Chapter 4
Dear you,
Happy holidays!
⋆。゚☁︎。⋆。 ゚☾ ゚。⋆
Beauty in Photographs
Nangunot ang noo ko nang hindi mapamilyaran sa biglaang pagbilis ng bawat tahip ng aking puso. Hindi 'yon katulad sa pagwawala no'n tuwing kinakabahan o natatakot ako. Kakaiba ang dating no'n sa akin at sobrang bago na ngayon ko lang naramdaman sa buong buhay ko.
It feels vague like a blurry photograph. The message of it remains unclear. That no matter how much I try to understand everything, the kind of feeling he gives me is like looking for a thin needle in the deepest part of the ocean.
"We see each other often, Hazel," Emory greeted with a smile.
Para na namang tanga na humarurot sa bilis ang tibok ng puso ko dahil sa simpleng ngiti na iyon. Wala akong naisatinig na sagot dahil hanggang ngayon ay ipinoproseso ko pa rin sa isip ko kung bakit naging gano'n ang aking reaksyon.
And hearing my name from his mouth made me feel like I am named after the most important queen to be born in this lifetime. I never liked that name as it brings so much of the darkest memory I have from my past. But hearing it outside the comfort of my friends after a long while of being just Renesmé made me feel nostalgic...unlike how unsettling it used to be for me.
"Kilala mo ang kaibigan ko?" tanong ni Caio sa lalaking hindi ko na magawang kalimutan pa ang pangalan.
"Nagkrus na ang landas namin ng ilang beses," sagot ni Emory.
Mayroong ngiti sa mga labi niya kaya mas lalong hindi ako makaiwas nang tingin. I am drawn to his smile. Moreso of how his eyes glistened with an unnamed emotion while looking at me.
And that sight alone is enough to take my heart into the high waves of a used-to be-calm ocean.
"Paano?" Maang-maangang binalingan ako ni Cai habang may kakaibang ngisi sa kaniyang mga labi.
Mapagpanggap!
I glared at him for pretending to know nothing. Basang-basa ko na siya. Obvious na obvious naman na inaasar niya ako.
I could read through his expressions, and I certainly know what his sly smile means. At alam kong alam niya kung paano. Sadiyang mas gusto lang niyang mang-asar lalo na't para sa kaniya'y ito pa lang ang unang pagkakataon na na-involve ako sa isang lalaki.
This sure feels like new news... even to myself.
"Noong inabot tayo ng gabi at hinintay kita last week," pagsakay ko sa kabaliwan niya.
Nakita niya si Emory nang gabi na iyon, sure ako.
"Sabi ko na nga ba." Mahinang tumawa si Caio. Binalingan niya ulit si Emory na nakatingin pa rin sa akin hanggang ngayon. "Akala ko namamalik-mata lang ako. Nakita kitang papalayo noong gabing iyon kaso likod na lang ang nahagip ng mga mata ko kaya akala ko hindi ikaw, naka-skateboard kasi at kulot pa kaya nagkaideya akong baka ikaw."
Now it makes sense why he's acting all that innocent. May gusto lang siyang marinig na sagot at gusto niyang sa akin mismo manggaling iyon.
"At ikaw pala ang kaibigan niya na nang-iwan sa kaniya." Nakita ko ang pabirong pagsuntok ni Emory sa sikmura ng kaibigan ko. Tanging tawa lang ang naging tugon ni Caio. "Huwag mo na uulitin, Sage," banta niya. "Lalo na't gabi at wala na masyadong tao tulad noong araw na 'yon. Paano kung masama pala akong tao at napahamak siya?"
Wow... does he really care?
Bakit naman? Eh, hindi naman niya ako kilala. Daig niya pa iyong ama kong walang pakialam sa sarili kong nararamdaman.
"Siya ang sinasabi kong magaling na photographer na kilala ko," si Caio.
Magiging kliyente ko siya.
Itinuwid ko ang takbo ng isip ko bago siya hinarap muli ng maayos. "Para saan?" tanong ko. Mariin akong lumunok upang alisin ang bara sa lalamunan ko. Nakakahiya kung sa pangatlong pag-uusap namin ay pipiyok na ang boses ko dahil sa kawalan ng focus.
"It's for two things. Isa para sa SkateBros, my business. At isa para sa isang brand. May nag-reach out sa amin, gustong i-feature ang team. We took the opportunity to promote our passion for skating." He smiled. Nagbaba siya nang tingin sa bagay na hawak niya dahilan para mas lumawak pa ang ngiti sa kaniyang nga labi na para bang 'yon ang pinakaimportanteng bagay sa buhay niya. "Not a lot of people are interested in this sport. And we are hoping that it would have a place in the world."
Nanumbalik sa aking memorya ang unang araw na nakita ko siya. Ang kinang sa kaniyang mga mata habang sakay ng skateboard niya ay malinaw kong naalala.
I couldn't help but ask myself how big his love for his passion is. Para kasing hindi siya nauubusan ng pagmamahal doon. Puno ng pagmamalaki ang bawat salita niya habang ikinukuwento ang gusto niya para sa larangang kaniyang minahal.
"Saan ko ise-send ang mga sample pictures ko?" mahina kong tanong.
"Para saan?" Mory asked with a knotted forehead.
"Para makita mo kung pasado ba sa standards mo ang mga kuha ko," paliwanag ko.
"No need," tanggi niya. "I trust Sage. But... Can you try some shots today?"
Kibit-balikat lang ang isinagot ko. Sumaludo siya sa akin bago muling sinimulang maneobrahin paalis ang skateboard niya.
Lumuwag ang dibdib ko sa paglayo ni Emory sa amin. Bumalik na rin sa normal ang bilis ng tibok ng puso ko at muli akong nakahinga ng payapa.
Agad kong binalingan si Caio at tinampal sa braso. "Bakit hindi mo sinabing kilala mo pala siya?!" pabulong kong sigaw dala ng gulat.
"Nagtanong ka ba?" pabiro niyang sagot sa akin.
"Cai!" I frustratingly shouted with a whispering voice. Takot ko na lang na marinig ako ni Emory o ng kahit na sino. "Siraulo ka," pairap kong sabi.
But behind the bravery and attitude I showed him was me, masking all the confusion that the rapid beating of my heart was giving.
Maiintindihan ko pa sana kung isang beses pa lang na nangyari, pero dahil hindi ito ang unang beses at alam kong patuloy pa itong masusundan.
Because the first time I felt this already meant something.
And sooner or later it would mean more than just a mere rapid heartbeat.
"You're accepting the job, right?" pagsisiguro ni Caio.
Cai and I sat down on the cemented stairs that would lead us to the main building of Sentro. Naupo kami roon habang naghahanda para sa sample shots ko.
"Oo, pera 'yan, eh," simpleng tugon ko, natatawa sa sariling sinabi. "Dahil ang taong gipit, sa raket kumakapit."
Gano'n naman kasi talaga kapag walang-wala ka, gagawin mo ang lahat para magkapera. May pinag-iipunan kasi ako na gusto kong bilhin bago matapos ang susunod na taon. Isang dahilan pa ay ang nalalapit na pag-uwi ni Mama.
Gusto ko na kapag uuwi siya, maipakikita ko sa kaniya na nasa maayos akong lagay. Sa ganoong paraan baka makumbinsi ko siya na manatili na lang dito sa Pilipinas. Magagawa ko naman sigurong buhayin kaming dalawa sa pagraket ko. At siguro naman na may stable job na ako pagka-graduate ko.
"In the next two years, masisimulan ko na ang studio na ipinatatayo ko," muling pagsasalita ni Caio. "Sigurado ang pwesto mo ro'n," pangako niya.
Itinutok ko sa kaniya ang camera at dahil sa lapit namin ay kinailangan ko pang iatras ang aking katawan para makakuha ng magandang anggulo. Hinayaan kong bahagyang lumapat ang likod ko sa semento at nilitratuhan si Caio bago pa man siya makaangal. I was able to capture an over the shoulder shot with the falling dried leaves on his background. He wasn't smiling in the picture, but he looks undoubtedly good.
Kuhang-kuha ang bagsak niyang kulay itim na buhok na tinatabunan ang may kasingkitan niyang mga mata. Manipis ng mga labi niya, matangos na ilong at may kaputian niyang balat.
He's the total opposite of the guy I just met moments ago.
They differ in more ways than one.
Pero, in the first place, bakit ko ba kasi kinukumpara pa?!
"It's okay if we both end up taking different paths in the future, Caio," I said with a genuine smile on my lips. Hindi naman niya kasi ako obligasyon.
Umayos ako nang upo habang pinapalitan ng SD card ang camera niya ng sa akin. Mabuti na ang maingat dahil baka mamaya kung anong klaseng picture na naman ang makuha ko mamaya kay Emory.
Ayaw ko namang punuin ng memory ng kay Caio. Isa pa, baka pag-isipan na talaga niya ako ng kung ano.
"You've already done so much for me. Sa mga raket mo pa lang na pati ako dinadamay mo, sobra na," nagpapasalamat na usal ko.
"Hindi ko rin naman kasi 'yon kakayanin ng mag-isa. I'm on the videography side while you take otherwise. Kaya perfect match tayo," saad niya sabay tawa ng mahina.
Napailing na lang ako. I know he's just trying to make it sound less offensive for me. Ang totoo naman kasi ay desperada ako sa pera kaya palagi niya akong sinasama. Kailangan ko ng higit pa sa sapat para magawa kong masiguro na may bukas para sa akin na ligtas sa gutom.
Isang ngiti pa ang ibinigay ko sa kaniya bago muling tumayo upang tunguhin ang pader na naghahati sa amin at sa mga kasamahan ng kaibigan niya. Itinapat ko sa grupo ang camera ngunit ng hindi makuntento ay napangiwi na lang ako.
"Samahan mo ako," anyaya ko sa kaniya.
"Of course," mabilis niyang sagot.
Sabay na naglakad kami patungo sa mismong lugar nila. Pinili kong dumaan sa kabilang side kung saan malayo sa kanila. Ng sa tingin ko ay sapat na ang pagitan namin, na kung susumahin ay halos dalawa't kalahating metro ang layo ay saka lang ako huminto.
Parking space ang ilalim ng Sentro kung saan sila nag-eensayo ngayon. Sa malayo ay may namataan pa akong rampa na gawa sa metal na walang duda na gamit nila.
"Mabuti at pinayagan sila rito, 'no?" wika ko kay Cai.
Itinutok ko ang camera sa lugar nila kung saan kuhang-kuha ang bawat isa sa mga tao roon. Some are just resting on their skates, while the others are covered by their sweat while practicing their tricks.
"Hindi naging madali noong una," kontra niya sa pahayag ko. "Palagi silang pinapaalis dito kasi nga maraming nagpaparada ng sasakyan. Pabalik-balik sila sa kapitolyo sa loob ng tatlong buwan hanggang sa pinayagan na rin sila. Sakto naman na binuksan na ang extension ng parking sa kabila."
"Wala bang lugar na puwede nilang pagpraktisan bukod dito?" tanong ko, walang ni katiting na ideya sa larangan ng kliyente ko.
"Mayroon naman. 'Yong parking space sa Summit, puwede sila roon dahil wala namang masyadong sasakyan tuwing alas singko. Nakakuha naman sila ng permiso kay President Miranda kaya okay lang," paliwanag niya na tinutukoy ang university president. "But as far as I remember, nagbabalak na siyang magpatayo ng skateyard para mas madali na para sa kanila."
Napuno ng paghanga ang puso ko sa mga kuwento ni Caio. Masyado kong minaliit ang larangan nila. Akala ko basta-basta lang ang pinaggagawa nila, tipong na-trip-an lang. Kaso iba pala ang pusong mayroon sila sa kanilang ginagawa.
Nanumbalik sa kanila ang atensyon ko nang sabay-sabay silang sumigaw sa timbre na nalalapatan ng paghihinayang. At nang lingunin ko sila ay ang nakaupo sa sahig na Emory ang nabungaran ko.
His smile is still visible on his lips but the disappointment was now present in his eyes. Both of his elbows are resting on his knees, he was breathing extra hard maybe due to the activity he just did.
My friend knew me as someone who likes to take pictures spontaneously. I just like capturing moments while the subject is at it. But I don't know why today feels different. This moment feels so magical.
It felt new to the point that my fingers almost turned numbed that it became hard to click the shutter of my camera.
Gusto ko lang siyang titigan at kabisahin ang itsura niya gamit ang aking mga mata.
When Emory picked himself up to stand up, I automatically raised up my camera to capture a shot. My hand started to get busy clicking the shutter with every move Emory was creating. He started playing with his skateboard again, going around as if building up the momentum.
"He's been practicing that trick for a month now," Caio informed.
My mouth remained close while watching Emory through the lens. Patuloy lang ako sa pagkuha ng litrato sa kaniya habang paunti-unting sinisimulan ang paglalakad para makalapit ng bahagya.
Nang matapat ako sa poste ng ilaw ay sumandal ako roon habang patuloy pa rin sa pagkuha ng litrato. Nang hindi makuntento ay ibinaba ko ang aparato na aabot na sa tuhod ko para sa mababang anggulo siya picture-an.
Matapos ang ilang kuha ay muli ko 'yong itinutok sa mga mata ko, hindi lang para kuhanan siya kundi para panoorin siya sa pagkakataon na 'to. As if hypnotized, I started taking shots of him. I was no longer in control of my actions as I watch Emory practice his trick.
"Go, Mory!" his friend cheered.
And suddenly, I felt like doing the same.
From a two-meter distance from the ramp, he slowly started inching forward. Mabagal ang pag-usad niya noong una, ngunit nang isang metro na lang ang layo niya sa tila isang putol na hagdang rampa ay binilisan niya pa.
Lumikha ng ingay ang agresibong paggulong ng gulong ng skateboard niya sa sahig. Na mas lalo pang umingay ng magsimulang umakyat ang skate niya sa metal na rampa.
I held my breath fearfully when he jumped with his board and let it land on the metal ramp. It created a clashing sound followed by a thunder-like noise when he moved even further. Akala ko'y hanggang doon na lamang 'yon at tatalunin na lang niya pababa ang rampa sakay ng skateboard. I held my breath once again, when from a one-meter height he jumped again and flipped his board allowing it to land on the thin metal pipe handle of the ramp.
Takot ang namayani sa dibdib ko nang bumagal ang lahat sa paningin ko. Pinanood ko kung paano siya lumipad sa ere. Walang duda na delikado ang ginagawa niya pero mas malaki ang takot sa dibdib ko para sa kaniya.
Napuno ako ng panghihinayang nang hindi siya maka-landing ng tama. Nagkamali siya nang apak sa skateboard kaya halos mapasubsob siya sa sahig.
"Sayang!" sigaw ng isa.
"Nice, Mory! Kaunti na lang," anang isa pang lalaking umalalay sa kaniya patayo.
Suot pa rin ang ngiti sa mga labi na pinagpagan niya ang sarili. Akala ko magiging sanhi ang nangyari para huminto siya pansamantala. Pero mas humanga ako nang muli siyang sumakay roon. Nakita ko siyang nagsalita sa mga kasama niya ngunit mahina na iyon para sa pandinig ko.
"Did you take sufficient photos, Renesmé?" Caio asked when he stood beside me.
"Sa tingin ko naman," sagot ko sa kaniya.
I momentarily took the camera away from my eyes only to put it back once again to its place the following second when I caught Emory nearing us.
Kanina ko pa gustong kumuha ng close-up shot kaso takot akong lapitan siya dahil masyadong maraming tao at karamihan ay lalaki pa.
Sunud-sunod lang ang pagpindot ko habang kinukuhanan siya ng litrato. Kaya hindi ko namalayan na palapit na pala siya ng husto. At maging ako ay nagulat nang sa sumunod na sandali ay hindi na ang mga paa niya at skateboard ang nakikita ko kundi ang nakangiti na niyang mukha.
And damn... he looks undeniably charismatic in the picture.
"P'wede na akong maging si kupido," rinig kong bulong ni Cai sa tabi ko.
Mabilis akong bumalik sa reyalidad at tinaliman siya nang tingin. "Stop whatever you are scheming, Caio."
"Scary, Renesmé, scary." He laughed sarcastically at my warning.
"Can I take a look at your photos?" Emory asked, his voice gradually getting closer.
"Sure," I answered while immediately stepping back to avoid him. "Sandali lang."
Mabilis kong inilipat ang picture na naka-flash sa camera ko. Narinig ko pa ang mahinang pagtawa ni Cai na malamang ay alam ang itinatago ko.
"Manahimik ka, Caio," naiinis na sabi ko.
"Wala naman akong ginagawa." Muli siyang tumawa.
"Iyong tawa mo maraming sinasabi," akusa ko.
"Guilty ka lang talaga," ganti niya.
Narinig ko ang ginawa niyang paghakbang palayo na agad kong hinabol nang tingin upang pigilan. Walang hirap na nagkasalubong kami ng mga mata at awtomatikong naintindihan niya ang gusto ko kaya huminto siya sa paghakbang.
Nakahinga ako ng maluwag dahil doon. Pinagtuunan kong muli ng pansin ang camera hanggang sa nahanap ko na ang pinakaunang kuha ko.
"Here." I extended my hand for him to see the pictures I took.
Puwede ko namang ibigay na lang 'yon sa kaniya pero dahil takot akong mabulgar ang pagkuha ko ng litrato niya na higit pa sa kailangan ay hinawakan ko na lamang 'yon.
Nalunod kaming dalawa sa pagtingin sa litrato na hindi ko na namalayang nagkalapit na pala kami. I started to secretly take deep breaths once again. But I couldn't figure out why it feel different. Not with the fear that I have always been feeling. But because of the same reason I felt earlier watching him do his trick.
It's different.
He's different.
Just like the first night that I saw him.
"How was it?" kabado kong tanong.
Sa tagal ko na ring kumukuha ng litrato ng ibang tao, marami na ring nakakita ng mga kuha ko. But I have never been this nervous.
Pasimple ko siyang tingingnan, tinatantiya ang kaniyang reaksyon.
Ang ngiti niyang kanina ay nakapaskil na sa mga labi niya ay mas lumawak pa. "I love it. Ang ganda," he praised.
This time, I looked at him completely.
Gusto kong itanggi ang nararamdaman ko ngayon, lalo na ang unti-unting pagbagal ng mga bagay sa paligid ko. Imbes kasi na sa mga litratong kuha ko ay sa akin na nakatingin si Emory ngayon.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top