SOT 2: THE FUTURE
November 15, 2519
Shiloh Ynue
Shems. Ang sakit ng ulo ko sex bomb! Sex bomb! Se-- ok tama na. Pero ansaket talaga ng ulo ko! Para akong masusuka dahil hilong-hilo ako pag katapos kong tumilapon sa pesteng time machine na yun. Nakasandal ako ngayon sa isang puno habang hilot-hilot ang sentido ko. Tiningnan ko ang paligid ko at nakita kong nasa pusod pala kami ng gubat.
Letse! Kutang kuta na ako sa gubat ah!
Nandito parin ang time machine pero parang unti-unti nang nawawala ang mga boltahe sa loob nito.
"Arrgh! Lalabas na yata lahat ng kinain ko kanina!Naman!" napatingin naman ako sa dumaing, yung babaeng tambay. Di ko siya kilala kaya't yan na muna ang tawag ko sa kaniya.
Tiningnan ko ang iba ko pang kasama at gusto ko na lang matawa sa mga reaction nila para silang matatae na ewan.
"Pffft.hihi" Gosh! Pinipigilan kong matawa sa mga itsura nila.
"What are you laughing at!" inis na tanong ni Trixie the bitch
"Duh, Chuckle lang yun noh dahil hindi naman ako humalakhak, boba! Atsaka Anong pake mo!" bara ko dito. Inirapan na lang ako nito at inis na tumayo mula sa pagkakasalampak sa lupa.
Haha! Loser talaga siya sa'kin sa asaran!
"Guys.." We all look at Carol when he call us. Nakatingin lang siya sa taas namin na may namamanghang mata. Kaya't napatingin rin kami sa taas namin.
My jaw literally drop because of amazement. Ang langit kasi ay napapalibutan ng parang isang protected barier,may mga linings kasi na lumiliwanag sa ulap.
Woah, In our time this kind of technology is private and it shouldn't be shown in public. It's for authorize person only.
"Hey, Check your watch nga if anong year na tayo now. Baka there's sira 'tong clock ko it tells November 15, 2519" conyong utos samin ni Trixie kaya't sinunod narin namin.
Tiningnan ko ang wrist ko at napangiwi na lang ako ng maaalalang wala pala akong dalang relo.
So our time is ala buto't balat choz.
"Yeah, mine as well" sabi nung young cool guy.
"So we travel in the future huh? Hmmm. Interesting, marami akong malalaman dito for advance technology" ngingising ani pa ni Carol.
"Tch. Iba rin talaga trip mo noh. Adik" asik ko dito na ikinatawa niya lang.
"Nga pala di pa natin kilala ang isa't-isa." biglang sabi ni Leo nerdy.
"O sige dapat complete information but no personal question, ako muna mauuna para alam niyo kung paano ang ating introduction. Hehe" ani ni Carol, tsk daming arte eh. "I'm Carol Buenavista, 18 years old. Purpose why i'm here is to discover more about technology" sabi nito habang kumikislap-kislap pa ang mata pagkabanggit ng salitang technology.
"I'm Ionnide August Priem, 13 years old. Just Pure Adventure"
So Ionnide pala ang pangalan nung young cool guy. Hmmm.
"Trixie Qour, 17. Escaping from hectic scedule of handling business matters" Ows, may utak pala siya sa pag hahandle ng business, in fairness. 'Di halata ah.
Pfft, So harsh.
"L-leo Del Vera, 18 years old. Naghahanap ako ng gamot para sa mama ko. She has a leukemia, stage 4." Sabi nito habang nakayuko. May leukemia pala ang mama niya.Tch, may problema pa pala yung tao, dinagdagan pa ng panbubully ni Trixie.
I glare at Trixie at nakita niya naman ito. Her brows furrow then rolled her eyes afterwards. But I saw something in her eyes and it glint, guiltiness. Uh, maybe?
"Iris Amore Gregrio, 18. Takas" sabi nung babaeng tambay. Kumunot naman ang mga noo namin sa sinabi niya. Takas?
"Anong takas? Takas sa presinto o takas sa mental?" tanong ko dito habang nakatingin sa kanya ng walang emosyon.
Malay ko ba kung anong takas ang sinasabi niya. Baka isa pala siyang psycho or wanted notorious criminal edi tegi kaming lahat dito.
She glared at me."No personal Questions. Wag kayong mag-alala, di ako mamatay tao. Tsk" inis nitong sabi at nagtungo sa likod na isang puno at sumandal dun.
Tsk,tsk,tsk..'Yan kasi Shiloh. Hala sige judge pa more! Di ka naman siguro ipinangak para mag judge noh?
Oo na! Oo na utak! Piste! Nangongonsensya ka eh! Malay ko bang part siya 'nung kasabihang 'Don't judge the book with its cover'
"I'm Shi--Ahhhhhh!Waaah!Arrghh Shit!"
Kakaletse ah. Paano ba naman bigla na lang akong tumalsik dahil bigla na lang may dumagan sa'kin--este tumilapon sa akin.
"Arrrgh! The Heck!" Daing ko. Masakit pa nga ang ulo ko, nadagdagan pa! Ikaw ba naman ang tumilapon sa puno, habang nakaharap ang mukha, di masakit? Try niyo kaya?
Humarap ako sa kanila habang nakayuko at nakaupo sa puno habang hawak-hawak ang ilong ko.
Huhu, 'pag ako talaga pumango. Malilintikan talaga ang may gawa nun.
Tinunghay ko ang ulo ko habang nakahawak parin sa ilong ko. Nakita ko silang may pinapalibutan. Tiningnan ko yung time machine at wala na ang mga boltahe na nasa loob nito.
"Uy, ano yan?" tanong ko habang naglalakad patungo sa kanila.
"Ang sabihin mo sino, hindi ano" Ani ni Carol habang nakayuko sa pinapalibotan nila.
Nang makaabot ako sa kanila ay nagulat ako ng makita ko ang isang batang babae.
"Sa'n galing yang batang yan?" takang tanong ko habang nakatingin sa bata.
"Edi sa pinanggalingan, like duh?"
" 'Wag mo akong gaguhin Trixie, mainit ulo ko. Baka di ko mapigilan, matiris kita" nanggigil kong ani nito dito habang pinandidilatan siya ng mata.
Mukhang nasindak naman ang gaga at tumahimik na lang ito habang nakabusangot ang mukha.
"Tumilapon siya galing doon sa time machine." buti naman at may matinong sagot rin akong nahuta galing kay Leo.
"Please kindly put her in a comfortable place. Her head is bleeding it might bring her in an critical condition" utos sa'min ni Ion with an authority.
Wow, galing ng batang 'to. Parang matanda kung magsalita. Eh di siya na ang may serious aura! Bonga ah!
Wait, as far as I remember kompleto ang laman ng bag ko. Pwede na nga akong magcamping eh.
"Ako! I have a folded foam here!" sabi ko at nag-umpisang maghalughog sa bag ko. Inilabas ko narin ang iba para hindi sagabal.
"There you are!" I happily shriek when I saw it. I grab it with my left hand and lift my head up.
"Anong nangyari sa mga mukha niyo? Para kayong nakakita ng Diyosa. Sabagay, mukha naman talaga akong Diyosa. Hihi" I asked then giggle. Pa'no ba naman ang mukha nila, nakadilat ang mata at parang lalaglag pa ang panga habang nakatingin sa mga gamit ko.
Shock na shock teh! Over ah!
"Seriously Ynu?! Akala ko puro damit ang laman ng bag mo! Ano to?! Can Goods, Chocolate, gadgets, rope?! The fudge is this even helpful?!" Carlos said in amazement habang tinuturo pa ang mga gamit ko. I snorted.
OA ang lintek! Ambakla! Putek
"Duh, that's useful ya'know in case of emergency. At meron din naman ang akong mga emergency kit diyan, oh diba useful" I rolled my eyes on him. "Atsaka, wag ka nang masyadong OA. Meron akong mga damit noh! Nasa ikalawang lalagyan diyan sa bag." dagdag ko pa habang nakanguso.
"Baka naman bomba na yang nasa sling bag mo. Kung magpapakamatay ka man 'wag mo na kaming idamay" sarkastikang ani ni Trixie the Bitch.
Hmm, Straight!
"Wew, improving teh ah! Di na conyo? But don't worry, di yan bomba. Medyo malapit-lapit lang hihi." her face crumpled on what I say.
"Mamaya muna yang chismisan niyo. Mamamatay na 'tong bata, bangayan parin ang inuuna niyo. Ilatag niyo na yang foam at gamutin niyo na yang bata" Iris commanded so we keep silent then Carol lift the girl and put her in the foam.
"Ako ng bahala dito. I can handle this, Doctor ang pamilya ko kaya't may nalalaman rin naman akong panggamot sa mga minor cases." sabi ni Ion habang kinukuha niya ang mga kinakailangan gamit sa bag niya.
Naghintay kami sa ginawa niya hanggang sa matapos siya. Tiningnan ko ang kalangitan at malapit ng magdilim.
"It's already 5:47 pm. Dito muna tayo magpalipas ng gabi. Delikado na kung maghahanap pa tayo ng matutulugan. We didn't know how this time run. Kaya't kaylangan nating mag-ingat" We all agree to what Carlos said.
"May dala ba kayong mga tent or something na matutulugan natin? I have one already" sabi ni Leo.
"I also have a tent. Here." inilabas ko ang tent ko sa bag ko at ngumiti ng malapad.
"What's with your bag ba? At di mapuno-puno?" trixie ask and her brows crest.
"It's for me to know and for you to fuck up" she growned in annoyance and turned her back from me. I grin, I always want to see her getting annoyed or irritated. She always lose everytime na nakikipagtarayan o pilosopohan siya sa'kin.
"So dalawa ang tent natin. It's settled then, Boys will sleep in Leo's Tent and Girls will sleep in Ynue's Tent. Malaki naman yang mga tent natin. Start na tayong mag build ng tent para makapagpahinga na tayo agad" We all oblige on what Carol said. As usual, he's always the Leader material in every situations.
We start building up our tent except for Iris, the only one who knows how to make a bonfire. So she do it alone. Nang matapos kami ay sakto namang nagising yung batang babae.
"Awww... Sakit!" daing nito habang nakahawak sa kanyang ulo at unit-unting bumamgon sa kinahihigaan.
Nag-angat ito ng tingin at biglang nanlaki ang mga mata. She tilt her head in the right--still looking at us then in the left, our heads are also tilting in every motion of her head. Right, left,right, le--
"Teka teka! Mukha na tayong mga baliw nito eh! Mga aning!" inis kong angil sa mga ito. Kung sino man talagang makakakita sa amin, talagang iisipin nilang galing kami sa mental."T'saka ikaw! Ba't ka ba ganyan ng ganyan! Nabagok lang ulo mo na aning ka na" dagdag ko habang nakaturo sa batang babae. Napangiwi naman ito sa tinuran ko.
"Hindi po ako aning, sinusuri ko lang po kung kayo ba yung nakita at sinusundan ko and it's one hundred percent, Confirm" sabi nito habang tinitingnan kami isa-isa.
"Ha? What do you mean? Get straight to the point. Pabitin ka pa eh. At sino ka ba?" tanong ni Ion sakanya atsaka inirapan ito.
Bakla!
Mukhang pikon rin ang isang bubwit kaya't tinaasan niya ito ng kilay at inirapan.
Ang taray teh ah! Nagtaas pa talaga ng kilay eh halos wala ngang kilay ang Kingina. Oopps, Harsh. Wihihi.
"Duhh. Sige na nga I explain na." luhh siya, conyo. Trixie is'da you? Bumuntong hininga muna ito bago nagsimulang magpaliwanag. "I'm Khianny Octavian, 12 years old. I'm an orphan. Tumatakas ako sa orphanage tuwing madaling araw. Then, kanina nakita kita." she pointed me. Ha? Ano daw?
"Ako?" I said pointing myself. She nodded.
"Nakita kita na patungo sa gubat at bigla na lang sumulpot yung matandang nakaputi then out of curiosity, sinundan ko kayo. Hanggang dun sa pumasok kayo dun sa parang portal, then I'm here."
"So your just here because of you curiosity? Tsk, stubborn kid" iritang ani ni Ion dito. Mukhang warla yata tong dalawang to ah. Hmmm.
"Maka kid toh! Eh mukhang magka-edad nga lang tayo. Duh" inirapan lang siya ni Ion.
Hayst, mga kabataan nga naman..
'Akala mo naman kung sinong matanda, para malaman mo teh. May gatas ka pa sa labi!'
Kinginang utak ka! Namumuro na ako sa'yo ah! Bakit ka ba sabat ng sabat sa'kin! Parte ka ng katawan ko kaya't you should always on my side! Kakaletche ka ha!
"Teka asan ba tayo? At sino po ba kayo at ba't kayo nandito?" tanong ni Khianny.
"Hindi namin alam kung nasan tayo napadpad basta we time travel in the future. Year 2519. Since you still didn't know us. We'll introduce ourselves,again with our purpose" Carlos said and then they start introducing theirselves. Nang ako na ang magpapakilala ay natuon ang tingin nila sa akin. Sabagay, di pa nila alam ang purpose kung bakit ako nandito.
"I'm Shiloh Ynue Delamar, 16. Dinala lang ako bigla ni Gurrangotan." kumunot naman ang mga nuo nila sa sinabi ko.
"Sino si Gurrangotan?" tanong ni Iris
"Ahh. Si Dr. Tan. Katunog kasi ng pangalan niya ang urrangotan atsaka gurang nayun kaya't ginawa kong gurrangotan." ani ko habang nakangisi. Humagalpak naman ng tawa ang mga boys at si Khianny. Si Iris ay ngingisi-ngisi lang habang si Trixie ay nakangiwi, mukhang nagpipigil ng tawa, para tuloy siyang kambing.
"Mabuti pa kumain mo na tayo. May dala naman siguro kayong ready to eat na foods di ba? Tiis-tiis mo na tayo." ani ni Iris. Tumango naman kami except kay khianny. Wala kasi itong dala kundi mga kakaunti niyang damit kaya't binigyan ko na lang siya ng sa akin. Madami kaya akong supplies sa bag ko. I think, sapat yun for 6 months.
Pagkatapos naming kumain ay napagdesisyonan na naming magpahinga. Bukas na daw namin pag-uusapan kung anong dapat naming gawin. Pumasok na kami sa mga tent namin at nahiga na. Nasa kanang parte ako habang nasa kaliwa si Trixie. Katabi ko si Khianny at katabi niya naman si Iris.
Tulog na sila pero gising parin ako. Madaming katanungan at pangamba sa aking isipan.
Ano kayang naghihintay sa'min dito? Will be it good or worse?
Wala pa kaming kaalam-alam sa panahong ito, kaya't di namin alam kung sino o ano ang madadatnan namin.
I just hope that my decision is not that bad. I just hope..
Unti-unti kong ipinikit ang aking mga mata at tuluyan nang nahulog sa antok kong diwa.
***
A/N: Here's the Chapter 2! Hope you'll like it guys. Sorry for the grammars and spellings.
If you like this chapter please do Vomment! Thank you!
Lovelots guys!!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top