Chapter 7
Question
Pinamahayan ako ng ilang dahil sa ilang pares ng mga matang alam kong sumusunod sa bawat galaw ko. Kahit nga ang uminom ng tubig ay hindi ko magawa dahil nako-conscious ako sa mga tinging kanilang binabato.
I hate being watched, but I have no other choice but to swallow all my complaints and force myself to sit and wait for Denver to finish his training. We are already short of time kaya kailangan matapos na ang interview sa kaniya.
Luckily, I am able to secure a meet-up with him earlier. Salamat na rin sa persistence ni Syd na nanghingi ng number ni Denver sa ka-team niya. Hindi naman ako pinahirapan ni Denver dahil agad siyang pumayag. 'Yon nga lang, biglaan dahil same day lang. Pero magrereklamo pa ba kami? Eh, ito naman talaga ang pakay namin.
"Bibili lang akong inumin sa canteen. Feeling ko maiihi ako sa nerbyos kung papayag ba siya o hindi," kabadong sabi ni Sid.
Naiihi tapos bibili ng inumin? Kabadong-kabado lang? "Bilisan mo lang, patapos na yata sila," halos nakikiusap na saad ko para agad siyang bumalik.
"Oo, mabilis lang. Kausapin mo na agad kung sakaling hindi pa ako makabalik." Hindi na niya ako binigyan pa nang pagkakataon na makapagsalita nang bigla na lang siyang umalis.
Itinutok ko ang camera ko sa field kung saan abala sa pagpapalitan ng baseball ang mga manlalaro. Denver was standing at the pitching mound while the catcher was waiting for his ball.
Kinuha ko ang pagkakataon para kuhanan siya ng litrato. Dahil nasa gilid niya ako ay hindi ko nagawang makuhanan ang ekspresyon ng kaniyang mukha. It's just a shame, the shot would've been better.
Ang tanging nakuhanan ko lamang ng litrato ay ang full swing niya. He's a lefty, and has an average fastball speed of 107 mph. Kaya kaliwa't kanan ang scouting offers na natatanggap niya hindi lang pang-college level kundi maging sa profesional scene.
Natigilan ako nang mula sa camera ay nakita ko ang paglingon niya sa direksyon ko. I immediately lowered down my camera.
I know he's aware of my presence. Maya't maya kasi ang tingin niya sa puwesto ko kanina pa. Kaya hindi na ako nagulat pa nang pagkatapos na pagkatapos nila ay humahangos siyang lumapit sa akin.
"Five minutes, five minutes lang. Magbibihis lang ako sandali," paalam niya, humahangos pa.
Umani ng sari-saring ingay ang ginawa niyang paglapit sa akin. Rinig na rinig ko ang mahihing tili mula sa ilan pirasong estudyanteng babae na kasama kong nanonood dahil sa maliit na distansyang mayroon si Denver mula sa kanila.
"Take your time, hindi naman ako nagmamadali," sabi ko.
"Wait for me," he pleadingly said. Matapos kong tumango ay halos kumaripas na siya nang takbo papunta sa locker nila.
I sighed after being left alone. Mas lalo kong naramdaman ang tingin ng mga tao sa akin. Even his teammates who were walking in the same direction he took were stealing glances at me.
"Ate, baka p'wede mo pong ibigay 'to kay Denver." Nahihiyang tumayo sa harap ko ang isang student galing CCS, base sa kulay pulang lanyard niya na puno ng circuit board.
"Ha?" Mabilis akong napakurap habang nakatingin sa kaniya.
"Ito." Inilahad niya sa akin ang isang box.
Dahil sa transparent na cover no'n ay nakita ko agad ang laman. It's a bento cake box coated in white icing. May mini cake sa gitna na napapalibutan ng apat na cupcake na may kaparehong disenyo. There were also chocolate pearls scattered so as not to make it look bland.
"Nag-bake kasi ako kagabi. Ibibigay ko sana sa kaniya kaso nahihiya ako. P'wede bang pakiabot na lang sa kaniya?" nakikiusap niyang turan.
To say that I was taken aback wouldn't even compare to what I feel. All sort of emotion bolted on me in just a span of a split second.
Anong klase ng lalaki ba si Denver at ganito ang nakukuha niyang reaksyon at atensyon sa mga estudyante ng Crest?
"O-Okay," I stuttered, bewildered by what I had witnessed.
Nabuhay ang tuwa sa kaniyang mukha. "Thank you po! Sige po, mauna na ako!" magiliw niyang paalam.
Tumatakbong umalis siya sa harapan ko habang naiwan akong tutok ang mata roon. Maingat kong inilapag sa bakanteng espasyo sa tabi ko ang cake.
Nang muling mapag-isa ay naging maya't maya na ang pagtingin ko sa wrist watch ko habang binibilang ang mga dumadaang segundo.
Wala namang kaso sa akin ang kausapin si Denver. Ang pinoproblema ko lang ay ang maiwang mag-isa kasama siya. I could just clearly visualize how awkward it would be for us.
Ang kapal naman kasi ng mukha kong humingi ng pabor gayong hindi magagandang salita ang binitawan ko sa kaniya ilang buwan na ang nakararaan.
"I'm sorry to keep you waiting." Denver stopped a meter away from me.
Nakapatong ang dalawa niyang kamay sa magkabila niyang tuhod. He was obviously panting. Hindi ko na nga makilala kung pawis ba iyon o tubig ang tumutulo mula sa buhok niya.
"Hindi mo naman kailangang magmadali," saad ko habang pinagmamasdan ang estado niya.
"Ayaw kitang paghintayin ng matagal," hingal niyang tugon. "You've waited long enough. May trenta minuto ka nang nandito."
I wasn't shocked to hear it anymore because he's been looking in my direction since earlier.
"Ano ba ang sadiya mo?" tanong niya. He sat two seats away from where I was sitting.
Inilapag niya sa sahig ang sports bag niya. He's now in more comfortable clothing, white shirt and gray cotton shorts. Nakapatong sa hita niya ang pinaghubarang jersey na hindi niya pa naitatago.
"Ito, may nagpapabigay na CCS." Inabot ko sa kaniya ang bento box na iniwan ng babae kanina.
"Uh... thanks," he uttered awkwardly.
Nakita ko ang pag-aalangan sa kaniyang mukha nang abutin niya iyon. Para siyang nahihiya na hindi mo maintindihan dahil hindi niya ako magawang tingnan sa mga mata ng diretso.
"Hihingi sana ako ng pabor," saad ko upang ibahin ang usapan.
I gulped as I felt a sort of nervousness enveloping my nerves. The nerve of me to even ask for a favor!
"Anything. Anong pabor ba iyan?" tanong niya, walang bakas nang pagtutol.
"Help us write an article," I directed.
Kailangnan ko lang lunukin ang lahat ng alinlangan ko bago pa mabahag ang aking buntot. I might be over dramatic but it's just hard for me to act as if nothing happened when I knew that I did him wrong somehow.
At hindi na ako magtataka kung tatanggihan niya ako. In fact, naghahanda na nga ako kanina pa ng paliwanag kay Zion kung hindi man magiging imposible ang article na ito.
The last time we met wasn't actually as ideal as he would've probably imagined it to happen. I dumped him, in front of some students witnessing our scene.
Mas lalong nadagdagan ang kaba ko nang makita kong nagsalubong ng bahagya ang kilay ni Denver. "Come again?"
"Article, para sa upcoming intercollege. We need to stir more attention and interest for this season," I explained. "Isa pa, inaabangan ang season na 'to dahil, currently, tie ang score natin against DCC when it comes to championship count."
Narinig ko siyang bumuntonghininga. "Kung papayag ako, makakatulong ba 'yon sa iyo?"
Napalunok ako nang muli na namang makaramdam ng hiya. "Oo," pag-amin ko.
Panandalian siyang hindi umimik kaya mas dumoble pa ang aking kaba. Halos tibok ng puso ko na nga lang ang naririnig ko habang hinihintay ang magiging sagot niya.
Contrary to expectations, ayaw niyang nai-interview o kahit na anong mag-e-expose sa kaniya sa social media. Madalang kung pumayag siyang mapasama sa nga interviews, written articles puwede pa. Basta iyong hindi kailangan na ibalandra ang mukha niya.
He sighed once again. "Sige, let's do that interview."
Napatuwid ako ng upo dahil sa narinig. Hindi ko rin nagawang pigilan ang panlalaki ng mga mata ko sa hindi pagkapaniwala sa pagpayag niya. "Seryoso ka?" 'di pa rin makapaniwalang kumpirma ko.
"How can I say no to you, René?" Denver gave me a genuine sweet smile.
Umayos siya ng upo paharap sa akin. Denver rested his elbow on the backrest of his seat.
Hindi pa rin nawawala ang ngiti sa mga labi niya habang pinagmamasdan ako. My heartbeat began to accelerate as I waited for his words. Hindi pa man niya sinusundan ang mga salita niya pero naririnig ko na.
"Sana sa susunod ako naman ang pagbigyan mo," nakangisi niyang sabi ngunit ang timbre ay seryoso. "A single lunch out wouldn't harm you, René. Unless you're secretly crushing on me but just don't want to admit it."
Awtomatikong napaikot ang mga mata ko ngunit ang ngiti ay hindi pa rin nabubura sa mga labi ko. Masyado akong masaya para magsungit sa kaniya. "Ewan ko sa 'yo, Denver." Tinawanan niya ako. "Pero thank you talaga. Sinalba mo ako sa sermon ng dragon na si Zion."
"Kahit ano, René," saad niya. "Kailan ba? Saan?"
"Ngayon na sana kung puwede. Para hindi ka na rin namin maabala sa mas intense na training niyo," saad ko.
Tumingin siya sa pambisig niyang relo. Agad akong naalarma dahil baka may lakad na akong naiistorbo.
"Pero kung may prior commitment ka, okay lang naman na i-reschedule bukas or anytime na available ka, " agad na dugtong ko.
Muli niyang ibinalik ang tingin niya sa akin. "Hindi naman. Hindi 'to date, ha? Baka kung ano isipin mo. Bibisita parents ko ngayon, pero okay lang. Magpapaalam na lang ako sa kanila," paliwanag niya.
I immediately recalled the article I read about him and his background written when he was a freshie on our university paper. From Davao siya originally at talagang sumadiya lang dito matapos ma-scout ng Crest. Kaya agad kong naintindihan kung mas gusto niyang umuwi na ngayon.
"Okay lang. Maiintindihan nila," nakangiting pagpapanatag niya sa akin.
"Sure ka?" paniniguro ko.
Denver reached for my shoulder and gave it a light tap. "Sure ako. Huwag kang mag-isip masyado. Hihindi ako kung hindi ako sigurado. Calm your mind now, okay?"
Nakaramdam ako ng kapayapaan at nakahinga ng maluwag. Hindi ko na rin napigilan ang sarili ko na mapangiti habang sinasalubong ang kaniyang tingin.
"Thank you, Denver," sinserong pasasalamat ko.
He reciprocated my smile. "Anything, René. I'm glad to help you on this one."
"I owe you, Denver. Sabihan mo lang ako kung may kailangan kang puwede kong itulong, I'll help you in anyway," sinserong wika ko.
Nakakatawa lang na iyong bagay na ibinibintang ko sa kaniya ay ako na mismo ang nag-o-offer sa kaniya. I just feel grateful. Wala naman siyang makukuhang benefit dito bukod sa exposure ng team nila.
"Bakit ayaw mong ini-interview, Denver?" tanong ko pagkaraan. I have to wait for Syd dahil siya naman ang magtatanong talaga.
Nagkibit-balikat si Denver sa akin. "Wala lang. Siguro, hindi ko lang makita iyong need para sa gano'n. Totoong gusto kong makilala, pero hindi sa kahit na anong dahilan na walang kinalaman sa paglalaro ko. I want to be known because I earned it through hard work and through my skill that I nurtured for years."
I nodded, understanding his reason. "Sabagay, may itsura ka naman kasi kaya hindi malabong mas una iyong mapansin."
Nanlaki ang mga mata ko nang ma-realize ang mga salitang lumabas sa bibig ko. Pasimple ko siyang sinulyapan para tingnan kung ano ang kaniyang reaksyon ngunit agad ding napatingin ng diretso nang makitang nakatingin din siya sa direksyon ko.
Patay-malisyang nagtingin-tingin ako ng kung anong madadapuan ng mata ko sa field para lang iwasan ang salubungin ang tingin ni Denver.
Nakakahiya ka, René!
"So... you find me good looking, huh?" he asked, amused.
Pinanatili kong diretso ang aking tingin kahit na nakikita ko sa peripheral vision ko ang pagbaling niya sa akin.
I know how I just indirectly complimented him right now. Paano ko pa babawiin ang bagay na nasabi ko na?
I cleared my throat. "Hindi naman na bago 'yon, Denver."
"Well, bago 'yon kung galing sa 'yo," sagot niya sa itinuran ko.
"Whatever, Denver." I stood up, but I could still hear his chuckle from my back.
"Sungit," natatawa niyang bulong.
Hindi ko tuloy mapigilan ang mapangiti na rin. Talking to Denver isn't as bad as I thought it would be. Masyado lang siguro ako nabulag sa ideyang maraming nali-link na babae sa kaniya kaya iwas na iwas ako sa kaniya.
We both fell into a bubble of silence. Hindi na ako nagsalita pa at gano'n din siya. Pansamantalang ikinuntento ko ang sarili ko sa pagtingin sa buong field.
I was graced by a peaceful greenland. It was far different from the one I just witnessed earlier. No players standing on the mound practicing his pitching. No players standing on each base waiting for the right moment to run to their home base. No crowd cheering for them even though this was just a practice game.
All that was left was silence... and the both of us.
"Wala sa plano kong umalis ng Davao," kuwento ni Denver.
Napatingin ako sa kaniya ngunit agad ding ibinalik ang paningin sa field. Hindi ako sumagot, matiyaga lang akong naghintay sa katuloy ng kuwento niya.
"I just love playing baseball that much. I enjoy it. Pero alam mo kung ano ang mas gusto ko?" Naramdaman ko ang pagbaling niya sa akin ngunit nanatiling diretso ang aking tingin. "This peace. This silence as if the field wasn't packed with cheers during game time. I like this better."
Ilang beses na rin akong nakapanood ng baseball game. In fact, I enjoy watching one. Kahit nga mga KDrama na related sa baseball pinapanood ko. Prison Playbook being my favorite one.
Kaya ko rin nakilala si Denver dahil minsan akong nanood ng laro nila during my freshman year. He was in his best element that day that he looked magnificently radiant and happy.
Iba iyong glow niya that day. It was championship anyway.
"So, it's silence over cheers and adrenaline?" I asked.
"Hmm, exactly," he agreed.
"Parang ang labo naman." Tumingin ako sa kaniya this time.
Nilabanan ko ang kagustuhan na mag-iwas nang tingin sa kaniya. Sinalubong ko ang mga mata ni Denver, isang bagay na halos hindi ko na gawin dahil sa pag-iwas ko sa kaniya.
"Para sa isang varsity player na katulad mo, team captain at ace, ang hirap paniwalaan ng mga sinabi mo."
"Bakit? Dapat ba party rin ang gustuhin ko? O ang mapalibutan ng mga tao?" tanong niya.
"Oo, iyon ang pagkakakilala ko sa 'yo," mabilis kong sagot sa kaniya.
"You knew me wrong, then," he regretfully said. "Kaya siguro ayaw mo sa akin."
Natameme ako. Hindi ko na rin nagawa pang pigilan ang sarili ko na mag-iwas nang tingin sa knaiya.
Tama naman siya. Isa sa mga rasong mayroon ako kung bakit ayaw kong ma-involve kay Denver ay ang ingay ng mundong mayroon siya. Lalo na tuwing nananalo ang team nila.
Championship doesn't end with them bagging medals and trophies. Kabilaang after-party, kaliwa't kanang celebratory parties ang kasunod. Ayaw kong mas umingay pa ang mundong mayroon ako kaya as much as possible ay ayaw kong makihalibilo sa kaniya.
"I'm sorry, Denver," mahina kong bulong.
Alam kong sa kabila ng walang kontekstong mga salita na iyon ay naiintindihan niya ako. Hindi ko alam kung saan nanggaling iyon. Wala akong ideya kung saan ako humugot ng tapang para mag-sorry. Hindi ko nga alam kung bakit ako humihingi ng tawad in the first place.
I just felt like doing so. For a few instances I shared with him, I wasn't exactly kind.
"Ano ka ba, wala kang dapat ihingi ng sorry. Naiintindihan ko naman. I've created an image that wasn't exactly fit to be an ideal man, especially for you," he said. "Kaso iyon lang iyong nakikita kong way para mapansin mo."
Nagsalubong ang dalawang kilay ko ng hindi siya maintindihan. "Ano?"
Umiling-iling siya sa akin, tumatangi akong sagutin. "Sa akin na lang iyon. I don't want to give you any reason because I know it will only be an excuse."
"Bakit sinubukan mo ulit ngayon?" hindi napipigilang tanong ko.
I focused my eyes on the field and let its calmness bring me peace. Wala naman akong dapat ikakaba pero hindi ko rin maitanggi na gusto kong marinig ang sagot niya.
Itanggi ko man sa sarili ko pero curious din ako kung bakit. And this is the only time that I had to ask him directly.
"Well, once upon a time, I was sitting here after a game. It was a peaceful after-training afternoon, no one was around, I had time to think things through," he narrated. "Then it hit me, last playing year ko na."
Nagkaroon ako ng ideya sa gusto niyang iparating ngunit mas pinili kong hindi na lang muna magsalita.
Maya't maya akong sumusulyap kay Denver habang siya ay prenteng nakadekwatrong upo lang habang nakaharap sa field. He has this longing look on his face as if reminiscing the continuation of his tale.
"Alam mo kung anong ibig sabihin no'n?" Umiling ako sa kaniya. Mahina siyang natawa sa akin. "It means one last time. One last chance to bet my luck."
"Bakit sa akin? Bakit ako?"
Denver shrugged his shoulders. "I should've captured that moment in a photograph for you to understand. That moment. And repeatedly show it to you. Maybe then, you'll understand."
"Day? Moment? Hindi kita naiintindihan." naguguluhan kong tanong.
Naaninag ko ang ginawa niyang pagharap sa akin. Nakatukod pa ang siko niya sa sandalan ng bleacher para may sandalan ang ulo niya bilang suporta. Sa ganoong posisyon siya nakuntento.
I was tempted to copy his posture to stare back at him, but I restrained myself from doing so. Alam ko sa sarili ko, at nararamdaman ko, na maiilang lang ako at baka mas gustuhin na lang na umalis at iwan siya rito.
"That day when you were watching our game from the front seat," he answered.
Nangunot ang noo ko. Sinubukan kong halughugin ang sinasabi niyang araw na iyon. Ngunit sa tagal no'n hindi naging madali sa akin.
"Kailan iyon?" paghingi ko ng linaw.
"November 12, Saturday, 3:16 PM, in this same field, it was our last chance to turn the game around. The team was on offense against DCC. It was the last inning," he recalled.
"Nasaan ka noon?" tanong ko.
"3rd base. A perfect spot to see where you were."
Awtomatikong napatingin ako sa sinasabi niyang lugar. Mula roon ay sinundan ko ng tingin ang bench area na tinutukoy niya. Ngunit wala pa rin akong maalala.
"Hindi ko matandaan," pag-amin ko. "Sa business center tayo unang nagkita para magpa-ID," paalala ko.
May multong ngising kumurba sa mga labi niya. "Iyon ang unang beses na nakita mo ako. Pero nakita na kita bago iyon. Siguro wala lang sa iyo. Baka nga randomly ka lang napunta rito dahil may grade ang attendance para sa P.E class. Pero iyong araw na iyon... nakilala ko iyong babaeng gusto ko."
Pigilan ko man ang sarili ko, nabigo ako. Sa huli, napatingin pa rin ako kay Denver at walang hirap na nasalubong ang kaniyang mga mata.
Diretso siyang nakatingin sa akin. For a fair few seconds we were both completely silent. Only the soft brushes of the wind on my ears were everything I could hear.
Kapayapan ang dala no'n sa akin. Taliwas sa mga pagkakataong nakasama ko siya kung saan puro magugulo at maiingay na sagutan ang namamagitan sa amin, kapayapaan ang nasa pagitan namin ngayon.
Hindi ko nagawang bilangin ang mga segundong dumaan na magkatitigan lang kami. I didn't try to push myself to initiate another flow of conversation. Hinayaan ko lang ang sarili ko na basahin siya sa likod ng titig niya.
But nature's too busy making him like a man straight from a KDrama. Tinatangay ng hangin ang buhok niya sa magaan na paraan. It looks like a cosmos swaying through the wind. Idagdag pa na patuyo pa lang ang buhok niya kaya mas suwabe iyon tingnan at tinatakpan pa ng mga hibla ang kaniyang mga mata.
Malalim siyang bumuntonghininga. "Anong mahika kaya ang puwede kong gawin para magkagusto ka sa akin?" pabulong niyang tanong.
Isang tanong na wala akong sagot.
Isang tanong na wala talagang sagot.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top