Chapter 13

Rain's Effect

Niyakap ko ang aking sarili nang kumapit sa balat ko ang lamig ng aircon. Sa pinakalikod kasi ako ng room umupo para solo ko. Tuloy, tapat na tapat sa akin ang aircon. Makulimlim din kasi sa labas dahil sa nagbabadiyang ulan kaya naging doble ang lamig dito sa Summit ngayon.

It's my last academic agenda for today. Pagkatapos kong mag-lunch ay diretso na agad ako rito para sa meeting with the members of Elite. And it's been almost an hour since the meeting started. Na na-delay lang nang na-delay dahil masyadong Filipino time ang mga kasama namin.

But my mind's far from the conversation everyone was having. Kanina pa kasi nakapako ang paningin ko sa cellphone ko. At kanina ko pa paulit-ulit na binabasa ang chat ni Mory sa akin kaninang tanghali.

Skater-boy
11:03 AM

I'm at Harbor now. Kaunting set up lang for the live band na tutugtog mamaya.
Enjoy your lunch. :)
I'll be at Summit in a short while. Mabilis na practice lang with the team.

Nanibago ako bigla. Ito pa lang yata ang unang pagkakataon na in-update niya ako sa gagawin niya kahit na hindi naman kailangan at hindi ko naman tinatanong.

Honestly, it felt different.

Tahimik akong napapikit at tinimbang ang sarili kong nararamdaman sa ipinakikita ni Emory sa akin. Hindi ko na matukoy kung naninibago lang ba talaga ako o higit na sa simpleng interest kay Emory ang nararamdaman ko.

How long has it been since our first meeting? Two to three months? I actually lost count already. But was that sufficient enough to say that the fear is no longer gone?

I don't think so.

Pilit kong iniignora ang kaguluhang nararamdaman ko pero hindi ako nilulubayan. Palaging nauuwi roon ang aking isipan.

"Can we hear from you, Haze?"

Mabilis na napakurap ako sa pagtawag na iyon ni Zion sa akin. Nasundan iyon nang ngiwi. Mukhang napansin niya na ang kawalan ng isip ko sa nangyayari. Eh, kasalanan ko bang bothered ako sa mga messages ni Emory?!

Nanghihingi nang tulong na lumingon ako kay Caio na nasa harapan kasama ng ibang officers ng Elite, ang official publication ng Crest International University. Mukhang naintindihan naman niya ako kaya bahagya pa siyang napailing.

"What do you think of using black and white as the theme for next year's release?" he asked, or much better to say that he reminded me.

Mas lalo akong napangiwi. "Hindi ba parang walang buhay?" nangangapa kong tanong. "I mean... parang walang buhay. Nagawa na rin naman natin sa past publications natin."

I never filtered my photographs in those hues. Pakiramdam ko kasi hindi buong naipapakita ang emosyon. Na parang tinatanggalan mo ng buhay iyong litrato. And only few people likes to view photos that way. Kulay kasi ang nagdadala ng isang litrato. Kaya kung black and white, baka iilan lang ang makaintindi ng intensyon na gustong sabihin ng larawan.

"No, I think it's better to show a variety of images to the people," si Elon ang sumagot.

Aside sa pagpipinta, Elon is also into photography tulad ng kaibigan niyang si Ulick. At 'di tulad ko, hindi siya takot na sumubok ng bago. Kaya kung ikukumpara sa opinyong binitawan ko, mas katiwatiwala ng 'di hamak ang kaniyang opinyon.

"Pero para kasing hindi bagay kung awakening ang tema natin. Or maybe it's just me?" si Syd.

"Depende kung mae-execute natin ng tama," si Tomas, isa sa mga correspondent namin.

Hindi na lang ako kumibo. Wala rin naman akong naintindihan talaga sa mga napag-usapan nila kaya mainam na manahimik na lang.

I started fidgeting with my phone. Pinaikot-ikot ko iyon sa lamesa habang nagpapanggap na nakikinig sa pinag-uusapan nila. Pero agad ding nahinto ang paglalaro ko roon nang umilaw ang screen, senyales nang kadarating lang na mensahe.

At gano'n na lamang ang pagdagundong ng puso ko nang mabasa ang pangalang nakasaad. At kakatwang nakaramdam ako nang pagsisi kasunod nang reyalisasyong hindi ko mababasa ang mensahe niya mula roon. Kung bakit ba naman kasi naka-hide preview sa lockscreen.

I mentally slap my forehead. Ano bang nangyayari at nagiging baliko na yata ang takbo ng isip ko? I sighed defeatedly and opened his message.

Skater-boy
4:05 PM

Makulimlim ang langit ngayon.
Mukhang uulan maya-maya.
May payong ka ba? Kung wala, sabihin mo kay Sage na ihanda ang kaniya.

Kusang kumilos ang mga mata ko para harapin ang kalangitan mula sa bintana ng room na gamit namin. Totoo ang sinabi niya. Mas lalo lang dumilim ang langit ngayon. Nakakumpol na ang madidilim at mabibigat na ulap sa langit at ilang sandali na lang ay mukhang babagsak na.

Binalikan ko ang phone ko at wala sa sariling tumipa ng isasagot sa kaniya. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ko siya ni-reply-an. Subalit mas hindi ko nagawang maintindihan ang naging konteksto ng naging sagot ko sa kaniya.

Skater-boy
4:06 PM

Paano ang ensayo niyo?

A sudden feeling of regret hit me. Bakit ko ba 'yon itinanong?

Hindi na niya ako pinaghintay pa ng sagot. Dahil matapos lamang ang halos wala pa sa trenta sagundo ay nakatanggap na agad ako ng reply mula sa kaniya.

Skater-boy
4:06 PM

Sisilong kami kapag bumagsak na.

Para akong naparalisa habang pinagmamasdan ang mga palitan namin ng salita. Tila ba malapit na kami sa isa't isa sa natural na pag-uusap na iyon. At hindi ko rin magawang itanggi na naroon sa akin ang pag-aalala na baka maulanan siya.

Ganito ba ang naramdaman ni Emory noong unang beses na nagkrus ang mga landas naming dalawa? Iyong tipo na kahit sa sarili mo ay hindi mo mapagtatanto na pag-aalala na pala iyon para sa ibang tao.

Now I understand why he didn't leave me that night despite me repeatedly shoving him away. Dahil iyon mismo ang ipinararamdam niya sa akin ngayon. I wanted to make sure that he's okay. Lalo na at alam kong open area ang parking. Wala ring waiting shed dahil sa may gate pa iyon na malayo kung nasaan si Emory ngayon.

Malawak kasi ang buong Summit kahit na limitado lang ang imprastraktura. At malayo ang mismong gate sa mga building kaya mababasa sila panigurado kung hindi pa sila sisilong ngayon.

Skater-boy
4:08 PM

Pumunta na kayo sa waiting shed sa gate. Maabutan pa kayo.

I put my phone inside my pocket after. Dahil kung hindi ko 'yon gagawin, hindi ko rin alam kung saan tutungo ang usapan namin.

Inalis ko sa isip ko si Emory. Subalit hindi ko iyon napagtagumpayan dahil sa unti-unting pagpatak ng ulan. I nervously bit my lower lip to ease my nervousness witnessing the windows get wet by the growing heavy rain.

Muli kong kinuha ang phone ko dala ng kaba. Muli akong nagpadala ng text kay Emory na nagtatanong kung nakasilong na ba siya. Kung kanina ay gusto kong balewalain na lang ang mga mensahe niya, ngayon ay atat na atat akong makatanggap ng reply.

At dahil sa bugso nang pag-aalala, isa na namang mensage ang pinadala ko.

Skater-boy
4:15 PM

I'm getting a bit worried, Emory.

Hindi naman matalas na patalim ang patak ng ulan pero kung makapag-react ako ay para bang kutsilyo iyon na nakamamatay. At gano'n na lamang ang ginhawang naramdaman ko nang matanggap ang sagot mula sa lalaki.

Skater-boy
4:16 PM

Okay lang ako. :)
Nandito na kami sa shed.
Naulanan ng bahagya pero okay lang naman ako.
Magpapatila lang kami sandali bago kita puntahan.

All the worry has been flushed out of my body the moment he said his answer. Para akong nabunutan ng malaking tinik sa dibdib at napanatag ang aking puso sa wakas.

"René," Caio's voice called. Muli akong nagising at nanumbalik sa reyalidad. Ang iling niya ang nasalubong ko nang mag-angat ako ng tingin sa kaniya. "Meeting's over."

Bahagyang nanlaki ang mga mata ko. Pasimple ko ring iginala ang paningin ko sa buong room. Isa-isang naglalabasan na ang mga tao. Ang naiwan na lang ay kaming tatlo nila ni Caio at Elon.

Inilagay ko ang pag-aalala kay Emory sa pinakalikod na bahagi ng isip ko. Ikinuntento ko ang aking sarili sa kaalaman na okay siya. Iyon ay sapat na.

"Ano bang nangyayari sa 'yo? Kanina ka pa wala sa sarili mo," naiiling niyang tanong.

"Wala." Isinukbit ko ang aking bag sa balikat ko at tumayo na. "Tara na."

Inilingan niya akong muli kapares na ngayon ang isang ngisi. "Hintayin mo na lang ako sa lobby. May ihahatid lang ako sa office," sabi sa akin ni Cai.

"Bilisan mo lang, ha?" Tumango siya sa akin.

Bitbit ang gamit ko na lumabas ako ng room na ginamit namin para sa meeting. Sabay na naglakad kami ni Elon palabas. A normal thing for the three of us. Ganito naman lagi ang set up naming tatlo tuwing may meeting sa Elite.

Pababa na sana ako sa unang palapag ng building nang huminto siya bago pa man kami makababa ng hagdan. Kaba ang nakarehistro sa kaniyang mukha. Mahigpit ang kaniyang pagkakahawak sa strap ng drawing sheet container sa balikat at maya't maya ang pagbasa sa mga labi.

"Kung tungkol kay Carmen 'yan, h'wag kang kabahan na para bang sasakmalin kita any moment," pagpapakalma ko sa kaniya. "Ano 'yon, Elon?"

"Is everything fine with her? Is she okay?" he asked in a nervous state.

My forehead creased. I remembered jokingly wishing to Burn to have someone like Elon in my life back when he asked permission from us to court Carmen. Mabuting tao naman kasi talaga siya. I've known him since freshman years. At ni minsan hindi ko siya nakitaan ng bad side.

Kaya kampante ako sa kaniya.

Pero lately, ang sarap niyang sakmalin. Nakakatanga kasi ang mga life decision niya lately. Lalo na pagdating kay Carmen.

"Bakit hindi siya ang tanungin mo, Elon?" naguguluhan kong tanong sa kaniya. "Nagawa mo siyang i-flex sa IG mo noon, kaya gamitin mo rin 'yan para kumustahin siya."

"I can't." Bahagya siyang napayuko.

Napabuntonghininga ako. "Hindi ko kayo gets dalawa. Para na kayong mga tanga. Sarap niyang pag-umpugin!" Napasimangot ako. "Okay lang si Carmen. Humihinga pa rin siya ng maayos at hindi nagkakasakit. Nakakakain pa rin naman siya ng tatlo o higit pang beses sa isang araw. Tumatawa. Masaya"

Pinag-aralan ko ang ekspresyon niya sa bawat salitang sinasabi ko. I want him to realize that she needs Carmen. Or at least let my words penetrate his mind and make him realize that he could actually make a move on Carmen.

Pero hindi ko lang magawang burahin ang sarkasmo sa boses ko. Kung magiging tapat lang ako, hindi ako sang-ayon sa pag-iikutan ng dalawa. Dahil may pagpipilian naman sila. Malaya naman nilang pilin ang isa't isa pero hindi nila ginagawa.

Elon gave me a flat look. Napangisi na lang tuloy ako. "Alam mong hindi iyan ang tinutukoy ko."

"Then ask her yourself. Stop beating around the bush, Elon," pananakot ko pa. "Naghihintayan lang kayong dalawa, mga sira."

Umiling siya sa akin. "You'll understand once you fall, Hazel."

His words were like a big bell that someone rang near my ears, snapping me out of my dream. I felt like the world stopped at that moment realizing that everything was slowly becoming different for me. At ang sentro no'n ay direktang nakatuon sa iisang tao.

Kay Emory.

"Trust me, Elon." A bittersweet smile formed on my lips. "I already know how it feels."

***

"May bagyo ba? Galit na galit ang langit, eh," tanong ko kay Cai na katabi ko.

"May LPA yata," sagot naman niya.

"Oo nga pala, hindi ako sasabay," saad ko.

Naramdaman ko ang pagbaling niya sa akin. "Ano? Nabibingi na ba ako?"

"Anniversary ng Harbor," pahapyaw ko. May tipid na ngiti na binalingan ko rin siya. "Susunduin ako ni Emoy."

His lips formed an "O" with what I said. Ngunit wala akong nabasang kahit na anong pagtutol sa mga mata niya. In fact, mukha pa nga siyang masaya.

"H'wag kang magtatanong. Hindi pa ako handang sumagot." Nag-iwas ako.

Bahagya siyang natawa sa akin. Hindi na rin naman siya kumibo at ginulo na lang ng bahagya ang buhok ko.

Pinagmasdan ko ang malalaking patak ng ulan na walang tigil na pumapatak sa aming harapan. We got stuck in our building, waiting for the rain to subside. Mabuti pa si Elon nakatakas na sa mas malakas na ulan.

Hindi uubra ang lakas ng loob at payong sa lakas ng hangin. Nakakatakot pa nga dahil baka liparin.

Ang mahihinang patak kanina ay nauwi sa galit at mapaghamong lakas. Ilang minuto na rin simula nang umulan pero mukhang wala pa itong intensyon na tumigil. Kaya wala kaming choice kundi ang magpatila na lang muna kasama ang ilang estudyanteng katulad namin ay na-stranded din.

I took out my phone and immediately opened my camera. I chose to filter it with mono to let myself see how a photo would turn out in that hue. Para lang maka-relate sa aesthetics ni Elon na mahilig sa itim at puti. Picture nga lang ni Carmen ang nag-iisang may kulay sa feed no'n.

"Hindi ko ramdam," saad ko kasunod ang isang buntonghininga. Sumandal ako sa tuyong haligi ng building ng Film kung nasaan kami.

"Ang alin?" tanong niya.

Muli kong tiningnan ang litratong kakukuha ko lang. I just took a shot of the grayish sky with droplets of rain as its accessory. In-adjust ko na rin ang kulay no'n into black and white ang filter at gaya ng inaasahan ay hindi ko nagustuhan iyon.

It just feels so lifeless to stare at. Parang hindi mo makikita iyong totoong ganda ng paligid dahil limitado lang ang kulay na nakikita mo. Although it's pure preference lang dahil kapag litratong kuha naman ng iba ay nagagandahan naman ako.

"Monochrome, it's boring. It's dead." Itinapat ko sa kaniya ang litratong kinuha ko. "Look, sa tingin mo may mag-e-enjoy tingnan 'yan?"

Tiningnan niya ang litrato. "You shot it beautifully, René. Ang ganda nga, eh," walang pagdadalawang-isip na papuri niya.

"I believe otherwise." Buntonghininga ang sunod kong naging sagot. "Hindi ba parang malilimitahan ang maipapakita natin sa itim at puting larawan? I mean, gusto nating i-highlight ang ganda ng university natin. Isn't that our goal? Especially iyong kagagawa lang na lagoon. Kaya parang ang off naman kung black and white. It defies the purpose of our theme," paglalahad ko ng opinyon. "Paano maa-appreciate ng mga estudyante ang ganda ng university natin at paano sila maeengganyo kung hindi naman nila makikita iyong ganda sa picture na ilalabas natin?"

Nanatiling tikom ang bibig niya. Caio was just staring at me as if absorbing my words. For a while, he remained like that. Ilang segundo pa ang lumipas bago siya muling nagsalita. "Bakit hindi mo 'yan sinabi kanina?" tanong niya pagkaraan.

Kibit-balikat lang ang isinagot. I don't think my words were that powerful enough to be heard by people. At isa pa, nakakahiyang bumoses kung hindi ko rin naman kayang panindigan sa huli. Hindi naman kasi ako sanay na magsalita sa harap ng marami unlike Carmen na bihasa talaga at ni Burn na nag-aaral para maging guro.

I don't know how to organize my thoughts and my words would often come out disordered. Most of the time, may mga nakalilimutan akong detalye na maaalala ko lang kapag tapos na akong magsalita. Hindi rin malabo na mautal at mabulol ako na madalas mangyari tuwung nasobrahan ako ng salita. Nakakakaba rin kasi lalo na kung takot kang hindi maintindihan ng marami.

"May point naman ako, 'di ba?" tanong ko, nanghihingi ng validation sa kaniya.

"You just pointed out the most important thing about this project, René." He tapped my shoulder twice wearing a grin on his lips.

Mukhang satisfied siya sa mga nasabi ko. Hindi na lang ako sigurado sa mga mangyayari sa susunod since decided na ang tema para sa publication namin this year.

"You should practice voicing out your thoughts and ideas, René. Paano na lang kung hindi mo sinabi sa akin ang mga ito? Our project would've ended in failure," saad niya.

"Ang OA, ha. Hindi naman. Napansin ko lang since sobrang contrasting ng ideas. Hindi maa-achieve ang objective natin na ipakita ang ganda ng Crest," paliwanag ko. "P'wede naman nating gamitin ang temang napagkasunduan sa mga susunod nating proyekto. Marami pa namng dadaan."

Nakakapanghinayang kasi kung hindi makikita ang kabuuang ganda ng Crest. Most buildings were renovated and upgraded into a more modern university. Lalo na sa Apex dahil iyon na ang gagawing main campus ng university namin.

Everything about that campus circles about green trees and grasses. Kaya sayang kung hindi makikita. Lalo na iyong kagagawa lang na lagoon. Halos lahat din ng infrastructure ay modernized na kaya mas gumanda pa.

"Wala yatang balak tumigil ito," saad ng babae sa likuran ko.

"Mukha nga, sis. May masasakyan pa kaya? Nakakaloka, baka abutin tayo ng gabi rito mahirap pa naman ang sakayan kapag madilim na," saad nang kausap niya.

Kusang naglakbay ang isip ko sa maaaring estado sa labas ng Crest. May maayos naman na toda sa labas kaya hindi problema ang sasakyan tuwing ganitong oras.

Minsan lang ay maagang umaalis ang mga driver kaya mahirap sumakay at kailangan mo pang maglakad. Good thing hindi nagbabaha rito kaya hindi na magiging pahirapan pa para sa mga estudyante.

Ngunit bukod do'n, mas nangingibabaw sa isip ko ang nabanggit ni Emory na selebrasyon para sa anniversary ng Harbor. This weather isn't actually the best when celebrating. It's gloomy. Ang bigat tingnan ng paligid.

Napapaisip tuloy ako kung tinuloy niya pa ba o hindi na. At kung matutuloy pa ba iyong mga sinabi niya kanina.

"May shuttle na parating," imporma ni Cai.

Kunot ang noo na binalingan ko ang direksyon ng parking. Totoong may parating nga na shuttle pero hindi iyon ang dahilan nang pagsasalubong ng kilay ko kundi ang mga taong nasa gilid no'n.

Sa kabila ng distansya at malabong imaheng tinatakpan ng makakapal na patak ng ulan, kitang-kita ang pigura ng taong sumasabay ng takbo ng shuttle. 'Di niya alintana ang mabasa ng ulan masabayan lang ang bilis ng sasakyan.

"Is that..."

I wanted to doubt my eyes and ears, but my vision was as clear as my hearing.

"Siya nga," kumpirma ni Cai kahit na wala pa akong pangalang binabanggit.

It was indeed Emory, riding his skateboard side-by-side with Milo. Sa likod nila ay naroon din ang ilan pa nilang kasamahan na naka-skateboard din.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top