[2] Surrender My Heart
CHAPTER TWO
SO ANG lalaking nakigamit ng banyo sa opisina ng lolo niya ay si Prince Julian Stevens na pala. Kaya pala ganoon na lamang ang pag-iinarte ni Luane na hindi rito nagkasya ang sapatos. At bilib naman siya kay Lucille dahil hindi man lang ito naakit sa lalaki. Talagang nasa boyfriend nitong si Jakob ang puso nito at imposible nang mabawi iyon ng kung sino.
Naupo siya sa bench ng garden sa likuran ng mansiyon. Hindi na siya sumama sa salu-salo ng mga ito para pag-usapan ang mangyayaring engagement nina Lucille at Julian. The perks of being an invisible. Kung hindi pa niya alam, hinihintay lang ng mga ito na mawala siya sa paningin ng mga ito.
Pero imposible namang hindi magustuhan ni Julian si Lucille. Mga bata pa lamang sila ay hindi na tinatantanan ng mga manliligaw ang pinsan niya habang siya naman ay palaging naka-chaperone dito. Dati pa man ay hindi na siya pansinin sa eskwelahan nila lalo na nang ipagkalat ni Luane sa buong klase nila na isa siyang bastarda. Wala namang kaso iyon dahil nasanay na siya rito. Mabuti na iyong nalaman niya kung sino ang mata-pobre at hindi.
Nagbuntong-hininga siya kasabay ng pagputol niya ng isang santan sa kaniyang tabi.
Gusto ko rin namang magka-love life, 'no!
Kaya lang, may tatanggap bang lalaki sa kaniya sa kabila ng pagkatao niya? Na isa lamang siyang anak sa labas at itinuturing na sampid ng nakalakihan niyang pamilya? Napatunayan naman na niyang meron siyang silbi at lahat ay nasa kaniya na. Malakas na ang kita ng restaurant simula ng siya ang humawak niyon at hindi pa nga niya nagagalaw ang naiwang trust fund sa kaniya ni Lolo Poldo. Napag-isipan na nga niyang ibigay na lang iyon sa ampunan para maraming bata ang makinabang. Hindi na niya kailangan ng maraming pera. Love life lang, okay na.
Love life, 'asan ka na ba?
"Ah, you're here!"
"Waah!" hiyaw niya dahil sa pagkagulat at naitapon nang hindi sinasadya ang santan.
"'You okay?"
Dinampot ni Julian ang santan at ibinigay sa kaniya. Hindi muna niya agad tinanggap iyon dahil napatulala siya sa mukha nito. Hindi hamak na mas gwapo ito sa malapitan.
"You are?"
"L-lyra. My name is Lyra." Kinuha niya ang santan sa kamay nito. "Thanks."
"My name is Julian Stevens. I'm sorry if I scared you."
At nakakaaliw pakinggan ang accent nito. Kung siya siguro ang may British accent, hindi siya titigil kakasalita.
"It's okay. N-nasanay lang talaga ako na ako lang ang nagpupunta rito kaya nagulat talaga ako." At nanlaki ang mga mata niya. "Hang on, do you understand Filipino?"
Walang pasabing umupo sa tabi niya si Julian kaya nalanghap niya ang mabangong amoy nito.
"I also speak Tagalog but they always make fun of me so I chose to talk in English most of the time."
Hindi niya napigilan ang matawa.
"Kaya pala. E bakit ka naman nandito? Nando'n ka dapat sa loob, 'di ba?"
"I ask them if I could go out to smoke."
"Naninigarilyo ka?" gulat na tanong niya.
"Occasionally. I'm not a heavy smoker, really. Or my Mom will beat the shit out of me," he answered chuckling.
"Pwede bang 'wag na lang ngayon? Kawawa naman 'yong mga bulaklak na makakalanghap ng usok. Tsaka baka masunog 'yong garden. Magagalit ang lolo ko. Mahal na mahal niya ang garden na 'to, e," aniya at pinagdikit ang mga palad.
Nagkamot pa ng kilay si Julian. "Okay."
"Thank you!"
"The shoes looked good on you. I wonder why you didn't try it on in front of Richard," pag-iiba ni Julian.
Nakaramdam ng pagkailang si Lyra dahil doon. Malay ba naman kasi niyang may makakahuli sa kaniya kanina.
"Kasi hindi naman pamilya ang turing sa 'kin ng madrasta ko at mga kapatid ko pati na 'yong tiyahin ko. Hindi raw ako nababagay magsukat ng gano'n kagandang sapatos. Pero hindi naman na big deal sa 'kin 'yon kaya okay lang. Isa pa, hindi ko naman ambisyon maging prinsesa kaya bahala sila sa mga buhay nila. Ang importante lang sa akin, meron akong sarili kong pera at hindi ako umaasa sa kanila. Because in the first place, wala naman akong naalalang sila ang nagpakain sa 'kin simula nang tumuntong ako sa pamamahay na 'to." She scratched her head and smiled apologetically at him. "Ang daldal ko ba? Sorry, ha? Hindi ko naman sila sinisiraan. Napakwento lang. He-he."
"You're funny," sa halip ay nakangiting ani Julian.
"I'm Lyra."
Natawa naman ito.
"Can I say something crazy?"
"Go ahead."
"Crazy!"
Napahagalpak siya dahil sa ka-corny-han nito.
"Buti na lang, gwapo ka, 'no?" sabi niya at natawa ulit habang sapo ang kaniyang tiyan.
"I won't do it again."
"Good. And Julian, I just have a question if you don't mind."
"Go ahead."
"Okay lang ba sa'yo na maikasal sa babaeng hindi mo kilala para lang sa karangalan ng pamilya mo?"
"Well..." Base sa pagkakakunot ng noo nito ay nag-iisip ito. "We were raised to protect our family's honor in whatever we do. I don't want to disappoint my family."
"Pero sapatos lang naman 'yon. Hindi mo ba naisip na ang dahilan kung bakit masaya at matiwasay ang pamilya ninyo sa nagdaang panahon ay dahil sa tunay na pag-ibig?"
"But without that shoes, I don't think my grandfather and my Dad were able to marry the right women."
"Coincidence lang lahat 'yon, Mr. Stevens. Utak at puso ang ginagamit sa pagpili ng taong mamahalin natin at hindi sapatos."
"And what you're trying to say is?"
"Ang lahat ng ito ay isang malaking kalokohan lang. May iba nang mahal si Lucille. Kung meron man siyang pakakasalan, iyon ay ang lalaking mahal niya."
"She'll forget that guy when we're married."
Nagbuntong-hininga siya kasabay ng pagkirot ng kaniyang dibdib dahil sa isang mapait na alaala.
"Kungsabagay, si Dad nga kinalimutan din si Nanay nang magpakasal siya sa ibang babae. Kung hindi nga lang ako dumating sa mundong 'to, ewan ko lang kung makakapag-usap pa sila bago man lang malagutan ng hininga si Nanay."
Imposible niyang makalimutan ang araw na iyon. Matagal na nagdusa ang nanay niya sa sakit nito at sa ospital na ito binawian ng buhay. Bago iyon ay ipinagtapat muna nito sa kaniya na buhay pa ang totoo niyang ama at ipinagbilin pa siya rito kapag nawala na raw ito. She saw how Leon was sorry. Sising-sisi ito at hinayaan nitong lumayo silang mag-ina rito. Sana raw ay hindi na kailangang mangyari pa ang nangyari na.
Gusto man niyang sumama ang kaniyang loob sa nanay niya ay nanaig pa rin ang pagmamahal at pang-unawa niya rito. Kung lumayo man ito ay may malalim itong dahilan pero hindi ibig sabihin niyon ay hindi nito mahal ang Dad niya. Ganoong din sa ama niya na nangakong mamahalin siya at babawi sa mga naging pagkukulang nito sa kanilang mag-ina. Na tinotoo naman nito magpasahanggang ngayon.
"Lyra, you're crying."
Julian tried to reach for her face pero mabilis siyang umurong at marahas na pinahid ang kaniyang luha.
"I'm sorry. Hindi ko napigilan."
Tumayo siya. Hindi siya makapaniwalang nagpakita siya ng kahinaan. Ni minsan ay hindi pa siya umiyak sa harap ng ibang tao maliban kina Lucille at ng Dad niya kapag nahihirapan na siya. Kabilin-bilinan ng nanay niya na magiging matatag siya pero heto ngayon siya.
"It's okay."
"I have to go, Julian."
"What?" napatayong anito.
"Pasensiya ka na. H-hindi mo dapat ako nakitang umiiyak."
Bago pa man ito makatutol ay mabilis na siyang tumakbo pabalik sa loob ng bahay.
"KUNG MERON mang deserving na magsuot ng sapatos na 'to, ikaw 'yon, Lyra."
Mariing naglapat ang mga labi niya imbes na tanggapin ang ibinibigay na sapatos ni Lucille.
"Mali talaga 'tong gagawin natin, e," parang maiiyak na sabi niya.
Ngayong gabi nila isasagawa ang pagpaplano para hindi matuloy ang engagement nito at ni Julian mamaya. Nasa silid nito sila nang mga oras na iyon. Dapat ay nag-aayos na si Lucille. Sa bahay ng mga Arnaez gaganapin ang pagpapakilala kay Lucille sa mga magulang ni Julian bago ang engagement at gustuhin man ni Tiya Lucinda na imbitahin ang lahat ng mayayaman kahit hindi nito kakilala ay hindi pwede. Mas gusto raw ng pamilya Stevens na pribado ang party at babawi na lang sa araw ng kasal. At habang hindi pa nagsisimula iyon ay sasamantalahin ni Lucille ang pagkakataon para makipagtanan kay Jakob na maghihintay rito sa labas ng mansiyon.
"Alam ko 'yon. Pero mabuti na 'to kaysa magsisi ako sa huli, 'di ba?" ani Lucille sa nahihirapang tinig. "Si Jakob ang mahal ko at sa kaniya ako sasaya."
Tumango-tango siya at tinanggap na rin ang sapatos saka isinuot.
"It looks perfect on you."
"Pampalubag-loob," kunwari ay ismid niya.
Napaingos si Lucille.
"Lyra naman!"
"Ano'ng plano niyo ni Jakob?"
"Magpapakasal kami sa Las Vegas and then magha-honeymoon sa France. Kapag naintindihan ni Mama ang ginawa ko at napatawad na niya 'ko, saka na kami haharap ni Jakob sa kaniya."
"Ako naman ang ginawa niyong pain."
"I know you can do this because you're strong. May tiwala ako sa'yo, Lyra. Pangako, babawi ako sa'yo kapag naayos nang lahat ng 'to."
"God bless sa inyo ni Jakob." Naluha tuloy siya. "Kailan ko ba kasi mahahanap ang Prince Charming ko, e?"
Niyakap naman siya ni Lucille.
"Nakita ko kayo ni Julian na magkausap sa garden noong isang linggo. May chemistry kayo."
"Tse."
Bumungisngis naman ang pinsan niya. Akmang lalayo na ito nang kabigin niya muli ito at niyakap nang mahigpit.
"Mami-miss kita, Lucille. Haharapin ko ang galit ng nanay mo basta sumaya ka lang sa piling ni Jakob."
"Thank you, Lyra. Kung hindi ka pa siguro dumating sa bahay na 'to, malamang na matagal na 'kong nasiraan ng bait dahil sa mga masasamang elemento na nakapaligid sa 'kin."
"Mag-iingat kayo."
"Ikaw rin. Kayo ni Tito Leon."
Nang matapos na silang magdrama ay binilisan na nila ang pagkilos. Ibinigay pa ni Lucille sa kaniya ang isang belo na kulay puti bilang pantakip daw sa mukha niya. Abot-abot ang kaba niya nang mapag-isa na siya sa kwarto. Lumabas ang pinsan niya na suot ang mga damit niya. Sana naman ay ligtas na makaalis ito at si Jakob.
Nang makarinig siya ng mga pagkatok sa ay napapitlag siya mula sa pagkakaupo niya sa kama.
"Señorita Lucille? Dumating na po ang mga Stevens," ang boses ng isang katulong mula sa labas.
Mabilis niyang ipinantakip sa buong mukha ang belo at mata lamang niya ang nakalabas. Maging ang white dress ni Lucille ay isinuot din niya. Hindi naman niya ma-appreciate ang sarili kahit bagay sa kaniya ang damit dahil may hindi tama sa sitwasyon.
"Okay lang po ba kayo, Señorita?" tanong pa ni Yaya Caridad na tila nahihiwagaan sa kaniya.
Tumango-tango lang siya at hinigpitan ang pagkakahawak sa belo. Magkasing katawan lang sila ni Lucille at hindi magkaboses.
Napangiti naman si Yaya Caridad.
"Excited na ba kayo? Napakagwapong bata ni Sir Julian. Para talaga siyang isang prinsipe!"
Tumango-tango lang uli siya. Ngayon pa lang ay gusto na niyang umatras pero mukhang huli na. Kung may choice pa sana siya.
Sinamahan siya nito sa pagbaba sa hagdan. Napatayo ang mga tao sa sala. Kompleto ang pamilya niya maliban kay Lucille. Si Tiya Lucinda ay hindi mapakali dahil sa excitement habang ngising aso naman si Wendell. Wala namang reaksiyon sa mukha ni Tita Elaine na katabi ng Dad niya at si Luane na akala mo ay nakakain ng kamyas. Si Lorraine naman ay nakataas ang kilay. Nandoon din si Mr. Gamboa, isang mag-asawa, isang mala-modelo sa gandang babae na sa tingin niya ay kasing edad lang niya. Nababakas sa mukha ng mga ito ang excitement habang si Julian naman ay nakatalikod sa kaniya.
Lagot na.
Nang tumayo ang lahat ay saka lang ito lumingon sa kaniya. Para bang naistorbo ito sa malalim na pag-iisip dahil napakaseryoso ng mukha nito. Ganunpaman, hindi man lang nabawasan ang kagwapuhan nito. Nakukonsensiya tuloy siya dahil lolokohin niya ito at ang pamilya nilang dalawa.
"Wala ba sa inyong nakakita kay Lyra?" tanong ng Dad niya.
"Dad, as if naman may purpose ang presence ng anak mong 'yon dito, 'no. This is a family gathering," maarteng sagot ni Luane.
Nagbuntong-hininga na lang siya. Luane will always be Luane.
"Good evening, Lucille!" ang magiliw na bati ng sa tingin niya ay ina ni Julian. "We're so excited to welcome you to the family!"
Gusto niyang mapangawa. Paulit-ulit na siyang himihingi ng tawad sa mga ito sa isipan niya.
"Anak, tanggalin mo na 'yang nasa ulo mo. Hindi mo naman kailangan 'yan, e. Hayaan mong makita ng mga in-laws mo ang ganda mo," si Tiya Lucinda.
Lalo lang niyang hinigpitan ang belo sa kaniyang mukha. Wala na siyang rason para magsinungaling pa sa mga ito. Inalis niya ang belo sa kaniyang mukha at gayon na lamang ang pagsinghap ng mga ito.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top