CHAPTER 17 Little Sister

Amira's POV

One week ng nakalipas pagkatapos ng nangyari nung sa campfire. Eto ako balik trabaho na ulit at madaming papers na ginagawa ngayon dahil sa naging issue na kumalat sa buong resort.

Wala parin kaming lead hanggang ngayon kung sino yung nagpaputok ng baril at hindi ko parin kilala kung sino si Unknown.

Buti nga at hindi niya na ako tinatawagan o tinetext e. Pero gusto ko parin malaman kung sino yung Unknown na yun.

"Good morning po maam, may naghahanap po sayo sa baba" sabi ng guard sakin. Nasa loob kasi ako ng office ngayon at humigpit yung security namin dahil sa nangyari. Utos yun ni Ace.

Mas dumami yung mga guard namin na umiikot sa buong resort. Para naman maging safe din yung mga taong pumupunta dito.

"Papuntahin mo na lang dito" sagot ko.

"Hello po Ms. Amira" mahinahon niyang sabi.

"Maupo ka" isang babae na kasing edad ko lang pero mas mukhang bata pa sakin. "Yes? May I help you?" tanong ko sa kanya. 

"Fan niyo po ako! I love you Ms. Amira" sigaw niya. Nagulat ako sa sinabi niya.

"Hindi ko po inaakala na makikita ko po kayo sa personal. Ang ganda niyo po talaga" 

"Salamat, pero bakit ka nandito?" tanong ko at naglabas siya ng notebook at ballpen.

"Pa-autograph naman po" ngumiti siya sakin. Binigay niya sakin ito at pinirmahan ko naman. Nakipagselfie pa siya. Nagpasalamat siya bago umalis.

Last week kasi kumalat sa internet yung video ko na kumakanta malapit sa bonfire at may mga talk show na pinuntahan ako para makapaginterview. Kahit may nangyari nung nakaraan na yun, madami parin ang pumupunta sa resort namin. 

Kapag magbubukas ako ng social media ko, puro yung videos ko lang yung kumakalat at madami ang nagpriprivate message sakin para makausap ako. Madami akong naging fans dahil sa pagkanta ko at madami din ang nagoffer sakin ng work na maging artista pero tinanggihan ko lahat yun dahil gusto ko muna magfocus sa resort namin. 

Galit nga sakin si Georgia dahil bakit ko daw yun tinanggihan sayang daw yung opportunities. Sinabi niya pa na sa kanya na lang daw boses ko at bakit ko daw sinasayang yun. Alam ko naman mawawala din yang kasikatan ko ngayon, lilipas din yan. 

Hindi ko alam at bakit karamihan sa lahat gusto sumikat, masaya naman ang buhay na pribado walang mananakit sayo dahil hanggang ngayon ay may mga bashers parin ako, mga fans ni Britney dahil nalaman din ng karamihan na half sister ko siya.

----------

Kakauwi ko lang ngayon at isang linggo na din kaming hindi nagpapansinan ni Ace. Actually siya lang naman, hindi niya ako pinapansin. Madalang lang kami naguusap at kahit sa work. 

Hindi ko alam kung anong rason kung bakit naging ganyan siya pero hinayaan ko lang. Pero ngayon hindi ko na matiis etong cold treatment na natatanggap ko sa kanya. Wala naman akong ginawang masama, pero bakit parang makaasta siya meron.

"Bakit ka ba ganyan?" tanong ko. Nasa sala kami at nakafocus siya sa laptop niya.

"Kausapin mo nga ako"

"Bakit hindi mo na ako pinapansin?"

Naiinis na ako sa kanya, hindi niya talaga ako pinapansin lagi. Meron ba tong lalaki na to? 

Sinarado ko yung laptop niya at tumingin siya sakin. Yung tingin niya na hindi ko mabasa at parang wala siyang pakealam.

"Nagwowork ako" sabi niya at binuksan ulit niya yung laptop at nagtype na ulit. 

Umupo ako sa katabing sofa at sumilip ng konti. Mas nainis ako dahil hindi naman siya nagwowork. Kausap niya si Britney. 

"Kaya pala, congrats ha!" sagot ko at umalis na ng sala.

So type niya nga yung babae na yun. Nakakainis ha, ang panget naman ng mga tipo niya sa babae. Lumabas ulit ako ng kwarto ko at pumunta sa sala at umupo. Curious ako kung anong pinaguusapan nila.

Sumilip ulit ako at naglalaro na siya ng pacman. 

Tumawa ako bigla at napatingin siya sakin. Sa dami daming games na pwedeng laruin yun pa talaga. 

"Kachat mo pala si Britney. So kailan pa naging kayo?" tanong ko.

Hindi niya parin ako pinapansin at nakafocus parin siya sa laptop niya. Sinarado ko to at kinuha pero kahit anong reaksiyon ay wala siyang pinakita.

"Ano bang meron sainyo ni Britney?" tanong ko.

"Oh?" sa wakas nagsalita din siya, pero grabe ang tipid ha. Ganyan ka ba talaga makipagsalamuha sa roommate mo.

"Bakit selos ka?" 

"Excuse me! Hindi ako nagseselos!" 

"Okay" sagot niya at kinuha yung laptop. Inagaw ko ulit to sa kanya at binuksan yung laptop niya sa social media account niya. Hindi niya ako pinigilan at hinayaan lang.

Binuksan ko yung mga chat at nakita ko yung mukha ni Britney doon. Pinindot ko to at binasa yung chat nila.

"Seryoso ba to? Nakakainis ha!" binigay ko sa kanya yung laptop.

"Huwag kasi masyado maging selosa, napapaghalataan e" sabi niya at mahina kong sinuntok yung braso niya.

"Bakit ba kasi yan yung profile ng babae na yan" nagshrug lang siya.

Yung babaeng kausap kasi niya ay staff sa resort namin at yung pinili niya pang profile ay mukha ni Britney. Napahiya tuloy ako pero may part na guminhawa yung pakiramdam ko at hindi ko alam bakit.

Nagtanong ako muli. "Ano bang nangyayari sayo Ace? Balik strangers na ba tayo?"

"Nevermind" sabi ko at tumayo na ako sa aking inuupuan at naglakad palayo.

"Amira" tinawag niya ako. Pero hindi ko to pinansin at pumunta na lang ng kusina para makapagtimpla ng kape. 

"Sinisisi mo ba ako?" tanong ko sa kanya.

"Hindi mo ba ako pinapansin kasi ako yung rason kung bakit nagkagulo yung resort?" tanong ko ulit.

"Kasalanan ko ba kung bakit lagi ka puyat at sobrang stress sa work?"

"Wala akong sinabi na ganyan" sabi ni Ace at lumapit sa kusina.

"E ano? Magsalita ka kasi?! Hindi mo ba alam na ang hirap kaya lagi gumising sa umaga na feeling ko na kasalanan ko lahat"

"Maayos parin naman yung resort, kung hindi nga dahil sayo lubusan ng masisira yung resort"

"Dahil sakin? Dahil ba sa boses ko na naman ba?"

Tumango siya. "Pero hindi lang naman yun, nagsumikap tayo para ayusin muli yun"

"Kung ganun e. Bakit kailangan mo kong hindi pansinin ha?! Hindi ka naman ganyan dati"

"Sobra akong nagalala sayo nun" sagot niya naman. 

"Hindi mo alam kung gaano ako kaworried sayo nung mga panahon na nawawala ka"

"Hindi mo naman kailangan magalala sakin e. Kaya ko naman sarili ko" sagot ko naman.

"Yun lang ba rason mo? Ang babaw naman" dagdag ko.

"Hindi ko kayang mawala ka Amira" 

----------

"Ate  Amira" sigaw ng isang batang babae papalapit sakin. 

"Sophie?" sinalubong niya ako ng yakap.

"Namiss po kita sobra" 

"Nasaan parents mo? Andito ka ba para magbakasyon?" tanong ko sa kanya at umupo kami malapit sa isang swimming pool.

"Nasa abroad po sila. Hindi po, pinilit ko po si kuya na pumunta dito" 

"Nasaan kuya mo?"

"Andun po oh" turo niya at nakita niyang papalapit si Ace samin.

"Kuya Lucas" sigaw ni Sophie at binigay ni Ace yung ice cream sa kanya. 

"Kapatid mo si Sophie?" nagtataka kong tanong. Tumango siya.

"Pero paano?" All this time si Ace lang pala yung tinutukoy ni Sophie na kuya na minsan sinabihan ko pang pogi. Ang liit talaga ng mundo. 

"Ate, bakit po kayo tulala diyan? Magkakilala na po pala kayo ni kuya dati e" ngumiti siya.

Ngumiti na lang din ako dahil walang lumalabas na salita sa bibig ko.

"Napanood kasi ni Sophie yung viral video mo" sabi ni Ace.

Ace's POV

FLASHBACK

"Kuya, babalik na naman po ba kayo sa resort?" malungkot na tanong ni Sophie. 

"Kailangan magwork ni kuya" sagot ko naman.

Hindi na ako pinansin ni Sophie at bumalik na siya sa pinapanood niya sa phone. 

"Are you watching Aladdin again?" tanong ko sa kanya.

Umiling siya. "Miss ko na si ate. Do you know this girl, kuya?" tanong niya at pinakita niya sakin yung babaeng kumakanta sa stage, "Amira" 

"Yes kuya, si ate Amira. Wait, do you know her?" tumango ako.

 "Kuya, gusto ko makita si ate Amira again please" 

Siya pala yung laging kwinekwento ni Sophie sakin, akala ko ibang Amira tinutukoy niya kasi imposibleng mameet niya kapatid ko, pero mali pala ako. Bukangbibig na ni Sophie si Amira lagi kaya pinilit niya talaga ako na isama ko daw siya sa Pangasinan at magiging good girl na daw siya. 

-----------

"Ate sikat na po pala kayo sa internet" sabi ni Sophie.

"Hindi naman. Gusto mo ba itour kita sa buong resort?" tanong ni Amira.

Tumango siya at ngumiti.

"Kuya pwede?" tanong ni Sophie.

"Huwag ka magalala, ako na bahala sa little sister mo" sabi niya.

"Huwag kang lalayo sa ate mo ha" sabi ko at nagpaalam na sila ni Sophie.

"Bakit mag-isa ka lang dito?" tanong ni Britney.

"Hindi ko alam na may little sister ka pala at halatang magclose na sila ng lovely sister ko" dagdag niya.

"Hayaan na natin sila. Tara na may date pa tayo diba" sagot ko.

Andito kami ngayon sa isang fine dining restaurant. Siya yung nagsuggest nito. Nagorder na kami ng makakain. Sobrang mahal ng mga pagkain dito. 

"So how's your day? pabigat ba si Amira sa resort. Just tell me para ako na pumalit" 

"Hindi naman, maayos nga yung resort ngayon at improving dahil sa kanya at sa team" 

"Then that's good" umirap siya at chineck niya yung phone niya.

"Bukas na lang natin ituloy yung date" bigla niyang sabi. 

"Bakit? Sayang yung inorder natin" 

"I have an urgent meeting kasi, you know I am a model so I'm quite busy" ganun din naman ako sabi ko sa isip ko. "Don't worry tinawagan ko na yung manager ko siya na bahala sa inorder natin" 

Umalis na siya at naiwan ako mag-isa sa table namin.

Amira's POV

"Bakit hindi mo sinabi sakin na kapatid mo pala si Ace?" tanong ko habang naglalakad kami at kumakain ng ice cream.

"You didn't ask naman ate atsaka bagay naman kayo ni kuya" natawa ako sa sinabi ni Sophie.

"Baka may girlfriend kuya mo"

"Single si kuya Lucas atsaka po may ex girlfriend, hindi ko na nga po siya namemeet e"

"Your kuya Austin and I are not meant to be together. He's like the evil prince and I'm the"

"Princess" sagot niya.

"Exactly"

"But kuya is not evil, sometimes only" tumawa siya.

"I am very sure ate there is a happy ending with both of you" dagdag niya.

"Tara na nga at baka hinahanap ka na ng kuya mo"

"Thankyou ate. Pupunta me ulit next time dito" ngumiti siya.

"No need na, ate will visit Manila for you" sabi ko at nakipagpicture pa sakin. Souvenir daw, ang cute talaga ng bata na yun pero kung gaano kabait si Sophie, kabaliktaran naman ng kuya niya.

-----------

"Nasaan na si Sophie?" tanong ko ng pagpasok niya sa condo unit.

"Umuwi na kanina, pinasundo ko na sa katulong namin sa Manila"

"Sayang naman, I baked cupcakes pa naman" malungkot kong sabi.

"Kaya pala ang aga mo umuwi kanina"

"Hindi mo naman kasi sinabi na uuwi na pala yung sister mo ngayon"

"Kailangan may klase pa siya bukas"

"E bakit kasi pinapunta mo ng Thursday. Pwede naman bukas"

Kumuha siya ng cupcake sa lamesa. "Hoy! Kay Sophie yan. Huwag mong kainin"

Tinikman niya. "Masarap ba?" tanong ko at tumango naman siya.

"Bakit familiar sakin yung jacket na hawak hawak mo?" tanong ko.

"Saan mo yan nakuha?" dagdag ko.

Kinuha ko to at tiningnan ng mabuti. "Kay Elijah to ha" so ibigsabihin na hindi ako namamalik mata sa nangyari last time pero bakit nasa kanya.

"Sino si Elijah?" tanong ni Ace.

"Basta sa past na yun" sagot ko naman. 

"Siya ba yung lalaki na kasama mo nung gabi na yun?" akala ko ba mag-isa lang ako ng makita niya ako doon. Siya ba yung nagsend ng mga litrato sakin kasama si Elijah pero imposibleng siya yun o kaya si Britney, may kinalaman kaya siya sa nangyari.

"Oo, ano ba talaga nangyari nung nakita mo ko don? Iba kasi kwinento ni Georgia sakin"

"Nakita kita na may kasamang lalaki doon, nung papalapit na ako biglang ito tumakbo palayo at nakita na lang kita na walang malay kaya dinala kita agad sa hospital" pagexplain niya.

"May nangyari ba? Anong ginawa sayo ng lalaki na yun?" tanong niya.

"Walang nangyari okay, kung may pinagusapan man kami, sakin na lang yun" sagot ko at kinuha yung jacket. 

Hello Readers,

Thanks for reading my story. Don't forget to vote and comment. Thanks

-Author Jaxminy

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top