Prologue

Prologue

"'Di ba sinabi ko na sa'yo na ngayon tayo luluwas ng metro? Bakit hindi ka pa nakahanda, Grant?" My mom hollered as soon as she got into my room. My mom just stormed inside my room and yelled at me, jolting me from my sleep.

Nakadapa pa ako sa aking kama at sobrang antok. Hindi ko kasi alam kung anong oras na ako nakauwi kanina. Pakiramdam ko nga ay kakagising ko lang tapos ganito na agad!

In my half-awake state, I reached my right hand to my not-so-big bed to look for a pillow to cover my ears.

"Ano na, Grant? Hindi ka ba babangon diyan!"

I pressed the pillow on my ears para hindi ko marinig ang mga sigaw ni Mommy Amelia pero tumatagos pa rin kahit sa nakatakip kong tenga ang mga bulyaw nito.

I hear the tick tock of my mother's heels on the floor as she approaches. The faint sound comes closer and closer to my place, and before I knew it, my mother's actions surprised me. The blanket covering my body was cast aside, leaving me naked on top of my bed. Naked as in N.A.K.E.D.!

"Diyos ko!" My mom exclaimed.

My eyes closed on their own accord. I forcefully opened my sleepy and groggy eyes. Jesus! My vision was so blurry! I couldn't even recognize my own room.

I flipped my body and rubbed my eyes to clear blurry vision. Mariin kong pinikit ang aking mata dahil parang may pumupukpok sa aking ulo. The alcohol from last night? Or the last few hours got me so bad.

When I opened my eyes again, I saw my mother standing on the lower side of my bed. Her hands were on her eyes, covering them.

I stared at my body, only to see myself undressed. Inabot ko ang unan kanina na kinuha ko para itakip ang aking tenga at itinakip iyon sa aking pribadong katawan.

"Pwede mo nang tanggalin ang pagtakip mo sa iyong mata, mom," sabi ko at ngumiwi nang maramdaman ko ang tuyong lalamunan.

Marahas na binaba ni Mommy ang kanyang kamay mula sa kanyang mata at nanlilisik ang mga mata nito nang bumaling sa akin.

She placed her hands on her waist, her nose was flaring, and her shoulders were shaking.

"Anong oras ka umuwi?!"

I squinted my eyes, still feeling sleepy.

I was about to lay my body back on my bed when I saw my mother's glaring eyes. She gazed at me as if she really wanted to murder her very own son, her only son!

"I... I don't know, mom. Two? Three?" Gulo kong tugon para lang huwag ma-murder ni Mommy. Kahit pa biyakin ngayon ang ulo ko, hindi ko talaga alam kung anong oras na akong nakauwi.

Galing ako sa isang debut party, naimbitahan na kumanta roon at nakainom. Idagdag pa na nando'n ang barkada kaya ayon napainom at hindi na namalayan ang oras.

Nang maaalala ko ang aking gitara na dinala sa party kagabi ay saka lang nawala ang antok ko. Inilibot ko ang aking mata sa aking magulong kwarto. Nakahinga naman ako ng maluwag nang makita ko ang aking gitara na nakasandal sa gilid ng pintuan. Luma na iyong gitara ko pero napaka importante no'n sa akin.

Marahas na huminga si Mommy.

"Magbihis ka na. Dalhin mo kung ano ang mahalag sa iyo at aalis na tayo. Bilisan mo." Utos nito sa akin.

"I can really stay and live here without you, Mom. Kayo na lang ang tumira sa bahay ng lalaki mo," saad ko kay Mommy.

Bumalik ang panlilisik sa mga mata ni Mommy.

"Iiwan ka rito? Para ano, Grant? Para magbulakbol ka kasama ang mga barkada mo? Para mapariwara ka rito? 'Yan ang gusto mo?"

Tinikom ko na lang ang aking bibig. Nagpipigil na huwag siyang sagutin.

"Kukunin na rin itong bahay, Grant. Kukunin na ito ng bangko sa atin. Wala na rin tayong titirhan."

"Makakabayad tayo, mom. May mga extra gigs naman po akong-"

"Wala kang mararating d'yan sa pagkanta-kanta mo, Grant! Mag-aral ka na lang ng mabuti dahil d'yan, mas may patutunguhan pa ang buhay mo! Sumunod ka kaagad sa akin sa baba. Aalis na tayo sa ayaw at sa gusto mo!" Muling bulyaw ni Mommy sa akin at lumabas ng kwarto. Malakas nitong sinara ang pintuan ng aking kwarto dahilan para mahulog ang nag-iisang picture frame na nakasabit sa dingding ng aking kwarto.

Halos dumugo ang labi ko dahil sa sinabi ni Mommy. Mula pa man noon, wala na talaga siyang tiwala sa akin. Mula pa man noon, hindi na siya suporta sa pagkanta ko. If only... if only my dad was still alive hindi magkanda litse-litse itong buhay ko. Tangina!

Tatlong taon pa lang mula nang mawala si Daddy pero nakahanap kaagad siya ng lalaki. Lalaki na mayaman at kayang-kaya siyang datungan sa mga gusto niya.

A rush of air escapes my nostrils, carrying with it a heavy sigh. Inis kong tinapon ang unan na tinakip ko sa aking pribadong parte at ginulo ang buhok. Litse!

Nagbihis ako ng isang rugged jeans, isang itim na t-shirt na pinatungan ko ng isang chore jacket na kulay brown at isang work boots sa para sa aking paa.

Kinuha ko ang pinakamalaking duffel bag na meron ako at isinalampak ang mga damit ko. Matapos kong isilid ang aking mga gamit ay isinukbit ko ito sa aking balikat. Palalabas na 'ko sa aking kwarto nang makita ko ang picture frame na nahulog kanina. Basag na ang salamin ng frame.

Binaba ko ang katawan upang kunin iyong picture sa loob ng frame. It was a picture of me and my daddy. Sinilid ko iyon sa bulsa ng aking dalang duffel bag. Kinuha ko rin ang aking gitara at isinukbit iyon sa kabilang balikat ko.

I matched towards our small living area at doon ko nakita ang isang lalaki na nakasuot ng isang formal attire, itim na tux.

"Oh, nandito na pala ang anak ko," untag ni Mommy na may malaking ngiti sa kanyang labi.

Nakuyom ko ang aking panga.

"Danny, he's my son, Grant." Pagpapakilala ni Mommy sa akin doon sa lalaki. "Grant, si Danny ang kanang kamay ni Frederick." Frederick, ang lalaki ni Mommy Amelia.

Nilahad ni Danny ang kamay sa akin at tinanguan ko lang ito. I have no time to take his hands.

Kinuha kami gamit ang isang van at sa buong byahe ay umidlip lang ako. Labag sa loob ko ang sumama kay Mommy pero wala pa akong magagawa ngayon. I really don't understand what my mother was thinking. I feel like it was so easy for her to let go of our house, where, in fact, she built her family. That house was full of memories of us together... together with Dad.

I was awakened by a strong shake on my shoulders. Pagkabukas ko sa aking mata ay bumungad sa akin si Danny na seryoso ang mukha. Handa ko na sana itong suntukin dahil sa paggising nito sa akin kaso alam kong inutusan lang din ito. He motioned his head na pababain na ako.

Danny was all gentleman towards my mother. Siya ang nagdiskarga ng mga gamit ni Mommy habang ang akin ay nanatili lang sa loob ng van at ako na ang kumuha. Tsk! As if I need him.

Nakasukbit sa aking dalawang balikat ang aking duffel bag at ang aking lumang gitara, wala na nga itong guitar bag sa luma. I glanced around the property. My mother's husband is truly fortunate. Mula sa malaking bahay na may tatlong palapag at sa property nito na hindi abot ng aking paningin.

The double doors opened, and a tall, dark, and handsome man warmly embraced my mother in a tight hug before kissing her in front of my very own eyes.

My eyeballs rolled. My left shoulder, where I carried my duffel bag, was already aching due to its weight. Kinakain na ng sling ng duffel bag ko ang aking balikat.

Walang-wala ako sa aking mood, una dahil labag sa loob ko kung bakit ako nandito, pangalawa, ayaw ko sa lalaki ni Mommy, kay Frederick, at ang pangatlo antok na antok ako.

Suddenly, all of my annoyance, irritation, resentment, and any other nouns you could name to identify my enraged heart disappear when I see a little guy descending the long and grandiose staircase. He looks like an angel that came from heaven.

My lips twitched. The little guy was wearing- err... obviously a hoodie jacket that was too big and lavender in color. And to my amusement, he paired it with a long white pajama. Sa laki ng hoodie jacket niya, natatakpan noon ang kanyang mga kamay. At halos 'di ko naman makita ang paa niya pababa.

Hanggang sa makalapit ito ay nakatitig lang ako sa kanya. I eyed him from head to toe. Tumaas ang kilay ko nang makita ko ang paa nitong sobrang puti at nagkukulay rosas. Kumunot ang noo ko nang makita ko ng mabuti ang mukha niya.

Nagkamali ba ako sa aking inakala na lalaki ito? Shit!

"If I were you, I would close my mouth," he murmured, and I felt like an angel was singing from above. However, despite the admirable things about him, there's something unsettling about him.

His round hazel eyes met mine, and he flinched. Deserve! Dapat matakot ka sa akin sa liit mong 'yan. Kayang-kaya ko yata itong balian ng buto sa paghawak ko lang.

"Frederick, ito ang anak ko. Iyong lagi kong nakukwento sa'yo." Malambing na saad ni Mommy, kaya naman napatingin ako sa kanya. Parang kanina kang galit na galit siya sa akin. Ngayon, sobrang kalmado niya. "Si Grant."

Well, hindi ko pa kasi nakikilala in person itong si Frederick, sa picture ko lang ito nakikita. Lalo na sa mga post ni Mommy sa kanyang Instagram at Facebook.

"Nice to finally meet you, Grant," Frederick said with a wide smile on his lips as he extended his right hand to me. I only look at his extended hand and nod in response.

Niyakap ni Mommy ang kamay sa akin at lihim akong kinurot sa aking gilid.

My teeth ground inside my mouth, nagpipigil na huwag ipakita ang sakit sa kurot ni Mommy.

"Pasensya ka na, Frederick hindi lang maganda ng gising ng anak ko." Ngiting-ngiti ani ni Mommy pero batid ko sa kanyang tuno na nagtitimpi na ito sa akin.

How nice that Mommy knows na hindi maganda ang gising ko. Tsk!

Si Frederick naman ay giniya ang maliit na lalaki palalapit sa kanya. Tinapik niya balikat nito at minuwestra ang isang kamay tungo sa akin.

""Anak, this is Grant, and Grant, this is my son, Riley."

In a slow manner, Riley took out his hand and offered it to me. My eyes widened the moment I saw how incredibly white his skin was and how pink his palm looked.

"Are you a boy or-"

"I'm a boy, my name is Riley," he said with a touch of irritation.

He was about to retract his hand when I snatched it. Oh, damn! It was so soft and... it might sound weird, but whatever, it felt really nice against my palm.

"Grant, remember my name, Mon Doux."

- - - - - -
This book is a work of fiction. Names, places, incidents are produced by the author's imagination and are used fictitiously. Any resemblance to persons, living or dead, events and locales are extremely coincidental.

All rights reserved. No part of this story may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical, including, photocopying, recording, or by any information storage and retrieval system, without the written permission of the author, except where permitted by law.

© 2023

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top