Chapter 3
More than Just Coincidence
Emory Cruzado (Mory)
6.3k followers • 0 followings
Isaiah 43:2
Founder at SkateBros
Barista at Harbor Café
From Tarlac City
dhanemorycruzado
28 posts 7,489 followers 145 following
Dhan Emory Cruzado
Personal Blog
Isaiah 43:2
In pursuit of happiness
Productivity • Growth • Self-Development
Founder @skatebrosph | Barista @harborcafe | Gallery @ondecgallery
ondecgallery
13 posts 1,004 followers 1 following
Dhan
saving memories
I've never slept this late. The same way that I never knew I had this long patience. Buong buhay ko kasing pinaniniwalaan na sobrang iksi lang ng pasensya at attention span ko.
But here I am, spending long hours of my time stalking that man. Hello? It's almost midnight! Ang nakakamangha pa, dapat abala ako ngayon na tinatapos ang reviewer ko para sa major ko dahil may finals na namain sa susunod na linggo.
Pero ang gagang si ako, mas memoryado pa ang bio ni Emory kaysa sa dapat na inaaral ko. Kahit ang laptop ko na dapat puno nang nakabukas na word file ay puro tab kung saan naka-flash ang social media profiles ni Emory ang laman. Karma na lang talaga kapag hindi ko napasa ang finals ko. Last chance pa naman na din kaya no room na para bumawi pa sa susunod.
But I can't stop myself from doing so either. Lalo na sa photography account niya. Like, what the fudge? May interest din siya sa photography?! Not just that. Sa main account niya pa ay puno ng motivational quotes. Bukod pa down, ang aesthetic tingnan ng feed niya with a dark brown palette. Not limited to that, again, ang sarap panoorin ng reels niya. The transition is chef's kiss!
Sa hindi mabilang na mga minuto, o oras na ba, ay ang dami ko nang nalaman tungkol sa kaniya. He likes running. Nakatakbo na rin siya for 10 km marathon. He's associated with, I believe, a known shoe brand na madalas niyang pino-promote sa mga post niya na sakay ng skateboard. Hindi lang iyon, mahilig din siya mag-work out and I assume na mahilig siya sa baggy corduroy pants dahil kadalasan ay 'yon ang suot niya. And his favorite color, based on his post, is brown.
Majority ng followers niya ay babae. Mga active pa kaya sagana siya sa reacts at comments. He's sort of like an influencer. Kahit sa highlights niya wa IG, may mga linked products din at marami rin siyang natatanggap na PR packages.
You only need 2 things-
Clarity on where you want to go and unwavering commitment to getting there.
I stopped scrolling. I slid to the next photo on that post he quoted, read solemnly, and took the words on his post to my heart. His words were full of encouragement. So contrasting to my thoughts that are full of negativity. Gano'n siguro talaga kapag naging pastime mo na ang mag-overthink ng mga bagay-bagay.
Nahinto ang daliri ko sa pagpindot nang umingay ang phone ko para sa isang notification. At walang pakundangan na kumabog ang puso ko nang makita kung tungkol saan 'yon. Pero bago ko pa man makalma ang sarili ko ay muli na iyong umingay para sa panibagong notification na naman. But instead of helping my heart calm down, it even made my heart turn into a summersault.
[Emory Cruzado sent you a friend request]
[dhanemorycruzado started following you]
Shutangina!
Sa kabila nang panginginig ng kamay ko ay nagawa ko pa ring i-screenshot ang notif na 'yon. S-in-end ko 'yon sa gc naming magkakaibigan. And without letting a minute pass, my notification sound didn't stop because of Burn rifling me with her kilig.
Powerpuff Girls 🧠
11:37 PM
Hayup
Buttercup | Burn 💚
OH, PAK! ANG GANDA MO DYAN!
GAGOOOOOOO
HAHAHAHAHAHAHA
HABA NG HAIR MO FRIEND
INFLUENCER ANG ADMIRER!
KABOGGGGGG
Sino ka dyan? Endorser ng Vans!
Blossom | Carmen ❤️
Stalk mo na
Use ur detective skills @Buttercup
ACCEPT MO NA BE!
BAKA MABULOK LANG YAN SA NOTIF MO NA NAMAN HAHAHAHA
Buttercup | Burn 💚
Naks, sikat ang skater-boy ni ante
Lagot ka, dami mong kalaban HAHAHSHS
DAMING FOLLOWERS NA BABAE!
Bakit nakacapalock ang mga ferson
Ang OA?
Blossom | Carmen ❤️
Like, it's not OA
Tawag dyan
Genuine reaction ng friend sa NBSB niyang friend na for the first time nagpapalandi HAHAHAHAHA
Buttercup| Burn 💚
GAGO TALAGAAAAAA HAHAHAHA
SHET HAHAHA
Ano na naman?
Buttercup| Burn 💚
HUBADERO PALA ITUUU HAHAHA AMPOTCHI
SHEEEEEET!!!!
🥵🥵🥵🥵🥵
SAAN NAKAHAWAK ANG KAMAY?! SHEMAYYYYY!
Blossom | Carmen ❤️
Calm your nerves, be @Buttercup
Pero hindi para sayo yarn
Ipaubaya kay inay @Bubbles
Buttercup| Burn 💚
Apaka OA HAHAHAHAHA
Tigilan niyo ako
Wala akong balak magboyfriend
Buttercup | Burn 💚
Weh? Eh bakit mo sinend dito yan? HAHAHAHA
Blossom | Carmen ❤️
DENIAL QUEEN! HAHAHAHA
Natigil ako sa pakikipagsagutan sa kanila sa chat nang may mag-pop up na bagong notif sa akin. And I can't help but to feel the wild being of my heart again. Para akong nakipagkarera sa isang aso dahil sa bilis nang tibok ng puso ko. Bagaman hindi ko magawng mapangalanan ng buo ang nais ipahiwatig no'n, malinaw sa akin na kakaiba 'yon.
[Emory Cruzado wants to send you a message]
I'm used to having sudden loud heartbeats out of nowhere. Pero pagdating sa kaniya ay kakaiba talaga at alam kong hindi dahil sa kaba. Although unfamiliar with its rhythm, I am confident enough not to feel fear. Kung saan ko hinugot ang kumpiyansang 'yon ay hindi ko alam.
Emory Cruzado
11:48 PM
The moon looks quite mesmerizing tonight. But never as beautiful as that night.
Hello, Hazel.
It's nice to finally know your name. :)
Kinuha ko ang unan ko at tinakip sa mukha ko. I screamed on top of my lungs as words jumbled in my mind. Parang hinahalukay ang tiyan ko pero hindi naman ako nasusuka.
What the hell is wrong with me?!
I helplessly looked at my phone again to read his message. At bago ko pa magawang pigilan ang sarili ko ay in-accept ko na ang friend request niya.
Dali-dali kong in-off ang wifi ng phone ko at ibinaba 'yon sa bedside table para hindi ako ma-tempt na i-stalk pa siya. I forced myself to sleep even though my mind is filled with dozens of what ifs on whether he chatted me again. Pero mas pinili kong labanan ang kuryosidad ko at itulog na lang.
Pero kasabay nang pagpikit ko ay siya ring mas lalong paglakas nang tibok ng puso ko sa tainga ko. As if slowly getting myself familiarized, I embraced the colors that my heart was revealing for the second time. Parehong-pareho iyon noong unang beses ko iyong naramdaman sa unang pag-uusap namin ni Emory.
Iyong klase ng mabagal ngunit malakas.
Iyong tipong gumagawa iyon ng ingay na siyang nangingibabaw, ginagawang bulong mga tunog sa paligid ko.
And it only suggests one thing to me. That it is only him who could make my heart saturate colors differently, making me witness things beyond the monochromatic hues that I was used to seeing.
Dahil sa lahat ng taong nakasalamuha ko, sa kaniya lang nagkaroon ng ibang tono ang tibok no'n.
***
Unti-unti nang bumibigay ang talukap ng mga mata ko. I'm sleepy as hell. Pero wala akong choice kundi ang maagang pumunta sa school dahil kikitain ko si Caio, lalaking kaibigan ko simula Grade 7. May raket kasi siyang binibigay sa akin. At sino ba naman ang gipit na si ako para tumanggi?
I am taking my time sipping on my coffee I made earlier to help me wake up from my sleepiness. Maaga pa kasi at sure akong mamaya pa dadating si Caio dahil dakilang Filipino time 'yon. We are supposed to meet at 9:30. It's only ten minutes before nine. And I still have so much time on my hand. Kaya nagdesisyon muna akong tumambay sa open area na coffee shop sa harapan ng university namin.
Tutok ang mga mata ko sa screen ng phone ko, binabasa ang panibagong text na natanggap ko kani-kanina lang mula kay Emory. And as much as I wanted to not open it, my curiosity just won't allow me. Kaya ang ending, tumutugtog na sa isip ko ang 12:51 na kanta dahil tulad ng liriko no'n, memoryado ko na ang mga chat niya.
Emory Cruzado
7:18 AM
The forecast says it might rain a little this afternoon. Make sure to have your umbrella with you.
Good morning, by the way, Hazel. :)
I hope this day will be kind to you.
Unconsciously, I reached for my umbrella inside of my bag. Palagi ko namang dala iyon kaya kahit umulan, h'wag naman sana, ay ready ako.
"May raket ako para sa 'yo," bungad ni Caio nang maupo sa harapan ko.
"Good morning," bati ko pabalik. Tiningnan ko ang wristwatch ko. It says 9:15. "Aga mo, ah?"
Para akong nabunutan ng tinik sa lalamunan dahil sa pagsulpot niya bigla. At least, hindi ako naghintay ng matagal.
Tinawanan niya ang naging reaksyon ko na mabilis kong sinuklian ng irap dahil sa iritasyon. "Busy pa kasi 'yong future mo kaya maagang nakikipagkita."
"Ayusin mo, Caio. Anong future ko?!" eksaheradang kong tanong..
"Future client mo kasi," nakangisi niyang sagot.
Sinamaan ko siya nang tingin. Pero balewalang tinawanan lang niya ang pagsusungit ko. "Para saan ba?"
"I forgot to ask, better talk to him na lang," sagot ni Caio.
Parang nagningning ang mga mata ko. Just the mere thought of earning money excites me. Si mama lang kasi ang nagsusuporta sa akin. At minsan ay delay pa ang padala niya ng ilang buwan kaya nasasagad ang budget ko kahit ako lang naman mag-isa. Tuition pa lang kasi sa Crest International University inaabot na ng dalawang buwang sahod ni Mama kaya kailangan kong ipunin talaga ang bawat pera na dumadaan sa kamay ko.
Kaya as much as possible ay tumatanggap ako ng side hustle.
"As far as I remember, brand shoot ang gagawin para sa business niya," imporma ni Caio.
"Business?"
"Yes, more like advertising but casual. Starting pa lang naman kaya no pressure."
Ang totoo ay ayaw ko na muna sanang kumuha ng kliyente sa mga susunod na linggo. Sunod-sunod na kasi ang requirements na kailangan kong tapusin at kalwa't kanan na rin ang bookings namin ni Cai para sa mga raket.
Masyado ko na ring nasagad ang aking sarili sa mga nakalipas na buwan dahil sa kabilaang event na pinuntahan ko. But I know I have no room to refuse this one. Dahil wala pa ring paramdam si Mama ngayong linggo
Wala na akong pera!
"Bigatin yata," komento ko.
"Sakto lang." Nagkibit-balikat siya. "Marami na kasi siyang nasalihang national competition at talagang magaling siya kaya may mga iilan na ring nakakikilala sa kaniya. Business minded din kasi iyon kaya maraming raket sa buhay, raketero ba."
Bahagyang napakunot ang noo ko. Bakit parang kilala ko?
"Grab the chance, Renesmé. Baka ito na ang pagkakataon mo para magkaroon ng boyfriend," pang-asar niya sabay tawa. "Ikaw rin, ga-graduate kang NBSB."
"Siraulo ka." Pinaikutan ko siya ng mga mata ko. "Goals kaming tatlo nila Burn at Carmen. Kaya pare-pareho kaming magtatapos na mga never nagkajowa."
"Akala ko ba may boyfriend si Carmen? Iyong sa TADS?" nagtataka niyang tanong.
Bahagyang nanlaki ang mga mata ko. "Oops." I covered my mouth with the tip of my fingers. "Ang hina naman ng signal mo, Cai. Break na 'yon last year pa," sabi ko na lang.
"Kaya gusto siyang pormahan ni Elon?" tanong niya ulit.
I have a small circle kaya halos lahat ng tao sa buhay ko ay magkakakilala lang. Lalo na at iisang campus lang kaming tatlo at magkaka-course pa ni Ulick. Tapos si Elon ka-org ko pa sa Elite kasama si Caio.
"Malay ko ro'n sa kabaro mo iyon. Isa pang torpe." Pairap kong inalis ang tingin ko sa kaniya. "Mas magulo lang siguro isip ng taong iyon dahil sa komplikadong sitwasyon."
Nakaka-frustrate talaga iyong taong iyon. Tuwing naaalala ko ang mga naririnig ko kay Carmen ay naiinis ako. Hindi ko kasi gets iyong point nang paghihintay kung mutual naman feelings nilang dalawa.
Waste of time pa nga. They could've spent those times together instead of waiting for the right time they've been talking about.
But then again, may sarili silang mundo at mga nasa tamang pag-iisip na kaya alam kong ginagawa nila ang tingin nilang mas makabubuti sa kanila.
"Tara, ipakikilala kita sa kliyente mo," anyaya niya.
"Ngayon na agad?" nabibiglang tanong ko. "Agad-agad?"
"Nasa Sentro sila ngayon. Kaya rin maaaga ako ngayon dahil nagpunta na ako sa kaniya," paliwanag ni Caio sa akin.
"Wala akong dalang cam," problemado kong sabi.
"Mayroon ako. Hiramin mo na lang muna kung sakaling manghingi ng sample," sabi niya.
Nagkibit-balikat ako bilang sagot. Sinenyasan niya akong sumunod at halos kaladkarin ko na ang sarili ko para lang kumilos at sundan siya papuntang parking lot. Sa main kasi malapit ang Sentro kaya pupunta pa kami doon.
Sa katahimikan ng aming paglalakad, hinahayaan ang sarili na malunod sa pag-iisip kung ano na nga ba ang nararamdaman ko para sa larangang tinatahak ko.
I used to be so head over heels about the idea of capturing candid moments. Iniyakan ko pa nga ang unang camera na pinag-ipunan ko gamit ang allowance ko.
Ang sarap lang kasi sa pakiramdam na may naitatabi kang memorya na puwede mong balik-balikan kahit kailan mo gusto. Na makikita mo ulit 'yong nararamdaman mo sa partikular na araw na ipinakikita sa 'yo ng bawat litrato.
Subalit ang pagmamahal ko na noon ay buong-buo... unti-unti nang nababawasan at naglalaho.
Hindi ko alam kung kailan nagsimula na nawalan ako ng gana. Hindi ko na maramdaman 'yong kagustuhan na matangay ang sarili sa ligayang hatid ng pagkuha ng litrato ng iba.
I just found myself lost... not with my love for photography but lost in a way that I could no longer connect with it.
But still, money is everything. Kaya magpapaalipin pa rin sa salapi.
"We're here," Caio announced.
It took us only a few minutes to reach the parking space of Sentro. Walking distance lang naman kasi kaya hindi na kami nahirapan.
"Sandali," pigil niya nang malapit na kami.
"Bakit?" Nagtataka ko siyang tiningnan.
Bumakas ang pag-aalinlangan sa mga mata niya nang salubungin ang akin. At dahil doon ay agad na nabuhay ang kaba sa dibdib ko. Caio and I have been friends since high school. And he knew the only thing that brings discomfort for me as he witnessed it himself.
And seeing him react like this is already giving me an idea of what is about to come. Naikuwento ko na iyon sa kaniya lalo na't siya lang ang nag-iisang nakatagal sa katahimikan ko noong mga panahong ilag ako sa mundo.
"Magiging okay ka lang ba?" maingat niya tanong sa kaparehong mga salitang madalas kong marinig sa mga kaibigan ko.
Imbes na dagdagan ang pag-aalala niya, ngumiti lang ako para panatagin siya. "Relax, Cai," pagpapakalma ko sa kaniya. "Hindi na ako lost child, mind you. Bawasan mo na ang pagiging overprotective mo."
Ayaw kong mabuhay na pinaiiral ang takot sa puso ko. At kung paulit-ulit kong aalalahanin ang araw na iyon ay mas pahihirapan ko lamang ang sarili ko.
I don't want to live shadowed by my past. Mas mahihirapan lang akong mabuhay. I know that I am far from danger now. At kung ikukunpara sa mas batang bersyon ko, kaya ko nang protektahan ang sarili ko ngayon.
It's just that, I am way too fragile to even utter my plea. I was so small to even lift my fist to fight back. The only thing I had back then was my will to fight, and my dream to succeed in life.
Ibang mundo na ang mayroon ako ngayon. At wala na sa intensyon ko ang mabuhay sa nakaraang bangungot lang ang dulot.
Isa pa, gusto kong baliin ang mga salitang itinatak niya sa akin. At hindi ko magagawa iyon kung paiiralin ko ang takot sa puso ko.
"Just give me any signal if you already feel uncomfortable. Kakausapin ko na lang siya," pagpapaalala niya.
"Okay lang ako kaya chill ka lang," nakangiting pagpapanatag ko sa kaniyang alinlangan, minamaskarahan ang kaunting kabang unti-unting namumuo sa dibdib ko.
Sigawan ng mga lalaki at ingay na nagmumula sa matigas na gulong na sumasayad sa sementadong sahig ang una kong narinig pagkalapit pa lang namin sa lugar. Kalat ang mga tao kung saan dominante ang mga kalalakihan sa buong parking space ng Sentro kaya kusang humigpit ang kapit ko sa braso ni Caio.
Agad ko iyong nakilala.
"Sage!" a man's voice yelled Caio's first name.
Kaya hindi na ako nagulat pa nang marinig ang boses ni Emory na palapit sa direksyon namin ni Caio. "Long time no see, bro," masayang bati niya sa kasama ko.
"Man," Caio greeted back. They exchanged a manly hug with smiles plastered on their faces. Matapos ay binalingan ako ng kaibigan ko na suot na ngayon ang isang alangang ngiti na sigurado akong iba na ang dahilan. "My good friend, Renesmé," pagpapakilala niya sa akin na may ngisi pa rin sa mga labi.
Caio moved and gave way for us to see each other... again.
Just like that... I was played by fate.
My eyes widened a bit upon seeing who the man my friend was introducing to me.
I clearly told myself that there's no such thing as fate nor destiny. Pero bakit parang sa paulit-ulit na pagkrus ng landas namin ay mas madaling maniwala sa eksistensya ng mga iyon.
This is the third time we would get to talk.
The nth time I would be seeing him.
And the countless times that I would be taking pictures of him.
Was this enough to conclude that this is more than just coincidence?
Because in front of me was him.
Emory.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top