SSA 6: Portia Davis

VENUS
 

Narating namin ang Strusora Wing kung saan ang next subject namin.

Ayon kay Dolly, dito sa Wing na ito ang battlefield, sports complex, soccer field, maze area and swimming pool ng Academy. Ito daw ang pinakamalapad na Wing nang school. Ang Orionis Wing ay ang main building kung saan naroroon ang Headmaster's office, Library at mga classrooms. Sa Strugiara Wing naman makikita ang cafeteria, music at concert hall. Habang ang dormitories; male and female, school garden at fountain area ay makikita naman sa Plaegerra Wing.

Roupmose ang tawag sa female dorm habang Treatsose naman ang tawag sa male dorm. Pero nakahiwalay ang mga ito. Parang mga small village ang bawat dormitory at maliit na bahay ang loob ng kada rooms.

There are only 2 persons occupying every rooms kaya malawak ang space ng mga dorms. Saka, kaunti lang naman ang mga students dito unlike sa private and public schools. About 150 to 200 students daw ang mga nag-aaral dito.

I really should remember those building names kahit weird ang mga pangalan nito.

 
Pumasok kami kasabay ng iba pa naming kaklase sa isang malaking silid. Naupo kami sa bandang gitna ng room. Nagkwentuhan lang kami nina Dolly habang hinihintay ang subject teacher namin.
 

"You're Venus Serpentis, right?"

Napatingala ako sa babaeng nagsalita. She's the girl from our History class. Ano na naman ang kailangan nito sa akin?

Nakahalukipkip ang mga kamay nito saka nakataas ang kilay na nakatangin sa akin.

"Ano na naman ang kailangan mo, Portia? Can you just please stay away from Venus?" Asik ni Dolly sa kanya. Hinawakan ko ang braso nito saka umiling. Ayokong makipag-away siya nang dahil sa akin.

"Just leave it to me." I told her using my mind. Alam kong nababasa niya ang aking isipan kaya naman kumalma na siya.

"Anong kailangan mo?" Balik tanong ko kay Portia.

"Wala naman. Gusto ko lang malaman kung ano ang kapangyarihan mo. Why don't we unleashed it?" Atat na sabi nito giving me a playful smile.

"Portia!" May pagbabanta sa tinig ni Dolly nang tawagin niya ito sa pangalan.

Tumawa ito na parang baliw. "What? Masama bang malaman ang powers niya? This is Super Star Academy at powers ang mayroon tayo."

"Pero hindi mo kailangang pilitin si Venus na ilabas ang kapangyarihan niya. You know that using our power is not allowed lalo na kung wala tayo sa training ground." Pagpapaalala ni Dolly sa kanya.

"Why are you so defensive? Spokes person ka ba niya?" Pagmamaldita nito saka tumingin sa akin. "Bakit? You don't have any powers, don't you?" Na caught off guard kami sa sinabi niya. Tumahimik bigla ang paligid. Bumilis ang tibok ng puso ko. I'm dead!

Napatingin ako kay Dolly nang may pag-aalala. This is so freaking serious. This girl is really really creepy. Ilang segundo pa ang nakararaan nang basagin nito ang katahimikan.

"Oh, bakit? Totoo ba? Wala kang kapangyarihan tama?" Napatayo si Dolly sa sinabi nito.

Bumuka ang bibig nito para magsalita ngunit naputol ito ng may marinig kaming announcement.

"Good day, Starians. Classes will be suspended at this moment for an urgent meeting at the school quadrangle. Please do proceed after this announcement. Thank you."

Napahinga ako nang maluwag ng marinig namin ang anunsyo mula sa speaker na nakakabit sa wall ng classroom.

Dali-dali ko na lang kinuha ang bag ko, gayon din sina Dolly at Nash. Akmang lalabas na ako ng room nang hawakan ako ni Portia sa braso.

"Do you think you can run away with this?" She gave me a devilish smile bago ko hilahin ang braso ko mula sa pagkakahawak niya. "Swerte ka ngayon, Serpentis. But I will keep my eyes on you. So beware." Nanindig ang balahibo ko sa sinabi niya. Nauna na siyang umalis kasama nang dalawa pa niyang alipores. Villains really do have back ups. Tsk.

"Are you ok, Ven? Bwiset talaga 'yang Portia na 'yan. She's obviously picking up on you." Naiinis na sambit ni Dolly habang naglalakad kami patungong school quadrangle.

"I'm fine." Sabi ko na lang. But seriously, natakot ako sa kanya. Natakot ako na baka kapag nalaman nila na isa akong mortal ay may masamang mangyari sa akin.

Kailangan kong itago ang totoo kong pagkatao. Kailangan kong gumawa ng paraan para makalayo ako sa grupo nang Portia na iyon.

 

  
Nakarating kami sa school quadrangle. At halos lahat nang estudyante ay naririto na. Nakita kong nakatayo si Headmistress Serena sa mini stage habang nasa likod niya ang labindalawang Lords at iba pang mga guro.

Tumahimik ang lahat nang tumikhim ang Headmistress.

"Magandang hapon mga mahal kong mag-aaral. Ako ay nagpatawag sa inyo upang kayo ay anyayahan sa ating nalalapit na taunang paligsahan." Nagpalakpakan ang mga mag-aaral sa anunsyo nang Headmistress.

"Katulad ng mga nakaraang taon ay pipili ang Akademya nang mga malalakas na mag-aaral para makipagkompetensya at tatanghaling panalo sa paligsahang ito. Syempre, hindi mawawala ang ating labindalawang mga pinuno dahil sila ay kasali din dito." Tumayo ang mga Lords nang bumaling ang Headmistress sa kanila.

 
"Anong paligsahan iyon, Dolly?" Baling ko sa katabi kong nakatutok sa Headmistress na nagsasalita sa harapan.

"Supernova." Sagot nito habang nakatingin pa din sa harapan.

"Ano 'yon?" Nakakunot-noong tanong ko.

This time ay hinarap na ako ni Dolly. "Supernova ang tawag sa competitiong tinutukoy ni Headmistress. Para siyang athletic game pero in a different way. Every year itong ginaganap. Ang tatanghaling panalo ay tatawaging Supernovae of the Year. That means, siya ang pinakamalakas na student sa Akademyang ito." Paliwanag niya.

"Kasali din kayo?"

"Yes." Nakangiting sagot ni Nash na bigla na lang nagsalita. "Pero hindi kami nanalo." Mahina siyang tumawa.

"So sino ang raining Supernovae?" Tanong ko ulit.

"Si Red." Turo ni Dolly sa lalaking bored na bored na nakatayo sa harapan naming lahat. Siya?

"'Yung walang modong lalaking 'yon? Tss." Mahinang sambit ko na pinagsisihan ko naman kaagad dahil may nakarinig niyon.

 
 
"You dared to talk to Lord Red like that?" Nakataas ang kilay na sabi ng kaklase naming may sama na yata ng loob sa akin, si Portia. "You're just nothing compared to him, ang lakas naman ng loob mo!" Nanggagalaiting dugtong nito.

God! Ang lakas naman nang pandinig ng babaeng 'to! Bakit ba nandito 'to sa tabi namin?

Ngumiti ako sa kanya nang alanganin. "Sorry. Hindi naman siya 'yung tinutukoy ko." I lied. Bumenta ka, please!

"You better not to! Watch your mouth, Serpentis! I have my eyes on you." She hissed. Inirapan niya muna ako bago talikuran.

 
"Anong problema n'on?" Takang tanong ni Dolly nang makitang tumalikod si Portia sa akin.

"Wala. Wala. Hayaan mo na lang." Sabi ko na lang kaya ibinalik na lang niya ang tingin sa harapan.

Kailangan ko talagang bantayan si Portia dahil mapapahamak ako kapag nasa paligid ko siya.

---

[Yung magulo ang names nang kada Wing pati dormitory ng school.. Me be like; 😅😅😅 credits to google.]

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top