Chapter 9
Nicknames
"Sinira mo tulog ko," lukot ang mukha na reklamo ko kay Burn na ngiting-ngiting nakatingin lang sa akin.
"Hindi ako, 'no. Biktima lang din ako," mabilis niyang kontra. Pinaikutan niya pa ako ng mga mata habang patuloy pa rin sa pagsipsip ng cookies and cream flavored zagu mula sa straw.
Hindi ko nga alam kung anong magic na naman ang ginawa ng bruha na 'to at nagawang ipasok ang zagu niya kahit na may shake rin na offer sa Harbor.
Right, we're in Harbor afterall.
This morning, even before I could come to my senses, Auburn-girl woke me up by barging into my unit. Palibhasa alam ang pass code ng condo ko at may duplicate keycard kaya malakas ang loob na maglabas-masok kahit na walang pasabi o permiso.
"Tinawagan lang din ako ni Ulick kagabi. Pumunta raw ako rito at isama raw kita," paliwanag niya.
"Bakit wala si Carmen?" inaantok na tanong ko.
Kibit-balikat lang ang isinagot sa akin ni Burn. "Ewan, ikaw lang daw ang isama ko, eh. At ipinagbilin ni kamahalan na h'wag sabihin kay Carmen."
Alas-nuwebe pa lang ng umaga at alas-siyete ako ginising ni Burn para kaladkarin papunta rito. Kulang na nga lang ay siya mismo ang magpaligo sa akin dahil sa kupad ko kumilos.
Anong magagawa ko? Wala sa loob ko ang kumilos ngayong araw dahil naupos ako sa nangyari kahapon kay Denver. Isa pa, rest day ko ngayon. Dapat tulog lang ako maghapon!
"Ang bait ni Emory mo, pinapasok ako kahit may dala akong pagkain na hindi binili rito," humahagikhik niyang kuwento.
It just solved the mystery that wasn't even one at all. Masyadong pabigay ang sirkumstansya at madaling hulaan dahil si Burn ang taong alam pumaraan.
It's the connection ika nga niya.
"Nandito siya?" Pinaghalong gulat at kaba ang alam kong nakapaloob sa boses ko nang tanungin iyon.
I haven't seen him since the last time I talked to him with Caio. Hindi ko rin naman siya namataan kanina nang pumasok kami.
The only connection we had was the conversation last time, na hindi ko na nagawang reply-an.
"Oo, nakita ko noong nag-order ako. Iyon, oh!" Pinahaba niya ang nguso niya patungo sa direksyon ng counter.
Nahihipnotismong sinundan ko iyon nang tingin.
And there, I saw the man who has been tirelessly running in my mind these days.
Abala siyang gumagawa ng drink at naka-apron pa. He's wearing comfortable clothes. Manipis na black and white striped long sleeves and washed baggy jeans. May suot siyang bandana sa kaniyang ulo para hindi lumadlad ang kulot niyang buhok.
"Attracted ka, 'no?" pang-aasar ni Burn.
Marahan akong nag-iwas ng tingin sa lalaki at direkta kong sinalubong ang nanunuring mata ng kaibigan ko. "Oo," sagot ko.
Hindi ko na siya nakitaan pa ng gulat dahil sa isinagot ko. As usual, nabasa na niya ako bago pa man ako magpakatotoo.
Wala namang masama ro'n. Totoo naman kasing attracted ako sa kaniya. Emory could just draw anyone's attention effortlessly and I happened to be the one his spell got casted on.
Simula lang kasi talaga nang gabi na iyon ay may hatid siyang kakaiba sa akin. Na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin mawari.
"Ano nang balita sa inyo?" usisa niya.
Tinaliman ko siya nang tingin. "Umagang-umaga, tsismosa ka. At anong balita? Wala, 'no. Walang balita," masungit kong sagot.
"Ikaw naman umagang-umaga ang highblood. Chill ka lang, okay? Hindi ko naman aagawin sa 'yo 'yong tao."
Mas lalo ko siyang sinamaan ng tingin. Ang husay talaga mang-asar ng babaeng 'to. Palibhasa well-trained ni Multo.
"Tataba ka sa future mo," bigla na namang entrada ni Burn.
"Pinagsasabi mo na naman?" Pinagkunutan ko siya ng noo.
Nginisihan niya ako pero hindi na nagsalita pa. I looked at her with my mind turning into a rumbled puzzle trying to figure out the meaning behind her words.
Pero hindi ko na pala kailangang pahirapan pa ang sarili ko, dahil wala pang isang minuto nang marinig ko na ang yabag ng isang tao.
And like my favorite music I could immediately recognize on the first beat, his footsteps felt the same to me.
"Good morning," Emory greeted gleefully.
Pasimple ko siyang tiningnan at nandoon na naman ang ngiti niyang aking nakasanayan.
"May libreng foods na naman ba?" excited at walang kahiya-hiyang tanong ni Auburn.
"My God, Burn," I sighed in resignation. Mahina lang niya akong tinawanan.
"Siyempre," nakangisi namang tugon ni Emory.
Nagbaba siya ng dalawang plato sa harapan namin. Isa na tatlong pirasong french toast ang laman na may kapares na tatlong uri ng jam na nakalagay sa maliliit na parisukat na platito. Ang isa naman ay baguette bread na may avocado at sunny side up sa gilid.
"My signature drink for you, René," he offered.
Naglapag siya ng isang mataas na inumin sa harapan ko. Sa unang tingin, mukha iyong pinasosyal na ice scramble.
It was the same drink I saw him making earlier.
"Anong tawag?" tanong ni Burn.
"Wala pa," sagot niya, napakamot pa sa ulo. "Hindi ko magawang ilagay sa menu dahil gusto ko pang ipagdamot at wala pa akong maipangalan."
"Pero sabi mo signature drink mo?" naguguluhan kong tanong.
"Yes. Only I know how to make it. All the anchors approved it. Just not the right time to be put on the menu yet," he proudly said.
"Anchors?" tanong ko.
"The employees. Iyon ang tawag namin sa kanila," sagot niya.
"At ikaw ang captain of the ship?" Burn prompted.
He gave us a shrug. "Not entirely."
"Baka mamaya may number mo na naman iyan," biro ni Burn. Pasimple ko siyang sinipa sa ilalim ng lamesa. Inignora lang naman ako ng walang hiya.
"Wala." Mahinang natawa si Emory. "Safe 'yan. Wala akong nilagay na kahit ano. Kahit pa gayuma kaya enjoy kayo."
Hindi ko nagawang makaiwas nang makulong ang mga mata ko sa kaniya. At mukhang maging siya ay wala ring intensyon na bumitaw nang tingin, which left me no choice but to allow myself to be a prison of his sinful stare.
Oo, makasalanan. Dahil nagagawa niyang guluhin ang tahimik kong mundo ng gano'n na lang!
"Enjoy your stay, Madam," magalang niyang bati. Yumuko pa siya na tila ba isang tagasilbi ng reyna bago nakangiting umalis.
Damn, I am in huge trouble.
"Hinga, my friend. Hindi kita kayang dalhin sa emergency room dahil lang hindi ka humihinga dahil kay Kulot," panggigising sa akin ni Burn.
"I'm doomed," I absent-mindedly uttered.
"Halata nga." Humalakhak siya. "Nasaan na bakod mo? Matayog pa ba?"
Kinapa ko ang sarili kong dibdib nang sa gayon ay magawa kong maramdman ang puso kong tumitibok ng maligalig.
I was sure I was breathing just fine earlier. I was in a perfectly good condition.
Pero ngayon, dahil lang sa simpleng tingin niya, para na akong lalagnatin bigla. Para kong tinakbo ang buong building ng Film sa biglaang pagbilis ng tibok ng puso ko. At kahit ang paghinga ng malalim ay hindi magawang ibalik iyon sa normal.
"Delikado, mukhang may nakatibag na," bulong ni Burn na nagawa ko pa ring mapakinggan.
In my right state of mind I would've argued with her till the end of the earth. Baka ipaglaban ko pa ang side ko to the point na siya na lang ang susuko. Pero wala akong ibang ginawa kundi ang tanggapin ang kaniyang opinyon.
"Anong mayro'n? Bakit ang tahimik niyo?" anang bagong tinig.
Agad ko 'yong nakilala, si Ulick, matalik na kaibigan ni Burn. Kasunod niya si Elon na namumutla ang mga labi.
"Dumating pa kayo," pagmamaldita ni Burn.
"High blood ka na naman." Tumawa si Ulick bago umupo sa tabi ni Burn. Ang kasama naman niya na si Elon ay sa bakanteng upuan sa pinakatuktok ng lamesa naupo. "Huwag niyo akong bibigyan ng dahilan na traffic, ia-unfriend ko talaga kayo sa Facebook.," pagsusungit ng kaibigan ko sa dalawa.
"Wala akong sinabi, Burn," natatawang sagot ni Ulick. "Have you eaten?"
Pansamantala kong nakalimitan ang bagyong sumasalanta sa kapayapaan ko kanina lang. Bagyong Emory.
Napukaw ng boses ni Ulick ang atensyon ko at kusa pang umarko ang kilay ko nang mahimigan ang lambing doon habang kausap niya si Auburn. He even rested his arm on Burn's chair in the most natural way possible making it appear like he was directly putting his arms on my friend's shoulder.
Kung hindi ko sila kilala, walang duda na iisipin kong may relasyon sila. At kung magiging tapat man ako, aaminin kong nababagayan ako sa kanilang dalawa.
Their foundation just goes beyond the depth of the unknown. They are grounded, and I know they would work out with beautiful love only if they could.
Pero alam ko ang totoo at malabo ang lahat ng nasa isip ko. May girlfriend si Ulick at magkakaibigan pa silang tatlo.
"Naubos ko na. Nag-refill na nga iyong may-ari, eh. Ang kupad niyo kasi, eh." Inirapan niya sa Ulick.
"Huwag ka nang magalit," pag-alo niya kay Burn. Ulick stroked Burn's hair which the latter swatted away.
Alam kong hindi tama pero hindi ko maiwasang kiligin sa kanilang dalawa. I just couldn't help it, masyado silang bagay tingnan.
Their contrasting personality just clicks. Si Burn na mataray at palaban habang si Ulick naman ay maunawain at kalmado lang. He always understands Burn's temper and pacifies it expertly.
Kaso hindi p'wede.
"Bakit niyo ba kasi kami pinapunta rito?" tanong niya sa dalawa. "At bakit excluded si Carmen? Hindi tuloy kumpleto ang powerpuff girls."
Napailing si Ulick sa kalokohan ng kaibigan niya. "May sasabihin kasi si Elon sa inyo."
Awtomatikong napabaling ako sa direksyon ni Elon na tahimik lang na nakaupo. "Ano ba 'yon?"
"Bakit mukha ka nang masusuka?" puna ni Burn. "May CR dito, tae ka muna."
Napa-huh ako. "Sira ka talaga. Nasusuka tapos tatae?" naguguluhang tanong ko sa kaniya.
"Parehas lang iyon. Parehong sa CR ang bagsak mo," katwiran niya sabay tawa.
Pareho kaming napailing na lang ni Ulick. Kung bakit ba naman kasi isa't kalahating siraulo itong babaeng ito. For sure, mas sawa na siyang marinig ang mga lame jokes ni Burn.
Ngunit sa kabila nang tawa naming lahat ay nananatiling tahimik si Elon. Mukhang talagang kabado siya sa sasabihin.
"Hihingi lang ako ng permiso sa inyo ni René," maingat niyang simula, sa wakas.
Agad kong naintindihan ang gusto niya kahit na kulang pa sa impormasyon ang mga sinabi niya. I should know. Ilang beses ko na ring napapansin ang pagiging malapit nila ng kaibigan namin na si Carmen.
Compared to Carmen and Burn, mas matagal ko nang nakikita ni Elon. Bukod kasi sa iisa lang kami ng campus, may mga pagkakataon na rin na nagkakasama kami sa events at collaboration projects ng Fine Arts at Film. Magkasama din kami sa Elite kaya halos araw-araw ko siyang nakikita.
"Mali ka yata nang kinakausap, E," nakangiwing pahayag ni Burn. "We are not our friend's parents. I don't see the need to ask permission from us."
"No," he immediately rebutted. "I want to ask permission from you, too. Both of you are as important as her family and I just want to make sure that it would be fine for me to court Carmen."
Napuno ng galak ang puso ko dahil sa mga narinig ko. The amount of respect he has for Carmen was reflected in his voice. And I couldn't help feeling the security for my friend which I never felt with her ex.
At the same time, I feel a tiny bit of sadness in my heart knowing that my friend is about to be someone's happily ever after. Parang ayaw ko pero alam kong wala naman akong pagpipilian. Pinairal ko na lang ang mas lumalamang na tuwa sa dibdib ko sa kaalaman na mayroon nang magpoprotekta sa kaibigan ko.
"Paano kung ayaw ko?" pagtataray ni Burn.
Inobserbahan ko ang magiging reaksyon ni Elon sa mga salitang 'yon. Nakita ko kung paano napuno ng pangamba ang mga mata niya kasabay nang pagkawala ng isang buntonghininga sa bibig niya.
"Then I would wait and try again."
A smile formed in my lips. Ang suwerte ng kaibigan ko.
"Wala ka rin namang magagawa kahit na papayag kami. Na kay Cae pa rin naman ang desisyon," komento ko, ibinibigay ang hinihingi niyang permiso kahit na hindi diretso.
"So, it's a yes?" umaasa niyang tanong.
Instead of answering him through words, I ended up just shrugging my shoulders at him. Si Burn din ay hindi nagsalita. Umirap lang siya bilang sagot na pare-pereho naming alam na oo ang ibig sabihin.
"When will you ask her?" Ulick asked after being silent for minutes.
"Hindi ko alam," buntonghininga niya.
Nagkatinginan kaming dalawa ni Burn. Malayo ito sa inaasahan kong sagot. Ang inaakala ko ay ora mismo ay liligawan na niya.
Mas may tiwala ako kay Elon sa bagay na ito kung ikukumpara roon sa isa na paulit-ulit lang na sinasaktan ang kaibigan ko. Kaya kung siya lang din naman ay okay lang. Hindi ko lang maintindihan bakit hindi niya pa simulan.
"Pinagsasabi mo?" naguguluhang tanong ni Burn.
"I don't want to confuse Carmen." He started fidgeting with his hand as nervousness showed up on his face. "Alam kong may nararamdaman pa siya kay Gio. At kung itutuloy ko man ang balak kong panliligaw sa kaniya, baka maguluhan lang siya. I planned not to show myself to her from the last moment we've spent time together."
"Paano kung magkaroon siya ng iba habang hindi ka nagpaparamdam sa kaniya?" naghahamong tanong ko. "You're wasting time, Elon."
"Waiting for her to be ready isn't waste of time." Magaan niya kaming nginitian Bagaman naroon pa rin sa mga mata niya ang bakas ng kalungkutan. "May tyansa na magkatotoo ang sinabi mo at kung mangyayari man 'yon, wala na akong magagawa. I'd be happy for her if that would also mean her happiness. Ayaw ko lang ipilit kung hindi pa siya tuluyang naghihilom. I could wait for as long as the ending would be her happiness. It doesn't have to be with me. I'd be happy still."
"Walang hiya, anong klaseng tubig ba ang ipinangliligo ni Carmen at nagkaroon ng Elon sa buhay niya?" busangot sa saad ni Burn.
Napailing na lang din ako. Parehong konteksto ng tanong lang din ang umiikot sa isip ko ngayon. Ang suwerte, eh. Pero deserve rin naman niya kasi.
Carmen has been through more than enough catering to Gio and his needs. Halos hindi na nga niya isipin ang sarili niya. Above anything else, Gio is at the topmost priority of Carmen.
Kaya deserve niya ng Elon.
"Akyat na muna ako," tukoy ko sa rooftop ng Harbor. "Nabi-bitter ako bigla. Baka sakaling makahanap ako ng sarili kong Elon sa taas."
"Hindi Elon ang mahahanap mo. Kulot, may-ari ng Harbor!" kantyaw ni Burn.
"Hayop ka talaga." Sinimangutan ko lang siya.
Umani ng mahihinang tawa mula sa tatlo ang mga pinagsasabi ko. Hindi rin naman nila ako tinutulan kaya nagtuluy-tuloy na ako. It hasn't been that long since I came across this place yet I would still find myself repeatedly falling in love with it.
Kakaiba kasi ang hatid niyang kaluwagan sa dibdib. Maybe it's because it is located at the beautiful place of Tagaytay, and nature made it possible to make this place a go-to cafe for people who want to unwind.
Ang cozy lang din kasi at puwede kang pumili ng gusto mong ambiance.
The first floor is the typical dim and quiet ambiance of a coffee shop dominated by coffee brown color palette. Samantalang sa second floor naman ay mas maaliwalas sa mata. it's white and pastel-themed made mostly for women my age. Maganda rin ang view mula sa second floor dahil katapat no'n ay ang kulay berdeng kapaligiran na nagbibigay ng kapayapaan sa isip ng mga tao.
Wala akong nabungarang kahit na sino nang makaakyat ako. At ipinagpapasalamat ko iyon dahil katahimikan ang gusto ko ngayon. I embraced the silence of the place while the loneliness embraced me simultaneously. Of course, I wouldn't be used to it even though it has been my company since then.
Pero mas komportable kasi ako na mag-isa lang at bilang lang ang kasama. Mas pakiramdam ko na ligtas ako sa gano'ng paraan ay pansamantalang nabubura ang takot sa puso ko. I could breathe freely and think of my life and the future I want to have.
But it rarely happens because I have responsibilities I need to attend to. I have goals I need to meet. And a future I must work on.
Ayaw ko nang mabuhay sa anino ng nakaraang hinulma ng ama ko para sa akin. Sawa na ako na palaging tumutingin sa likod dahil sa takot na baka may nakamasid sa akin. Kung puwede lang na sa ibang lugar ako tumira gagawin at gagawin ko talaga. Pero wala akong sapat na kakayahan sa ngayon. Kaya uunti-untiin ko na lang muna hanggang sa kaya ko na.
"Totoo nga ang sabi ng mga kaibigan mo, matagal bago ka mag-seen."
I immediately glanced at my back where that voice came from. Emory. I held back asking what he was doing here. Malamang, kaniya itong Harbor.
"Emory," wala sa sariling sambit ko. Umukit ang isang magandang ngiti sa mga labi niya. "Bakit?"
"Tatanungin sana kita kung kailan ang free sched mo para mai-date na natin ang shoot. Kaso, hindi ka sumasagot sa chat. I assumed na hindi ka online," paliwanag niya.
Masyado lang talaga akong distant sa social media kaya hindi ko magawang pagtuunan ng pansin ang mga gano'ng bagay.
Kinuha ko ang phone ko at binuksan ang data. Binuksan ko ang messenger ko at sunud-sunod na nagpasukan ang mga mensahe mula sa pinaghalo-halong tao.
"At least, hindi lang ako ang ignored sa 'yo," saad niya, marahil ay narinig ang ingay ng notification ng phone ko.
"Hindi ko kasi hilig mag-online," depensa ko sabay kamot ng noo.
Unless may announcement akong inaabangan, hindi talaga ako mag–o-online. I don't even communicate that much with my friends. Hindi kasi siya kasama sa sistema ko. Even the app's and other social media's notifications are off.
FB Lite lang ang madalas kong gamit dahil wala naman iyong notif na lumalabas unless nakabukas ang app. At ang account pa na naka-online ay second account ko na close friends ko lang ang in-accept ko.
"Pasensya," saad ko. "Hindi kasi ako nag-online ng buong linggo."
Binuksan ko ang chat niya at gano'n na lang ang windang ko nang makitang halos higit na sampo ang mensahe mula sa kaniya.
But what surprised me more was the small words written indicating that Emory had changed my nickname.
"Ano 'to?" naguguluhan kong tanong.
"Nickname mo," natatawa niyang sagot. "Dapat pala Miss Delivered since hindi mo sine-seen ang message ko."
Miss Seener, that's how he changed my nickname to.
At kahit ayaw ko ay agree rin ako roon since ugali ko na ang hindi mag-reply sa mga mensaheng na-seen ko na dahil lang sa katamaran.
"Palitan ko na rin ba ang nickname mo?" Nagpunta ako sa option ng conversation namin para palitan ang nickname niya.
"Anong ilalagay mo?" Naramdaman ko ang bahagyang paglapit niya na inignora ko na lang.
He now stands closer than one meter to me now... and it feels fine.
Skater-boy that's how I nicknamed him.
"I like it," he commented.
Pinigilan ko ang sarili ko na mapangiti sa komento iyang iyon. Kahit ako, satisfied sa nickname niya na iyon. "About sa gusto mong pag-usapan, p'wede nating pag-usapan ngayon," suhestiyon ko, inililiko ang usapan.
Huminto siya sa paglalakad sa sapat na distansyang nakasanayan ko na. Isinandal niya ang kaniyang likod sa bakal na railings at sa ganoong anggulo ay nagawa ko siyang pagmasdan ng buo.
Minsan, gusto kong itanggi sa sarili ko na attracted nga ako sa kaniya.
Pero totoo nga talaga.
Looking at him this close allowed me to see the beauty in his imperfections. Hindi siya guwapo. Pero kung ikukumpara sa mga aktor o modelo ay mas nanaisin kong makita siya.
He looks matured. He looks like someone who grew up through the challenges of life. Like a man who could share his wisdom.
Like a man... very close to my ideal one.
"Pass," tanggi niya sa akin. Ibinaling niya ang kaniyang ulo sa direksyon ko. "Nagpunta ka rito para mag-relax at kasama mo pa ang mga kaibigan mo. Ayaw kong nakawin ang oras na iyon mula sa iyo."
"Nandito na rin naman ako, and sooner or later pag-uusapan din natin ito," giit ko.
"I'd rather wait for that sooner or later than have a meeting with you now." He faced me with a grin playfully twitching on his lips. "That way I would have another chance to be in the same space with you again."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top