[3] Surrender My Heart
CHAPTER THREE
"PATAWAD sa inyong lahat," taas-noo niyang sabi. "Hindi ako sang-ayon na magpakasal si Lucille sa taong hindi niya mahal dahil lang sa isang kalokohan. Huwag na lang sana siya. Hayaan na lang natin siya sa taong mahal niya. Mahirap bang gawin 'yon? Kung nabubuhay lang si Lolo, tiyak na hindi siya sasang-ayon dito. Oo nga at may napagkasunduan ang dalawang pamilya, pero alam kong mas mahalaga pa rin para kay Lolo ang kaligayahan naming mga apo niya kaysa sa anupamang kasunduan na 'yan." Tiningnan niya si Julian na tila ba natulala na lang sa kaniya. "I know you know what I mean, Julian. But this shoes, no matter how careful and wonderful it was made, is still just a shoes at the end of the day." Hinubad niya ang sapatos at inilagay ang mga iyon sa kamay nito. "I'm really sorry, everyone."
Pagkasabi ay tumakbo siya palabas ng mansiyon na iyon. Habang papalayo siya ay dinig na dinig pa niya ang panggagalaiti ni Tiya Lucinda at ni Wendell.
"Lyra, hang on!" tawag sa kaniya ni Julian na hinahabol siya.
"Utang-na-loob, Julian! Marami pang babaeng nababagay sa'yo!" hindi humihintong sabi niya.
Nang makalabas siya ng gate ay tumingin siya sa kaliwa at kanan niya. Walang senyales na may paparating na taxi kaya nagtago siya sa pinakamalapit na puno at nagtago bago pa man siya makita ni Julian. Abot-abot ang kaba sa dibdib niya. Pagkatapos ng gabing iyon ay wala na siyang mukhang maihaharap dito at sa pamilya niya. Nahigit niya ang paghinga nang makarinig siya ng mga yabag.
"Lyra? Are you still here? Let's talk!"
Hindi ngayon, Julian...
"I KNOW na-disappoint kayo, Dad. I'm sorry."
Pagkarating na pagkarating ni Lyra sa bahay niya matapos niyang magpahatid sa taxi ay tinawagan niya agad ang Daddy Leon niya.
"No, don't ever think that you have disappointed me, hija. You did the right thing. Kilala ko si Jakob. He's a good man at hinding-hindi magsisisi si Lucille sa kaniya. Lucinda is very mad right now but I warned her that she can't sue you. Malaki ang pabor na gusto niyang hingin mula sa 'kin at ayaw niyang magalit ako. She should know na sumusobra na siya. Uunahin pa niya ang pansarili niyang ambisyon kaysa sa kapakanan ni Lucille."
"Y-you've always been my saviour..." naluhang sabi niya.
Bakit ba nagiging iyakin na siya lately?
"Dahil anak kita, Lyra. At hindi ko hahayaan ang sino at ano man na saktan ka."
Napasinghot pa siya at pinahid ang mga luha niya.
"I'll see you tomorrow, Dad!" aniya sa pinasiglang tinig. "Good night. I love you!"
"I love you more, anak. Good night. Magpahinga ka nang husto."
Siguro nga kailangan na niyang magpahinga. That was a tough night for her. Alam niyang hindi na magiging ordinaryo ang buhay niya magmula sa gabing iyon.
SA ABOT ng kanyang makakaya ay sinikap niyang umakto nang normal nang sumunod na araw. She had been praying na sana ay ligtas na makarating sina Lucille at si Jakob sa patutunguhan ng mga ito at maging maayos ang kalagayan ng mga ito sa lahat ng pagkakataon. Noon pa man ay hinahangaan na niya ang pagmamahalan ng mga ito. Kahit langit at lupa ang pagitan ng dalawang iyon ay hindi naman iyon naging hadlang upang mahulog ang loob ng mga ito sa isa't isa.
Fourth year college na sila nang maging mag-on ang dalawa. Scholar ng university nila si Jakob dahil mahirap lamang ang pamilyang pinanggalingan nito. Dahil masipag si Jakob ay nakapasok naman ito sa kompanya ng Dad niya hanggang sa na-promote at nakaipon na para sa future nito at ni Lucille. Si Tiya Lucinda lang talaga ang kumukontra sa pagmamahalan ng mga ito dahil gusto nito na anak-mayaman ang maging manugang nito.
And speaking of pag-ibig, nakita niya si Rizly na mag-isa at mukhang wala sa sarili kaya nilapitan niya ito at kinausap. Ilang beses na rin itong naging customer ng restaurant at nakausap na rin niya ito minsan. Iyon nga lang, kung dati ay may kasa-kasama ito, ngayon ay mag-isa ito.
"Hindi ka na nag-react diyan," untag nito nang matahimik siya matapos nitong magkwento. Kumuha ito ng panibagong tissue at pinahid ang mga luha nito.
Natapos na raw kasi ang pekeng relasyon nito sa lalaking nagngangalang 'Luigi' at kailangan na ni Rizly na ipaubaya ito sa babaeng totoong mahal ng lalaking iyon kahit pa nga na nahulog na nang tuluyan ang loob nito.
Napangalumbaba naman siya at napalatak. "E hindi ko naman kasi alam kung ano'ng ire-react. Seriously, hinayaan mo lang siya?"
"Bakit hindi? E sa do'n siya sasaya, e."
"Pero bakit hindi mo siya hinintay nang magkalinawan kayo?"
"Matagal na kaming nagkalinawan. Pagkatapos ng peke naming monthsary, itatama na namin ang lahat. Hindi ko kayang makita siyang nagti-thank you dahil sa nagkabalikan na nga sila ng babaeng totoo niyang mahal. Alam mo ba kung gaano 'yon kasakit?"
Tumango-tango naman si Lyra. Hindi naman niya kailangang maranasan ang pinagdadaanan ni Rizly ngayon para malaman niya ang sakit na dinaramdam nito.
"Kungsabagay, may point ka naman diyan. Pero hanggang kailan ka magtatago sa katotohanan, kapag tama na ang mali?"
"Wala naman akong planong pagtaguan ang katotohanan nang matagal, e. Na-realize ko na ako lang din naman ang mahihirapan sa huli. Ako yata si Rizly! Heto nga, o. Babalik na ako at haharapin ko siya. Gusto ko siyang makitang masaya. Okay lang kahit hindi ko na masabi sa kaniya na mahal ko siya."
"Sorry, ha. Wala akong mai-advice sa'yo na matino."
Napasinghot si Rizly. "Okay lang 'yon. Buti nga nagtiyaga ka pang pakinggan ang kadramahan ko, e."
"Oo nga, masakit. But you have to be brave. It takes a lot of courage to move on, Rizly, alam mo 'yan. Kausapin mo na siya. Don't be afraid to tell him how you feel. Sabihin mo na hindi ka galit sa kaniya at kakayanin mo ang pinagdadaanan mo ngayon." Itinaas niya ang kamao sa ere. "Aja?"
Ginaya naman siya nito. "Aja."
"Kaya mo 'yan. Tayong mga babae, mga palaban dapat tayo. Sa mga fairytale na lang nag-i-exist ang mga dumb-sel-in-distress, 'no," sabi pa niya. Kasi hindi sa lahat ng pagkakataon ay may dadating na prinsipe na magsasagip sa kanila.
Speaking of prinsipe!
Gayon na lamang ang panlalaki ng mga mata niya nang mapadako ang tingin niya sa entrance ng restaurant nang may pumasok na hindi basta-bastang nilalang.
Lagot na!
"O, bakit?" takang tanong ni Rizly.
Lumingon ito at nakita nito ang palinga-lingang si Julian.
"Sino 'yan? Kilala mo?" tanong nito sa kaniya habang tinutuyo nito ang mga luha.
"Si Julian Stevens 'yan," sagot naman niya sa ipit na boses.
"Ha?"
Kinuha niya ang menu at pinangtakip sa mukha sabay tayo.
"May kasalanan ako sa kaniya. Ako ang dahilan kung bakit wala na siyang fiancée ngayon."
"Eh?"
"Lagot ako kapag nakita niya 'ko. Kailangan ko nang umalis at magtago." Paatras siyang humakbang habang nakatakip ang menu sa gilid ng kaniyang ulo. Wrong timing talaga palagi ang Julian na ito, o. "Follow your heart. Aja!" aniya sabay suntok sa ere.
Kailangan niyang makapagtago. Saan ba siya pupunta? Hindi dapat siya nito makita dahil tiyak na pananagutin lang siya nito. Ang mas malala pa, baka putulan siya nito ng ulo!
Nang pumihit siya paharap ay nasagi pa niya ang isang silya kaya napatingin sa direksiyon niya ang mga customer sa katabing mesa. Sumenyas lang siya ng peace sign sa mga ito at tumalilis papuntang CR ng mga babae. Nagkulong siya sa isa sa mga cubicle at maingat na nagpakawala ng buntong-hininga. Mukhang magkukulong muna siya doon hanggang sa tuluyan nang makaalis si Julian. Mga okay na siguro ang isang oras.
Isang oras! Amoy-inodoro na ako nito pagkatapos n'on!, paghihinagpis niya.
Pero para namang may magagawa pa siya. Kung bakit naman kasi tinakasan siya ng tapang. E di sana hinarap na lang niya ito kanina. Ano bang problema niya?
Napapisik siya nang may kumatok sa pintuan ng cubicle na kinaroroonan niya. Kapag minamalas nga naman siya. Doon pa natiyempuhan ng isang customer sa pinagtataguan niya!
"Sorry. Masakit talaga ang tiyan ko, e. Hindi pa 'ko pwedeng lumabas," pagdadahilan niya.
Pero nagpatuloy ang pagkatok. At naging sunod-sunod pa nga! Nagbuntong-hininga siya. Kasi naman!
Sa huli ay binuksan na rin niya ang cubicle.
"Masakit pa talaga ang tiyan ko-" Hindi!
"How bad does it hurt? Tell me."
Ang nakatayo sa likuran ng pintuan ay walang iba kundi si Julian lang naman. She's doomed!
"Julian, mate!" sabi niya at alanganing ngumiti. "'Musta na? Naligaw ka yata? CR ng mga babae 'to."
"You love running away from me, don't you?"
"You love wearing suits, don't you?"
"And here I am running after you twice. Only, I'm not gonna let you slip away this time."
Ah, his gorgeous accent.
"Wala ka nang magagawa pa para habulin ang pinsan ko, Julian. Umalis na siya. Kasama ang lalaking tunay niyang mahal," taas-noo niyang sabi.
Dahil matangkad ito ay ito naman ang nagbaba ng mukha.
"But you are still here. I can sue you and make you pay for the damage you've caused my family. I reckon of it as sabotage. I bet you don't want to stay in jail for the rest of your life, do you?"
Napamaang siya. Siya, mabubulok sa kulungan?
"Hindi mo pwedeng gawin 'yon!"
"I can do whatever I want, milady. I am Prince Julian of Conroy."
"Malay ko ba kung saan ang Conroy na 'yan. Nagugu-Google Earth ba 'yan?" ismid niya.
Despite his seriousness ay nakuha pa niyang patawanin si Julian sa kalokohan niya.
"Come on, Lyra. Why don't we get out from here and talk formally?"
Napayakap siya sa pintuan.
"Ipakukulong mo 'ko! Kung sa tingin mo e maiisahan mo 'ko, maling-mali ka, Julian!" Itinuro-turo pa niya ito.
Gayon na lamang ang pagkislap ng mga mata ni Julian habang pinagtatawanan siya. Lokong Briton ito, a? Upakan kaya niya ito?
"And you reckon I could do that to a beautiful lady like you?" tumatawa pa ring tanong nito.
Natigilan naman siya. Tinawag ba siyang magandang babae ni Julian? Parang ayaw naman niyang maniwala. Sina Lolo Poldo at Daddy Leon lang naman ang tumatawag sa kaniyang maganda siya.
"Hindi mo naman ako kailangang bolahin para lang pumayag akong makipag-usap sa'yo, e. Hindi ako maganda. Tanggap ko na 'yon." Lumabas siya ng cubicle at naghugas ng kamay sa lababo.
Napawi naman ang tawa ni Julian at seryoso ang tinging sinundan siya.
"You don't know you're beautiful?"
Nagkibit-balikat lang siya at pinahid ang mga kamay sa kaniyang palda.
"Halika na. Baka maeskandalo sa atin ang mga papasok na customer dito."
Nilagpasan niya ito at naglakad papunta sa direksiyon ng opisina niya.
"You really don't know you're beautiful, Lyra?"
"Hindi ka ba titigil?" pakli naman niya.
"Baby, you light up my world like nobody else..."
Nanlalaki ang mga matang hinarap niya ito kasabay ng pag-iinit ng buong mukha niya.
"The way that you flip your hair gets me overwhelmed..."
Oo na, maganda na ang boses nito. Kung hindi pa niya alam, inaasar lang naman siya nito.
"Shut up, Julian!" she hissed.
Nang pareho na silang makapasok sa opisina niya ay isinara niya ang pinto at sumandal doon.
"But when you smile at the ground it ain't hard to tell..."
Napameywang siya at binigyan ito ng nagbabantang-tingin.
"You don't know oh-oh..." Pinagkrus ni Julian ang mga braso sa tapat ng dibdib nito at patagilid na sumandal sa tabi ng pintuan. "You don't know you're beautiful."
Inilagay niya ang mga kamay sa magkabilang tenga.
"Okay, ikaw na ang pwedeng pumalit kay Zayn Malik pero utang-na-loob naman, Julian!"
"Don't you know how beautiful you are last night at today, milady?"
"I am not your lady!"
"Will you be my lady then?"
"Hindi nga ako nakikipaglokohan sa'yo!" napipikong ani Lyra.
Natatawang napaayos ng tayo si Julian at humalukipkip.
"But you are beautiful, Lyra. Is it that hard to believe?"
Ibinaba niya ang mga kamay at nagbuntong-hininga.
"Si Lolo at Dad lang ang nagsasabi sa akin na maganda ako. Kapag ibang tao kasi, ang hirap paniwalaan. Hindi naman kasi talaga ako kasing ganda ng pinsan at mga kapatid ko."
"Because you are beautiful in your own way. You don't need to compare yourself with them. And what I admire more about you is that you don't have any pretentions. You're not afraid to say what's on your mind. And ladies like you are hard to find nowadays," he said matter-of-factly.
Pakiramdam naman niya ay may mainit na kamay na humaplos sa puso niya. She had been waiting for someone to say those words to her. At sa isang katulad pa ni Julian.
"H-hindi mo na ipapaputol ang ulo ko?"
"What?" natawa na naman ito. "Why would I do that?"
"Kasi nga binigyan ko ng kahihiyan ang pamilya mo."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top