CHAPTER 22 I'll Look After You
Ace's POV
"Ayan kasi puro work na lang lagi" sinesermon niya na naman ako. "Ilang beses ko bang sinabi sayo na magpahinga ka naman" nakahiga ako ngayon sa higaan ko habang nilalagay ni Amira yung bimpo sa noo ko gamit ng maligamgam na tubig. "Nawala lang ako ng isang linggo, nagkasakit ka na agad"
"Para kang si mommy, mas malala pa nga" sagot ko sa kanya. Nanghihina katawan ko at ubo ako ng ubo.
"Cover your mouth naman, baka mahawa ako sayo" sabi niya at tiningnan yung temperature ko. "Ang taas ng lagnat mo oh" kumuha siya sa cabinet ng extra kumot para ilagay sakin pinatay niya din yung aircon. "Ano ba kasi pinagagawa mo?" sermon niya na naman.
"Amira, masyado kang nagalala sakin, ayos lang ako" umubo ulit ako ng umubo at tiningnan niya ako ng masama.
"Nagcover naman ako ng mouth ha" sagot ko. Lumabas na siya ng kwarto pagbalik niya ay may dala na siyang pagkain. Nilapag niya ito sa katabing table na malapit sa kama niya.
"Kumain ka na" sabi niya at tiningnan ko lang yung pagkain at siya. Wala akong ganang kumain sabi ko sa isip ko.
"Ano? Gusto mo ba subuan pa kita?" malumanay niyang sabi. Umupo ulit siya sa tabi ko at sinubo niya sakin yung kutsara na may adobo at kanin. Matagal ko ito nginunguya at matiyaga siyang nagaantay sakin.
"Hindi ko kaya ubusin yan" sabi ko sa kanya at umupo. Uminom muna ako ng tubig.
"Nakakatatlong subo ka pa lang. Gusto mo ba gumaling o hindi?" tanong niya naman. "Sige wait lang may iluluto lang ako" sagot niya at pumunta ng kusina. Pinikit ko muna ang aking mga mata habang nag-aantay.
"Pasalamat ka alam ko kung paano magluto nito" sabi niya.
"Ano yan?" tanong ko ng pagdating niya.
"Lugaw" sagot niya at umupo sa tabi ko. Plain rice porridge ang iniluto niya sakin, wala masyadong sangkap kagaya ng itlog o kung ano man nilalagay sa top. Parang kanin na basa lang, pero mainam daw to kainin.
"Madalas ko itong niluluto kapag masama pakiramdam ko, mas magandang may laman ang sikmura kaysa wala" dagdag niya. Sinubuan niya parin ako kahit sabi ko na kaya ko na.
"Last subo na lang, say ahh" ginagawa niya naman akong bata, papaliparin niya muna bago ipasubo sakin. Pinainom niya ako ng gamot at binigyan niya ako ng tubig.
"Nasa sala lang ako, tawagin mo ko kapag may kailangan ka" sabi niya at inayos yung kumot ko. Palabas na siya ng kwarto ko pero tinawag ko siya ulit.
"Salamat Amira" sagot ko at niyakap siya. "Wala yun, magpahinga ka na muna diyan. Ako na bahala sa mga papers na hindi mo natapos kagabi" sagot niya at tuluyan ng umalis ng kwarto.
Amira's POV
Sa wakas at natapos ko rin yung paperworks ni Ace. Tiningnan ko ulit siya sa kwarto niya at mahimbing siya natutulog. Alas-kwarto pa lang ng hapon kaya napag-isipan ko manood ng tv.
"Hi mga sis, another episode na naman ng ChikaTalk and sigurado ako aabangan niyo talaga ito dahil ang dalawang beautiful guest natin today ay pinaguusapan ng buong bayan" sabi ng host.
Hindi ko alam na ngayon pala ipapalabas yan ngayon. Sumandal ako sa sofa ko at pinatong ko ang aking mga paa sa maliit na lamesa na nasa harapan ko.
"Let us welcome Ms. Amira and Ms. Britney" nagpalakpakan lahat ang audience. Todo kaway naman si Britney sa mga tao at umupo kami sa kabilang side ng host. Nakangiti lang ako habang pinagmamasdan yung buong studio.
Sobrang nadismaya si Britney nung malaman niya na kasama ako iguguest sa number one talk show sa buong Pilipinas. Kinausap niya pa nga yung manager pero wala parin siya nagawa.
"Ang ganda niyo pala sa personal at ang sexy pa" comment ng host. "Thank you, hindi mo na kailangan banggitin yun" mayabang na sagot ni Britney. "Introduce yourselves"
"Britney is my name and modelling is what I do for life. I love traveling and shopping. Britney is short for beauty. Thank you." confident niyang sabi at nagsigawan yung mga fans niya. "I love you Britney" sigaw ng isang fan. "I love you too" sabi niya at kumaway ulit.
"Wow, ang ganda ng introduction mo" comment ng host at nagwink naman si Britney. Tumingin siya sakin at tinarayan ako. Wala naman akong ginagawa sa kanya para tarayan ako.
"Hi I am Amira, a model and managing Royal Sunset Beach Resort" ngiti kong sabi.
"Ang galing mo nga kumanta sa viral video mo, bakit hindi mo yung binanggit?" tanong ng host.
"Is it me?" tanong ni Britney pero tinuro ako ng host. Napahiya siya doon at may mga tumawa pero hindi niya ito pinansin. Tumayo ako at nagsimula akong kumanta ng acapella.
"I like your eyes, you look away when you pretend not to care. I like the dimples on the corners of the smile that you wear" nakita ko sa peripheral vision ko yung inis ni Britney. "I like you more, the world may know but don't be scared. Coz I'm falling deeper, baby be prepared"
"I am Amira Blaire, people say that I have an angelic voice and I love dogs" nagpalakpakan ang lahat.
"Why would they clap for such a lame introduction" since katabi ko si Britney narinig ko yung sinabi niya. Mahina lang kaya wala masyadong nakapansin.
"Sana all may angelic voice kagaya mo, sintunado kasi ako" tumawa yung host.
"You just have to practice, every voice has a special in it and yours too" comment ko. Nagsalita si Britney pero hindi ko ito narinig, basta ang alam ko nilalait niya na naman ako.
"Thank you Amira, ipagpatuloy mo yung song mo. Everyone is waiting for you to sing again" sabi ng host. Magsasalita sana si Britney pero pinatugtog na yung gitara kaya wala siyang nagawa.
"Love you every minute, every second. Love you everywhere and any moment"
"Always and forever I know I can't quit you. Coz baby you're the one, I don't know how"
"I'm in love with you, and now you know" mas lumakas ang palakpakan.
(I Like You So Much, You'll Know It English Cover by Ysabelle Cuevas)
Habang commercial pa yung ChikaTalk ay tiningnan ko ulit yung kalagayan ni Ace. Natutulog pa rin siya, hinawakan ko leeg at noo niya at mainit parin. Binanlawan ko ulit yung bimpo at nilagay ito sa noo niya.
"I am more experienced than her when it comes to the industry of models and I think I'm better than her" mayabang na sagot ni Britney. Pinarampa kasi kami ng host and pinakita yung mga dating model pictures namin.
"Kumalat din sa internet na magkapatid pala kayo ni Amira, anong masasabi mo doon?" tanong ng host kay Britney.
"Well actually, we're half-sister. We have different mom but I love her very much" narinig kong nag aww yung mga audience, ang plastic niya sobra. Hindi niya naman kailangan sabihin yan sa lahat. "We always talk about life and everything and we are doing just fine" sagot ni Britney.
Tinanong din ako ng host about don. "As much as I remember we are only sisters by blood but not by heart"
Nainis si Britney dahil contradicting yung sinagot ko. "Pero nagkakasundo naman kami, diba Amira?" sabi niya at napilitan akong tumango dahil inakbayan niya ako.
"Ang cute niyong magkapatid" sabi ng host at ngiting plastic ang pinakita ni Britney.
"Hindi ko pala alam na close na kayo ng kapatid mo?"
"Anong ginagawa mo dito? Sabing magpahinga ka diba" sagot ko kay Ace na ngayon ay nakasandal sa leeg ko at nakakumot. "Fake lang naman ang pinapakita ni Britney diyan, ang plastic niya sobra. Alam ko at alam mo na hindi kami ganyan sa personal. Hindi ko nga alam kung ano pumasok sa kokote niyan para ipamukha na we're like bestfriend"
Kasalukuyan kasi nagkwekwento ngayon si Britney ng mga kaganapan nung bata pa lang kami. Mga kwento na never nangyari sa buhay ko. "Lagi kaming kumakanta sa bahay at naglalaro ng paper dolls and we always say I love you to each other, diba Amira?"
Hindi ako sumagot. "We're grown up na kasi and a large crowd would make Amira shy" tumawa si Britney.
"Halata nga hindi siya natural magkwento. Hayaan mo na that's how showbiz works" sabi ni Ace.
"Kumanta ka ba kanina?" tumango ako. "Sayang hindi ko napanood, hahanapin ko na lang sa internet bukas" sagot niya at natawa naman ako.
"Anong gusto niyong sabihin sa mga fans mo and millennials out there?" tanong ng host samin.
"I love you guys, thank you for supporting me and I always want you to be happy" sagot ni Britney at nagpalakpakan ang lahat.
"Overcome your fear, love your flaws and kick out people who hurt you badly"
"Very well said Amira" sabi ng host.
"We'll be back with another episode next week. This is ChikaTalk and goodbye"
-----------
Nagdala ako ng maliit na plangganang tubig na maligamgam at nilagay ko doon ang isa pang bimpo. Dinampi at pinunas ko ito ng banayad sa kanyang mga braso at mukha.
"Hindi mo na kailangan gawin yan Amira" halatang matamlay siyang magsalita.
"Patapos na din to para gumaling ka na bukas" sagot ko.
Natapos ko na rin pakainin si Ace ng lugaw hindi niya parin kaya kumain ng ibang food.
Alas dyes na ng gabi ngayon at kausap namin kapatid niya sa video call.
"Kuya get well soon. Andiyan naman si Nurse Amira para alagaan ka" sabi ni Sophie.
Tumawa kami sa sinabi niya. "Makulit na pasyente yung kuya mo"
May ginuguhit si Sophie sa isang papel gamit ng mga crayons. Tinaas niya ito at pinakita samin. "I love you Kuya"
"Ang ganda naman ng drawing mo" sabi ko. Gumuhit kasi siya ng nurse at ng isang lalaki na may malaking muscles. Na may puso pa sa gitna.
"Kuya will be stronger because of your drawing. I love you too" sagot ni Ace.
"Say I love you to Ate Amira. She helped you to be stronger e" sabi ni Sophie. Tumawa kami sa sinabi niya.
"No need Sophie, nagthank you na kuya mo kanina" ngiti kong sabi.
"I love you" nagulat ako sa sinabi ni Ace.
"Oh ate, kuya is waiting for you reply daw" ngiting malaki ni Sophie. Hindi ko pala alam na may little kupido pala kami dito.
"Next time na yung reply, you have to sleep na" sabi ko.
"Ate naman ang kj mo" ang bata pa pero alam na yung word na kj.
"Ang kj mo daw" tumawa si Ace.
"Tawa ka diyan, magaling ka na yata e" sagot ko sa kanya. Nagpaalam na kami kay Sophie dahil maaga pa pasok niya bukas.
Pagkatapos ng ilang minuto ay natapos ko na ang paglilinis ng bahay. Noodles lang kinain ko ngayong dinner dahil si Ace madalas nagluluto.
"Tawagan mo lang ako sa phone kapag may kailangan ha, nasa kwarto lang ako. Huwag ka mag-alala nilakas ko sounds nun" inayos ko yung kumot niya, bumaba na din lagnat niya ng konti. Pinatay ko na ilaw.
"Magpahinga ka na ha" sabi ko at sinarado ang pintuan.
"Sa wakas ay makakatulog na din ako" sabi ko habang inaayos ko yung higaan ko.
Ipinikit ko na ang aking mata ng biglang may tumawag. Tumawag si Ace, pumunta agad ako ng kwarto niya.
"Anong nangyari at tinawagan mo ko agad" nagaalala kong tanong.
Nakapikit si Ace at hindi gumagalaw. "Hoy anong nangyari sayo? Nahimatay ka ba? Hoy" kinakabahan kong tanong habang ginagalaw ang kanyang balikat.
Bigla niyang binuksan ang kanyang mga mata ng dahan dahan. "Akala ko kung ano ng nangyari sayo. Akala ko patay ka na" sinuntok ko ng mahina yung braso niya.
"Bakit kailangan mo pa ko suntukin? Atsaka buhay pa ako no, pinatay mo naman ako agad" sagot ni Ace.
Hinawakan ko yung noo at leeg niya. "Hala, bakit tumaas ang lagnat mo? Gusto mo ba dalhin na kita sa hospital?"
"Ayos lang ako, pahinga lang ang abot nito" sagot niya. Binanlawan ko ulit yung bimpo at nilagay sa noo niya.
"Amira" hinawakan niya braso ko. "Dito ka muna matulog sa tabi ko. I can't sleep" umusog siya ng kaunti para makahiga ako.
Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Tatabi ba ako sa kanya o lalabas na ng kwarto niya. Pero may sakit siya baka kung anong mangyari kapag iiwan ko siyang mag-isa dito. Pero malaki na din naman siya kaya niya naman sarili niya.
Hello Readers,
Thank you so much sa mga nagbasa at patuloy na nagbabasa ng story ko. Thank you dahil nasa 2.1K reads and 1.6K votes na tayo. Sana dumami pa yung magbabasa ng story ko.
Don't forget to vote and comment. Thanks.
-Author Jaxminy
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top