Chapter Nine

As per Vince's instructions, saktong 10pm ay nakarating kami ni Carlisle sa hotel. Nagpasalamat ako sakanya bago bumaba.

"I'll see you next week, Carlisle," sambit ko.

He tipped his hat. "Take care, miss Madrigal."

I waved one last time before going inside the hotel. Kahit medyo late na ay marami paring tao sa lobby. Dire-diretso ako sa elevator dahil nararamdaman ko na rin ang pagod. Buti nalang at maagang natapos 'yung event kaya maaga rin akong nakaalis. Maybe I should wear something with thicker heels next time para mas komportable akong maglakad-lakad.

Pagpasok ko sa suite namin, agad kong narinig ang tunog ng TV. I heard a famous basketball player's name kaya alam kong 'yon parin ang pinagkakaabalahan nila.

When they heard my heels, pareho silang napalingon sa'kin.

"Mama!" Gabriel cheered and excitedly ran to me. Yumakap agad siya sa'kin kaya nanggigigil ko rin siyang niyakap pabalik. "Mama, you're back! I missed you!"

I chuckled and kissed his forehead. "Na-miss rin kita. Ano'ng ginawa niyo ni papa?"

Humiwalay siya sa'kin, still smiling. "Nanood ng basketball, mama. Halika!"

Hinila niya ako sa kung saan sila nakaupo ni Vince. I smiled at him while he looked at me seriously. Pinaupo ako ni Gabriel sa sofa kung saan sila umupo, pero imbes na pumagitna sa'min ay ako ang pinagitnaan nilang dalawa.

"Mama, do you know Kobe Bryant? He's my favorite Laker!" sabi ni Gabriel at tinuro 'yung kaka-shoot lang ng three points.

I smiled and nodded. He was a hot topic when he died kaya kilala ko siya. "Of course, Gab. I heard he was really good."

"Uh-huh," aniya at tinuon na ang atensyon sa pinapanood.

I bent down and took off my heels. Sumandal ako sa sofa at saktong naramdaman ko ang braso ni Vince doon. I tried to pull away pero hinawakan niya ang balikat ko kaya napasandal na rin ako sakanya. Like a while ago, my heart started beating faster again. Parang nagiging normal na reaksyon ko na 'to sakanya.

"You drunk?" bulong nito sa may leeg ko. He even sniffed me, as if trying to smell the alcohol.

"A bit," mahina kong sagot para hindi ma istorbo si Gabriel. "They served cocktail drinks the whole night."

"Hmm..." Mas lumapit siya sa'kin at hindi ako gumalaw. Unused to another male being so close to me, komportable parin ako kahit papano. At kahit naiilang ng konti dahil andiyan lang si Gabriel, I was too tired to complain. At isa pa... gusto ko rin naman.

I closed my eyes, feeling tired now. Hinihila na ako ng antok pero nilalabanan ko pa dahil gising pa si Gabriel. I can hear them talking pero hindi ko masyadong naiintindihan.

"She's sleepy, papa?" rinig kong tanong ni Gabriel.

I tried to open my eyes to smile at him. Nakatingin sa'kin si Gabriel, kunot ang noo at mukhang nag-aalala.

"Gab..." tawag ko sakanya. I reached for him.

Kahit nakasandal na ako kay Vince, sumiksik sa'kin si Gabriel. I cuddled him closer and sighed in content. Iba pala ang pakiramdam... I was hugging Gabriel and Vince's arms were around us both. I don't think I've ever been so at peace before.

"Mama, go to sleep..." Gabriel mumbled against my neck.

"Mhm..."

"Let's go, Luna," bulong ni Vince.

Tumango ako at pinilit na dumilat. Pagod na pagod na at tinatamaan na ng ininom ko, pero sinubukan ko paring magising. Gabriel kissed my cheek and went back to watching. Nagulat ako nang sabayan ako ni Vince na tumayo. Inalalayan niya ako papunta sa kwarto namin kaya pakiramdam ko ay may sakit ako.

"Sobra ka naman sa alalay," natatawang sabi ko nang nasa ensuite na kami.

"Next time, don't drink too much," seryoso niyang sabi, hindi man lang natatawa.

"I won't," sabi ko nalang at inabot ang make-up wipes ko. Pinanood niya akong magtanggal ng make-up at mag-hugas ng mukha. I brushed my teeth quickly.

Kumuha ako ng damit sa closet. Dahil tamad na ako, I just chose one of my silky nighties. Alam kong nasa gilid lang si Vince, pero wala na talaga akong pakialam. Besides, I am not conscious with my body, anyway.

Hinubad ko ang dress ko at tinanggal ang bra na gamit ko. He was quiet behind me kaya hindi na rin ako nagreact. I put on my nighties before pulling down my thong and wearing a clean pair of underwear.

Dumiretso na agad ako sa kama at pabagsak na humiga. Naramdaman ko ang kumot na bumalot sa'kin bago ko naramdaman ang mga labi niya sa pisngi ko.

"Papatulugin ko lang si Gabriel," mahina niyang sabi.

I just nodded, too sleepy. Maya-maya, naramdaman ko rin ang paglubog ng kama sa tabi ko. He pulled me closer to him at nagpahila lang ako. Inayos niya ako hanggang sa komportable na kami pareho. The last thing I remembered was the feeling of his lips on mine before falling asleep.

The next morning, mag-isa na ulit akong nagising. Sumakit pa ang ulo ko dahil siguro sa konting hangover mula kagabi. I showered quickly. Mukhang maghahapon na!

Vince and Gabriel were cooking. Nakaupo si Gabriel sa counter habang dinadaldal ang ama niyang busy sa pagluluto. I paused and watched them a bit.

Hindi maipagkakaila na malapit na ang loob nila sa isa't-isa. 'Di ko alam kung paano, pero pareho kasi ang ugali nilang dalawa. Seryoso, pero may pagkalambing lang si Gabiel. Minsan, napapansin ko rin naman na malambing siya. He was touchy and affectionate, pero ngayon ko lang rin naman napansin.

"Papa, mama wants it squishy," sabi ni Gabriel kaya alam ko agad kunh ano ang niluluto ni Vince.

"Ha?" Napakamot siya ng ulo kaya natawa naman ako.

Tumango-tango si Gabriel, nakatingin sa nalulutong itlog. "Tapos crispy sa gilid, papa. Ganon gusto ni mama."

"Paano 'yon? If I cook it more, the yolk will cook, too," litong-lito na sabi ni Vince habang nakatingin sa anak.

Saglit na napanguso si Gabriel, parang nag-iisip rin kung paano. I chuckled when he shrugged, not knowing how. Dahil rin doon, napatingin silang pareho sa'kin. Muntik pa akong mapasinghap dahil pareho sila ng ekspresyon sa mukha. No doubt, Gabriel looks like his dad.

Minsan, hindi parin ako makapaniwala at madalas paring nagugulat, but I've come to really love it. It amuses me how similar they react.

"Mama, good morning!" masiglang bati ni Gabriel. He stretched out his arms towards me.

Ngumiti ako at yumakap sakanya. Dahil nakaupo siya sa counter, halos magkasing-tangkad lang kaming dalawa. "Hi, baby. How was your sleep?"

"Good, mama. Ikaw po?"

I kissed his cheek. "Okay rin. Pagod si mama kagabi, e."

Tumango-tango siya at sumulyap kay Vince. "Mhm. Papa told me, mama."

Napasulyap ako kay Vince. Nakahawak siya sa kilay niya habang nakatitig sa niluluto. Magulo parin ang buhok niya at malukot ang suot na shirt. He looked really handsome in the mornings.

"Ako na diyan," sabi ko at nilapitan siya.

Sinulyapan niya ako at biglang nagsalubong ang mga kilay niya. "No... Upo ka lang. Ako na 'to."

I chuckled and grabbed the spatula from him. Aangal pa sana siya pero ngumiti nalang ako.

"Mama, bacon rin po ha," sabi ni Gabriel.

Tumango ako. Paborito niyang breakfast combo 'yon. Kaya marami rin akong binili para 'di kami pabalik-balik sa store.

Nagulat ako nang biglang humawak si Vince sa bewang ko. Agad akong sumulyap kay Gabriel na abala naman sa cellphone ng papa niya kaya hindi kami pinapansin.

"Any headaches?" bulong ni Vince sa mismong tenga ko.

I bit my lip. Ramdam ko ang mainit niyang hininga sa leeg ko kaya agad kong naramdaman ang pamumula ng pisngi ko. Umiling nalang ako bilang sagot, hindi makapagsalita.

"I hope you don't drink too much next time," mahina parin nitong sabi habang dahan-dahan na dumidikit sa'kin. I felt his broad chest against my back. "Sasamahan na siguro kita."

I finished up the eggs and put in the bacon. "Huwag na. Walang kasama si Gabriel."

"Po?" biglang singit ni Gabriel, nakatingin na ngayon sa'min. He had a wide smile on his face while watching us.

"Nothing, Gab," sabi ko at lumayo ng konti kay Vince.

"May nag-text ba, Gab?" tanong naman niya sa anak namin. Nilapitan niya ito.

Gabriel nodded. "Here, papa," aniya at inabot ang phone kay Vince. Then he hopped down and went to me. "Mama, I'll set the table now."

Hinaplos ko ang noo niya at ngumiti. "Okay, baby. Thank you."

He smiled and went to grab plates and utensils. Sinulyapan ko si Vince at nakitang nakasimangot siya habang may binabasa sa phone niya. I was curious but I could smell the bacon burning kaya tinuon ko na ang atensyon ko doon.

I finished cooking and they both sat down. Napansin kong napapasulyap parin si Vince sa phone niya pero hindi niya ito hinahawakan. He must be delaying his replies.

"Everything okay?" tanong ko nang nag-aayos na kami. Gabriel was in his room, showering so we can leave.

Tumango siya at nilapitan ako. "Just my mom. May tinatanong," sagot niya at pumwesto sa likuran ko. "I have a question, Luna."

"Hm?"

"Bakit ka umiiwas tuwing nakatingin si Gabriel? Is this an issue?"

Saglit akong natigilan bago dahan-dahang pinagpatuloy ang paghuhugas na ginagawa ko. I wasn't expecting to have this conversation now!

"Well... I just... ayoko lang na masanay siya. He's really smart, Vince, he might expect too much," malumanay kong sabi habang nararamdaman ang paghigpit ng hawak niya sa'kin.

"Expect too much?" He ran the tip of his nose against my cheek.

Tumango ako. "I don't want to confuse him, sakali mang..."

He chuckled. "I'm flirting with his mom and he might think... what?"

Bumuntong-hininga ako at naghugas ng kamay. Hinarap ko siya. "Vince... ayoko lang na umasa siya. I would do anything so he won't be disappointed."

Nagsalubong ang mga kilay niya. "Disappointed? How, Luna?"

Napahawak ako sa batok. Paano ba dapat sabihin?

"Just tell me..." malumanay nitong sabi at hinawakan ang magkabilang balikat ko. His eyes, while still serious and dark, were also soft and affectionate.

Napalunok ako. "I'm not stupid, Vince. Alam kong... may nararamdaman ako para sa'yo. And maybe, you feel the same."

"You're right," he whispered, still staring at me.

My heart skipped a beat at his confession. "W-well... kailangan nating mag-ingat. If—if we even pursue this, kailangan sigurado. Maaapektuhan si Gabriel ng sobra."

"I understand, Luna," aniya. His hands went up to cup my neck. Nilapit niya din ang mukha niya sa'kin. "But what I said to your family was true. Wala akong balak maghanap ng ibang babae. Right now, you're all I see."

"Maybe it's..." Napalunok akong muli, hindi mapakali dahil sa lapit niya sa'kin. "M-maybe it's because I'm Gabriel's mom. Baka mawala rin 'yan."

He chuckled lowly. "If only you could see yourself through my eyes, babe."

"Vince..."

He kissed me softly. "Walang sigurado sa buhay, but I am sure of one thing, Luna. I already love our little family. And when I think of Gab's future siblings... I imagine you as their mom and no one else."

Naramdaman ko ang paninikip ng dibdib ko. But it wasn't from pain, it was from so much joy. "Vince..."

"Only you, Luna. I only want a family when it's with you."

I couldn't help it. Hindi ko napigilan ang pagtulo ng luha ko. Mahina siyang natawa habang pinupunasan 'yon at napangiti nalang din ako. My heart felt so full at the moment na pakiramdam ko ay sasabog na ito.

"Mama, umiiyak ka?" came Gabriel's little voice, filled with concern. Palipat-lipat ang tingin niya sa'min ni Vince.

"Happy tears, baby," sabi ko at hinarap siya.

Ngumuso siya. "Mama, diba kahit happy, bawal umiyak," aniya at lumapit sa'kin. Nakapalit na siya at mukhang handa nang lumabas, samantalang kami ni Vince ay hindi pa handa. "Hug nalang kita."

"Okay," sabi ko at lumuhod para magkalebel kami. Niyakap ko siya at hinaplos niya ang buhok ko, gaya ng ginagawa ko sakanya. "Love you, Gab..."

"Love you, mama," he whispered. Then after a while, he said something a bit louder. "Ikaw rin, papa, syempre."

Bumitaw na ako kay Gab at tumayo. "I'll go change and we can go."

"Papa, ikaw rin," sabi naman ni Gab.

Vince chuckled and messed with Gab's hair a bit. Sumimangot naman siya agad dahil doon. "Okay. Go put on your shoes then."

Nauna na ako sa kwarto namin at agad dumiretso sa banyo. Nagtoothbrush nalang dahil tapos na rin naman akong magshower kanina. In the middle of cleansing my face, pumasok na rin si Vince ng banyo at tumabi sa'kin.

Tinaasan ko siya ng kilay, nagtatanong sa lapit niya sa'kin. I can still remember his sweet confession a while ago kaya mas lalo akong nako-conscious sakanya.

He smiled then leaned down. Hinalikan niya ang balikat ko.

"Only you, Luna..." he whispered.

Dahan-dahan akong tumango bago tuluyang napangiti. "Go get ready, Vince. Gabriel's waiting."

"Uh-huh," aniya pero patuloy ang paghalik sa balikat ko pataas sa leeg. Inamoy niya ako at napaliyad ako dahil sa konting kiliti na naramdaman. Ngumisi siya at sinalubong ang mga mata ko sa salamin. "Our son is waiting."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top