CHAPTER 25 Follow Your Heart
Amira's POV
"Ate ang cute naman ng teddy bear na yan" sabi ni Sophie pagpasok niya ng condo unit namin.
Galing kasi kami ng resort kanina at gusto niya daw gumala kami. Kaya buong araw binantayan ko siya magswimming at maglaro. Nakakapagod pala mag-alaga ng bata since ang kukulit nila.
Niyakap niya yung stuff toy. "Ate, bakit nasa sala si teddy bear? Bakit wala siya sa kwarto mo?" tanong niya.
Sumingit si Ace sa pinaguusapan namin. "Baby, it will guard our house to protect us from evil people" sagot niya.
"Sus, selos lang siya kay Elijah kaya ganyan" mahina kong sabi. Wala me choice kung hindi sa sala na lang siya lagi, forbidden na yung stuff toy pumasok sa kwarto ko. Kapag ginawa ko daw yun, hindi na daw siya magluluto para samin.
Ang babaw ng rason pero wala me magagawa, I can't live just buying food sa tindahan and I have no time to learn to cook. Mamimiss ko lang yung luto niya kapag hinayaan ko.
"Teddy Bear, then you should keep my ate and kuya safe okay" ngiting sabi ni Sophie. Habang nilalaro niya ito ay kinausap ko sa kusina si Ace.
"Hindi ko talaga maintindihan e" sabi ko sa kanya. "Binibig deal natin ang isang teddy bear"
"Ikaw lang" sagot niya.
"Then let me put it sa kwarto ko"
"Ayoko" nainis tuloy ako lalo. May binigay siya sakin na isang paper bag.
"Ano to?" tanong ko at tiningnan ko yung laman. Isang maliit na teddy bear.
"Ayan yung yakapin mo kapag natutulog ka" sabi ni Ace at naglakad na papunta ng sala.
"Hindi ko magets, why would you give me a teddy bear?" tanong ko at naguguluhan ako sa kinikilos ni Ace.
Out of nowhere, without celebrating anything he just gave me a gift.
"Wow ate, another teddy bear. Mas cute po to kaysa yung malaki" ngiting sabi ni Sophie.
"Ako nagbigay niyan" feeling proud na sabi ni Ace.
---------
"Saan tayo pupunta?" tanong ko sa kanya. Nagmamaneho kasi kami ngayon sa kalsada at ang sabi niya is magsuot lang daw ako ng komfortableng damit.
Saturday ngayon imbes natutulog ako or nanonood ng kdrama ay andito ako ngayon sa kotse niya.
"Special meeting" sagot ni Ace. Meeting? Bakit parang ang layo naman, dalawang oras na kami bumabyahe.
"Atsaka 6 am palang ha, may meeting ba na ganitong kaaga?" inis na tanong ko sa kanya.
Bigla kong nilakasan yung music at binuksan naman ni Ace yung bintana ng kotse.
"May naamoy ka ba?" tanong niya sakin.
"Wala naman bakit?" sagot ko at biglang may tunog galing sa loob ng kotse.
Tinakpan ni Ace ilong niya. "Amira" natatawa siya habang binabanggit pangalan ko.
"Sorry na hindi ko na mapigilan e" sagot ko at binilisan ni Ace na makahanap ng pinakamalapit na gas station.
Kinuha ko agad yung bag ko dahil nandoon yung tissue at alcohol ko. Tumakbo ako agad papunta sa restroom.
"Bakit ang tahimik mo?" tanong niya sakin habang nagmamaneho na siya ulit papunta sa meeting.
"Nakakahiya kasi" sagot ko. Gustong gusto ko na magpakain sa lupa nun.
"Ano ka ba ayos lang yun. Okay ka na? Sabihan mo lang ako kapag need magstop over ha" sabi niya.
I felt relieved nung sinabi niya yun dahil last time umutot ako sa kotse kasama ko ex ko, ang gross ko daw at kababae kong tao ginagawa ko yun.
Hindi ko naman kasi mapigilan yung utot ko kung kailan lalabas. Alangan naman sabihin ko na oh mamaya ka na umutot after dinner ganun.
Pagkatapos ng ilang oras ay nagising na lang ako na nasa parking lot na kami. "Nasaan tayo?" tanong ko at bumaba ng kotse.
"Enchanted Kingdom? Teka nasa Echanted Kingdom tayo!?" may halong gulat at saya ng nakita ko yung mismong entrance ng amusement park na ito.
Tumango si Ace. "Nagustuhan mo ba?"
Tumango ako. "Ang tagal na ng last kong punta dito. Hindi ko naman inakala na andito ako ngayon" masaya kong sabi. "Pero teka ang weird naman. Bakit gusto nila magmeeting sa isang amusement park?" inosente kong tanong.
Tumawa siya. "Walang meeting. Sinadya ko talaga na pumunta dito kasama ka. Nagtanong pa nga ako kay Georgia kung ano yung mga gusto mong puntahan"
"Inabala mo pa siya" sabi ko at nagpapicture kami sa harapan ng entrance.
"Say cheese" sabi ng babae na may hawak ng phone ni Ace. Inakbayan niya ako at nagpeace sign ako.
"Ang cute niyo po sa picture. Bagay na bagay po kayo" sabi ng babae. Tumawa ako ng mahina sa sinabi nya.
"Bagay talaga kami diba Amira" sabi ni Ace at inakbayan na naman ako. "Thank you pala miss" sabi niya at binalik na ng babae yung phone.
Pumasok na kami sa loob ng amusement park at hindi ko maalis yung ngiti ko sa aking mukha. Ang daming tao, mga sigawan na naririnig ko dahil sa mga sumasakay ng rides, mga pamilya at magkakaibigan na gumagala at nagsasaya.
"Anong gusto mong puntahan?" tanong ni Ace sakin.
"Lahat gusto ko puntahan at sakyan" excited kong sabi.
"Space Shuttle na naman ba? Hindi ka na nagsawa Amira, iba naman" sabi ni Ace habang naglalakad ako papunta sa pila.
"Oh sige last na to tapos EKstreme Tower naman" sagot ko.
Ang dami naming sinakyan ni Ace lagi ko na lang hinahatak braso niya. Sumakay kami ng Anchors Away, Air Race, Flying Fiesta at ng Disk-O-Magic. Buti na lang may dalang bagong pamalit si Ace dahil nabasa kami after namin sakyan yung Rio Grande Rapids at Jungle Log Jam.
"Hindi ko naman alam na sobrang hilig mo pala sumakay ng mga rides. Napagod ako don e" sabi ni Ace habang nagpapahinga kami. Bumili na din kami ng makakain sa mga food stalls. Ang mahal ng food dito pero ayos lang libre naman ni Ace.
"Saan tayo next?" excited na tanong ko.
"Dito muna" sagot ni Ace at sumandal sa upuan niya.
"Bakit? Sayang oras tara na Space Shuttle ulit tayo" nakasimangot na sagot ko.
"Mahaba pa pila, pahinga lang muna tayo" halata ngang napagod si Ace dahil walang tigil kami kanina.
Nilibot namin yung buong amusement park. Sinakyan ko lahat ng pwedeng sakyan kahit yung the grand carousel pinatulan ko din.
"Dapat sinama mo dito si Sophie sigurado ako magugustuhan niya to" sabi ko habang naglalakad kami at kumakain ng cotton candy.
"Gusto kita makasama mag-isa at thankful ako dahil sobrang saya mo" sagot niya pero hindi ko ito masyado narinig dahil madaming tao at may nagpeperform sa kalsada.
"Ano ulit sabi mo?" tanong ko ng malagpasan na namin ito.
"Ang sabi ko try natin yung Swan Lake" tinuro niya yung water ride na yun, hindi masyado malayo sa kinakatayuan namin ngayon.
"Tara" excited kong sabi. This time siya na yung humatak sa braso ko.
"Ang ganda ng langit oh" sabi ko at tumingala din si Ace habang pinepedal namin yung swan lake.
"Oo nga, ang ganda din ng katabi ko" sagot niya. Kinuha niya phone niya at nagselfie kami.
"Favorite ko sumakay ng mga rollercoaster kaya lagi akong suki ng mga amusement park sa New York" kwento ko sa kanya. "Minsan nga the day before the exam pumupunta ako don para pampawala ng stress"
"Sino kasama mo?" tanong niya.
"Ako lang, busy kasi si kuya sa work pero one time kasama ko mga New York friends ko" sagot ko at pinakita ko sa kanya yung mga pictures ko.
"Bakit sabi mo na ngayon ka na lang ulit nakapunta dito? Nung kayo ba?" tanong niya.
"Sino? Nung kami ni Elijah?" tumango siya. Hindi ko naman inexpect na babanggitin niya yung ex ko.
"Takot siya sa heights kaya hindi niya ako pinapayagan pumunta sa mga ganyan" sagot ko at bumaba na kami sa swan lake.
"Pwede naman ikaw lang ha, bakit kailangan kasama pa siya?" tanong ulit ni Ace.
"One time kasi monthsary namin yun then request ko na pumunta kami dito sa Enchanted Kingdom. Sa sobrang excited ko nakalimutan ko na takot pala siya sa heights. Pinilit ko siya sumakay ng EKstreme Tower, then habang pataas pa lang kami nawalan na siya ng malay then pagkababa namin nagsuka siya. Sorry ako ng sorry after mangyari yun. One week niya ako hindi pinansin" kwento ko sa kanya.
"Hindi mo naman kasalanan yun" sabi ni Ace at umupo kami sa isang park bench.
"Kahit na, kung hindi dahil sakin hindi siya matatakot ng ganun sa heights" sagot ko.
"Hala Ms. Amira? Fan niyo po ako. Binili ko po yung magazine niyo at pinapanood ko po lagi video niyo" sabi ng batang babae. Nagpapicture siya sakin. May mga nakapansin din na iba kaya lumapit sila sakin para magpapicture.
"Kaya pala kanina ko pa napapansin pinagtitinginan ka nila" sabi ni Ace sakin habang naglalakad kami.
"Amira, mananalo ako dito, bibigay ko sayo yung stuff toy na yun" determinadong sabi ni Ace. Hindi ko alam bakit kailangan niya pa galingan e binigyan niya na ako ng teddy bear.
Tumawa ako dahil walang natamaan si Ace kahit isa. "Madaya e" sabi ni Ace.
Kailangan kasi maputok yung balloon gamit ng dart. "Watch and learn" sabi ko sa kanya at ako naman yung tumira.
"Yehey!" masaya kong sabi. Binigyan ako ng stuff toy. Natamaan ko kasi lahat.
"Tsamba lang yan" sabi niya.
"Huwag ka na sad, eto oh need ng warm hugs" asar ko sa kanya at binigay yung stuff toy sa kanya. "Gift ko yan sayo" sagot ko.
Biglang nagbago yung itsura ni Ace from malungkot napalitan agad ng ngiti at niyakap yung stuff toy.
Namasyal kami at pumunta sa mga shop, kumain at sumakay ulit ng rides. Kahit ilang beses na namin nasakyan yun hindi parin ako nagsasawa.
"Amira, for the last ride" sabi ni Ace at tinuro yung ferris wheel.
Gabi na nung nakasakay kami ng ferris wheel. Ang haba ng pila halatang patok sa masa. Habang unting unti kami tumataas ay nakikita mo yung buong view ng Enchanted Kingdom. Sobrang ganda lalo na kapag gabi dahil sa mga ilaw.
"Thank you Amira" sabi ni Ace. Hinawakan niya yung kamay ko.
"For what?" tanong ko. Bumilis yung tibok ng puso ko dahil nakatitig siya sakin.
"Sobrang saya ko dahil nakasama kita ngayon"
"Ang ganda ng view oh" pag-iiba ko ng topic at tumingin sa baba.
"You're more beautiful than the view" hindi ko alam kung makokornihan ba ako o kikiligin dahil isang Ace Lucas Rivera lang naman ang nagsabi nun.
"Amira, gusto kita"
Biglang nagpasabog ng fireworks yung puso ko. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko, nakatingin lang ako sa kanya at hawak hawak parin niya ang kamay ko.
"Alam kong nagulat ka sorry, kung binigla kita. I don't want to lose you Amira"
"Pero paano? Bakit? Kailan?" tanong ko sa kanya. Hindi parin pumapasok sa kokote ko na yung lalaking ayaw ako nung first day at lagi kaming nagaaway ay may gusto sakin.
"I should have said this dati pa but naunahan ako ng takot na baka hindi mo na ko pansinin" sabi niya at hinawakan yung chin ko. Nakatingin lang kasi ako sa baba.
"I don't really hate you the first day we met sa bahay but inaaway kita lagi para ikaw na mismo umalis ng condo unit at magsabi kay tita na you can live by yourself. I know na gusto mo din yun. Pero nothing happens, mas nainis ka lang din sakin. I have no feelings for you dati pero nung mas nakilala kita, yung totoong ikaw. I felt na I like this girl na gustong gusto kita"
"Nung mga oras na nawawala ka sa forest, I am so damn worried na baka hindi nakita makita muli. Kaya kahit anong mangyari sakin nun ayos lang basta mahanap kita" dagdag niya.
"Ace, nililigawan ako ni Elijah" sabi ko sa kanya.
"I know, nagselos ako ng sobra nun kahit wala naman akong karapatan para magselos" kaya pala ayaw niya na nasa kwarto ko si Teddy.
"Amira, hindi ko alam kung may lugar pa ako sa puso mo pero kahit konti lang, sana mapakita ko sayo kung gaano kita kagusto" sabi niya at niyakap niya ako.
"Pero paano yung rule number 3 na don't fall inlove?" tanong ko sa kanya.
"Kung ano man yung parusa gagawin ko. Ayoko magsisi sa huli na hindi ko sinabi kung ano yung nararamdaman ko sayo Amira"
"Naguguluhan ako Ace" sabi ko sa kanya at niyakap niya ulit ako. Hindi ko alam at sa oras na to ang bagal ng pagtakbo ng ferris wheel.
"Follow you heart Amira" tinuro niya yung puso ko. "I'll accept your decision kahit anong mangyari andito ka parin sa puso ko"
--------------
Humiga ako sa higaan ko at nagwawala, pagulong gulong sa higaan at hindi ko alam kung anong gagawin ko.
Heart? Bakit ka ganyan? Bakit kailangan pa mangyari to?
Hindi naman pwede na piliin ko sila both. Hindi ko naman pwede na hatiin yung puso ko at ibigay sa kanila parehas.
Gusto ako ni Elijah at gusto ko din siya. Gusto ako ni Ace at gusto ko din siya. Bakit ba kasi gusto ko sila parehas? Mas mahirap pa to sa math exam e.
Should I choose my ex na nagbago na or my enemy/ roommate?
Or should I choose none? Since parehas silang masakit sa ulo.
"Follow my heart" hinawakan ko yung chest ko at pinikit ang aking mga mata.
Hello Readers,
Support my story. Don't forget to vote and comment. Lovelots
-Author Jaxminy
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top