Chapter 11

Attraction

Marahil ay iniisip na ng kung sino mang makakakita sa aming tatlo na magkakaaway kami dahil sa katahimikang nakapalibot sa amin. I don't know how to break the silence nor doesn't have any idea on what the right words would be to say right at this moment.

Masyado kaming nagkakapaan. Kahit na ang dalawang lalaki ay wala ring imik kanina pa. To think that they were friends, they're too silent. Even before all three of us sat down here, we are mostly quiet. Dapat nga sila pa ang mas nag-uusap pero kahit sila ay kapuwa tahimik lang.

"Paano kayo nagkakilala?" tanong ni Emory.

Nag-angat ako nang tingin sa kaniya para alamin kung sino ang kausap niya. Turned out that he was looking at me as he asked his question. "Paano nga ba?" patanong kong sagot. Tiningnan ko si Caio para humingi ng tulong sa pagsagot pero tanging kibit-balikat lang ang kaniyang naging tugon.

"Hindi ko na rin matandaan. Grade 8 ako at Grade 7 ka naman then you joined the publication of our school kaya naging malapit kami sa isa't isa," kuwento ni Cai.

"Tapos nawalan tayo ng connection for almost a year dahil nag-graduate ka ng senior high," dugtong ko.

"Tapos pareho na kayong ng course na kinuha?" dagdag niyang tanong.

"Pareho kaming interesado sa photography way back in highschool. Kaya rin siguro nagkrus ang landas namin somehow," paliwanag ko. "Ikaw? Anong year mo na?"

"Hmm?" Emory began tapping his forefinger on the table. "Ako?" Napatingin siya kay Cai na katabi ko.

Sa pagtataka ko ay sumilay ang isang misteryosong ngiti sa mga labi niya na para bang may gustong sabihin o may inaalala.

"Hindi pa ako tapos. Actually, I'm not studying as of the moment. I stopped," he answered with a smile as if what he said isn't something to be sad about.

I became more curious about him and wanted to know more behind the skater boy that I know of him. To own Harbor means he must be fortunate enough in life. At expected ko na 'yong fact na degree holder siya. Turned out that he wasn't.

Ang dami lang kasi talagang anggulo ng buhay niya kung saan iba't ibang Emory ang ipinakikilala. One with him being a skater. Next is him being the owner of Harbor. Tapos ngayon, undergraduate pala siya.

"I used to take culinary arts, but due to personal matters I stopped in the middle of my second sem in my first year," he explained further.

"Bakit?" tanong ko bago ko pa man nagawang pigilan ang sarili ko.

Imbes na sagutin ako, nagkibit-balikat lang siya sa akin habang sumisimsim sa malamig na sprite na order niya.

Dahil hindi kontento sa nakuhang sagot, binalingan ko si Caio upang humingi ng sagot na hindi magawang ibigay ni Emory. Ngunit tulad ng huli, isang kibit-balikat lang din ang aking nakuha.

Imbes na ipilit pa ang interview sa dalawa, hinayaan ko na lang. Ayaw ko namang magmukhang curious na curious sa kaniya at baka kung ano pa ang isipin nila. Although harmless naman ang tanong ko na dala lang ng kuryosidad.

"Kailan kayo magsho-shoot?" tanong ni Caio.

Kusang naglakbay ang mga mata ko kay Emory. At hindi na ako nagulat pa nang makitang nakatingin din siya sa akin.

"Depende kay Hazel," nakangiti niyang sagot.

"Hazel?" Caio smiled meaningfully at me. Pasimple ko lang siyang sinipa sa ilalim ng lamesa.

"Why? What's wrong?" he asked, sounding confused on how Cai reacted.

"Hindi lang siya sanay," ako na ang sumagot.

Lahat kasi ng mga tao sa paligid ko ay mas sana na tawagin ako sa pangalawa kong pangalan, Renesmé or simply René. Kaya kahit ako, noong unang beses niyang tawagin sa una kong pangalan ay sobrang nanibago.

Cai shrugged his shoulders with a hint of playfulness on the way he stared at me. "So, bakit depende kay Hazel?" pagbibigay niya pa ng diin nang banggiting ang pangalan ko.

"Ayoko lang sumabay sa finals niyo. Sabi mo kasi finals niyo na simula Tuesday," simple niyang tugon niya na hindi binibitawan ang tingin sa akin.

"Eh, akala ko ba rush 'yong sa SkateBros dahil may ire-release kayong bagong item para susuno na buwan?" tanong ni Cai.

Kinain tuloy ako ng konsensya dahil doon. "Totoo ba?"

"Before, yes. But given your circumstances and tight schedule, I can make adjustments." He smiled at me reassuringly.

Napatigil tuloy ako sa pagpapaikot ng pasta ng spaghetti na order ko dahil sa naging sagot niya. I didn't see that one coming. Lalo na nag marinig mismo sa kaniya.

"Damn! Ikaw ba talaga 'yan, Mory? Ikaw na ayaw ng delays? Ikaw na mas advance palagi sa deadlines?" kantiyaw ni Caio na hindi na pinigilan pa ang sarili na malakas na matawa.

Emory shrugged his shoulders. "If delay on my end means comfort for Hazel then I don't see any problem with that."

Mas lalo akong hindi nakaimik.

The way he said those words sounded like they naturally slip from his lips. Wala akong marinig na pagpapanggap doon. Na para bang natural na bagay lang ang tinuran niya.

Lalo na sa pagitan naming dalawa.

"Iba ka talaga, 'Tol." Napailing na lang si Caio sa kaniya.

Again, Emory shrugged. "You told me that you both will get busy the following week dahil finals niyo," saad niya na ang kinakausap ay si Cai. "Wala namang problema sa 'kin. As long as it will be done before this year ends," he added casually.

Good, Lord. Totoo ba 'tong taong 'to?

Napabaling ako sa katabi ko. Magkaiba kami ng year level kaya magkaiba rin kami ng depinisyon ng pagiging abala. Base sa mga narinig ko mula sa kaniya ay indie film ang final requirement nila. Kaya ilang gabi na rin siyang nag-i-invest ng puyat sa eyebags niya para habulin ang deadline ng film nila. Tapos na silang nag-shoot at editing na lang ang kailngan.

Samantalang ako naman ay abala sa sarili naming proyekto sa iba't ibang major, lalo na sa storyboard ko. Isa na roon ay collage na hindi ko pa rin nagagawa hanggang ngayon. At after finals na ang deadline no'n. Idagdag pa ang documentary na ginagawa namin para sa mga abandoned children ng Home of Hope na for editing pa. Mabuti na lang ay si Romeo na ang umako.

No, we are not busy with sarcasm at maximum level.

Actually, naibabalanse naman sa mga raket kaya walang problema. Minsan lang talaga ay nagagahol lalo na si Cai na maraming ginagawa kaysa sa akin.

"Kaya naman," saad ko matapos ang ilang sandali.

I already felt how it was taking pictures of him. At napakadaling hulihin ng tamang anggulo para sa kaniya.

Mali. Wala palang maling anggulo dahil lahat ng litrato niya ay maganda ang kinakalabasan.

For someone who has already captured countless people, Emory's photographs were my favorite so far.

Photos of him got me feeling that I can be a good photographer just like what Cai has been claiming me as one. Hindi sa pagiging bias pero nagagandahan din kasi ako sa sarili kong mga kuha kung siya ang sentro. Isang bagay na hindi kadalasang nangyayari sa akin. Pero pagdating sa kaniya, ang ganda ng lahat. Kahit pa yata dalhin siya sa putikan ay hindi pangit ang kalalabasan.

I don't exactly know why. Maybe because each shows how he's deep in love with his passion for his profession.

Or maybe something that still remains a mystery to me.

"What if hindi maganda ang kalabasan ng mga kuha ko? You barely saw my photographs. Spontaneous lang iyong last time at hindi 'yong best shots ko. Paano kung hindi pumasa sa 'yo?" tanong ko.

At the back of my mind I am slowly trying to mask my nervousness for the said shoot. First time ko kasing magkakaroon ng solong kliyente.

Especially now that I am not particularly liking any of my photographs.

"Paano mo naman nasabi 'yan? Kahit wala ka sa hulog ang gaganda ng kuha mo," pag-alo sa akin ni Caio.

"Sira! Kaibigan kita kaya sasabihin mo talaga 'yan. But trust me, ang papangit ng kuha ko lately. Kahit nga sa event gigs natin recently below standards lahat," dismayado kong pahayag.

I am reviewing my shots earlier before I started studying and nothing stood out in particular. Kaya bumababa nang bumababa ang kumpiyansa ko para sa shoot kay Emory.

Kasi what if pangit nga talaga ang resulta? It would be a loss for him.

For some reason, this shoot makes me want to give it my best shot. Iyong tipong magagawa kong dalhin iyong buong shoot at hindi siya ang magdadala ng bawat kuha ko.

"Mag-sorry ka dapat sa sarili mo," wika ni Emory na nagpatigil sa pag-iisip ko.

Kunot ang noo na tiningnan ko siya na seryoso naman ang tingin sa akin. Bahagya pang nakakunot ang kaniyang noo na para bang hindi nagustuhan ang sinabi ko.

"Ha?" pagtataka ko nang hindi maintindihan ang kaniyang naging reaksyon.

"I stalked you. Nakita ko sa IG 'yong mga kuha mo, and everything's terrific. Kaya hindi ka dapat nagdududa sa sarili mo," sagot niya.

My mouth almost parted open upon hearing what he said. "You can't be talking about my main account," I uttered in disbelief pertaining to my personal Instagram account.

"I am not." Emory then grinned at me.

Tuluyan nang nalaglag ang panga ko sa hindi pagkapaniwala. How does he know that? Apat lang ang nakakaalam no'n maliban sa akin. My girls and Cai. Bukod doon ay wala na.

I made it with the intent of hiding my identity and made it focus only on my photographs. Napapagkamalan pa nga akong lalaki ng mga nagco-comment doon minsan. wala rin akong pina-follow kahit na isa doon. Kaya paano niya nalaman? Halos wala nga sa dalawang daan ng naka-follow sa account ko na iyon.

It's my gallery account on Instagram where I upload some of my photographs. Tagong-tago ko ang account na iyon at tanging ang dalawang letra ng pangalan ko lang ang hint na account ko iyon.

gallelry ang username ko roon at kahit ako hindi iyon fina-follow.

"Paano mo nahanap iyon?" tanong ko nang sa wakas ay makabawi.

"I've been a fan of that account ever since I discovered it by accident. Ang galing kasi. Ang gaganda ng mga kuha. Actually, your photographs have been my driving force in pursuing the same path. Kaya gumawa rin ako ng account para sa mga kuha ko. Ewan ba. Basta, kakaiba ang epekto sa 'kin," kuwento niya.

"Paano mo naman nasiguro na sa kaniya nga iyon?" tanong ni Cai. "Kahit nga ako hindi sure noong una, eh. Kung hindi pa sinabi sa akin ni René hindi ko makukumpirma na kaniya nga 'yon."

"May isa siyang picture na in-upload do'n. That was my hint," he proudly answered. "At 'yong caption na rin."

My brain began working overtime as it ransacks every memory I had of the post he might be talking about. Ngunit dahit sa tagal na rin no'n at hindi gano'n katalas ang memorya ko ay hindi ko namagawang maalala iyon.

"Sapat na ang nakita ko. At maniwala ka, magaling ka. Kaya hindi mo kailngan pagdudahan ang sarili mo," pagbibigay niya mg assurance sa akin.

Napabuntonghininga na lang ako. "Susubukan kong huwag kang i-disappoint."

Sa kabila ng agam-agam ko, ngiti ang isinukli ni Emory sa akin para panatagin ang loob ko. "You won't. I know, you won't."

Only if I could rely completely to his words. Kaso mas malaki iyong pagdududa ko sa sarili ko kaya hindi no'n kayang takpan iyong kaba at takot ko.

I want to do good and somehow prove to myself that I can take on a project on my own. I want to ace this one. Para kahit papa'no masabi sa sarili ko na kaya ko pang ipaglaban 'tong passion ko na 'to.

Matapos ang kaunti pang usap at kain ay umalis na rin kami roon para umuwi. At dahil malapit lang naman ang building namin ay naglakad na lang kami sa pangunguna naming dalawa ni Emory.

Caio, on the other hand, is behind us calling someone. Hindi ko masyadong marinig ang pinag-uusapan nila dahil may kalayuan din ang distansya sa pagitan namin. Sinasadiya niya kasing magbagal na para bang tinatago talaga ang kausap.

Wish ko lang na si Oltillie 'yon para naman sumaya na ang buhay pag-ibig ng kaibigan ko.

"Kumusta araw mo?" tanong ni Emory nang pantayan ang lakad ko.

"Ayos lang. Jampacked pero nairsos naman," tugon ko.

"Bakit? Busy sa school?"

Umiling ako. "Wala naman ako talagang ginawa. May inasikaso lang sa org at final projects. Mas nakakapagod lang sa utang ang mag-aral."

"Eh 'di dapat nagpapahinga ka na pala."

Nagkibit-balikat ako. "I needed some fresh air."

Pasimple akong umiling upang pigilan ang muling pagrehistro sa isip ko nang naging pag-uusap namin ni mama. To ruin this peaceful night would be the least that I wanted right now.

Gusto ko ng peace of mind, please.

"Kapag free ka, o kaya kapag gusto mo lang mag-unwind, punta ka sa Harbor. Welcome na welcome ka do'n," alok niya.

Bago ko pa man magawang pigilan ang sarili ko ay napatingala na ako sa kaniya. "Sigurado ka?"

Nagbaba siya ng tingin sa akin na may ngiti na ang mga labi. "Oo. Hanapin mo lang ako, sagot na kita."

I can't help but to let out a small smile at his words. Wala akong ideya sa kung ano man ang intensyon niya sa akin ngunit wala rin sa intensyon ko ang alamin pa.

Just for this night I want to be free from the dark shadows that keep on following my footsteps on the sand of memories from my past. Gusto kong maging malaya kahit pansamantala lang.

"Alam mo, kung assume-ra lang ako at jowang-jowa, binigyan ko na ng ibig sabihin ang mga sinabi mo. Masyado kang pa-fall, Emory," komento ko.

Narinig ko ang pagtawa niya. "Grabe, hindi naman. I am just offering you a place of comfort."

Muli ko siyang tiningala. At sa pagtitig ko sa kaniya, unti-unti kong napapagtanto na siya iyong taong may narating na.

Emory owns Harbor. He is successfully building his career as a professional skateboarder. He is now building his brand and name. Kumbaga sa karera, nasa gitna na siya. Nakakainggit lang dahil ako nananatili pa ring nakatayo sa starting line.

"Ang sarap siguro sa pakiramdam na may napatunayan ka na," wala sa sarili pagsasaboses ko.

"Hmm?" ungot niya.

Pansamantala kong ipinikit ang aking mga mata habang tahimik na dinadama ang paligid. Gone are the busy students and professionals who used to fill the busy day street of the sidewalk near our condo. The noise was now reciprocated by silence as if the city wasn't filled with chatters and laughter just hours ago.

Kaunti na lang din ang mga tao na bumabaybay sa kalsada kaya talagang masasabi kong payapa ang paligid ngayon. Iniwasan ko ang mapapikit nang maramdam ang malamig na simoy ng hanging malamyos na dumadampi sa aking pisngi.

Ang sarap no'n sa pakiramdam at napakagaan na para bang nagpapaalala na oras na para sarili mo naman.

"Ang hirap kasing mabuhay ng walang direksyon. Torture 'yong gigising ka para lang problemahin kung pa'no mo mairaraos ang isang araw o linggo," kuwento ko.

Kung bakit sa kaniya ako nagbubuhos ng sama ng loob ay wala akong alam. Halos hindi ko na nga kontrolado ang sarili kong bibig na gusto na lang siyang sumbungan ng aking mga hinaing.

Emory kept quiet on the other hand. Tahimik lang siyang sumasabay sa bawat hakbang ko habang tahimik na naghihintay sa pagpapatuloy ko.

"I'm living just to make ends meet. Walang leisure. Kung wala lang siguro ang mga kaibigan ko, baka nabuang na ako ngayon," dugtong ko.

Quick seconds passed but Emory still remained silent. Nilingon ko siya para lamang mabungaran ang mataman niyang pagkakatingin sa akin.

Agad na nagbawi ako nang tingin nang hindi mapamilyaran sa biglaang paglukob ng kakaibang sensasyon sa akin.

Why the hell on earth does he affect me so much?

"I know that feeling more than you'll ever imagine," he said with a soft chuckle.

"Paano? Eh, ang successful mo na nga," pagtataka ko.

Nagkibit-balikat siya. "Maybe I am able to achieve stability but not to the point where I am at peace." Bahagya siyang natawa sa sariling sinabi. "Puta, ang yabang."

Ako naman ngayon ang hindi nakapagsalita dahil hindi ko maintindihan ang ibig sabihin ng mga salita niya. Mukhang napansin niya iyon dahil nasundan ang katahimikang pumagitna sa amin ng mahina niyang tawa.

"You see, I also have my fair share of struggles where I had to go through long tunnels of darkness, had to walk at the edge of a clift, and had to dive into a deep ocean of nothingness. I was scared, and I still am, but my dreams are greater and bigger than my fears. That's why I strived hard to reach this far."

I kept staring at him, which allowed me to witness how his sweet smile turned into a bitter one.

Masyado ko sigurong nakasanayan ang maganda at maaliwalas niyang ngiti, kaya ngayong burado iyon ay kakaibang pakiramdam ang ibinibigay sa akin. At sa isang rason na hindi ko kayang ipaliwanag, bigla kong naramdaman ang kirot sa dibdib ko nang makitang wala ang kaniyang ngiti.

"Siguro may mga aspeto ng buhay na masasabing kong successful ako. Pero hindi pa. Malayo pa. Ang dami ko pang gustong patunayan. At ang dami ko pang gustong simulan," sagot niya sa akin.

"Tulad ng?"

Huminto siya sa paglalakad kaya napahinto rin ako. I was steps ahead of him, that's why I had to turn my body to face his direction. There was this soft smile plastered on his lips while his eyes were gently looking at me.

"Makilala ka. Gusto kong makilala ka," seryosong sabi niya.

I expected myself to remain calm and collected, to still feel normal, and to not get affected. But soon as he took a step closer towards me, that was when my heart lost it.

Nabuhay ang tahimik kong puso, naging maligalig ang tibok no'n. Napalitan ang kalmado nitong tibok at gumawa ng bagong ritmo. It was as if it was a newly implanted organ in my body that feels foreign like it wasn't mine at all.

Umpisa pa lang alam ko na sa sarili ko na attracted ako sa kaniya. For the first time in my life, na-attract ako sa isang lalaki! Tanggap ko na iyon dahil sino ba naman ang hindi maa-attract sa kaniya? Emory's adorable to look at. Ang lakas ng dating, ang dedicated sa ginagawa, ang bait, at palaging nakangiti.

Siguro kapag tumagal magbabago rin ang mga impresyon ko sa kaniya. Pero ngayon, iyon ang mga dahilan kung bakit na-attract ako sa kaniya.

Pero ang hindi ko lang inaasahan ay kung paano nagre-react ang puso ko ngayon, kung paano nito pinkaikilla sa akin ang mas malalim pang narardaman kay Emory maliban sa atraksyon.

Posible ba iyon? Na magustuhan mo ang isang tao na hindi mo naman kilala ng lubos? Na magustuhan mo siya dahil lang sa mga naririnig at nakikita mo.

Oo, posible.

Sa kaniya.

"A-Ano?" nabibigla kong tanong.

Muli, ngumiti siya ng matamis sa akin. "I want to know more about you, René. Sana pahintulutan mo ako."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top