SSA 3: First Day
VEN
"Thank you."
Hinging pasasalamat ko kay blue-haired guy sa pagtulong sa akin kanina at ngayon dahil tinulungan niya akong makarating sa Headmistress' office.
"No problem. Mag-iingat ka na lang sa susunod, ok?" Sabi niya, binigyan niya ako nang tipid na ngiti bago umalis.
Hinatid ko muna siya ng tingin hanggang sa mawala siya sa hallway bago ako lumingon at kumatok sa pintuan ng office.
"Oh crap! I forgot to ask his name!" I snap my fingers in the air nang makalimutan kong tanungin ang pangalan niya. Di bale, magkikita pa naman kami, di ba? We're on the same school anyway.
"Good afternoon po, Headmistress." Bati ko sa kanya ng maabutan ko siyang busy sa pagsusulat sa kanyang mesa.
"Oh, iha. Good afternoon. Here's your class schedule. Starting tomorrow, you'll be attending classes." Tinanggap ko ang papel na inilahad niya sa akin. "Your uniform will be delivered by tomorrow, first hour in the morning." Dugtong pa nito.
Tinignan ko ang schedule of classes ko. These subjects are not different compared to my past subjects. May English, Math, Science, History, Filipino at P.E. I thought this is a magic school? Oh well, I should be thankful that I have still normal subjects here.
Nagpaalam na lang ako kay Headmistress at bumalik na lang ulit sa dorm. I'll just take some rest at hintayin si Dolly na makauwi.
It's seven in the evening when I heard the door opened. Si Dolly na siguro ito.
"I'm sorry. Nagising ba kita?" Tanong niya ng makita akong kakabangon lang sa higaan.
"No, it's ok. Kanina pa kasi ako nakatulog at tama naman ang pagdating mo sa paggising ko." I retorted.
"Did you eat dinner na ba? Tara, kain tayo sa cafeteria." Aya niya sa akin na hindi ko naman tinanggihan. Gutom na rin naman ako kaya sumama na lang din ako.
Ilang minuto lang ay nakarating kami sa cafeteria. It was like of a dancing hall sa sobrang laki. Maraming foods ang pwede mong pagpilian. May iilang students din akong nakikitang kumakain sa table.
"What do you want? Ako na mag-o-order." Presenta ni Dolly habang naglalakad kami sa gitna.
"A slice of strawberry cake and a cup of milk, please." Sabi ko. She gave me a weird look. "What?" I asked.
"Really? Strawberry cake and milk?" Hindi makapaniwalang tanong niya.
"It's my favorite. And I love drinking milk at night." Kibit-balikat kong sagot sa kanya.
She giggled at what I answered. "Fine. Fine. Hanap ka na lang ng table natin at mag-o-order lang ako ng makakain natin."
Naghanap ako ng table at naghintay sa kanya. Maya-maya lamang ay nasa harapan ko na siya dala ang tray ng pagkain namin.
"Thank you." I said bago nilantakan ang paborito kong strawberry cake.
"Nga pala." Untag ni Dolly sa akin habang patuloy lang ako sa pagkain ng cake ko. "Bukas ka na magsisimula sa klase, right?" Tumango ako bilang pagtugon sa kanya. "Anong class ka?"
Nilunok ko muna ang kinain ko saka uminom ng gatas bago sumagot sa kanya. "Class 3-1."
"Yay! Magka-klase tayo!" Excited na sabi niya ng marinig ang sagot ko.
Natuwa naman ako sa sinabi niya. May kakilala na agad akong magiging ka-klase ko. Atleast, hindi masyadong awkward kapag pumasok ako since hindi ako mag-iisa.
Nagkwentuhan lang kaming dalawa hanggang sa makatapos kami sa pagkain.
Dolly is a good companion. Hindi ka talaga mabo-bore kung kasama mo siya. And ma-swerte ako na nakilala ko siya at makakasama sa iisang kwarto for the rest of my stay here in the Academy.
Umuwi na kami sa dorm pagkatapos naming kumain. Kahit naman kasi sa loob kami ng campus, may mga curfew pa din kami. Hanggang 10 pm lang kami sa labas and after that, we need to get back to our chambers bago kami mahuli ng roving guard.
Nagkwentuhan pa kami about sa mga bagay-bagay bago matulog. Bukas, may panibagong araw na naman akong kahaharapin.
"Hey, Ven! Wake up!" Tili ni Dolly habang niyuyugyog ako mula sa aking pagkakahiga. "We have classes to attend to." Dugtong pa niya na nagpabalikwas sa akin.
Crap! I forgot! It's my first day pala!
Nasanay na kasi akong ginigising ni Papa tuwing papasok ako sa umaga. Cut it, Ven. You need to do things with yourself starting today. Saway ko sa sarili ko.
Nakabihis na si Dolly ng kanyang school uniform habang ako ay naka-pajamas pa.
"Maligo ka na. Nandyan na din ang school uniform mo. Pinadala iyan ni Headmistress kaninang umaga." Untag nito sa akin habang nagsusuklay ng buhok sa harap ng salamin.
Pumasok na lang ako sa banyo at ginawa ang routine ko. Pagkalabas ko ay nakaupo na sa sofa si Dolly habang naghihintay sa akin.
"My, my, my! You look so cute with those uniforms on, hun!" Dolly looked at me with her twinkling eyes. Nagkibit-balikat lang ako sa kanya saka dumiretso sa harap ng full-sized mirror.
I am currently wearing SSA's school uniform. And honestly, I'm starting to loving it. I mean, the uniform is so cute that I can't even imagine wearing this kind of school wear.
A gray checkered skirt, a gray knee-sock, white long sleeves, gray checkered neck tie and a coat with a school's crest at the left side of it. I feel comfortable wearing it though.
Pagkatapos kong mag-ayos ay sabay kaming lumabas ni Dolly ng room. She locked the door saka nagtungo na kami sa building kung saan ang first subject namin. May spare keys naman kami incase na may makaunang maka-uwi sa amin.
Habang naglalakad kami sa hallway ay maraming estudyanteng nakakalat sa daan. May mga nakatambay sa railings, nakaupo sa bench at nag-gi-gitara, nagliligawan, nagkukulitan. Kung titignan mo, they were just like a normal students.
"Hey, miss! Watch out!" Napalingon ako sa estudyanteng sumigaw kung saan. Nagulat ako nang sa pagharap ko ay may bola nang lumilipad papunta sa direksyon ko.
Napapikit ako at handa nang matamaan ng bola nang maramdaman ko na wala namang may tumama sa akin. Iminulat ko ang mga mata ko and to my surprise, nakalitaw na ang bola sa harap ko.
Okay. Binabawi ko na ang sinabi kong normal sila.
"Whew! That was close!" Boses iyon ng isang lalaki. He was the one who manipulated the ball. Iwinaksi niya ito pabalik sa may-ari at nakangiting humarap sa amin.
"Babe!" Dinamba ni Dolly ang lalaki saka niyakap ito.
Babe? Can somebody tell me what's going on?
"Are you ok, babe? Nasaktan ka ba?" Tanong nito kay Dolly habang sinisipat nito ang buong katawan ng huli.
"I'm fine, babe. Buti na lang at dumating ka." Sweet na sabi nito saka niyakap ang braso ng kasintahan.
Ugh! Too much sweetness.
"I can read your mind, Ven. Ang bitter mo." Biglang sabi nito sa akin kaya napaiwas na lang ako ng tingin.
"Anyways, babe, this is Venus, new student siya dito and she's my roommate also. Ven, this is my very lovable, caring, sweet and the most cutest boyfriend ever, Nash." Pagpapakilala nito.
"Hi! Nice to meet you, Ven." He gave me a genuine smile kaya ngumiti na lang din ako pabalik.
"Same here."
"Tara na?" Untag ni Dolly sa amin. "Baka ma-late pa tayo, eh. History pa naman ang first subject natin" Aya niya saka hinawakan ako at ang boyfriend niya sa magkabila niyang braso.
This girl is so clingy. I guess masasanay na lang din ako sa kanya sa mga susunod na araw.
---
[SSA's school uniform at the multimedia. Ctto of the photo.]
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top