Chapter 2

Cake on the House

"Ang ganda talaga rito. Nakakaloko nga lang," komento ni Burn.

Tahimik kong iginala ang paningin ko sa paligid, pinagmamasdan ang tanawin at hinahanap ang kapayapaan sa sarili kong isipan.

In my mind, I wholeheartedly agree with what Burn just commented. There's no use arguing with her, for contradicting such honest words would be a lie. Totoong maganda ang lugar, payapa. Despite the number of individuals leisurely spending their spare time at the coffee shop, the whole place remains peaceful and quiet.

Bukod kasi sa may distansya ang bawat lamesa ay sadiyang napakatahimik lang ng lugar. Kung may laya nga lang ako na tumunganga lang dito araw-araw baka ginawa ko na.

The green field of grasses did justice to the overall ambiance of the café. Idagdag pa na malalayo rin ang bawat establisyimento sa isa't isa.

"It's secluded and allows you to feel safe and at peace, but at the same time, it makes you nostalgic. You'd suddenly feel sentimental and would remember the things that hurt you," Carmen seconded after a while.

I know for sure that she's speaking base from her personal experience. Bigyan ba naman siya ng dalawang magkaibang memorya ng Harbor.

"Ang ganda sigurong mag-propose dito," nangangarap muling wika ni Carmen.

"Maghanap ka muna ng jowa na magpo-propose sa iyo bago ka mangarap ng proposal," basag ni Burn sa kaniya.

"Epal nito." Sinimamgutan niya si Burn. "I mean, look at this ambiance, ang gaan sa pakiramdam."

Burn created a check sign using her forefinger and thumb and placed it under her chin as if thinking hard over something. "I disagree," she said soon after. "Mas bagay pa ngang breakup place ito."

Mabagal na iprinoseso ko sa aking isip ang palitan nila ng salita. Hindi ako umimik o nagkomento, hinayaan ko lang ang dalawa na punan ang katahimikan ko.

Muli akong tumanaw sa overlooking view ng Harbor at hindi napigilan ang mapapikit nang yumakap sa akin ang lamig ng hangin. Nasa may balcony side kasi kami ng lugar kaya malaya naming nakakasalamuha ang kalikasan. Siguro dahil na rin nasa mataas na lugar ang Harbor kaya may kalamigan ang paligid. Idagdag pa ang natural at berdeng paligid na mas lalong nagpapadagdag ng ganda no'n.

Nagpatuloy ako sa pakikinig sa diskusyon nilang dalawa habang patuloy pa rin sa pagmememorya ng lugar sa isip ko.

"Ang emo mo naman," komento ni Carmen sa kaniya. "Kaya rin hindi ka nagkaka-boyfriend, eh. Hindi ka pa nga naliligawan break up na agad ang nasa isip mo."

"Ang judgemental mo naman, grabe ka." Nangalumbaba si Burn habang ang mga mata ay nakabaling sa tanawin sa labas. "I'm just reasoning things out based on reality. Hindi naman tayo sure kung ang manliligaw o boyfriend na ba natin ang makakatuluyan natin sa huli. Yes, we do date to marry, but there's still no guarantee. Pangarap ko pa namang mapangasawa ang first boyfriend ko."

"Mangarap ka na lang talaga dahil never mo naman sinagot kahit sino sa mga manliligaw mo." Inismiran lang siya ni Burn. Nangalumbaba si Carmen. "Don't you find this place romantic?"

"I do. But girl, look at this place. Masayadong homey ang lugar. Tama ka naman. It can serve as a safe space for anyone. Pero pustahan tayo, isa o dalawang taong bumibisita rito nagpapalipas lang ng lungkot," ani Burn kay Carmen. "Ito iyong klase ng lugar na magugulat ka na lang iniiyak mo na pala ang lahat ng sakit mo sa buhay."

Nangunot ang noo ko dahil sa hirap na pag-intindi sa malabong paliwanag ni Auburn. Halos wala akong naintindihan bukod sa nauna niyang mga sinabi.

"Maiintindihan niyo rin ako kapag dumating 'yong araw na kakailanganin mo na nang hihingahan ng sama ng loob," dagdag niya pa.

My current state may be having a hard time understanding what Burn meant. Pero sang-ayon ako sa kaniya, maiintindihan ko rin siya kapag oras na.

It just so happens that, currently, I am done with that phase. Hindi buong-buong paghilom ngunit may parte na alam kong okay na ako. At ayaw ko nang bumalik doon.

Kung papipiliin nga lang ko, gugustuhin ko na burahin ang bahagi na iyon ng buhay ko. Siguro, may parte sa akin na proud dahil nagawa kong lampasan iyon. Pero mas nananaig iyong disgusto sa daang tinahak ko.

Life was never good at me during those years where all that comforted me was thunder and rain crying with me.

"Would you like to place your order now, Ma'am?" tanong ng server na siya ring naghatid ng menu sa amin kanina.

Her presence woke me from my thoughts. Binalingan ko ang menu at pumili. "Isang medium-sized hawaiian pizza sa akin," order ko. "Pandan smoothie for the drink."

"Double cheeseburger, two medium fries, cheese and sour cream flavor. Taro shake po sa drinks," order ni Carmen, hindi na tumitingin pa sa menu dahil kabisado na.

"Carbonara po sa akin ate. Palagyan na lang pong extra mozzarella cheese. Tapos buko shake po ang drink," si Burn.

Napaka-diverse talaga ng mga panlasa namin. Ni minsan hindi nagtugma ang gusto namin. Katulad ko, hindi ako mahilig sa carbonara o kahit na anong mayaman ang lasang gatas o kulay puti maliban sa gata.

Inulit ng server ang order namin. "May additional pa po ba?"

"Wala na po, Ate. Okay na iyan. Salamat po," sagot ko sa kaniya. Baka kung ipapaubaya ko pa sa dalawa ang pagsagot ay mas mapuno pa ang lamesa naming tatlo.

The three of us continued to chit chat about random stuff. Kadalasan, mga rants lang tungkol sa professor at mga ka-block na nagpapakulo ng dugo nila.

We were so occupied for fifteen good minutes that we were late to notice the arrival of our food. Kung hindi pa siguro tumikhim ang server ay hindi namin iyon mapapansin.

"Here are your orders, Ma'am."

Agad na natigilan ako ng mapamilyaran sa kaniyang boses. Sinegundahan 'yon nang pagkakakunot ng noo ng mga kaibigan kong nagtataka siguro sa naging reaksyon ko.

It's him.

My jaw almost dropped seeing how Mory stood in front of us. May suot siyang kulay kapeng waist apron na may logo ng harbor sa upper left part. Mula roon ay nag-angat ako nang tingin sa mukha niya sa unang pagkakataon sa ganitong kalapit na distansya. Sa ilang beses na nagtagpo ang landas namin ay ito pa lang yata ang unang beses na napagmasdan ko siya ng ganito kalapit.

I could perfectly see everything, every feature, that the darkness of the night where I would secretly capture images of him concealed. Pictures from that night flashed back in my mind. Magmula sa takot na unang rumehistro sa akin hanggang sa kampanteng pakiramdam.

He made sure that I wasn't alone until I shooed him away when Caio was about to arrive that night of our first conversation.

Kahit halos ilang araw pa lang ang lumipas magmula nang araw na 'yon, malinaw ko pa ring naaalala ang lahat ng nangyari na para bang kahapon lang 'yon. Ang kaibahan lang sa ngayon ay ang malinaw na pagrehistro ng bawat anggulo ng mukha niya sa memorya ko.

Hindi siya guwapo para sa akin. Hindi siya iyong tipong pang male lead sa paboritong KDrama ni Burn. Pero kung karisma ang pag-uusapan, walang duda na nag-uumapaw siya no'n. Not even Sage Caio can compete.

Hindi siya maputi. He's tanned as a matter of fact, probably because his sport is usually done under the sun. Hindi rin matangos ang kaniyang ilong, he has a bulbous shaped one, ngunit bumabagay 'yon sa pahaba na hugis ng mukha niya.

"We meet again," bati niya sa akin, nakangiti at direkta na akong kinakausap ngayon.

Paanong nandito siya?

I could hear the red alert wailing inside of my head as a warning. Mas kapanipaniwala nga lang paniwalaan kung tunog iyon ng ambulansya dahil feeling ko malapit na ako ma-heart attack sa sobrang kabog ng dibdib ko.

Ano bang nangyayari sa akin?!

"A-Anong ginagawa mo rito?" gulat at nauutal kong tanong.

"Nagtatrabaho," nakangisi niyang sagot.

Kung may lugar pa ang mas matinding gulat, iyon na marahil ang tamang pagsasalarawan sa nararamdaman mo.

He what?

Tama ba ang narinig ko?

"Burger?" He raised the plate that contained Carmen's order.

"Sa akin," nakataas ang kamay na sagot ng kaibigan ko sa kaniya. Ibinaba iyon ni Mory sa harapan niya.

"Carbonara sa akin. Kay Hazel Renesmé Duquesa ang pizza," si Burn.

Pasimple ko siyang sinamaan nang tingin nang ma-realize ang ginagawa niya. She's pushing me to this guy. At tama bang banggitin ang buo kong pangalan para lang ipagbigay alam ang order ko?!

"Salahula ka talaga," inis na bulong ko.

"Ano?" Nginisihan niya ako.

Pinaikutan ko lang siya ng mga mata dahil hindi na ako nagkaroon pa ng pagkakataon na makapagsalita dahil kumilos na muli si Mory.

Maingat na nag-serve siya sa amin. At sa buong durasyon na nasa harapan namin siya ay wala akong imik. Nakatulala lang ako sa kanya, hirap makabawi sa katotohanang nasa harapan ko siya.

"So, Renesmé," he greeted as he carefully placed a tall glass of smoothie in front of me. "The stars must have finally aligned that night for me to be blessed with knowing your name."

Imbes na rumehistro sa akin ang narinig, mas natuon ang pansin ko sa maganda niyang ngiti. Puwede na siyang maging commercial model ng listerine sa ganda ng ngiti niya. Na siyang mas nagpadagdag lang sa appeal niya.

Good Lord! Hindi na ako 'to!

And what did he say? He is blessed for knowing my name? My ghad!

"I know you didn't ask, but I'm Emory. Emory Cruzado," pagpapakilala niya.

Still, wala pa rin akong imik. I was stunned, alright. Mahirap makabawi lalo na at ganito na siya kalapit sa akin.

Stars aligned, indeed.

Hindi ko na kailangan pang pahirapan ang sarili ko. Alam ko na ang pangalan niya.

"She's still processing things." Burn laughed. "She's Hazel Renesmé Duquesa. Add her on facebook or follow her on IG, ace.jpg is her username. Kaso every other day lang kung mag-seen o mag-reply kaya goodluck," tuluy-tuloy na salit ni Burn.

"Burn!" gulat kong bulalas.

"What? Ipinapakilala lang naman kita," nakanguso niyang tugon. "Mukhang wala sa plano mo ang umaktong normal dahil hanggang ngayon mukha kang lutang. Kaya ako na ang gagawa para sa 'yo."

Pinandilatan ko siya pero kibit-balikat ang kaniyang naging tugon. Siraulo talaga ang isang 'to kahit kailan.

"Thank you, Miss," pasasalamat niya kay Burn. "Less work for me, huh?"

"No problem," balewalang tugon ng kaibigan ko. Nag-thumbs up pa ang baliw.

Muli niya akong binalingan. "Nice to know your name. Miss Renesmé." He carefully placed the wooden chopping board where my order was served. "Deserts are to be served later." Binaba niya ng bahagya ang katawan niya para maabot ang aking tainga. "Expect my friend request tonight, ate."

This is not him! Hindi siya ganito noong unang beses niya akong kinausap! He's a gentleman! Pero bakit ang landi niya sa akin ngayon?! At ano? Expect his friend request?!

Shocks! Is he flirting with me?

"What do you mean? Wala naman kaming order," may bahid ng kaguluhan na tanong ni Carmen.

"Treat ko," nakangiting aniya. "Enjoy then, ladies," paalam niya.

Tulak-tulak ang food cart na iniwan niya kami. Ngunit sa kabila nang paglisan niya'y naiwan pa rin akong tulala at hindi alam ang gagawin.

Bakit ba ganito ako mag-react?!

I frustratingly sighed. Kung tutuusin, wala lang naman talaga dapat sa akin. Ni hindi man nga siya papasa bilang kaibigan. Nagkrus lang ang mga landas namin ng iilang beses.

Iyon lang iyon. Hanggang doon lang dapat iyon. Pero bakit ganito naman ang reaksyon ko?! Bakit parang dinaig ko pa ang isang teenager na kaharap ang ultimate crush sa pagkakatameme ko?!

Hindi na talaga ako 'to!

"Iimik ka o iisipin ko crush mo siya?" pambabasag ni Burn sa ingay ng pagtatalo ng dalawang bahagi ng isip ko.

"Titigilan mo ako o titigil ka ng kusa?" balik na tanong ko.

"Alam mo, dapat bawasan mo na iyang kasungitan mo kaya hindi ka nagkakajowa, eh. Natatakot sa 'yo," singit ni Carmen.

I sighed at them. "Alam niyo, kahit pa bumubuga ako ng apoy kung magugustuhan ako, gugustuhin ako. Hindi ko kailangan baguhin ang sarili ko para i-please 'yong tao."

Totoo naman kasi. Hindi mo dapat babaguhin iyong sarili mo para sa ibang tao. Change yourself because it would help you be a better person.

Kasi... paano kung mawala iyong sarili mo para lang sa isang tao na hindi ka naman sigurado? Iyong tipong, hindi mo na kilala kung sino ka dahil mas iniintindi mo kung paano ka niya magugustuhan.

And for me... that isn't the kind of love that I need.

"Pero sure ako, tinadhana talaga kayo ng kulot na iyon," sabi ni Burn sabay tawa.

"Ano?" Kunot ang noo na nag-angat ako ng tingin sa kaniya.

"Imposibleng coincidence lang 'to, girl. Sign 'to ni Lord na siya na ang para sa 'yo!" kinikilig niyang bulong sa akin.

Bulong pa ba iyon? Eh, halos itili na nga niya sa lakas at tinis ng kaniyang pagkakasabi.

"Sige, ilakas mo pa. Baka hindi ka na naririnig ng mga customer sa baba," sarkastikong sabi ko.

"Ano 'yong binulong? Pabasbas naman," si Carmen.

"Wala." Nag-iwas ako nang tingin.

"Sus, eh, pulang-pula na nga ang mukha mo gaga ka," natatawang asar ni Burn.

Pasimple akong napahawak sa pisngi ko at agad kong naramdaman ang pag-iinit no'n.

"Baka talagang in denial ka lang pero attracted ka ro'n sa tao," dugtong niya pa.

Nabura ang lahat ng pagkontrang mayroon ako sa aking isip dahil sa huling sinabi niya. Wala rin akong makuhang kahit na anong sagot dahil maging ang aking isip ay naguguluhan na.

Bakit ba kasi ganito? Bakit apektado ako?

This is the first time something like this happened to me. At sa sobrang bago... hindi ko na alam ang gagawin ko. Para akong naliligaw sa gitna ng disyerto kung saan hindi ko alam ang tamang direksyon.

I lost count on the minutes that have gone by. All I know is, all my actions are coated with consciousness with the thought that someone could be watching. Kahit sa pagkain ko, sobrang conscious ako at talagang liit-liit lang ang pagsubo.

"Well, someone's approaching," Burn informed while grinning ear to ear.

My heart thundered at the approaching footsteps. My back's facing the direction of the counter where Emory came from earlier pero kaya kong hulaan kung sino ang paparating. Hindi man ako matandain sa pangalan ngunit pagdating sa ganitong bagay ay mas kaya kong memoryahin.

I'm very keen with sounds, footsteps in particular. Because that's the only way I can know how I'll be able to survive the night away in my childhood years.

And right now, I'm positive that Emory's the one approaching.

"Enjoying your meal, I guess?" he greeted me. Tulad kanina ay tulak-tulak niya ang isang food cart na siya ring dala niya kanina.

Parang tanga na humarurot na naman sa bilis ang puso ko dahil sa boses niya. Halos maghabol na nga ako ng hininga dahil sa bilis no'n.

"Gaano ka na katagal dito?" pagkausap ni Burn sa kaniya.

"Since this place anchored for the first time?" he answered with a laugh. "Well, I, uh..." Mory shrugged the rest of his words away.

Bahagyang nangunot ang noo ko. "Ano?" mahina kong tanong dala ng kuryosidad.

Three pairs of eyes landed on me after I spoke. They were stunned, I guess? Kahit naman ako hindi rin makapaniwala na nakakuha ako ng tapang na bumoses ngayon.

I was supposedly keeping my mum to myself to not attract any attention from him nor my friends. Dahil oras na mangyari iyon ay mababaliw na naman ang puso ko.

But I just did. Because being curious about him is something I can't control.

"I co-owned Harbor, kasosyo ko ang kaibigan ko," imporma niya.

My mouth literally fell open in shock. So, ito ang ibig sabihin niya nang sabihin niyang nagtatrabaho siya rito?

"Shet, big time," bulong ni Carmen.

"Seryoso ka ba?" hindi mapigilang tanong ko.

I blinked twice to clear my view of him. Hindi ko alam kung ilang segundo na ba akong nakatingin sa kaniya. He was only standing beside our table, holding the handle of the cart while talking to us.

"Apparently, yes," he answered. "Hindi naman big deal 'yon. Nagkataon lang na pareho kaming walang trabaho kaya naisipan naming magnegosyo na lang."

"Big deal iyon. Lalo na kung sa murang edad successful ka na," tugon ko.

Dahil nakatingin ako sa kaniya ay nakita ko kung paanong bumaling sa akin ang paningin niya. He looked at me while still wearing his refreshing smile as if what I said gave him pride.

Bahagya pang tumabingi ang kaniyang mukha habang nakatingin sa akin na para bang minememorya ng nakikita niya roon.

Kung nasa matinong katinuan lang ako, kanina pa ako umiwas nang tingin. Ngunit para bang may kung ano sa loob na pumipigil sa akin. The way he stared at me made me not want to look away. In fact, it even feels like an invitation to stare at him with the same intensity he's giving.

"Then, why don't you make me more successful today?" he asked, grinning, which made my forehead wrinkled in confusion.

"What?" I asked for clarity.

He smiled even before removing the cover of the food on the cart. "This is on the house. My treat." Inilapag niya sa harapan ko ang mini cake na kulay tsokolate bago umalis agad.

Halos lumuwa na ang mga mata ko sa gulat nang mabasa ang nakasulat doon. Plain lang iyon na may nakasulat sa gitna gamit ang puting icing.

"Hayop, kakaiba," natatawang komento ni Burn.

Hinabol ko nang tingin si Emory pero nakalayo na siya sa amin. At huli na rin para agapan ang puso kong mas naging maligalig.

Kaba pa ba ito o iba na? Hindi ko rin matukoy dahil sobrang kakaiba.

Binalingan kong muli ang cake na ibinigay niya. Tama si Auburn, kakaiba nga talaga.

Because the dedication written on it was not a dedication at all.

It was a number.

His cellphone number!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top