CHAPTER 19 Cat and Dog

Amira's POV

Nagmamaneho ako ngayon pauwi at hinihingal ako dahil tumakbo ako palayo sa club na pinuntahan ko. 

"Mukha ba akong nakikipaglaro doon?! Let's play a game daw" inis kong sabi.

Tumakbo na lang ako palayo dahil hindi ko alam kung anong pwedeng gawin nila sakin lalo namang hindi ko alam kung anong atraso ko sa lalaki na yun. 

"Bakit ngayon ka lang?" tanong ni Ace sakin pagpasok ko ng bahay.

"Pakealam mo ba" sagot ko naman at pumunta na ng kwarto para makapagpalit ng damit.

Kumatok siya sa pintuan. "Saan ka nga pumunta?" 

"Ano ba meron kung saan ako pumunta? Boyfriend ba kita ha?" 

"Pwede naman kung gusto mo" mapangasar niyang sabi.

"Ewan ko sayo" sagot ko at pumunta naman ng kusina para maghanap ng makakain.

Pumunta din siya sa kusina at may kinuhang tupperware nilagay niya ito sa microwave oven.

"May natira pang adobong manok, ininit ko na para sayo" sabi niya.

Nagsandok na lang ako ng kanin sa plato ko. 

"Kumain ka ng madami, ano ba kasi nangyari at mukhang hinihingal ka kanina. May humahabol sayo?" tanong niya.

"Pwede ba, kumakain ako diba" masungit kong sabi. Umalis na siya ng kusina at pumunta sa sala.

Hinugasan ko na yung pinagkainan ko at naglakad papunta sa kwarto ko pero humarang siya.

"Umalis ka nga diyan sa harapan ng pintuan ko!" 

"May humahabol ba sayo?" seryoso niyang tanong.

"Wala" sagot ko. 

"Hindi ko ginusto makipagdate kay Britney" sabi niya.

"Bakit? Anong kinalaman ko diyan?" tanong ko.

"Kaya matagal ako nakauwi non dahil pinakilala niya sakin mom niya at nandoon din si Mr. Rondell"

"Nasa Pilipinas si dad?"

Tumango siya. "Kwinento lahat sakin ng mom ni Britney nung mga panahon na bata pa kayo"

"Huwag ka maniniwala sa kung anong sasabihin ng babae na yun" sagot ko.

"Bakit naman?"

"Anong sinabi niya sayo?" mahinahon kong tanong.

"Na sobrang close kayo ni Britney dati at hindi niya daw alam kung anong rason kung bakit galit na galit ka sa kanya"

"Liar" sagot ko. Walanghiya talagang babae na yun bakit kailangan niya pa magsinungaling kay Ace.

"Ano pa?" tanong ko.

"Bukod sa pinagmamalaki niya ang sarili niyang anak, sinabi niya din na pinalaki ka niya ng isang mabuting anak at dapat nga daw magpasalamat ka sa kanya"

"Miss ka na rin ng dad mo, pinapasabi niya sakin" miss niya na daw ako?! Kung hindi pa nga dahil kay Ace e hindi ko pa malalaman na nandito sila sa Pilipinas. 

 "Mga sinungaling sila!" inis kong sabi.

"Bakit ka ganyan kay Ms. Maria at sa dad mo?"

"Hindi naman totoo lahat ng sinabi ng mama ni Britney e, na close kami ng anak niya? Na inalagaan niya ako ng maayos? Sinungaling siya!"

"Nasaan ang real mom mo? Lagi kasing binabanggit ng dad mo na si Ms. Maria yung mom mo, pero nalaman ko dati diba na half sister mo si Britney"

"Wala na si mom" malungkot kong sabi.

"Sorry kung nabanggit ko pa"

"Ayos lang yun, matagal na din naman"

"Basta huwag ka maniniwala sa babae na yun" dagdag ko.

-----------

"Goodmorning anak"

"Don't call me anak" sabi ko kay dad na ngayon nasa office ko.

"How's the resort?"

"Ayos lang dad" sagot ko at pinagpatuloy ang pagpipirma sa mga papeles.

"Alam ko kung anong mga kaganapan dito but behalf of that you made your dad proud. You did your best" sabi niya at umupo sa upuan na malapit sa table ko.

"Bakit andito pa si Britney? Akala ko ba ayaw niya ang business"

"She told me na nagbago isip niya. Well I think it is good na my two daughters are helping me run the resort"

"Its not good. It makes me sick" sagot ko naman.

"Bakit ka ba ganyan sa sister mo?"

"Bakit ka pala umuwi sa Pilipinas?" tinanong ko while ignoring his question.

"Your mom miss you both at malapit na din ikasal tita Iza mo"

"She's not my mom" sagot ko.

"Blaire, respect her!"

"Don't call me Blaire!" sigaw ko sa kanya.

"Because your mom only calls you that and your dad can't?"

Favorite akong tawagin ni mom sa second name ko and after she died, hindi ko hinahayaan na tawagin ako na Blaire because I only want my mom to say it for me.

"Why would I respect someone na sinungaling?" sagot ko.

"Hindi sinungaling ang asawa ko" sagot ni dad.

"She is a freaking liar!" sigaw ko.

"Honey, bakit mo inaaway si Amira?" tanong ni Maria pagpasok niya sa office ko. Why would she call him na honey, yun yung tawagan nila ni mom ha.

"Speaking of the devil" mahina kong sabi. Nagmumukhang angel sa harapan ng dad ko, ang galing niya talaga umarte.

"Sorry anak at nasigawan kita kanina" sabi ni dad at yayakapin niya sana ako pero lumayo ako.

"We have to go na, malalate na tayo sa meeting natin with Mr. Ocampo" sabi ng step mom ko.

"Mr. Ocampo?" tanong ko.

"Yes anak, matagal ng may partnership ang company natin with them"

"They also run businesses like ours pero more on hotel sila" sabi ni dad.

-------------

"Kailan pa nagkaroon ng partnership ang company natin sa iba?" tanong ko kay Ace na ngayon ay nanonood sa sala.

"Dati pa" sagot niya.

"Ang galeng mo naman sumagot, kailan nga"

"Mga 6 years ago. Atsaka bakit mo ba tinatanong?"

"Ngayon ko lang kasi nalaman and andito pa ako sa Manila nun before. How come na hindi ko alam?"

"Because you don't care about our resort before" sagot niya naman.

"May point ka naman" tumawa ako. Wala naman talaga akong pakealam sa business ni dad lalo naman sa kanya, ni hindi nga ako bumibisita sa resort niya.

"Nood tayo ng horror movie" sabi ko at inagaw ko sa kanya yung remote control.

"Nanonood ako ng basketball" sagot niya naman pero hinayaan niya ako pumili ng movie.

"Ayan, magandang movie yata to" 

"Huwag yan, iba na lang" 

"Hindi naman kasi totoo ang multo" sabi ko at naghanap siya ng ibang movie.

"Luto ka naman ng popcorn" sabi ko at dahil gusto niya rin naman, tumayo siya at pumunta ng kusina.

"Wala ka namang binili na popcorn e, fries na lang iluluto ko"

Nakapatay yung ilaw habang nanonood kami ay kumakain kami ng fries at nagtimpla din ako ng juice. Nagdala ako ng kumot at unan para sakin.

"Share naman tayo ng kumot" sabi niya.

"Ayoko nga kumuha ka na lang don sa kwarto mo, ang tamad mo naman" sagot ko naman. Unan lang kasi dinala niya e ang lapit lapit naman ng kwarto niya.

Pagkatapos ng ilang oras ay pangatlong movie na namin to at game na game parin kami manood, since Saturday naman bukas ay todo puyat kami.

"Sino kaya yung killer?" tanong ko.

"Paano ko malalaman, director ba ako?" sarcastic niyang sabi.

"Ang epal mo talaga kahit kailan" sagot ko naman at hinampas siya ng unan.

"Sigurado ako mamamatay yung babae, bakit ba kasi pumunta siya sa forest mag-isa alam niya naman na delikado yun" sabi ko habang nanonood. Gabi kasi yung scene tapos mag-isa siyang naglalakad sa kagubatan. Namatay na nga yung kaibigan niya diyan, hindi pa siya tumakbo palayo.

"Nagsalita ang pumunta din mag-isa" biglang may nagsaksak sa kanya na patalim sa kanyang binti kaya natumba siya agad. Kahit sobrang sakit ay tinanggal niya ito at gumapang siya.

Bigla siyang nahulog sa isang hukay na malalim. Sumigaw siya ng sumigaw pero walang nakakarinig sa kanya. Nakita niya na lang na nagsisihulog ang mga kutsilyo at matatalim na gamit na galing sa taas.

"Atleast hindi ako namatay" sagot ko naman.

"Andun kasi ako" pagyayabang ni Ace.

"Andun kasi si Elijah"

"Sino ba kasi yang Elijah na yan at puro Elijah na lang" inis niyang sabi.

"Manood na nga tayo" sagot ko naman. 

Biglang nagring yung phone ko, tumatawag si Sophie.

"Hello ate, buti na lang po na sinagot niyo tawag ko" nilayo ko yung phone ko sa tenga ko at tinakpan ito ng aking kamay.

"Hoy, pause mo muna yung movie" utos ko sa kanya.

"Aba walang pause no, porket may kausap ka lang diyan atsaka malapit na tayo sa climax no"

"Tumawag kapatid mo sakin" sabi ko at pinause niya agad yung movie. Nilagay ko ito sa loudspeaker para marinig din ni Ace yung sasabihin ni Sophie.

"Musta ka na Sophie?" 

"Ayos naman po ako ate. Akala ko po binaba niyo na po yung tawag" malungkot niyang sabi.

"Bakit ka napatawag? Need mo bang kausapin kuya mo?" tanong ko.

"Hindi po, busy po si kuya"

"Gusto mo ba kantahan kita?" tanong ko.

"Hindi na po ate, gusto ko po sana attend kayo bukas may performance po kasi kami sa school" masiglang sabi ni Sophie.

"Sure pupunta kami ng kuya mo bukas" sagot ko naman.

"Huwag na po ate, sinabi ko na po kay kuya yan kahapon pero sabi niya busy siya" tumingin ako ng masama kay Ace at nilayo yung phone.

"Bakit mo sinabi sa little sister mo yun?"

"Madaming ginagawa sa resort" sagot niya naman.

Nilapit ko na ulit yung phone. "Don't worry pupunta kami diyan tomorrow, galingan mo ha" sagot ko at nagpaalam na yung bata. 

"Kahit sobrang busy ka sa work dapat may time ka parin kay Sophie. Tingnan mong sobrang excited siya nung nalaman niya na pupunta tayo"

"Atsaka Saturday bukas, hindi naman dapat na buong isang linggo, puro work" dagdag ko. Nakinood nga siya sakin ng movie pero walang time pumunta ng Manila para kay Sophie.

"Matulog na tayo" sabi niya. "Mamaya na tapusin lang natin yung movie na to" sagot ko naman.

------------

Ace's POV

Nagising na lang ako ng biglang nag-alarm yung phone ko. Inaantok pa ako pero hindi ko magalaw katawan ko dahil natutulog si Amira sa lap ko. Pinagmasdan ko siya at sobrang ganda niya pala kapag tulog. Minsan mo lang makikita yung payapa niyang mukha dahil paggising niyan sigurado susungitan ka na naman.

 Hinawi ko ang kanyang buhok dahil natatakpan yung kanyang mga magagandang mata. Kinabahan ako dahil bigla siyang gumalaw, tiningnan ko yung orasan at nagulat ako na 9 am na, bigla ako napatayo at nahulog si Amira sa floor.

"Ang sakit naman" sabi niya at hinawakan yung kanyang ulo.

"Hala! Sorry, ayos ka lang ba?" tanong ko at lumapit sa kanya. Akmang hahawakan ko na ulo niya pero inalis niya ito.

"Mukha ba akong ayos ha?! Nauntog kaya ako sa lapag" ayan na nga sinasabi ko, nagsusungit tong babaeng to. 

"Ikaw kaya untugin ko, para malaman mo! Ang ganda ng panaginip ko tapos sinira mo lang" dagdag niya. 

"Ang aga aga naiinis" sabi ko. 

"Anong oras na? mamayang hapon na yung performance ni Sophie" bigla siyang tumayo at pumunta agad ng banyo.

"Bilisan mo maligo" sabi ko sa kanya.

"Oo, mag drive-thru na lang tayo mamaya at mahaba ang byahe" sagot niya sa banyo. 

Lumabas siyang nakatapis lang ng towel. Tumingin siya sakin ng masama. "Maligo ka na bilisan mo"

Pinilit niya na ako magmaneho gamit ng kotse ko, wala akong choice at sumunod na lang dahil lagi kotse niya yung ginagamit namin. Nagsusuklay siya ng kanyang buhok ngayon, sa sobrang bilis namin umalis ng bahay ay sa kotse ko siya nagmakakeup.

"Tumingin ka sa daanan" sabi ni Amira. 

"Gusto mo bang ipark ko muna yung kotse para matapos mong ayusan sarili mo?" tanong ko.

"Huwag na malalate tayo atsaka powder at lipstick sapat na" sagot niya.

"Good day sir, Ano pong order niyo?" tanong ng babae sa drive-thru.

"Two burgers please" sabi ko pero inawat ako ni Amira "Bakit burger?" tanong niya.

"Para madaling kainin sa kotse" sagot ko naman.

"Ayoko gusto ko ng rice" sabi niya at lumapit siya sakin para makita yung babae. "Miss, pa order ako ng chicken with extra rice, spaghetti, pancake tapos two burgers and two coffee na din. Magbayad ka na" sabi niya. Ang takaw talaga ng babae na to, kaya laging nauubos yung ulam kapag nagluluto ako e.

"Huwag kang magkakalat sa kotse ko ha" sabi ko sa kanya. 

Hello Readers,

More chapters to come. Please support my story by voting. Thanks sa mga nagbasa at patuloy na nagbabasa.

-Author Jaxminy

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top