CHAPTER 6 Beach Resort

Amira's POV

Sinabi ni tita na sagutin ko muna yung tawag pero inend call ko na lang ito dahil unknown number.

"Tita please, kaya ko naman magisa sa condo unit ko e"

"Anak, alam ko namang kaya mo pero hindi naman yun yung rason ko"

"Yung pagiging single ko na naman ba? Tita naman"

Tumango siya at uminom ng iced coffee na inorder namin.

"Bakit ganun mo ko kabilis ibigay sa iba tita? Malay mo masamang tao pala yun"

"Hindi masamang tao si Ace atsaka magiging kapartner mo lang naman yun sa pagmamaintain ng resort"

"Oo nga pala, wala akong alam tungkol sa kanya"

"Gusto mo ba malaman? Para may pagasa na maging kayo?" ngumiti si tita Iza.

"Imposibleng magustuhan ako nun atsaka ayoko ko sa kanya"

"Four years na nagwowork si Ace dito sa resort kahit college student pa lang siya dati ay nagpapart time job siya hanggang maging full timer na siya at nakita ng daddy mo na sobrang sipag niya at responsible na bata. Inuuna niya yung trabaho kagaya ng kuya Austin mo at balita ko single yun. Taga Manila din siya pero parents niya nasa ibang bansa at may isa siyang kapatid pero hindi ko pa nakikilala. Mabait na bata yun, madami kang matututunan don. Magaling pa magluto" 

"Wala me pake kung single siya tita atsaka hindi yun mabait, ang sama sama nga sakin e. Magaling nga magluto pero ayaw naman magshare ng food" 

"Hayaan mo magiging close din naman kayo nun. Malay mo maging kayo" ngumiti ulit si tita. 

"Never na mangyayari yun tita" inubos ko na lang yung cupcake na nasa lamesa at nagtanong pa kay tita tungkol sa resort namin. 

"Huwag mo na sakin itanong yung mga yan. Malalaman mo na rin naman kay Ace. Siya na bahala sayo. Una na ako anak, madami pang pinapagawang papeles dad mo" umalis na siya ng coffee shop at ako na lang naiwan.

Si tita Iza nagtratrabaho din sa resort namin dito sa Pangasinan pero bakit kailangan ko pa malaman yung mga bagay bagay doon sa lalaki na yun. 

Nagring yung phone ko at nakita kong number ni Georgia to. 

"Oh bakit ka napatawag?"

"Anong floor yung condo unit mo atsaka anong room number?" tanong niya.

"Bakit mo tinatanong? Huwag mong sabihing andito ka sa Pangasinan ngayon"

"Andito nga ako bestfriend" 

"Sabi na e, antayin mo ko diyan ha sa swimming pool area" Binaba ko na yung tawag at sumakay sa kotse ko. Oo, tama yung narinig niyo syempre nakapasa ako sa drivers license exam. 

--------------

Pagdating ko sa swimming pool area ay wala naman doon si Georgia kaya tinawagan ko na lang ulit to.

"Asan ka na?" tanong ko.

"Hi bestfriend hindi mo naman sinabi na sobrang pogi pala talaga yung roommate mo" sabi niya ng mahina.

"Gusto mo ba ng water, juice or kape?" narinig ko yung boses ni Ace sa kabilang linya.

"Ikaw na lang, ay este kape na lang" tumawa ng mahina si Georgia. Binaba ko na yung tawag at pumunta na agad sa elevator.

Pagpasok ko sa condo unit ko ay nakita kong nasa sala si Georgia at niyakap ako bigla.

"Miss na kita agad bestfriend. Buti na lang nakita ko tong ka roommate mo sa baba at tinanong ko kung kilala ka niya"

"Bakit ka magtatanong ng ganon kung kanino?" sabi ko ng mahina.

"Pogi atsaka feeling ko siya yung ka roommate mo so tama nga hinala ko"  Ngumiti ng malaki si Georgia at sabay kaming umupo sa sala.

Nilapag ni Ace sa harapan ng lamesa yung kape.

"Amira, pakilala mo naman sakin yung pogi na yun" sabi ni Georgia.

"Panget si Georgia pala, ang bestfriend ko" 

"Ace Lucas Rivera, nice to meet you" nakipagshake hands siya sa kanya samantala nung first meet namin pa hard to get pa siya para malaman name niya.

"Nice to meet you din" ngumiti si Georgia. 

Iniwan na kami ni Ace sa sala at pumasok na siya sa kwarto niya.

"Ang pogi niya clear face, matangkad at ang bait pa" 

"Anong mabait ka diyan, baka hindi mo pa nakikita yung totoong kulay niyan"

"Medyo maputi naman siya" 

"Hindi naman yan tinutukoy ko pero teka nga lang bakit ka nga pala pumunta dito?"

Ngumiti siya. "Hindi ka man lang nagsabi na pupunta ka"

"Pumunta ako para makita itsura ni Ace" sabi niya.

"Ano nga? Ang babaw naman nun"

"Yun nga yun atsaka miss na kita. Uuwi din naman ako bukas kasi madami pang ginagawa sa school" niyakap ulit ako ni Georgia. 

Nagwowork si Georgia as a teacher sa isang elementary school sa Manila. Sinabi ko nga sa kanya dati na maging teacher na lang siya sa highschool o kaya college pero sabi niya na mas gusto niya daw turuan ang mga bata at maliliit. Sobrang mahilig sa bata yung bestfriend ko. 

-----------

"Sobrang sarap naman ng niluto mo Ace" ngumiti ulit bestfriend ko. 

Masarap nga pero parang ayoko na paalisin si Georgia dito, nakakakain ako ng maayos e. Hindi yung kailangan ko pa magutom o kaya pumunta sa mall para bumili ng cooked food. Bakit ba kasi ang bait bait niya ngayon, type niya kaya si Georgia.

"Bestfriend, kumain ka ng marami. Bakit tinititigan mo lang yung pagkain?"

Ngumiti na lang ako at  kumain muli. Sa buong oras na kumakain kami ay bestfriend ko lang yung nagdadaldal at nagkwekwento ng kung ano ano. Tahimik lang naman si Ace na kumakain.

Pagkatapos ko maghugas ng plato ay nakita kong lumabas si Ace sa kwarto niya at pumunta ng sala na may dalang kumot at unan.

"Sa sala ka matutulog?" tanong ko sa kanya pagkatapos ko pumunta ng sala.

Tumango lang siya at humiga na ito. 

"Bakit? Andiyan bestfriend mo diba, edi doon muna siya sa kwarto ko matulog"

Narinig ni Georgia yung sinabi ni Ace dahil kalalabas niya lang sa kwarto ko.

"Tama ba narinig ko? Matutulog ako sa kwarto mo?" tanong ni Georgia.

"Basta huwag mo lang galawin yung gamit ko" sagot niya.

"Si Amira na lang hihiga sa kama mo. Bestfriend dito muna ako sa kwarto mo at doon ka muna ha" 

Magsasalita sana ako muli pero nilock na ni Georgia yung pintuan ng kwarto ko.

"Oo na, buksan mo muna pintuan, kukuha muna ako ng damit at maliligo muna ako. Baka sabihin ng isa diyan bumaho kama niya" kumatok ako sa harap ng pintuan. Nilakasan ko yung boses ko para mas marinig niya.

"Ikaw nagsabi nun hindi ako" 

-------------

Nagising na lang ako sa lakas ng sounds ng tv. Ang ingay naman, ang aga aga nagpapatugtog ng ganitong kalakas. Oo nga pala, nakahiga parin ako sa kama ni Ace. Wala akong ginalaw sa kwarto niya kahit sinabi sakin ni Georgia kahapon na tingnan ko yung mga gamit niya lalo na daw yung cabinet.

Bumangon na ako sa higaan niya at pumunta ng sala, nakatakip parin tenga ko sa sobrang lakas ng sounds.

"Buti naman at gising ka na" sabi ni Ace at pinatay yung tv.

"Bakit mo pinatugtog yun ng malakas? Ano? Para lang gisingin mo ko" tumango siya.

"Asan pala si Georgia?" tiningnan ko sa kwarto ko pero wala na pati gamit niya.

"Umalis na kanina, sinabi niya na wag ka na daw gisingin at ang sarap daw ng tulog"

"Masarap talaga pero dahil sayo nasira tulog ko"

"Syempre masarap yung may ari ng higaan e" pumasok na siya ng kwarto niya.

Humiga ako sa sofa dahil antok pa ako. Kainis talaga yung lalaki na yun ginising ako ng wala sa oras e 7 am pa lang ng umaga.

"San mo yan dadalhin?" bitbit niya kasi yung kumot at punda ng unan na ginamit ko sa higaan niya.

"Malamang lalabhan, puro laway kasi" 

"Ang kapal talaga ng mukha mo! Nakakainis ka! "  

"Magayos ka na, pupunta tayo ng resort ngayon" umalis na siya ng condo unit at pumunta sa laundry shop na malapit sa condo namin.

Nagriring yung phone ko at nakita kong si Georgia yung tumatawag.

"Kamusta ang tulog bestfriend?"

"Nakakasira ginising ako ng wala sa oras"

"Ayos lang yan nakatulog ka naman sa higaan niya, pasalamat ka sakin"

"Anong pasalamat ka diyan. Dapat ginising mo ko kanina edi sana nagalmusal muna tayo"

"Hindi na kailangan, nagmamadali na din kasi ako. Punta ulit ako diyan sa susunod ha"

"Ingat ka" binaba na namin yung tawag at kumain na ako ng almusal buti naman at may natira pang ulam.

------------

"Goodmorning po. Welcome to Royal Sunset Beach Resort. Relax and have fun" sabi ng babae pagpasok namin ng resort. Papasok pa lang maganda na.

Ngayon na lang ulit ako nakapunta dito sa resort sa Pangasinan, bata pa ako nung last kong punta dito yung buhay pa si mommy. Madaming nagbago at mas lumawak siya. Ang daming swimming pools plus ang ganda ng view kasi malapit siya sa beach.

"Ang ganda pala dito" sabi ko habang naglalakad kami ni Ace papunta sa loob ng resort. Marami ding pumupuntang tao pero hindi kagaya nung resort ni kuya sa New York na sobrang dami talagang tao.

"So una ipapakita ko muna sayo kung saan yung office mo" pumunta kami sa isang building malapit sa mismong harap ng dalampasigan. Nagelevator kami papuntang third floor.

"Eto yung office mo, dito nagwowork daddy mo dati. Nasa kabilang kwarto ako. May dalawang pintuan diyan. Isa para sa banyo at isa para sa higaan. Nilinis na din ng staff to para sayo" sabi niya.

Tiningnan ko yung buong pwesto at sakto lang siya para sakin. Malinis at maganda yung view kitang kita mo dito yung paglubog ng araw at yung mga alon. 

"Bukas ko na ibibigay yung mga papeles na need mo iwork. Bibigay ko na rin bukas yung mga documents about sa resort natin at mga sales. Kung may tanong ka lang nasa kabilang kwarto lang ako"

Tumango lang ako. Bumaba na kami at pumunta kami sa hotel area kung saan tumutuloy yung mga turista namin. Malaki din yung hotel, dalawa sila meron sa Hotel A nasa kanan at meron din sa kabila Hotel B. May mga restaurant din dito sa loob ng resort.

Madaming swimming pool may pang kiddie pool, may mga slide, may pang 5ft at iba pa. Pero ang pinakamaganda sa lahat yung beach.

"Naikot na kita sa buong resort kung meron ka pang tanong puntahan mo lang ako sa main entrance. May gagawin lang ako don" sabi ni Ace at umalis na.

Nakikita ko yung mga bata gumagawa ng sand castle, yung mga iba lumalangoy, may mga nagspeed boat at mga kung ano pang water rides. 

Ngayon ko lang chineck phone ko at nakita kong 5 missed calls na to. Isa galing kay daddy at yung natira galing sa unknown number. 

Tinawagan ko si daddy pero hindi to sumagot. Nagtext na lang ako kung bakit siya napatawag.

"Hi bunso, kamusta ka naman sa resort?" tanong ni kuya Austin over the phone.

"Ayos lang kuya, sobrang ganda ng resort. Andito nga ako ngayon"

"Good to hear that. If you need any help. Tawagan mo lang ako ha" 

"Opo kuya, ingat" sabi ko. May lumapit saking lalaking kakagaling lang sa paglangoy kaya sobrang basa yung katawan niya.

"Hi miss, ang ganda mo"sabi niya at makikipagkamayan siya pero hindi ko to pinansin at naglakad ng palayo.

"Ang sungit naman. Makikipagkaibigan lang naman" 

Humarap ako sa kanya. "Hindi ako masungit. Then hi" sabi ko sa kanya ng sarcastic.

"Miss naman, gusto mo ba sa kwarto tayo magusap?" sabi niya at tumingin to sa dibdib ko.

Naglakad na ako ng palayo pero hinabol niya ako at hinawakan braso ko. "Usap lang naman miss, doon o sa fourth floor room 341"

"Bitawan mo ko" 

------------

"Ano bang nangyari Amira?" seryosong sabi ni Ace nung dumating siya ng clinic.

Hindi ako sumagot. 

"Amira, isa yan sa mga Vip natin dito lagi silang pumupunta dito para magbakasyon. Bat duguan mukha nito? Ano ba nangyari?"

Ginagamot na ng nurse yung lalaki na nameet ko kanina. Sinuntok ko kasi yung mukha at sinipa yung hita niya buti nga hindi doon sa parte na iniingatan nila e.

"Manyakis kasi" sabi ko. Nakainom pa yung lalaki tapos ganun pa yung asta.

"Oh yun naman pala e, teka manyakis? Ayos ka lang ba?" tanong niya.

"Ayos lang ako"

"Next time ireport mo na lang hindi yung bubugbugin mo pa"

"Maam okay na po siya. Kailangan niya na lang ng pahinga" sabi ng nurse at umalis na. 

"Sige na ako na bahala dito" sabi ko.

"Ako na magbabantay at baka suntukin mo ba"

Hello Readers,

Ang updates ko ay tuwing Mon Wed Fri exactly 3PM. Please support my story by voting. Thankyou. 

-Jaxminy

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top