Pareho silang sumang-ayon kaya ako na ang tumawag at nag-order. Nagbubulungan na silang mag-ama habang abala ako sa order namin.
"Mama, we should watch a basketball game," agad na sabi ni Gabriel nang ibaba ko na ang tawag.
Nagulat naman ako doon, pero nang makita ang ngisi ni Vince ay alam ko na agad kung sino ang mastermind.
Tinaasan ko ng kilay s Gabriel. "Bakit? Are you into basketball?"
Umiling siya. "No, mama. Pero si tito Sol, he likes the Lakers. And papa likes them too. Maybe if I watch, I'll like them."
"Oh?" Bumaling ako kay Vince.
He grinned. "I can get nice seats. May game sa Tuesday kung wala pang plano sa araw na 'yon."
With both of them looking at me expectantly, wala rin akong nagawa kundi pumayag. Mahirap na noong si Gabriel lang, ngayon na sumasali na rin si Vince ay mas lalong hindi ako nakakatiis. I blame their eyes. Lagi akong nakukuha ng mga mata ni Gabriel, and now Vince as well.
I can already imagine them planning behind my back and using their puppy eyes to convince me. At masyado akong nabibihag sa mga mata nila. I should work on that.
"Just remember that the next day, may pupuntahan ako," paalala ko sakanilang dalawa.
Tumango si Gabriel dahil alam niyang andito rin ako para sa trabaho. Si Vince naman, kumunot ang noo at nagtatakang tumingin sa'kin.
"A company I worked for is having a series of fundraising events, kaya ako andito ngayon. May mga nakatrabaho rin ako na kailangan kong makausap para sa isang kaso na hinandle namin dati. The case reached the Appeals Court kaya kailangan naming i-review," mahabang paliwanag ko habang kinukuhanan sila ng maiinom.
Gabriel mumbled a quick thank you but focused on the game he was playing. Cellphone 'yon ni Vince.
"How often?"
"The events, every week lang. Tuwing Wednesdays. But the meetings, I'm not sure yet. Kailangan lang naman ng testimony ko at initial appearance sa court. I was only acting as a paralegal that time."
Magkasalubong parin ang mga kilay niya pero hindi na nagtanong pa. But based on the way his eyes kept shifting to me, magtatanong pa 'yan mamaya.
I smirked at how easily I understand him now. I am in so much trouble!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top