CHAPTER 26 Jealousy
Amira's POV
Ilang araw na ako hindi makatulog ng maayos dahil sa dalawang lalaki na yun. Isang linggo na ang nakalipas nung magpunta kami ni Ace sa Enchanted Kingdom.
Hindi na kami masyadong nagkikita ni Elijah dahil sa daming pinapagawa sakin ni Ace. Okay na din sakin yun since hindi ko na kailangan pang isipin yung dalawang lalaki na yun.
Hindi na muli binanggit ni Ace yung pag-amin niya sakin pero mas naging close kami sa isa't isa. I think napapansin niya na naguguluhan parin ako sa feelings ko.
Tuwang tuwa si Georgia nung malaman niya na may gusto sakin si Ace. Kwinento ko kasi lahat sa kanya yung nangyari at pinakita ko yung mga pictures namin. Naiinggit daw siya dahil wala na akong time sa kanya.
Excited na nga siya maging ninang agad. Natawa na lang ako sa reaksiyon niya.
Pero mas kinilig daw siya nung si Ace na mismong nagsabi na girlfriend kita.
FLASHBACK
"Hi Ms. Ganda, why are you alone? May kasama ka ba?" tanong ng isang lalaki na kaedad ko din. Lumapit kasi siya sakin nung nakita niya na nakaupo ako mag-isa.
"Alam mo bata pa lang ako mahilig na ako sa mga extreme rides" kwento niya.
"Hala same tayo" napasagot na lang ako bigla basta rides at heights ang usapan. Nasaan na ba si Ace? Ang tagal niya naman bumili.
Tara sakay tayo doon" alok niya sakin at hinawakan braso ko.
"Huwag na lang, okay na ako dito" sagot ko sa kanya at hinatak braso ko.
"Pero miss, ang ganda mo talaga. Anong name mo? Kaibigan ko yung owner ng amusement park na to" sabi niya. Pakealam ko kung kaibigan mo yung owner.
"Kaibigan ko si kamatayan" sagot ni Ace, hindi ko alam na katabi ko na pala siya agad.
"Sino ka pre? Hanap ka ng ibang chixx, nauna ako dito e" ay napaka ano talaga ng lalaking yun ang sarap suntukin.
Itataas ko na sana kamao ko ng biglang hinawakan ni Ace kamay ko.
"Girlfriend ko" seryosong sabi niya.
"Ay sorry pre" sagot ng lalaki at naglakad na agad palayo.
Hahabulin ko sana pero pinigilan ako ni Ace. "Ang kapal ng mukha nun, ano ako bagay? Mapupunta lang sayo kapag nauna ka" inis kong sabi.
"Oh kalma" sabi niya. "Sinabi ko lang yun para umalis na yung lalaki pero malay mo soon diba" ngumiti si Ace sakin. Biglang bumilis yung tibok ng puso ko.
---------------
Amira's POV
Nasira na din yung rules na ginawa namin except kay Rule number 2, syempre siya parin yung magluluto.
"Amira, kain na tayo lunch" sabi ni Ace. Araw araw kasi siyang nagluluto ng maaga at binabaon namin yun para sa office na kami mismo kumain.
"Wow kare kare" sobrang sarap nito lalo na kapag may bagoong. Ininit muna namin ito sa microwave oven.
"Bakit hindi ka na lang naging chef?" tanong ko kay Ace habang sinisimot ko yung kanin ko.
"Hobby ko lang ang pagluluto pero malay mo diba magkaroon ako ng sarili kong restaurant" sagot niya.
Nililibot ko yung buong resort at madami ang bumabati sakin pati nagpapapicture.
"Ms. Amira dapat po magkaroon na kayo ng album, ang galing niyo po kumanta" sabi ng isang fan na nagbabakasyon sa resort namin.
There are underrated singers who deserves more na magkaroon ng album" sabi ko. "Pero thank you and have fun sa resort"
Pumasok ako ng hotel at may narinig akong umiiyak na babae. Nasa pangalawang room sa kinakatayuan ko ngayon. Sumilip ako dahil nakabukas ng konti ang pintuan at nakita ko si Britney na may kausap sa phone.
Kumatok ako at pumasok sa kwarto niya. "Britney" sabi ko at umupo ako sa tabi niya. "What happened? Why are you crying?" tanong ko.
"Leave me alone Amira!" sigaw niya at mas lalong umiyak siya ng malakas. Ngayon ko lang nakita yung side niya na ito dahil madalas na mataray siya at palaban.
"I'll stay here" sagot ko at hinagod ang kanyang likod na hindi parin tumitigil sa pag-iyak.
"Can you please stop being the mabait na girl. It makes me hate you more" sabi niya. Hindi ko alam kung anong pinagsasabi niya pero patuloy ko parin siya pinapatahan.
"I hate you!" sigaw niya at patuloy parin siya sa pag-iyak.
"What happened ba?" tanong ko.
"Because of you! Why do you have to come inside my room? Gusto mo bang makita ako na weak and a loser. Then look at me now!" sigaw niya at tinulak ako palayo.
"Ano ba ginawa ko sayo Britney?" pagtataka kong tanong.
"Because mabait ka, everyone is praising you. Everyone!" namamaga na yung mata niya sa kakaiyak.
"Hindi mo kasi alam kung anong feeling being the second palagi. It's always you. Puro na lang Amira ang bukambibig ni dad" sabi niya at tumayo. "Si Amira kamusta na? Eh ako ni isang beses ba kinamusta niya ako? Andiyan palagi si dad sa bahay pero never kong narinig na oh kamusta ka na anak"
"Dad loves you, kayo nga pinili niya remember" sagot ko.
"Dad loves me? No, he just love mom!" sigaw niya na naman. "You always reject dad's offer because you want to live by your own and after you reject it sakin napupunta. Lahat ng mga gifts mo nung bata ka those toys and fancy clothes, hindi mo tinanggap and he just gave it to me like a trash"
"I didn't receive even once na galing sa puso niya" dagdag niya. "Yung sa resort? I was happy na ako yung first choice ni dad para mag manage nun pero I've heard na ginawa niya lang yun para tumigil na ako sa pagiging model which hurts me a lot kasi yun yung pangarap ko kaya tinanggihan ko"
"I was frustrated nung naging model ka pa kasi pati ba naman yun aagawin mo sakin. Yung atensyon ko,yung pangarap na iniingatan ko. Mawawala lang dahil sayo especially sa boses mo" malungkot niyang sabi.
"Don't compare yourself with me. We have different strengths and weaknesses" sabi ko.
"Hindi ko kinokompara. I am jealous for everything you have. Sana I was never been born"
"Don't say that" saway ko sa kanya.
"You thought na I was his favorite daughter? Pero never, ikaw yung favorite ni dad. He hated me kasi hindi niya naman sinasadya na mabuntis si mom. Pumayag lang naman magpakasal si dad kay mom nung namatay mom mo dahil inamin niya na buntis siya pero ang totoo wala siyang pinagbubuntis nun"
"Kaya pala wala akong makitang kapatid na kasama mo. Tinago ka ng mom mo" sabi ko.
"My mom did the right choice" sabi niya.
"Ano?! Dahil sa mom mo nasira pamilya ko" sigaw ko sa kanya.
"I am very sorry about that for ruining your family pero mahirap lang kami ni mom. They met sa isang club and aksidente na nabuntis niya ito kaya nagtago siya. Pinanganak niya lang ako sa bahay at nawalan pa siya ng trabaho. Mag-isa lang siya namumuhay dahil wala na parents niya"
"She has no choice Amira" malungkot niyang sabi at hinawakan braso ko.
"Nilandi niya si dad kahit alam niyang may asawa na ito. Sobrang sexy at ang appealing ng mom ko kaya nagdate sila"
"May kinalaman si Maria sa pagkamatay ni mom?!" tanong ko. Kaya pala months before mamatay si mom madalas silang nag-aaway at hindi nagkakasundo.
I was so angry to dad that time asking him kung minahal niya ba talaga si mom para ipagpalit siya agad pero ang sagot niya wala daw siyang choice.
"I am sorry about what happened to your mom pero hindi namin pinatay mom mo" seryosong sabi niya.
"Liar!" sigaw ko.
"Amira, maniwala ka sakin. Walang kinalaman si mom sa nangyari. I'll prove you" sabi niya. Hindi ko na natiis at umalis na ako ng kwarto. Nagiging sad ako kapag pinaguusapan yung death ni mom.
"Car Accident lang yung nangyari Amira. Aksidente lang yun" sabi ko sa isip ko. I don't want to accused someone na hindi ako sure sa nangyari pero she hated my mom.
------------
"Saan tayo pupunta Elijah?" tanong ko sa kanya habang nagmamaneho siya. Ang haba kasi ng byahe namin. "Bakit tayo nasa Manila?" tanong ko na naman pero hindi niya ako sinasagot.
Familiar tong village na to ha, malapit to samin. "We're here" sabi ni Ace at pinagbuksan niya ako ng pintuan.
"Good morning po maam at sir Elijah" sabi ng katulong pagpasok namin.
"Siya yung ex fiance ni sir ha. Bakit kaya siya nandito?" nagsisimula na mag-usap ang mga chismosang katulong nila.
"Ang kapal niya naman balikan si sir" mahinang sabi ng isa. Aba uupakan ko na to ha.
"Good afternoon po Mr. Ocampo" sabi ko ng biglang bumaba siya ng stairs at pumunta ng sala kung nasaan kami.
"Oh iha, andito ka pala" masayang sabi ng dad ni Elijah. Nasa bahay ako ni Elijah at hindi ko alam kung bakit dito kami pumunta.
"Gusto mo ba ng makakain o maiinom iha?" tanong niya.
"Hindi na po, kakakain lang po namin ni Elijah kanina" sagot ko at umupo kami lahat sa sofa.
"Elijah, where is your mom?" tanong ko dahil matagal ko na siyang hindi nakikita.
"Wala na mom ko last year pa" malungkot niyang sabi.
"She died because of heart attack" sabi ng dad niya.
"Sorry po"
"Ayos lang yun iha, so why are you both magkasama?" nagtatakang tanong niya.
"Dad" huminga siya ng malalim."Kami na ulit ni Amira" masayang sabi ni Elijah at hinawakan ang aking kamay.
"Teka what?!" nagulat ako sa sinabi niya at napatayo.
"I am very happy to hear that news. Kailan ang kasal?" nakangiti na tanong niya.
"Wait lang po Mr. Ocampo, kakausapin ko lang po anak niyo" sabi ko at hinatak siya papunta sa garden nila.
"What the hell did you say to your dad?" kalmado kong sabi.
"Why? Are you not happy?" tanong niya.
"I am but pinagiisipan ko pa yung sagot ko" explain ko sa kanya. Naguguluhan pa ako sa feelings ko pero biglang bigla niya na lang akong gugulatin ng ganun.
"Bawiin mo yung sinabi mo sa dad mo. He was talking about the wedding agad agad" sabi ko sa kanya.
"Why? Magpapakasal din naman tayo" sagot niya. "Bakit kailangan pang patagalin?"
"Argh. Kumalma ka Amira, huwag mong sasapakin yung lalaki na to" sabi ko sa sarili ko.
"Amira" hinawakan niya yung parehas kong kamay. "You told me na mahal mo ko pero bakit parang naguguluhan ka?" sinabi ko kasi sa date namin last time before umamin sakin si Ace na may feelings parin ako sa kanya.
"I don't want to repeat my mistakes again for choosing you" seryoso kong sabi sa kanya.
"You won't I promise" sagot niya.
"Pero pagiisipan ko parin Elijah, I'm sorry"
-----------
I checked my social media accounts at sumabog ng sobra dahil sa mga bashers at sa mga positive comments. Hindi naman siya tungkol sa bagong cover ko na kanta pero dahil sa lalaking yun.
"Wala pa ngang isang linggo, alam na ng lahat agad" sabi ko habang tumitingin sa mga comments. Kalat na kalat kasi yung mga pictures namin na magkasama.
"Hindi sila bagay masyadong pogi siya para kay Amira"
"Ang dami naman na magagandang girls diyan bakit siya pa yung pinili"
"Girlfriend niya yun? Halatang nagmakaawa si girl"
"Ang baba naman ng standards ni boy"
"Mang-aagaw" wow, kailan pa ako naging mang-aagaw. Sino ba nagcomment na to, mastalk nga. Kaya naman pala fan ni Britney.
"Akin na lang siya, hindi niya deserve yung guy"
"Nagustuhan lang naman yan dahil model siya"
"Ang panget kaya ni Amira, mas maganda pa ako diyan" chineck ko yung account niya. Maganda naman siya pero ang ugly ng bunganga.
There are lots of bashers and rude comments pero hinayaan ko na lang to. Dapat hindi ka magpaapektado sa mga sinasabi nila. Gusto lang naman nila na makita tayong masaktan pero ang hindi nila alam na we are stronger than what they think. Tuloy parin ang buhay.
May mga positive comments din from my fans at sa mga guys na nagseselos dahil taken na ako. May mga manliligaw kasi ako through emails and chat pero I don't prefer those things.
Hi Readers,
Sobrang busy ngayon sa book club ko pero thankful ako dahil may mga nagbabasa pa din.
Lovelots!
-Author Jaxminy
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top