Ika-siyam na Kabanata


unedited version


Ika-siyam na Kabanata


"To Mr. Juan Francsico Caltagirone Patriarca Maranzano," pagbabasa ni Ep-ep sa sulat na nakita niya sa mailbox. "Meet me at Blackbeard's Seafood Island, naks!" Napangiti agad siya at nagpigil ng tawa. Nilalakad niya ang kahabaan ng Seaside Boulevard patungo sa lugar kung saan naghihintay ang ka-meeting niya.

Sa labas pa lang ay tanaw na mula sa salaming dingding ng resto ang nagpadala sa kanya ng sulat na naghihintay.

"Early bird," sabi ni Ep-ep sa sarili at kinuha sa bulsa ang pocketwatch. Alas dose y kinse at ang usapan ay alas dose y medya. Maaga nga siya ng labinlimang minuto ngunit mas maaga ang katatagpuin niya.

Pumasok siya ng resto at buong yabang na nilakad ang daan patungo sa katatagpuin. Inayos niya ang damit at saka nagpamaywang pagtapat niya sa mesa ng nagpadala ng mensahe.

"Hi, Miss Beautiful," ani Ep-ep sa isang babaeng naroon sabay taas-taas ng kilay. "Looking for me?" Taas ng lang din ng kilay ang naisagot nito sa kanya. Umupo siya sa upuang kaharap nito at saka siya ngumiti nang pagkatamis-tamis.

"Kanina mo pa ba 'ko hinihintay?" tanong ni Ep-ep habang pinapababa ang boses. "Tara, usap tayo."

"Alis," simpleng tugon nito.

"Wow! Kararating ko lang pinaaalis mo na 'ko? Ang hard mo, ha." Inayos pa ni Ep-ep ang kuwelyo ng suot niya.

"Hindi ako interesadong makipagkilala sa'yo. I'm a busy person, and I don't have time to entertain nonsense—"

"Ssshh!" Pinigilan agad ni Ep-ep ang sinasabi ng babae gamit ang pagtakip ng hintuturo niya sa labi nito. "Alam kong ako ang kailangan mo. Hindi mo na kailangang magpaliwanag dahil—"

Walang anu-ano'y tubig ang sumaboy sa mukah ni Ep-ep na nagpatigil sa kanya sa pagsasalita. Tinabig ang kamay niya ng babae at tinarayan uli siya nito.

"Wala akong pakialam sa 'yo dahil hindi ikaw ang kailangan ko. Now, I want you to get out of my sight, whoever you are."

"Wow! Ang refreshing naman ng pambungad mo sa 'kin!" ani Ep-ep habang dahan-dahang pinupunasan ang mukha niyang nasabuyan ng tubig gamit ang palad. "Nag-almusal ka ba? Bad mood ka 'ata."

"Lumayas... ka... sa harapan ko."

"But, I'm the one you needed." At diretsong tiningnan ni Ep-ep ang babae.

"Oh, really?" Humalukipkip ito at tinaasan na naman siya ng kilay. "I don't think so. Now, get lost. Kung ayaw mong masabuyan ng panibagong tubig, tantanan mo 'ko." Itinaas ng babae ang kanang kamay. "Waiter! Isang pitsel nga ng tubig dito!"

Naging blangko ang timpla ng mukha ni Ep-ep habang nakatingin nang diretso sa kaharap niya. "Gusto kong malaman kung bakit ang sungit mo sa 'kin at kung bakit ganiyan ka makitungo sa mga nakakasalamuha mo. Hindi mo ba ako nakikilala?"

Lumapit ang babae sa mesa at halos ipamukha niya kay Ep-ep ang mga salita niya. "Wala kang pakialam kung paano kita gustong tratuhin. At wala rin akong pakialam kung sino ka. Hindi ikaw ang kailangan ko kaya pwede ba, layas."

"Kung hindi naman pala ako ang kailangan mo, e di sino?" tanong ni Ep-ep.

"Sino ang kailangan ko? 'Yung taong magliligtas sa mundo ko. Parating na ang hinihintay ko kaya umalis ka na bago pa man siya dumating."

Kinuha ni Ep-ep ang sulat na dala niya at inilapag sa mesa. Inilapit niya iyon sa kaharap upang ipakita. "Mukhang nainip ka sa paghihintay sa 'kin, Miss Nuevo. Sa lakas ng aircon sa lugar na 'to, napakainit ng ulo mo. Hindi ko tuloy alam kung hindi uso sa iyo ang Filipino time o talagang late lang ako... o baka may dalaw ka lang ngayon."

Idinako ng babae ang tingin sa sulat at halos manlaki ang mga mata niya nang makita iyon.

"Nagbihis ako nang maayos dahil noong huling nagkita tayo, mukha akong basura. Inisip ko na kung magiging matino ang porma ko, baka sakali lang na respetuhin mo na ako kahit kaunti. Wala rin palang pinagkaiba ang attitude mo kahit ano pa man ang ayos ko," mahinahong sabi ni Ep-ep. "Kung alam ko lang na masasabuyan ako ng tubig, sana nagkapote na lang ako."

"Oh, my God." Hindi makapaniwala si Kristin Nuevo sa nangyari. "Look, Mr. Maranzano—"

Pinutol agad ni Ep-ep ang sinasabi ng kausap. "Huwag ka nang mag-sorry. Mas malala pa sa pakikitungo mo sa akin ang napagdaanan ko noon." Kumuha siya ng tissue na nasa mesa at pinunas sa damit niyang nabasa.

"Oh, damn it. I'm really, really sorry. Hindi ko lang... hindi ko lang inaasahang—" At hinagod niya ng tingin si Ep-ep. "You look... different? Good? Well-dressed?"

"Well-dressed at hindi pa rin nakaligtas sa iyo, Miss Nuevo." Nginitian niya ang kausap. "Kung ipagpapatuloy mo 'yang ginagawa mo, walang patutunguhang maganda 'yan."

Napahugot ng hininga si Kristin Nuevo at napataas ang kaliwang kilay dahil kay Ep-ep.

"Hulaan ko," pagbubukas ni Ep-ep sa matinong usapan, "reconsideration tungkol sa asteroid."

"Lumabas na ang balita, Mr. Maranzano. Alam na ng lahat ang tungkol doon. Nagsisimula nang ilikas ang mga tao sa iba't ibang parte ng mundo. Hindi pa sigurado kung kailan maaapektuhan ang bansa natin pero alam nating parehong malapit nang mangyari ang kinatatakutan ng lahat na katapusan ng mundo."

"Pero may balita pa akong nasagap, Miss Nuevo. Kasama sa scoop na huwag mangamba ang mga tao kasi may magliligtas sa mundo mula sa pagkawasak. Sinigurado n'yo talaga ang balita, ha?"

"Wala ka nang magagawa, Mr. Maranzano. Kailangan mong gawin ang dapat."

Pumikit-pikit lang si Ep-ep habang nakatingin nang diretso kay Kristin.

"I'm serious, Mr. Maranzano," dagdag pa nito.

"Bakit? Mukha ba 'kong joke?" tanong ni Ep-ep.

"I mean—" Pinaikutan na naman ng mata ni Kristin si Ep-ep. "Nevermind. Kumalat na ang mga impormasyong hawak namin, alam na nila ang mangyayari. Naglalabasan na ang lahat ng articles at puro kalamidad ang laman ng mga balita. Hindi magandang senyales ang mga nagaganap sa paglapit ng bulalakaw na iyon sa mundo. "

"Yung senyales?" Naalala ni Ep-ep ang nangyari kay Georgie nang makita siya nito. "Ang lala ng senyales. Ayoko nang makita 'yon, kinikilabutan ako."

Agad na nagbago ang timpla ng mukha ni Ep-ep at naging seryoso. Ang mga mahihinang bulong noon sa sulok ng utak niya ay bigla na lang lumalakas.

"Habang pinatatagal mo ang panahon, lalo lang lumalapit ang bulalakaw na 'yon sa mundo. Bago pa magkagulo, sana magawan mo ng paraan na hindi na makalapit pa iyon sa Earth," sabi ni Kristin habang pinagmamasdan si Ep-ep na napakaseryoso ng mukha.

"Mahirap ang pinagagawa mo sa 'kin," sagot ni Ep-ep habang nakatingin sa mesang nakapagitan sa kanila ng kausap. Habang tumatagal ay palalim nang palalim ang paghinga niya habang lumalakas ang bulong sa kanyang isipan.

"Alam kong mahirap, pero Mr. Maranzano—"

"Huwag mo na 'kong tawagin sa apelyido ko. Tawagin mo na lang akong Ep-ep, o kung awkward sa 'yo, Francis na lang."

"Okay, Mr. Maranzano."

Napangiwi na lang si Ep-ep dahil may pagkamasunurin sana si Kristin, hindi nga lang niya alam kung saan banda. Napansin niya ang baso ng tubig sa mesa na wala nang laman dahil isinaboy na sa kanya ng kausap. Kinuha niya iyon at hinawakan. Pansin niya ang kakaibang panginginig ng kamay niyang nararamdaman lang niya kapag may paparating na panganib.

"Thirsty?" tanong ng babae.

Umiling si Ep-ep habang nakatingin nang masama sa baso. "Mamaya na ako iinom. Magsalita ka lang, makikinig ako."

"Okay. Kaya naming mapigilan ang pagkalat ng masamang balita, pero kailangang sigurado kami sa kahihinatnan ng pagtatakip namin sa—Aah!" Nagulat si Kristin dahil nabasag ni Ep-ep ang basong hawak habang nasa kalagitnaan siya ng pagsasalita.

"Kaya ayokong lumalabas ng Santa Katarina," mahinang sabi ni Ep-ep at agad tumayo. "May gagawin lang ako. Dito ka muna at 'wag kang aalis," paalala niya kay Kristin.

Dali-dali siyang lumabas ng resto at nilakad ang daan papunta sa kalsada. Nakasabay niya ang isang lalaking nakasuot ng pang-opisinang uniporme at nakatingin sa relo nito. Mas nauna pa ito sa kanya at halatang nagmamadali.

Tiningnan ni Ep-ep ang lahat ng babala sa lugar na mukhang hindi man lang nagagawang pansinin ng mga tao sa kanyang paligid.

"Brad, huwag ka munang tatawid!" sigaw niya sa lalaking nagmamadali ngunit hindi siya pinakikinggan. "Hoy! Naka-green light!"

Tuluy-tuloy lang ang lalaki sa paglalakad. Walang kahit anong sasakyan ang nakikita sa lugar kahit naka-berde ang ilaw-trapiko.

Ilang sandali pa'y dinig mula sa malayo ang tunog ng sasakyang paparating.

Parang bulang naglaho si Ep-ep sa pwesto niya at isang malakas na pagbangga ang narinig ng lahat ng taong naroon at nakasasaksi ng nagaganap.


erA:5 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top