Chapter 12

Mind and Heart

How can everything change drastically like this? Ni minsan sa halos limang taon ko rito sa condo ko ay hindi ako kinabahan tulad nang nararamdaman ko ngayon. Daig ko pa ang binubulungan ng multo sa panlalamig ng kamay ko habang kaharap ang saradong sarado pintuan ng elevator.

I saw it stopped on the floor where Emory is apparently residing. At pigilan ko man ang sarili ko na isiping baka siya ang sakay no'n ay hindi posible.

The chances of him occupying it is greater than me perfecting a major exam. Kaya sa bawat mabagal na pagpapalit ng numero sa elevator ay siya namang unti-unting pagbilis nang tibok ng puso ko. Na mas lalo pang naging maligalig sa unti-unting pagbukas no'n.

I almost forgot how to breathe properly when the appearance of an expected man greeted me. Of course, tama ako. Lalo na at kabisado ko na ang mga taong madalas kong nakasasabay sa pagsakay rito. They rarely go out this early in the morning. Kaya palaging solo ko ang kwadradong espasyong iyon.

Pero hindi ngayon.

"Good morning," he greeted, flashing me the familiar smile he often gives me.

Blame my personality for being a socially awkward person that I can't immediately greet him back. Tumanga pa muna ako sa harapan niya at mas pinagmukhang tanga ang sarili habang iniisip kung ano ba ang tamang isagot sa pagbati niya.

Sa huli ay bumati na lamang din ako sa kaniya. "Magandang umaga," mahinang bati ko.

Dahil sa matagal kong pagtayo sa harapan ay naabutan na 'yon nang pagsarang muli ng elevator. Mabilis iyong inagapan ni Emory sa pamamagitan nang pagharang ng kamay niya. "Get in," he uttered, still smiling.

Nagbigay-daan siya sa akin at bahagyang gumilid nang maglakad ako papasok. I awkwardly stood beside him not knowing what to do and how to act. I don't know how to break the silence nor doesn't have any clue on what the right words would be to say right at this moment.

"Are you free tonight?" Emory asked, finally letting me breathe more comfortably.

I glanced at him sideways, trying to take a peek at what he's doing. "I think so," sagot ko.

Lies.

Finals week starts tomorrow! At kailangan kong mag-review pagkatapos ng meeting namin sa elite at ng make up class namin.

"Good," he murmured with delight. "Invite sana kita sa Harbor."

"Bakit? Anong mayro'n?" tanong ko.

"4th anniversary namin. May kaunting event na gagawin. Kung okay lang sa 'yo, invite sana kita," paliwanag niya.

Bago ko pa man mapigilan ang sarili ko ay napaharap na ako sa kaniya. Maging siya rin ay bahagyang napabaling sa akin. Dahil mas matangkad siya ay kinailangan ko pa siyang tingalain. Habang siya naman ay bahagyang nakayuko para magtama ang mga mata namin.

My heart hammered inside of my chest out of nervousness and anticipation. There's really just something magical about Harbor that makes me want to be there. Ang peaceful kasi ng lugar. Binibigyan ka ng pagkakataon na makapag-isip ng mga bagay-bagay.

"Sigurado ka? Okay lang na nandoon ako?" paniniguro ko. I'm sure as hell na kumikinang na ang mga mata ko ngayon.

"Oo naman. Kaya nga ini-invite kita dahil gusto kong nando'n ka," nakangiti niyang sagot.

Wala namang ibang ibig sabihin ang mga salita niya pero hindi ko maiwasang makaramdam ng kakaiba sa puso ko. Ang kaninang kumakabog na tibok ng puso ko ay napalitan at tila sumasayaw na sa saliw ng isang banayad na ritmo.

It feels unreal.

But one thing is certain to me.

Emory affects me more than I could imagine.

Sa huli, napaiwas na lang ako nang tingin. Kahit na hindi ko siya direktang tinitingnan ay nakita kong nakatingin sa akin si Emory. I can see him from our reflection through the elevator's closed door. He is standing cooly beside me with both of his hands hidden in his pockets. Nakakapanibagong hindi ko makita na kasama niya ang ka-partner niyang skateboard.

Emory actually looked like a college student ready to conquer the campus as the hottest heartthrob. He looks refreshed in his plain khaki wrangler shorts paired with a white shirt that is quite bigger than his build. Kulay kayumanggi naman ang spadrilles na suot niya.

"K-Kaso may meeting ako hanggang alas singko."

Putek! Nautal pa nga ang gaga!

Mabilis ko siyang sinulyapan at nakita ang matamis niyang ngiti. Pakiramdam ko tuloy ay mas lalo lang akong namula dahil doon.

Para ko na ring binuko ang sarili ko sa kaniya at hayagang ipinakita ang epekto niya. Me and my clumsy mouth!

"Saan? Sa Summit?" tanong niya na tinanguhan ko. "Sunduin na kita."

"Ha?" Ilang beses akong napakurap habang pilit na hinahanap ang kaniyang mga mata mula sa malabong repleksyon namin sa salamin. "Kasasabi mo lang. May celebration kayo sa Harbor. Hindi mo naman p'wedeng iwan 'yon kung ikaw ang host."

Imbes na sagutin ako, mahinang pagtawa ang kaniyang naging tugon. "Why don't you look at me when talking? Gano'n na ba ako kapangit sa paningin mo?" 

Awtomatikong nanlaki ang mga mata ko matapos ay nag-angat nang tingin sa kaniya. Mabilis kong ikinumpas ang dalawa kong kamay sa kaniyang harapan upang itanggi ang kaniyang hinuha. "Hindi! Oh, my God! I mean... basta!"

Ngunit bago pa man magtagal ng isang minuto ang pagkakatingin ko sa kaniya, mabilis ko ring binawi ang mga mata ko sa kaniya.

Ang mahina niyang tawa ay mabilis na nauwi sa isang maikling halakhak. "Ang cute mo talaga."

Emory ruffled my hair before his forefinger reached my chin and used it to lift my face. In the end, I am able to meet his eyes more closely. Ibinaba niya rin kasi nang kaunti ang mukha niya palapit.

Gano'n kabilis tumigil ang mundo ko kasabay nang pagtullin nang tibok ng puso ko. At nasisiguro kong sa pagkakataon na 'to ay hindi dahil sa kaba 'yon.

But unlike how unaware I was before about the meaning behind it, now, the blurry vision I have for it slowly starts to be clear.

"See? Better," he proudly complimented with a wide smile.

I froze... but the booming beating of my heart remained echoing in my ears.

It took me more than ten seconds to regain my consciousness. Doon ko marahang hinawakan ang kamay niya upang alisin sa pagkakahawak sa baba ko. Hindi dahil ayaw ko nang ginawa niya kundi sa isang rason na kailangan kong gawin 'yon kung gusto ko pang mayos na makahinga.

Emory's touch sucks my breath away. Para iyong mahika na kinukuha ang lahat ng lakas ko at inaalisan ako ng kakayahan na umakto ng tama.

He affects me so much that it's starting to fear me. Because I don't want to get used to this, to his attention, to his touch, and to his care.

Dahil kung masasanay ako... paano kung dumating 'yong araw na babalik sa umpisa ang lahat at maiiwan din ako? Sigurado naman kasi ako na pagkatapos ng shoot ay babalik kami sa pagiging estranghero.

Paano ako?

Ang tunog ng elevator ang bumuhay muli sa akin, senyales na narating na namin ang destinasyon naming dalawa. I rapidly blinked my eyes while I am still looking at Emory in a dazed state.

"After you, Hazel." Emory extended his arms towards the direction of the elevator's entrance.

Doon ako tuluyang nagising. "Thank you, Emory." 

Nginitian niya ako bago ako makalabas. Agad ko rin naman naramdaman ang pagsunod niya sa akin. Noong umpisa ay nasa likuran ko pa siya. Pero ilang sandali lang ay nasa tabi ko na at kasabay sa paglalakad.

"Sa Summit ka?" tanong niya.

Umiling ako. "Sa main ako ngayong umaga. Sa hapon pa ako sa Summit." Nasa main kasi ang prof namin kaya doon na lang din niya kami pinapasok. For sure kung hindi sa CBA o PolSci ay makiki-room kami sa mga Psych.

"Hatid na kita," alok niya.

Natigil ako sa paglalakad malapit sa glass door dahil doon. "A-Ano?"

Mariin akong napalunok nang mautal na naman sa isang salita na 'yon. Dahan-dahan ko siyang hinarap. Seryoso ang expression ng kaniyang mukha habang nakatingin sa akin pero may multong ngiti na nakapaskil sa kaniyang mga labi.

"Narinig mo naman ako, Hazel," itinatago ang ngisi na saad niya sa akin. "Seryoso ako. Samahan na kita."

"May pupuntahan ka ba malapit sa main?" paniniguro ko.

Kung doon ang destinasyon niya, okay lang. Pero kung hindi, hindi na kailangan. Makakasagabal lang ako sa lakad niya.

"Halika na." Nilampasan niya ako at natuluy-tuloy sa paglabas. Hindi niya sinagot ang tanong ko.

Hindi ko tuloy nagawang tumutol pa at napasunod na lamang sa kaniya. Ang pag-aalangan ko ay hindi dahil sa makaksama ko siya. Kundi sa rason na baka masagasaan ko ang lakad niya.

Ilang? Hindi ko alam kung kailan nangyari pero unti-unti na iyong namamaalam sa sistema ko. Meeting him constantly was helpful for sure. Kung naroon man iyon at nananatili pa rin sa isang sulok ng puso ko, hindi na ako mag-aabala pang buksan ang pinto para muling lumaya iyon.

I promised myself not to be overpowered. I need to be above and in control not to totally lose myself.

"Okay lang, Emory. Kaya ko naman," giit ko.

Pero hindi niya pa rin ako pinansin. Tumawag siya ng tricycle sa malapit na toda, hindi na tumatanggap ng diskusyon dahil nagdesisyon na siya.

"I was supposed to text you like what I always do, but I thought that maybe I can just make sure that you are fine myself." Emory faced me after saying those words.

Posible bang malito at kabahan sa magkaibang rason? At posible rin bang maramdaman ang mga iyon para sa isang tao ng walang sapat na dahilan?

Kung tatanungin ko ba siya kung bakit siya gan'to ay sasagutin niya? O mas lalo lang akong mapupuno ng kahulugan? He's been doing this constantly. At hindi ko alam kung bakit.

"Why would you feel those, Emory?" I asked with a wrinkled forehead. "At bakit kailangan mong masiguro na okay ako?"

Bumuka ang bibig niya, handa na sanang sumagot, kung hindi lang dahil sa pagdating ng tricycle. Mabilis niya itong nilingon bago tumabi para makasakay ako.

"Sigurado ka ba sa mga ginagawa mo, Emory?" hindi napipigilan ang sarili na tanong ko.

"Oo," mabilis niyang sagot. "Naghihintay si Manong driver."

Napatingin ako sa may katandaan ng tricycle driver na papalit-palit ang tingin sa aming dalawa ni Emory. Bahagya tuloy akong nakaramdam ng pagkapahiya. Naghintay pa tuloy siya.

Sa huli ay lumapit na rin ako kay Emory. Pasakay na sana ako nang hawakan niya ang pulso ko bilang pagpigil sa akin.

I instinctively pulled my hand from his touch. And like an automatic response, my hand began to tremble a bit by the foreign yet familiar heat his palm had.

Huli na para mapagtanto kong hindi maganda ang rehistro ng aking nagawa. Alangan ko siyang tiningnan, tinatantiya kung ano ang kaniyang reaksyon. Naroon ang bahagyang pagkakakunot ng kaniyang noo habang nakatingin sa kamay niyang iwinaksi ko.

Imbes na magsalita pa, kinuha ko na lamang iyong pagkakataon para pumasok sa loob. Doon, paulit-ulit akong humugot at bumuga ng isang malalim na hininga, kinakalma ang pagkabigla.

"Ano, hijo, sasakay ka ba?" dinig kong tanong ni Manong.

Bahagya kong sinilip si Mory sa labas at nakita ang kaniyang pagbuntonghininga. "Sasakay ho, boss." Nag-iwas ako ng tingin nang kumilos na siya para maglakad patungo sa direksyon ng driver. "Manong sa Crest International University po," pagbibigay-alam niya.

It was the most awkward ride I ever had, I must say. Kahit na hindi naman kami magkatabi ay ramdam ko pa rin ang ilang sa akin. I couldn't help it though. Hindi lang ako sanay sa pisikal na interaksyon kaya naging gano'n ang aking reaksyon.

Hindi ko rin makuhang humingi ng tawad dahil kahit na alam kong maaaring nabastusan siya, ang naging kilos ko ay isang bagay na hindi ko kontrolado.

Nagpatuloy ang gano'ng pakiramdam hanggang sa pagbaba namin ng tric sa harap ng CIU. Siya ang sumalo sa pamasahe na hindi ko na nagawang tutulan pa.

"Ano... salamat," mahinang usal ko nang maiwan kaming dalawa.

"Sorry," he said instead.

Bahagyang nagsalubong ang mga kilay ko. "Bakit?"

Namulsa siya sabay bitaw ng isang tipid na ngiti. "Wala, huwag mo nang intindihin."

Mabilis kong nakagat ang aking pang-ibabang labi upang mapigilan ang sarili na magsalita. May mababaw na ideya naman ako kung ano ang tinutukoy niya subalit ayaw kong mas laliman pa.

"Hazel," mahinang sambit niya sa pangalan ko.

Imbes na sumagot ay naghintay na lamang ako nang sasabihin niya. Pero hindi siya agad nagsalita, taliwas sa inaasahan ko. Tiningnan niya lang ako nang walang lumalabas na tinig sa kaniyang bibig.

And it went on for a long period of time. Akala ko nga ay nagsasayang na lang ako ng ilang minuto ng buhay ko. Pero ilang sandali lang ay narinig ko na rin ang boses niyang baritono.

"I'm sorry if my touch made you uncomfortable. Nabigla yata kita," paghingi niya ng paumanhin sa akin.

Marahan akong umiling. "Okay lang. Sorry dahil naging OA na naman ako. Hindi ko sinasadiyang ma-offend ka."

"Silly." He ruffled my hair again. "It's okay to react to the way it makes you feel. Kung natakot ka, matakot ka. Kung nailang ka, mailang ka."

I felt comforted by his words once again. Kahit na simpleng mga salita lang sinambit niya ngunit ang epekto no'n ay sobra-sobra.

For once, I felt validated.

Iyong tipong hindi ko na kinailangan pang maglatag ng sampung pahinang eksplanasyon para lang maipaliwanag ang sarili ko sa ibang tao. Iyong reaksyon ko lang pero sapat na para maintindihan niya ako.

Hindi tulad ng iba na kahit paulit-ulit kong ipaliwanag ang isang bagay, na totoo naman, sinungaling pa rin ang dating ko.

"I'll pick you up later at Summit," he said with finality.

Imbes na tumangi ay tumango na lang ako sa kaniya. "See you later. Ingat ka."

Hindi na ako nakasagot pa nang tumalikod na siya. Pero hindi tulad nang inaasahan kong pagtungo niya sa paradahan ng mga tric para sa Summit, nagtuloy lang siya sa paglalakad patungo sa taliwas na direction.

"Saan ka? Nandito sa kabila ang toda," naguguluhan kong tanong.

Muli siyang humarap sa akin. Nakapamulsa na siya ngayon at hindi pa rin nawawala ang ngisi sa mga labi. "Wala akong natatandaang nagsabi ako na sa Summit ang tungo ko. Maggo-grocery ako." Malakas siyang nataea.

"Anong ibig mong sabihin?" salubong ang mga kilay na tanong ko.

I could clearly read between the lines this time. Ayaw ko lang pangunahan. Parang gusto tuloy ng isang bahagi ng isip ko magpa-emergency at tumawag sa fire station para agarang apulahin ang munting baga ng kakaibang emosyong nabuhay sa puso ko gawa ng sarili kong ideya.

Pero imbes na maagapan iyon at maapula bago pa man makapagdulot ng malawakang pinsala, muli lamang iyong sinindihan ni Emory. Nagmistula tuloy na isang itsa ang mga salita niya upang mas lumaki ang namamatay ng apoy na iyon.

At kahit ako ay alam kong huli na para pigilan iyon.

"Hinatid lang talaga kita," saad niya sa likod ng nakangiting mga labi. "At gusto lang ulit kitang makasama kahit sandali. Masyadong mabilis ang kagabi. At kasama pa si Sage kaya bitin. At least ngayon, mabilis man, tayo lang dalawa ang magkasama."

My mouth parted in failure to utter a word. Masyadong direkta iyon hindi tulad kanina na maraming paligoy-ligoy. Parang mas gusto ko na lang tuloy ang usapan namin kanina na may iniiwasang paksa. Kaysa sa ngayon na direkta man ngunit nauubusan ako ng salita. 

"Please take care of yourself, Hazel. At kung sakaling okay ka na talaga..."

Huminto siya sa paglalakad. Mas maliit sa dalawang metro ang pagitan namin ngayon pero sapat ang distansya para marinig pa rin namin ang sasabihin ng isa't isa.

"What, Emory?" tanong ko nang hindi niya sundan ang sasabihin niya.

Nakita ko siyang humugot ng isang malalim na hininga. "Reply-an mo ako. Kung pakiramdam mo okay ka na talaga, kahit isang text lang okay na sa akin. Makakatulog na ulit ako ng mahimbing."

"Stop it," mabilis na wika ko bago pa man siya tuluyang makaalis. "Spare me, Emory."

Nanatiling tikom ang kaniyang bibig. Seryoso niya akong tiningnan kasabay nang pagkaubos ng emosyon sa mukha niya.

"Wala sa plano ko na habaan pa ang listahan ng mga iniisip ko," saad ko.

"So, I do penetrate your mind, don't I?" He let out a smirk while eyeing me.

Not just my mind, Emory.

Not just my mind.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top