Chapter 10
Neighbors
Finals week is fast approaching. Tatlong araw na lang ang mayroon ako para mag-aral. Parang sa bawat kurap ko ay isang araw ang mabilis na nauubos sa akin. Nakakaiyak lang dahil ang dami pang kailangang gawin.
I'm not the best at being organized. Kaya ang hirap ibalanse ng life lately. But it's getting better each day. Unti-unti nang nababawasan ang mga kailangang i-review pero hindi pa rin nauubos ang mga kailangang tapusin.
But thankfully, unlike my usual hell week back from my previous semesters, I found myself having the luxury of being less stressed this time.
Because of someone.
Skater-boy
7:48 PM
Heard from Sage that you're quite busy with your upcoming finals.
Don't think of our shoot yet, it can wait.
Study well!
Hinga ka rin paminsan-minsan. :)
A smile formed on my lips, an automatic response. Bakit parang ang dali namang ngumiti?
Maingat kong binaba ang phone ko sa ibabaw ng lamesa at tinitigan sa ganoong posisyon ang muling binasa ang bawat salita sa chats niya. I am thinking of what to reply. Or to reply at all. Hindi ko naman alam kung ano ba ang dapat na sabihin.
But more than a minute passed, and I am still filled with blank thoughts. Never naman kasi ako nakaranas ng ganito.
In the end, I have decided to take on the most logical approach.
Skater-boy
8:03 PM
Hello! 👋🏻
Pwede ko hingin email mo? Para mashare ko sayo GDrive ng shots ko last Sat. 😁
I am not expecting for him to reply immediately. Lalo na't minuto na rin ang lumipas noong huling chat niya. That's why it surprised me to see three dotted lines on his end, waving, as a sign that he's typing for a reply.
Grabe, hawak ba niya ang phone niya palagi?
Skater-boy
8:04 PM
Mabilis kong c-in-opy ang email niya para i-add sa drive folder na ginawa ko for him. Ilang beses ko pa 'yong binalikan kagabi para lang masiguro na walang ibang mahahalong 'di kaaya-aya ro'n. Lalo na 'yong mga OA na close up shots ko sa kaniya.
Skater-boy
8:05 PM
Oks naaaa!
Thank you!
No.
Ako dapat mag thank you because you accepted this project despite your busy schedule.
Sino ba naman ako para tumanggi? 🤗
Ikaw na 'yan, eh.
Malalim akong nagbuntonghininga sa sariling daloy ng mga salitang umiikot sa isip ko. Hindi na talaga ako 'to. Masyado na akong binabago ng atraksyon ko sa kaniya.
I was about to go back to studying when my phone rang for a call. Nang tingnan ko 'yon ay para bang nabuhayan ang puso ko.
"Ma!" excited ko sagot.
"Hazel, anak. Kumusta ka na?" Narinig ko ang buntonghininga niya. "Pasensya ka na at hindi ako nakatawag nitong mga nakaraan. May nangyari lang."
"Okay lang ako, Ma. Ikaw? Okay ka lang ba d'yan?" balik kong tanong.
"Ayos lang ako dito. Kaunti na lang, 'nak. Uuwi ako bago pasko," nangangakong aniya.
Napuno hindi lang ng galak kundi maging ng kaginhawaan ang puso ko dahil doon. I haven't seen her in almost seven years now. At kahit ang komunikasyon namin nitong mga nakaraan ay nabawasan din.
I've been having this growing suspicion as to why she's been out of reach for a while. I just can't pick up my broken courage to ask.
Siya na lang ang nag-iisang pamilya na mayro'n ako. At ayaw kong pati siya mawala pa sa buhay ko.
"Nagtitingin-tingin na rin ako ng p'wede nating lipatan kapag uwi mo." Umukit ang isang ngiti sa mga labi ko. Maisip pa lang na makakasama ko siya ay napupuno na nang tuwa ang puso ko.
I've been wanting to reunite with her for good. Simula kasi 7 years old ako nasa abroad na siya. Nakalakihan at nakasanayan ko na lang na wala siya. Kumapit na lang ako sa mga pangako niya na babalik siya.
Although her absence had scarred my childhood, her promise saved me in the most terrifying years of my teens.
But despite the echoes of excitement in my heart... Her answer is dead silence.
Mahina siyang umubo. At agad kong naintindihan ang nais ipahiwatig no'n. Hindi siya sigurado. "Oo nga pala, nakapagpadala na ako ng pera."
Naramdaman kong nanlaki ang mga mata ko. Dali-dali kong ni-loudspeaker ang tawag para magawa kong i-check ang online bank ko kung saan nagpapadala si Mama.
Pero gano'n na lang din ang pagtataka ko nang makitang wala namang laman ang bangko ko. "Wala naman," nagtataka kong sabi.
"Nasa Papa mo."
Tuluyan akong natigilan at nawalan ng imik. At gano'n kabilis na naramdaman ko ang pamamanhid ng aking kamay. Mabilis na umingay ang pagtibok ng puso ko at agad iyong napuno ng takot.
"Ma, naman," dismayadong saad ko.
"Pasensya ka na talaga, anak."
Pinigilan ko ang mapabuntonghininga. Parang mas lalo lang lumalala ang migraine ko dahil sa narinig ko. Marahan kong inilapat ang palad ko sa aking dibdib, umaasang magagawa no'ng pahupain ang umiingay na tibok ng puso ko.
"Bakit kasi sa kaniya mo pa idinaan? Alam mo namang sa alak at sugal lang niya gagastahin iyon," pigil ang inis na saad ko. "Who knows baka drugs na pala ang bago niyang paborito ngayon," dagdag ko kasabay nang pagrolyo ng aking mga mata.
Sinubukan kong kalmahin ang sarili ko kahit na tuluyan nang naghahalo ang takot at inis sa sistema ko. Kung hindi nga lang kabastusan ang magtaas ng boses baka kanina ko pa ginawa.
Nakakadismaya ng sobra.
Of all people, my mother knew better not to give that man her money. Dahil hinding-hindi dadating sa akin. Hindi ako maaambunan. At wala akong balak manlimos sa taong iyon.
"Hazel!" strikto niyang tawag sa akin gamit ang una kong pangalan. "Tatay mo ang pinag-uusapan natin dito. Huwag kang maging bastos."
Kailan pa naging kabastusan ang pagsasabi ng totoo? Sabagay, wala nga naman pala siyang alam dahil matagal na siyang hindi umuuwi ng Pinas.
Ang huling memorya niya marahil ay nang ihatid namin siya sa airport ilang taon na ang nakararaan. Pitong taon? Isang dekada na nga yata ang lumipas. Kaya wala siyang alam kung anong klaseng pamilya na ang mayroon kami ngayon.
"Gusto kang makita ng Papa mo, Hazel," sabi ni Mama, malumanay na ngayon.
"Ako, ayoko. At hindi ko kailanman gugustuhin na makita ang halimaw na 'yon." Marahas akong nagpakawala ng malalim na hininga, nagpapakalma. "H'wag mo na lang intindihin, Ma. Nandiyan na 'yan, eh. Ako na ang bahala sa sarili ko," hindi naitatago ang inis na saad ko. Ibinaba ko na rin ang linya pagkatapos.
Ang sabi ko kanina ay gusto kong matulog ng payapa dahil pagod ako sa maghapon. At masakit na rin ang ulo ko sa pag-aaral. Pero iba ang ibinigay sa akin ng gabi na ito. Inis at iritasyo.
Sa isang banda, naroon na naman ang paggapang ng takot dahil sa huling mga salita ni Mama. To be with my father is the last thing I wanted right now, in my whole life. Even just hearing that intention scares me. At naiinis ako sa katotohanang alam ni Mama 'yon pero nagagawa n'ya pa ring balewalain ang lahat na para bang simpleng problema lamang ang mga bagay-bagay.
Which is the contrast of what reality is. Dahil kailanman ay hindi magiging gano'n kasimple ang lahat.
Nakailang sumbong na ba ako na hindi niya ako pinakinggan?
I did some breathing exercises to ease the growing tension inside me. Now I want to be angry at my mother for bringing up such topic late at night. Mukhang hindi na naman tuloy ako makakatulog ngayong gabi.
I glared at my phone when it rang again thinking that it's my Mom who is calling. Turned out that it was Cai. Mabuti na lang at hindi ko pa naa-adapt ang ugali ni Carmen na sumasagot ng tawag nang hindi tinitingnan ang caller ID.
"Gabi na," bati ko.
"Alam ko," pagbabalik niya ng sarkasmo sa akin. "Nasa lobby ako, punta ka dito."
Hindi ko na pinag-isipan pa ang mga sumunod na aksyon. I ended the line and took my cardigan from my small drawer to cover my long white we bare bears daster. Siniguro kong naka-lock ang pintuan ng condo ko bago tuluyang umalis para puntahan si Cai.
It isn't hard to spot him since he's standing right on the center of the floor. Nakapamaywang pa gamit ang isang kamay habang ang bakante naman ay cellphone ang hawak.
"Cai," pukaw ko sa kaniyang atensyon.
His wide smile greeted me before signaling me to get closer to him. "Kain tayo," anyaya niya. "Alam kong hindi ka na magluluto kaya sumama ka na lang sa akin."
"Ang sweet mo naman pala? Kailan pa?" biro ko.
"Matagal na." Mahina siyang tumawa bago nagpatiuna sa paglalakad palabas ng building.
Perks of having your friend living in the same place as yours. May makakasama ka. I needed fresh air to clear my mind, but I don't really want to walk along the night street alone. Mabuti na lang at marunong t-um-iming itong si Caio.
We continued walking in silence. I have always been comfortable with Caio ever since. Napaka-brother figure niya kasi. At dahil nag-iisang anak lang naman ako ay bago sa akin ang kaniyang pakikitungo.
He's always there for me.
And he got my back all the time.
"Saan tayo? Libre mo?" tanong ko, tinutuldukan ang ingay ng katahimikan sa pagitan namin.
"Sa paborito mo. And yes, my treat, of course." Nagbaba siya nang tingin sa akin para ngitian ako.
Nabuhay ang antisipasyon sa akin. At times like this, comfort food is really something that I am seeking.
Tinungo namin ang daan patungo sa Jollibee na malapit lang sa condo. Walking distance lang naman 'yon kaya walang problema sa amin ang paglalakad.
In the middle of our conversation, our voices was overpowered by a familiar rumbling noise. I Immediately recognized what the sound was.
Mabilis akong napabaling sa kanan namin para hanapin ang pinanggagalingan no'n. At hindi naman ako nahirapan dahil siya lang ang nag-iisang tao roon.
"It's Emory," Cai said while looking at the same man I have my eyes on.
"Anong ginagawa niya dito?" tanong ko, not really towards Cai but more of a question to myself.
"Baka masapak mo na talaga ako kapag sinagot ko ang tanong mo." Huminto siya sa paglalakad kaya napahinto na rin ako.
"Bakit?" Salubong ang mga kilay na hinarap ko siya.
"Emory lived two floors above yours."
Halos malaglag ang panga ko sa narinig. As in literal na umawang ang mga labi ko sa gulat. "You're joking," hindi makapaniwalang saad ko.
As much as I wanted to deny the reality, Caio shaking his head made the truth sink in. "I'm not. Kalilipat lang niya isang linggo na ang nakararaan. I just can't tell you. You might be uncomfortable."
Of course, I will be uncomfortable. Pero pinigilan ko na lang na maramdaman 'yon dahil wala naman akong sapat na rason. He's a client and that should be all.
But why does it feel like the world is shrinking for us now that we live in the same place?
"Bakit dito?" wala sa sariling tanong ko.
I heard Cai let out a sigh. "I recommended it. Naghahanap kasi siya ng lilipatan."
"I hope you are not scheming anything, Cai," saad ko sa nagbabantang tono.
He just shrugged his shoulders at me while trying to surpass a smile on his lips. Binalingan niya si Mory at umastang tatawagin ang lalaki. Huli na para tutulan ko 'yon dahil magsasalita pa lang sana ako upang pigilan siya ay nagawa na niyang tawagin ang pangalan ng lalaki.
"Siraulo ka talaga," naninising bulong ko sa kaniya.
Natatawang namulsa siya at nilapitan na si Emory. Utaras ako ng kaunti at bahagyang nagtago sa likod niya. Sabay naming pinanood ang paglapit ni Emory sa amin sakay ng skateboard na palagi niyang kasama.
"Sage," nakangiting bati niya kay Cai. Marahan niya akong binalingan tangan pa rin ang kaparehong ngiti. "Hazel."
"Naligaw ka na naman 'no?" tanong ni Cai sa kaniya kasunod ng mahinang tawa.
"Yeah, I don't have a good sense of direction, man," he admitted.
"Sama ka na sa amin ni Renesmé," anyaya ng magaling kong kaibigan.
My eyes widened at what he said. Napalapit tuloy ako ng wala sa oras kay Caio. Pasimple kong inilapat ang kamay ko sa likod niya para bigyan siya ng simpleng kurot. Siya naman ngayon ang nanlaki ang mga mata nang magbaba ng tingin sa akin.
"Masakit, ah, René," saad niya ngunit naroon ang pagpipigil ng tawa.
Pinaikutan ko lang siya ng mga mata ko. Kung p'wede lang siyang sabunin, ginawa ko na kanina pa. But I don't want to make a ruckus out of something like this. Baka ano na naman ang isipin ng Cai dahil sa magiging reaksyon ko. Isa rin 'yang sugo ni Burn na atat na atat na makipagrelasyon ako.
"I don't think Hazel would be comfortable with the idea," Emory said.
The ultimate answer for that is a yes. Well, that's before he made me feel a bit safer. And Cai's with me so there will be no problem, at all.
And for once I don't want to be chased by those dark memories. I want to experience having liberty to breathe freely. It felt like a rebellion I wanted to do to show the people who wronged me that I survived the storm they brought in my life.
I want to survive.
I let a small smile form on my lips when I diverted my gaze towards Emory. "Okay lang. Sama ka na."
Nananantiyang tiningnan niya ako. Tumabingi pa ng bahagya ang ulo niya para silipin ako mula sa bahagyang pagtatago sa likod Caio. "Pa'no ka? Okay ka lang ba?" pagtatanong niyang muli.
Kaparehong tanong lang iyon na madalas kong naririnig sa kaniya. Hindi na iyon bago sa akin pero ang kakaibang pakiramdam ay naroon pa rin. Ang pinagkaiba lang ng sitwasyon ngayon ay may sagot na ako sa kaniya.
Isang sagot na alam kong hindi isang daang porsyentong gusto niyang marinig. Pero tulad ng nais niya, ay tapat iyon. Walang halong pagkukunwari.
"I'm not. But I'll be fine," I finally answered with a smile.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top