CHAPTER 2 New York
Amira's POV
"Kuya, bakit hindi mo ko sinundo sa airport kanina, nakakatampo naman" sabi ko sa kanya pagpasok ko sa bahay niya at umupo sa sofa. Ang laki ng pagbabago sa bahay ni kuya mas malaki at ang aesthetic tingnan.
Andito na ako sa New York samantalang elementary pa ako nung last kong pumunta dito kasi umuuwi naman minsan si kuya samin.
"Amira, madami kasing ginagawa sa work pero pinagluto naman kita ng favorite mong adobong manok" nilagay ni kuya yung ulam sa ibabaw ng dining table.
Parang katatapos lang niya magluto nito nakaapron pa kasi.
"Kuya huwag kasi masyado magpakabusy sa work, katatapos mo lang grumaduate last year" sagot ko sa kanya at umupo sa dining chair niya.
"Pinagkatiwala sakin ni dad yung resort dito sa New York kaya kailangan talaga magtrabaho ng maigi" sabi niya at nagsandok ng kanin.
"Kain na muna tayo at halatang nagugutom ka na bunso"
"Ang sarap naman, miss ko na luto mo kuya kuhang kuha mo yung lasa ng luto ni mama"
Oo ako yung bunso, kaming dalawa lang naman ni kuya ang magkapatid sa side ni mama. Si kuya Austin Madrid Andrada, ang mas masipag at model ng isang magazine company dito sa New York. Matangkad kasi at ang gwapo ng kuya ko, hindi na ako magtataka kung madaming babae ang magtangkang manligaw dito.
"Amira, yung kwarto mo nakaayos na ha, nasa kanan ng second floor. Aalis muna ako at may gagawin pa sa resort. Magpahinga ka lang dito"
"Opo kuya, ingat" sagot ko at umakyat na sa kwarto ko.
Ang mamahalin naman ng mga gamit ni kuya dito. Pero malaki laki rin yung kwarto na matutuluyan ko. Si kuya lang naman magisa sa bahay pero may mga katulong din dito na naglilinis ng bahay. Madalas naman kasi wala siya dito laging nasa resort o kaya nasa pictorial naman.
---------
Pagkatapos ng isang linggo ay pumasok na din ako sa University para tapusin yung course ko na BS in Business Administration. Magaling naman ako magenglish kaya hindi mahirap na makipagsabayan sa kanila. May katangkaran naman ako, matangos ilong, maputi ng konti at maganda naman ako kaya hindi ako masyado napapagkalamang Asian pero meron parin na iilan.
"Ms. Andrada"
"Yes Professor?" tumayo ako sa aking upuan pagkatapos niya akong tawagin.
"Report the whole chapter 24 tomorrow"
Ano daw buong chapter grabe si Prof Bobby lagi na lang may pinapagawa sakin e.
Narinig ko yung bell at lahat ng mga classmates ko ay nagsitayuan na at umalis ng classroom samantalang ako hindi ko alam kung kakain muna ako or gagawa na ng report since last class ko na to ngayong araw.
Napagdesisyunan ko na pumunta na lamang sa library para masimulan ko na magaral about sa chapter na to. Naghanap ako ng mga libro para mapadali kong gawin yung report na to. Binuksan ko na rin yung laptop ko para masimulan yung powerpoint.
"Hoy! Kanina ka pa tingin ng tingin sakin ha" sabi ko doon sa lalaki na katapat ko sa table. Hindi ako nagfefeeling ha pero napapansin ko na tumititig siya sakin.
"What? I can't understand what you just had said" sabi ng lalaki.
"Why are you staring at me? Do I know you?"
Tumayo siya sa kanyang upuan at tumabi sakin at umupo.
"Cause you are pretty. By the way, I am Max and you are?" naggesture siya na makikipagkamayan pero hindi ko siya pinansin at tinuloy ko lang ang pagtytype ko sa laptop ko.
Binaba niya kamay niya at tiningnan kung anong ginagawa ko. "Nice to meet you, pretty" ngumiti siya sakin. Nice to meet you mukha mo sabi ko sa isip ko.
"Oh, are you at the class of Mr. Whole Chapter? " tumingin ako sa kanya at bahagyang nagtaka. Kitang kita ko ang kaputian niya at kahit nakaupo siya mas angat ang katangkaran niya kaysa sakin kahit 170 cm yung height ko.
"Mr. Whole Chapter?" tanong ko.
"The professor for second-year college students who loves to make reports for a whole chapter. That's what I call him, Mr. Whole Chapter"
"Oh Professor Bobby"
"Exactly, he made us do that last year. He picks students to make a report and it will be presented the very next day which is awful. How can we finish that in a single day?!" sagot niya na para bang nainis sa prof na yun.
Tumango lang ako. Parehas pala kami ng sitwasyon, nakatatawa isipin pero nakakainis talaga yung prof namin.
"So are you in third- year college now?" tanong ko.
"Absolutely"
Wala ng nagsalita pagkatapos niya sabihin yan dahil tinuloy ko na ulit gumawa ng powerpoint.
Nagsalita muli siya. "A while ago, did you speak Filipino? I didn't understand it but I know some few words"
"Yeah, How did you know?" sagot ko naman.
"I had been to the Philippines and I have some Pilipino friends. They are friendly and hospitable"
"Are you Asian? Because you seem you don't" sabi niya.
"Yah I am" ngumiti ako at bumalik na ulit sa ginagawa ko.
Pagkatapos ng ilang minuto ay magtatanong ulit siya.
"Can you please stop asking things about me?"
"I would just ask if I can be your friend"
"No." sagot ko at nagtype na ulit.
"That's fine I can wait. I can help you with your report"
"No thank you, I can do this by myself"
"Let me help you" insist niya pero lagi ko siya tinatanggian.
Hindi ko na napansin na wala na pala siya sa tabi ko. Buti naman at nagsawa ka na.
Pagkakuha ko ng libro sa table ay may nakita akong folder sa tabi nito. Binuklat ko to at nandito yung summary ng buong chapter 24 at mga iba pang detalye.
May maliit na papel na nakapatong sa folder.
Miss Pretty,
I hope it can help you :)
-Max
Kaya pala umalis siya kanina tas bumalik, hindi ko man lang napansin na may iniwan siya.
Itutuloy ko na lang gumawa mamayang paguwi ko. Apat na oras na akong nanatili dito. Nagugutom na ako.
Pagkalabas ko ng library kitang kita na madilim na yung langit.
"Hi Miss Pretty"
Nagulat ako at nakita kong nasa gilid ng pintuan si Max.
"Bakit biglang bigla ka na lang susulpot kung saan saan!"
Kita sa mukha niya na hindi niya naintindihan sinabi ko.
"Why are you here?" sabi ko.
"I was waiting for you"
"You really wait for that long?"
"Yes, but I was reading a book so that's fine. I think your hard work would be paid off and Mr. Whole Chapter would be proud of you"
Grabe bakit siya nagantay ng ganung katagal.
"I hope so, Thank you for the folder you just gave me"
"Walang anuman" ngumiti siya. Magaling pala siya magbigkas ng Filipino parang kababayan ko lang.
Naglakad na ako ng palayo hanggat maari ayoko makipagkaibigan sa mga lalaki.
"Hey, why did you walk so fast?" Hinabol niya ako at sabay kaming naglakad palabas ng university.
"I think you're really hungry. Do you want to grab some food?"
Narinig niya yata na kumalam tiyan ko ha, nakakahiya.
"No thanks" sagot ko at naglalakad parin pero gutom na gutom na ako.
"But I know a place that will surely full your stomach"
--------
Tapos na kami kumain at siya yung nagbayad kahit sabi ko na hati kami. Wala kami masyadong pinagusapan dahil kain lang ako ng kain. Ang sarap pala ng mga pagkain dito.
Pupuntahan ko na to lagi.
"I need to go home now" sabi ko sa kanya.
"Ihahatid na kita. I learned that from my friend." ngumiti siya pero sinabi ko na huwag na lang.
Pumayag lang naman ako na kumain kasama siya dahil na guilty ako na nagantay siya doon ng napakatagal atsaka binigyan niya ako ng document na makatutulong talaga sa report ko.
Paalis na ako ng biglang niyang tinanong kung anong pangalan ko.
"Amira"
-----------
"Bunso, sobrang sipag mo naman magaral." sabi ni kuya at binigyan ako ng gatas at cookies. Tinatapos ko na kasi gumawa ng powerpoint ngayon, konting details na lang.
"Kailangan kuya e, salamat pala dito" ngumiti ako sa kanya.
"Gusto mo ba tulungan kita?"
"Kaya ko na to kuya atsaka pagod ka sa work mo"
Three years agwat namin ni kuya pero sobrang maalaga niya sakin kasi wala na si mommy tapos si daddy laging nasa work.
Namatay na si mommy nung nasa elementary pa ako, nagkaroon kasi ng aksidente habang nagmamaneho siya nung nagpabili ako ng carbonara dahil favorite ko yun.
Hanggang ngayon sinisisi ko parin sarili ko kung hindi ako nagpabili edi sana buhay pa si mommy.
Never na ako kumain ng carbonara ulit dahil naalala ko lang si mommy kapag nakikita ko yun. Hindi ko na rin favorite yun. Iyak talaga ako ng iyak nun pero nagpapasalamat ako kasi andiyan si kuya lagi para sakin.
Pagkatapos mawala ni mommy laging busy na si daddy sa work madalas hindi na siya umuuwi samin kasi malayo layo yung beach resort sa bahay namin. Kaya lagi na lang ako magisa sa bahay kasama ng mga katulong ko pero minsan binibisita ako ni tita Iza, yung kapatid ni mama. Siya yung pinakaclose ko bukod kay kuya at sa bestfriend ko.
----------
"Nakita mo na ba first love mo diyan?" tanong ni Georgia.
"Grabeng bungad yan ha, malamang hindi. Hindi ko na maalala itsura nun e. Atsaka bakit imbes na kamustahin mo ko e lovelife ko yung pinapakealaman mo" sagot ko habang nagvivideo call kami.
"Eto hindi mabiro e" tumawa siya.
"Musta ka na diyan?"
"Eto miss ka na. Kinakamusta ka din pala ni tita Iza kanina pumunta siya dito nagbigay lang ng luto niyang Sinigang na hipon. Sabi niya daw ipainggit ko sayo"
"Si tita talaga, miss ko na nga kumain niyan pero mas miss kita. Tumawag kanina sakin si tita sabi niya pumupunta parin daw yung mokong na yun sa bahay"
"Hindi niya parin ba alam na nasa New York ka na, e nagpost ka nung isang araw parang ang sarap nung pinuntahan mong restaurant"
"Ewan ko don, atsaka wala naman akong pakealam don no"
"That's the spirit gurl" sabi niya.
"Amira, huwag mong kakalimutan yung pasalubong ko ha" Araw araw niya pinapaalala yan.
"Huwag ka magaalala nabili ko na yung bag na gusto mo pati yung sapatos"
"Yehey pero ang tagal pa bago ko makuha. Tagal tagal mo pa uuwi e"
"Pinadala ko na diyan baka next next week mo pa makukuha. Ibigay mo yung kay tita Iza pati sa mga katulong namin, may pangalan naman yun atsaka nakaseparate" Bilin ko sa kanya.
"Balikbayan Box ang dating ha" tumawa si Georgia. Tumawa rin ako.
"Basta magiingat ka diyan ha" sabi niya. Nagpaalam na ako at pinatay na yung laptop.
--------
"Hey Amira" kumaway sakin si Max at ngumiti nung nakita niya ako. Bakit andito siya?
"How was your report? I was looking for you since last week but there are way to many students around here"
"Malamang university yun, madami talagang estudyante"
Napakamot na lang sa ulo si Max at umupo sa harapan ko.
Paano niya ako nahanap dito, hindi naman sa nagtatago ako pero nakita ko siya kahapon sa hallway. Tinakpan ko nga lang yung mukha ko ng libro. Hindi dahil sa iniiwasan ko siya pero parang ganun na nga yata.
Tahimik na minamasdan niya ako habang kumakain. Nasa restaurant kasi ako kung saan niya ako dinala last time.
Masarap kasi pagkain dito kaya binabalik balikan ko lalo na yung burger nila.
"Amira? Hello? How was your report?" sabi niya habang kinakaway yung kamay niya sa harap ko.
Nakalimutan ko na andito pa pala siya. Sobrang sarap kasi ng burger pangalawa ko na yata to e.
"Oh about that? I got A+, I am very thankful about the documents you gave me. It helped a lot" sobrang saya ko na nakaraos ako sa report na yun.
"It's my pleasure" ngumiti siya.
"I have something to tell about you Amira" sabi niya na para bang kinakabahan siya.
Binigyan niya ako ng flowers.
"Max, What is this for?"
Hello Readers,
Ang update ko ay tuwing Mon Wed Fri exactly 3PM.
Dont forget to vote and comment. Thankyou.
-Jaxminy
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top