CHAPTER 10 Unknown Caller
Amira's POV
"Kamusta yung mga sales natin Mr. Rivera?" tanong ko. Nasa office niya ako at compare sa office ko mas maayos sa kanya at malinis. Hindi mo maiisip na lalaki ang nagwowork sa office na to.
"As of now, hindi maganda. Mas kumonti ang mga turista natin plus madami naniniwala sa mga rumor"
"Hindi ko alam bakit kailangan niya pa ikalat yung mga yun. May atraso ba tayo sa kanya ha?"
"Ako wala. Ikaw meron, sinuntok mo lang naman siya sa mukha"
"Kasalanan niya yun, atsaka may resort siya. Kailangan niya bang sirain yung satin"
"I think yes, kasi isa sila sa mga competitor natin dito sa Pangasinan"
"Bakit kailangan niya pa gawin yun? Ang intensiyon naman natin is to make other people relax and have fun and dapat sila din kaya nga tinawag na resort diba"
"Sa tingin ko ayaw nila ng kaagaw"
"Sagutin mo muna yung phone mo" sabi ni Ace.
Lumabas ako ng office niya.
"Hello?" tanong ko.
"Hi. Musta ang araw mo?" sabi ng nasa kabilang linya. Tiningnan ko yung phone ko at unknown number na naman siya.
"Do I know you?"
"Sa pagkakaaalam ko kilalang kilala mo ko" sabi niya.
"Nagkamali ka lang ng tinawagan" binaba ko na yung call at nilagyan ko yung contact name as 'Unknown' dahil hindi naman ako sure kung yung mga tumatawag sakin this past few days ay iisang number lang pala. Lagi ko kasi dinedelete yung mga unknown number dito.
Madalas din kasi ako nakakatanggap ng mga tawag pero hindi naman sinasabi kung sino sila.
Bumalik na lang ulit ako sa work ko.
Naglalakad ako ngayon malapit sa beach at kitang kita ko na mas madami pa yung staff kaysa sa mga costumers na pumupunta. Hindi na to magandang sign.
"Hello po, musta naman experience niyo sa Royal Sunset Beach Resort?" tanong ko sa babae na nagsusunbathing.
"Okay naman pero mas maganda parin yung kabilang resort, yung Hot Waves"
"Ah ganun po ba salamat" sabi ko. E bakit siya andito kung mas gusto niya don.
Nagtanong ulit ako sa isang matandang lalaki na nakaupo.
"Maganda naman dito, ang pinakagusto ko nga yung sunset dito"
"Salamat po lo" sabi ko.
Ano ba kasing meron sa Hot Waves na wala dito sa Royal Sunset.
------------
"Bakit ka napatawag Amira? Break time ko ngayon"
"Miss lang kita" sagot ko.
"Maam Georgia, si Marco po inaaway ako" narinig ko sa kabilang linya ang nagsalita na batang babae.
"Sophie, go back to your class muna kakausapin natin si Marco mamaya" sagot ng bestfriend ko.
"Ang hirap naman ng trabaho mo"
"Mahirap pero masaya. Kasama mo ba naman yung mga bata sobrang saya pero ang kukulit nila"
"Sigurado akong sobrang cute nila"
"Naman, cute yung teacher nila" tumawa ng mahina si Georgia.
"Sge na Amira, magtuturo pa ako"
Naglalakad ako sa buong resort habang chinecheck yung phone ko ng biglang may nagtext.
Miss na kita. - Unknown
Sino ba to? Hindi ko na lang pinansin at humiga ako sa isa sa mga hammock ng may nareceive na naman akong text.
Hindi mo na naman ako papansinin - Unknown
Hinayaan ko na lang at nagcheck ng emails ko.
Musta ka na? - Unknown
Masaya ka na yata sa buhay mo - Unknown
Sobrang miss na kita - Unknown
Kinalimutan mo na ba ako? - Unknown
Amira - Unknown
Bakit ba text ng text to, nakakainis na. Huwag mong sabihin pinagtrtripan ako nito.
"Text ka ng text! Pwede ba lubayan mo na ako!" sigaw ko dahil tumawag ito.
"Bakit ka ba sumisigaw ha?" tanong niya.
"Sorry Ace, ikaw pala to akala ko iba"
"I need you right now sa office ko" sabi niya at pumunta na lang ako. Nakakahiya na sinigawan ko siya, kainis yung nagtetext sakin. Inoff ko na lang phone ko.
"We need plans para tumaas yung rating ng resort natin" sabi ni Ace at umupo ako sa harapan na upuan.
"Curious ako sa Hot Waves Resort" sabi ko.
"Anong connect nun sa sinabi ko?"
"Well actually, dapat alam natin kung sino yung kalaban natin before we make a plan"
"We already know" sagot niya
"I mean, we should check out there resort"
"Huwag mong sabihin na pupunta tayo don"
"Exactly" sagot ko.
"I don't think that's a good idea Amira" First time niyang banggitin pangalan ko ha.
----------
"Saan tayo pupunta?" tanong ni Ace. Pinilit ko pa yan sumakay sa kotse ko.
"Basta"
Tahimik ako nagdrdrive habang si Ace tinitingnan yung kalsada.
"Nagriring yung phone mo" sabi ni Ace.
"Check mo nga kung sino" utos ko.
"Unknown nakalagay"
"Hayaan mo na yan" sabi ko.
"Sino ba yan? at bakit Unknown?"
"Rule number 1, Mr. Rivera" sabi ko.
"Oo na, hindi din naman ako interesado kung sino man yan" sagot niya.
"Okay andito na tayo" sabi ko at pinark na yung kotse.
"Bakit sa mall?" tanong ni Ace. Hinatak ko na lang braso niya papunta sa isang shop. Ang daming tanong ng lalaki na to.
"Good afternoon po sir, para po ba sa girlfriend niyo po?" tanong ng sales lady at tumititig kay Ace, ganun din yung ibang sales lady sa loob ng shop.
"Ang pogi niya naman"
"Girlfriend niya ba yan? Hindi sila bagay" sabi ng mga babae sa loob ng shop.
Pogi na yan sainyo? Binitawan ko na braso niya at pumasok ng shop.
"Para po sa kanya" sagot ko. Nagulat yung sales lady sa sinabi ko. Nasa loob kasi kami ng isang women's shop.
"Sayang naman siya lalaki din pala ang gusto"
"Oo nga, pogi sana pero barbie" sabi nila.
"Bakit ako magsusuot ng pangbabae ha? Hindi ako bakla" bulong sakin ni Ace habang namimili ako ng mga damit.
"Suotin mo to" hindi ko na lang pinansin yung mga reklamo niya at tinulak ko na lang siya sa fitting room para magpalit ng damit.
Lumabas siya at tawa ako ng tawa dahil nakasuot siya ng isang cocktail dress.
"Pupunta ba tayo ng party?" hiya niyang sabi.
"Hindi, palit ka na ulit" sabi ko at naririnig ko yung mga babae na nagtatawanan.
"Ayan mas bagay sayo" lumabas si Ace na nakadress na sakto lang sa size niya.
"Anong mas bagay? Etong glasses or yung isa?" tanong ko kay Ace.
"Etong blue" sabi niya.
Pumunta ako sa cashier at nagbayad na.
"Pinapili mo ko tapos di mo rin pala bibilhin" sabi niya.
"Ang panget kaya ng blue na pinili mo. Oh san ka pupunta?" sagot ko dahil umalis si Ace sa shop.
Tinuturo ko yung mga shopping bags. "Buhatin mo yan" sagot ko at umalis na.
"Etong babaeng to may kamay naman siya"
Andito kami ngayon sa food court at kumakain ng dinner.
"So ano plano? Bakit tayo bumili ng mga damit?" tanong ni Ace.
"Gusto ko lang magshopping" sabi ko at pinagpatuloy kumain.
"Seryoso ka ba sa sinasabi mo ha? Sinayang ko lang oras ko"
Tumawa ako. "Hindi ka mabiro"
Nakatingin lang sakin si Ace na para bang sinasabi na anong nakakatawa.
"Pupunta tayo sa Hot Waves Resort" Ngumiti ako.
"Magdidisguise tayo?"
Tumango ako. "Pupunta lang tayo doon para malaman kung anong meron ba sa resort na yun"
"Yun na yung plano mo?"
"Oo, maganda naman plano ko ha"
"E bakit kailangan pa magdisguise?" tanong niya.
"Syempre para hindi tayo makita ni Troy"
Ace's POV
Hello, first time ko magkaroon ng point of view ha, nasa banyo kasi si Amira sumasakit tiyan, hindi ko alam kung ano bang nakain yun.
Ako nga pala si Ace Lucas Rivera, gwapo at masipag na lalaki at ang karoommate ng babae na yun. Sorry kung ngayon lang ako nakapagintroduce sainyo ng maayos.
Pinagtitinginan ako ng mga babae dito, ang pogi ko kasi pero si Amira aka sungit ayaw pang aminin na pogi ako. Ang tagal naman ng babaeng yun mag cr, malapit na mag isang oras na ako nagaantay.
"Hi pogi" sabi ng babae at umupo ito kaharap ko. Madaming nainis nung lumapit yung babaeng to.
"Hi" sabi ko.
"May inaantay ka ba?" ngumiti yung babae.
Tumango ako. "Hindi na yun babalik, tara nood tayo movie" ngumiti ulit siya.
"Sorry, next time na lang" sagot ko.
"Maganda yung movie ngayon, sayang naman yung binili kong popcorn" hinawakan niya braso ko pero tinanggal ko din.
"Sorry" asan na ba yung babae na yun ang tagal niya naman.
Umalis yung babae at pumunta sa isang table kasama ng mga iba niyang friends na babae halatang nainis siya sa ginawa ko sa kanya.
"Aww friend, binusted ka yata"
"Sa ganda mong yan hindi ka pinatulan"
"Can you please stop! Alam kong maganda ako pero how dare him na tanggihan ako"
Nagriring yung phone ni Amira, bakit niya ba iniwan yung phone niya dito.
"Unknown? Sino naman maglalagay sa contact name ng ganyan" sinagot ko yung tawag.
Ah eto yung tumatawag kay Amira kanina sa kotse.
"Hello Amira" oh lalaki yung boses.
"Sino ka?"
"Bakit hawak mo yung phone ng mahal ko?" sagot niya.
"Mahal mo? Sino ka ba ha?"
"Oo, mahal ko si Amira. Boyfriend ka ba niya?"
"Hindi no, never!" sagot ko. Lagi na lang natatanong kung girlfriend ko yung babae na yun.
"Bakit mo nga hawak phone niya?!" sigaw niya.
"Teka nga lang, secret admirer ka ba niya? Ang pangbata ng dating" tumawa ako ng mahina.
"What the hell did you say? Layuan mo si Amira!" binaba ko na yung tawag.
Grabe naman yung secret admirer na yun. Hindi na lang umamin sa harapan ni Amira at may pa mystery effect pa siyang nalalaman.
Amira's POV
Sa wakas at tapos na ako tumae, sobrang sakit talaga ng tiyan ko baka nga nilagyan ng lason ng lalaki na yung pagkain ko kanina. Habang naghuhugas ako ng kamay ay naririnig ko yung mga babae na naguusap.
"Ang gwapo niya no" sabi ng isa.
"Pero hindi parin ako makapaniwala na tinanggihan ka manood ng movie" sabi naman ng isa.
"Malalaman ko din kung sino siya at magiging akin yun. Wala pang lalaki ang tumanggi sakin ng ganun"
"Asan yung phone ko?" tanong ko pagkatapos ko umalis ng cr.
Binigay niya sakin yung phone ko at nakita kong may missed call si Unknown, buti naman at hindi niya sinagot.
"Sa wakas at tapos ka na din. Akala ko nakain ka na ng banyo"
"Sumasakit parin ba tiyan mo?" tanong niya. Naglalakad kami ngayon papuntang parking lot.
"Hindi naman"
"Dito ka muna, bibili lang ako ng gamot" bago ko pa siya pigilan ay tumakbo na siya papuntang pharmacy.
"Hello po" sabi niya ng masigla. Bakit batang babae yung sumagot sa number ni Georgia.
"Bakit na sayo yung phone ni teacher Georgia?"
"Naiwan niya po kasi ito kanina sa table niya" sabi ng batang babae.
"ah, bigay mo kay teacher yan bukas ha, sigurado ako hinahanap niya na"
"opo ate. Ano po pala name niyo?" tanong ng bata.
"Amira"
"Sophie, ang name ko ate Amira" masigla niyang sabi.
"Ganda naman ng name mo pang princess"
"Favorite ko po yung mga princess" sagot ni Sophie.
"Ibababa na ni ate yung phone ha andito na kasi yung evil prince" sabi ko.
"Ate Amira, talunin niyo po ang evil prince ha. Bye bye po"
"Anong evil prince?" tanong ni Ace at inabot sakin yung gamot.
"Ikaw mukhang villain" tawa ko ng mahina.
"Ako na magdrdrive"
"Ayoko nga baka mabangga pa tayo o kaya magasgasan pa kotse ko" sabi ko.
"Paano kung sumakit bigla yung tiyan mo sa gitna ng byahe edi baka madisgrasya pa tayo" sagot niya.
"Magaling ako magdrive no"
Pero siya parin yung nagdrive. Chinat ko si Georgia sa social media niya na yung phone niya ay na kay Sophie kunin niya na lang bukas sa school.
Goodnight Amira, sleep tight - Unknown
Sino ka ba ha? - Amira.
Tinext ko na yung number para tumigil na.
Hello Readers,
Ang updates ko ay tuwing MON WED FRI. Salamat.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top