CHAPTER 28 Acusing Him

Amira's POV

"Elijah did you really did that?" seryoso kong tanong sa kanya dahil after namin malaman ni Ace na may camera sa loob na yun. Pinuntahan ko agad si Elijah sa rest house nila sa Pangasinan, hindi naman ganun kalayo dito. 

"No! Never! Atsaka why would I do that to you babe?" sagot niya at dahan dahan hinawakan ang aking baba. 

"Oh diba, hindi mo nga ginawa yun. Edi sino?" nag-iisip kong tanong. 

"Alam ko na! Ace was trying to make me the evil person. Siya yung may gawa nito lahat" sagot niya. "Gusto niya magrevenge dahil ako yung pinili mo" 

"What? No! Hindi magagawa yun ni Ace" akala ko ba kapag nakapili na ako tatahimik na buhay ko pero parehas nilang ginugulo yung isipan at puso ko. 

"He can do it. The teddy bear was on your house lagi diba, pwede niyang lagyan ng camera don then sew it again para ipamukha na ako gumawa nun"

"Trust me. I have nothing to do with that camera thingy" dagdag niya.

"Ang sakit sa ulo ng mga lalaki" nakkagulat na may nanonood sayo ng ibang tao at nakakatakot yun pero mas nakakagulo ng isip yung dalawang lalaki na to. 

"Babe, trust me in this one. I would never stalk you or do something harm to you" mahinahong sabi ni Elijah sakin at hinawakan ang aking kamay.

"Kung hindi ikaw at hindi si Ace, edi sino gumawa nun?"

"Si Ace yun I'm sure about that. Pero do you want ba na ipainvestigate ko pa siya babe?" tanong niya.

"No need"  

-------------

Andito ako ngayon sa isang coffee shop malapit sa resort namin. Hindi ko kasing kayang puntahan si Elijah o si Ace dahil ang gulo nila. Sinisisi nila yung bawat isa na may kinalaman ito doon sa spy camera.

"Amira?" tawag sakin at lumingon ako ng makita ko ang isang babaeng maganda at sexy.

"Amira, ikaw nga. Namiss kita sobra" sigaw niya paglapit sakin at niyakap niya ako.

"Luna? Kailan ka pa umuwi ng Pilipinas?" tanong ko sa kanya. Siya yung naging kaclose friend ko sa New York dahil parehas kaming Filipina kahit  magkaiba kami ng kinuha sa college. 

"Last week lang. Bakit parang gumanda ka? May boyfriend ka na no?" tanong niya at ngumiti. Hindi parin nagbago yung kagandahan ni Luna at mas gumanda pa siya ngayon. Hindi siya mahilig gumamit ng internet kaya baka hindi niya pa alam. 

"Haynako ikaw talaga pero bakit ka nandito?" tanong ko at umupo siya sa harapan ko. 

"Nagbabakasyon kasi kami ng family ko dito sa isang resort" sagot niya.

"Royal Sunset Beach Resort ba?" tanong ko. 

"Hindi eh, sa Hot Waves Resort sabi nila maganda daw doon. Diba may resort din kayo? Nasabi mo last time na doon ka na magwowork" sagot niya at nag-order na din ng kape. 

Tumango ako. "Manager sa Royal Sunset Beach Resort ni dad" sagot ko.

"Ohh, the other resort. Sorry" sabi niya. "Actually my cousin arranged our vacation so I don't have an idea"

"Ayos lang. Gusto mo ba makita yung resort namin?" tanong ko.

"Gusto sana pero may big party kasi mamaya and I have to attend" sagot niya. After nun nagpaalam na kami sa isa't isa dahil tinatawag na siya ng pinsan niya. 

Kahit ang awkward ng nangyari I'm happy kasi nameet ko siya ulit. Sobrang popular niya sa New York dahil she has beauty and brains but she chose to be my friend rather join some group pero she was sad nung malaman niya na uuwi din ako. 

--------------

Tahimik kaming nanonood ng tv ngayon sa sala. Walang kumikibo saming dalawa ni Ace at nakapokus lang sa panonood. Ingay lamang galing sa television ang aming naririnig. 

"Ace" tawag ko sa kanya.

"Hmm?"

"Elijah told me kahapon na wala daw siyang kinalaman doon" sabi ko sa kanya.

"Of course hindi niya naman aamin sayo yun dahil alam niyang magagalit ka" sagot niya. 

Nanahimik ako bigla. Paano kung totoo nga yung sinabi niya na si Elijah talaga nagbigay nun pero hindi ko parin maisip na gagawin niya yun sakin.

"Sure ka bang hindi mo ginawa yun?" tanong ko.

"Amira, sure na sure na sure"dahan dahan niyang sabi at natawa naman ako. "Why do I need a hidden camera kung roommate naman kita?" tanong niya.

"Elijah told me na baka you trapped him daw because you want revenge"

"Revenge? Bakit ko naman gagawin yun? Look I'm sad because you don't chose me but tinanggap ko naman. I respect your relationship"

"Ginawa mo daw to while wala pa me sa bahay, para sisihin daw siya" dagdag ko.

"Yung alin? Paglalagay ng camera sa loob ng teddy bear?" tumango ako. "Amira, the first day na binigay sayo yan ni Elijah, I swear parang  may kakaiba na something doon. That's why I'm telling you na sa sala lang siya not because dahil nagseselos ako"

"Pero you gave me a small teddy bear" sagot ko.

"Yeah, I gave you one. Slight selos lang naman" mahina niyang sabi. Wait tama ba yung narinig ko? Nagselos nga siya. I was trying hard not to smile kasi ang cute niya.

---------------

"Oh Amira. I didn't expect that you are here at the mall today" biglang kaway ni Max pagkakita niyang naglalakad ako papuntang department store.

"Hi Max" bati ko sa kanya.

"Why are you here? You're not busy?" tanong niya at may bitbit siyang mga shopping bags.

"I was just looking for something to buy" palusot kong sagot pero andito ako sa mall para magpalamig since ang sakit sa ulo sa condo o kaya sa bahay ni Elijah.

"Oh, can I join you?" tanong niya.

Palakad lakad lang kami ni Max habang kunyareng tumitingin ako ng mga damit o kaya ng mga furniture.

"Where do you live?" nagulat ako sa tanong niya. Sinabi ko sa kanya yung name ng condo namin.

"That's interesting. I was looking for a place to live. Are there any rooms left?" tanong niya.

"Why? You're not going back to Manila?" pabalik kong tanong.

"I have to stay here because I have a photo shoot and business to take care of" sagot niya which is ang cool kasi sa Pangasinan din siya nagwowork.

Binigyan ko siya ng calling card ng condo kung saan kami nakatira at sinabi sa kanya na pumunta lang sa office para makapagbayad and such.

"I remember something. You told me that you have a resort to handle right? Where is it? Can I visit?" tanong niya.

"Yep" ngumiti ako sa kanya.

------------

Andito kami ngayon sa resort kahit ayaw ko pumunta dahil tinatamad ako. Nag-insist siya na samahan ko daw siya.

"Wow! Your resort was great" sabi niya habang gumagala kami. "I should visit this again with my family"

"Amira? Andiyan ka lang pala. May need kang pirmahan sa taas" sabi ni Ace pagkakita niya sakin.

Biglang tiningnan ni Ace yung foreigner na kasama ko at tumingin sakin na para bang sinasabi ng mata niya sino yan.

"Ace this is Max Miller, my friend from New York" sabi ko. "Max, this is my roommate and partner in handling the resort, Ace Lucas Rivera" ngumiti si Max at nakipagkamayan sa kanya.

"So english speaking pala to?" tanong niya sakin at napahawak sa ilong niya.

Tiningnan ko siya at sinabi "Malamang. Halata naman diba"

"Mr. Ace, Goodluck" sabi niya at nagtaka naman si Ace.

Tinulak ko na siya palayo at sinabi na mamaya ko na lang pipirmahan yun.

Umupo kami sa isang table malapit sa beach at kitang kita namin yung langit ang ganda.

"Amira, how's your relationship? I saw it in your social media. I think his name was Elaigah"

Tumawa ako sa pagbigkas niya. "It's Elijah. Our relationship? We're actually in good terms" sagot ko.

"How about him?" tanong niya at may tinuro siya. Lumingon ako at nakita kong si Ace nakatingin samin at bigla na lang ito umalis agad nung nakita niya akong lumingon. "He's your roommate right? How did that happened?"

"Yeah, it's a long story. We're also in good terms" sagot ko. Bakit feeling ko unting unti niya na binabanggit yung mga ayokong makausap ngayon.

"Are they not fighting? I bet they are" sabi niya. Hindi naman sila nag-aaway pero nagbabangayan.

"They just blame each other for something that has to do with me and it feels me sick" sagot ko sa kanya.

"Mukha akong freaking messenger nila! Taga pasa ng sasabihin, eh bakit ba hindi na lang sila magharapan at doon sila magsisihan. Dinadamay pa nila ako. Alam ko naman na para sakin yung ginagawa nila pero mas madali kung maghanap na lang ng pruweba" dagdag ko.

Doon ko na lang narealize na hindi pala Pilipino yung kausap ko. "Sorry Max, I can't control myself" ngumiti ako sa kanya.

"That's fine. I thought you're a rapper. You talk to fast" tumawa ako at ngumiti naman siya. "But I can see in your emotions that you are pissed off"

-------------

"Napasarap ang daldalan niyo ha?" bungad sakin ni Ace pagpasok ko ng office.

Luh anong problema ng lalaki na yan sabi ko sa sarili ko. "He's my old friend" sagot ko.

"Old friend daw sus. Mas pogi pa ako sa kanya"

"Luh anong pinaglalaban mo? Mas pogi siya. Ikaw panget"

"Kahit last time sinabi mo na pogi ako" sabi niya.

"Binabawi ko na. Panget mo" sabi ko at nagsimula ng magpirm ng mga papeles.

"Naging crush ka ba nun?" tanong niya sakin. "Halata kasi sa mga titig niya na may gusto parin siya sayo"

"Oh paano mo nalaman? Manghuhula ka ba?" sarcastic kong tanong.

"Oo manghuhula ako at sabi ng bolang crystal si Elijah ang may gawa nun" nagkunware pa siyang may bola siyang hawak.

"Ang corny mo. Ikaw ba si Georgia ha?" tanong ko at nagtaka naman si Ace. Tumawa ako at hindi niya parin magets. Hindi niya talaga magegets, yung bestfriend ko kasi mahilig magjoke.

--------------

"Babe, I miss you" sabi ni Elijah pagpasok ko sa rest house nila. Hinalikan niya ako sa cheeks at kinuha yung pinamili kong food.

"Anong sasabihin mo babe?" straight forward na tanong ko sa kanya.

"Nagseselos ako kay Ace" ano daw? Hindi seloso si Elijah nung naging kami dati pa pero bakit niya sinabi sakin ng diretsuhan yun.

"Babe, you don't have to. You have me" sagot ko at hinawakan ang kanyang kamay.

"Pinagisipan ko to ng mabuti. I decided that you have to leave the condo for good. He's a man babe and you're taken then you don't have to live there with him" sabi niya.

"Why do you have to decide?" inis kong tanong.

"I am your boyfriend" sagot niya.

"Babe, don't be jealous. I'm living with him dahil lang sa work" sabi ko.

Dahil lang ba sa work talaga Amira, tanong ng sarili ko.

"Do you still have feelings for him? Pero yung lalaki na yun may gusto parin sayo. Ayoko lang maagaw ka, natatakot ako" sagot niya.

May feelings pa ba ako kay Ace? Nevermind may boyfriend na ako I should not think like that. "Where do I have to live?" tanong ko.

"Babe here in my house. Malapit parin sa work mo" sagot niya. "And we have bonding time"

Pumayag ako na lumipat muna dito sa rest house ni Elijah para maging mapanatag na yung loob niya.

Bukas, magsisimula na ako magimpake ng gamit at hindi ko alam kung paano sasabihin kay Ace yun.

Kumakain kami ngayon ni Elijah ng fried chicken na binili ko kanina sa fast food.

"Wala ka bang work?" tanong ko.

"I have but it's in Manila. Nagpaalam na ako kay dad I told him na mas importante ka kaysa sa work ko. He's fine with that don't worry"

"Pero Elijah naman" sabi ko.

"Wait lang babe, I have to answer the phone" sabi niya at naglakad palayo.

Naubusan kami ng gravy kaya naisipan kong pumunta ng kusina para kumuha pa ng makita ko si Elijah na seryosong may kausap sa phone.

"Alam ko kung anong nangyari sa mom niya" hindi ko masyado narinig dahil mahina ang boses niya. Bakit niya binanggit mom ko?

"Don't make mistakes again Elijah"

"Yes po" sagot niya.

"You should be careful of Amira by now dapat hindi niya malaman"

"Babe anong dapat hindi ko malaman?" tanong ko at niyakap siya sa likod.

"Geez, bakit ka nangugulat Amira?!" sigaw niya. Napabitaw ako bigla.

"Sorry" sabi ko at naglakad palayo.

"Babe" tawag niya sakin at hinawakan yung braso ko. "Babe, I'm sorry kung nasigawan kita. Dad was just planning something for us"

"About what? It's about kasal na naman?"

"No. no, it's about......" matagal na nag-iisip si Elijah.

"Ayos lang, huwag mo na banggitin" sagot ko at pumunta na ng sala para manood ulit ng tv.

Nagbuntong hininga si Elijah at sumunod na din sakin.

Hello Readers,

Another update. Lovelots!

-author Jaxminy

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top