One final tear
This place was always been my refuge, a place of guaranteed warmth even on the coldest days of my life. Yet being here filled me sadness I'd never fully shake.
I took a deep breath and closed my eyes. The cold breeze blew, making my lips tremble and my insides churn. My eyes burned with unshed tears but the sides of my lips lifted into a smile.
It was that day. The most anticipated and supposed to be the happiest time of the year.
The leaves of the trees swayed with the wind and some slowly fell on the ground. Itinaas ko ang kanang kamay para saluhin ang isang dahong dahan-dahang nalalaglag mula sa punong sinisilungan ko.
"What are you doing?"
I smiled and looked over to the man standing behind me. It was Amos, my longtime boyfriend, holding a camera.
We have been together for eight years. I was sure that he was the right man for me, the man I wanted to spend the rest of my life with.
"You're fond of doing that, huh? I should plant a tree just for you." He grinned.
I chuckled and took a step towards him.
"It was fun. Try it!"
As if the wind heard me, it violently flogged the tree, making its branches shook and its leaves danced. Hinawakan ko ang kamay niya at iniambang manghuhuli ng mahuhulog na dahon. Sumimangot siya pero ginawa naman ang gusto kong mangyari.
"Paramihan tayo ng dahong makukuha?" Humagikhik ako at tumingala sa puno.
Pinandilatan ko nang makitang mabagal siyang kumikilos para gawin ang hamon ko. Halatang hindi gusto pero ganoon na siya dati pa, malamyang kumilos.
"Mabigat ang camera," dahilan niya na alam kong hindi totoo.
Inaasar ko nga noong bata pa kami na hindi siya tunay na lalaki dahil doon. Kababata ko siya. Halos sabay kaming lumaki maliban tuwing umaalis sila ng kaniyang pamilya at ngtutungo sa ibang bansa.
Ngunit nang huli silang bumalik ay nanligaw siya sa akin. Hindi nagtagal ay sinagot ko dahil sa pangako niyang hindi na muling aalis ng bansa.
I heard the flicker of his camera and I stopped. Ayaw na ayaw kong kinukuhanan niya ako ng litrato. Papagalitan ko sana nang bigla niyang bitiwan iyon.
"M-Millie..." His voice was shaking. Napasalampak siya sa lupa at nanginginig ang mga kamay na napahawak sa ulo.
Nanlalaki ang mga matang dinaluhan ko siya. For a brief moment, I didn't know where to hold him. I was afraid that I will cause more pain than comfort. Pero nilagay ko pa rin ang braso niya sa balikat ko. He struggled to stand up. Pinilit kong makapaglakad kasama siya kahit pa ang buong bigat ng katawan niya'y nakadagan sa akin.
Malakas ang kabog ng dibdib ko at nanginginig ang buong katawan ko habang humihingi ng saklolo. Malayo ang mga kapitbahay sa burol kaya walang makakarinig sa akin, ganunpaman nagpatuloy ako.
"T-Tulungan n'yo po kami!" Gumaralgal ang boses ko at isa-isang nagsipatakan ang aking mga luha. Takot na takot ako, baka may mangyaring masama sa kaniya.
"Ano ba'ng nangyayari sa 'yo? Ano'ng problema?" puno ng kaba at pag-aalalang tanong ko.
Pinigilan niya ako sa paghakbang pagkatapos ng ilang sandali at hinawakan ang nanginginig na kamay ko. Seryoso siyang tumitig sa akin at pinunasan ang mga luha sa aking pisngi gamit ang kaniyang hintuturo.
Nagpalipat-lipat ang aking tingin sa kaniyang mga mata. Hindi ko na makita ang sakit doon. Lalong lumakas ang iyak ko nang mapagtanto ang ginawa niya.
"Nagbibiro lang ako," masuyong sabi niya pero hindi matigil-tigil ang pagbuhos ng mga luha ko.
Sinuntok-suntok ko nang walang lakas ang kaniyang dibdib. "H-Huwag mo nang gagawin 'yon. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may nangyaring masama sa 'yo," humihikbi pa ring sabi ko.
Hinuli niya ang kamay ko at malambing na hinalikan. "Paano na lang kapag nawala ako, wala ka nang guwapong boyfriend," biro niya na ikinairita ko.
Umirap ako at bumaba sa burol, patungo sa mga kabahayan. Sa pangatlong bahay na aming tahanan ay pumasok ako para kunin ang ilang gamit ko. Napangiti ako pero itinago ko ang ngiting 'yon nang humarap kay Amos na naghihintay sa maliit naming tarangkahan.
Mabilis akong nagtungo sa konkretong daanan patungo sa kanila. Nagdaan sa paningin ko ang mga kabahayan hanggang sa puro mga palayan na lamang ang nakikita. Malapit na ako kina Amos.
Dire-diretso ang lakad ko nang naabutan niya ako at inakbayan. Inis na tinanggal ko ang mabigat na braso niya sa balikat ko. "Hindi pa kita napapatawad sa ginawa mo."
Halos tumakbo ako hanggang sa marating ang malaking gate ng kanilang mansion. Hingal na hingal ako nang pagbuksan ako ng guard. Sandali akong tumigil sa harapan nito, nakapahinga ang mga kamay ko sa aking tuhod ngunit nang marinig ko ang mga yabag ni Amos, mabilis akong pumasok sa malawak nilang bakuran.
Binagalan ko ang mga hakbang nang marating ang malawak at sementadong pathway patungo sa main door ng mansion. Lumabas doon si Tita Arrianne at bumaba sa ilang hakbang na hagdanan. Awtomatikong napangiti ako nang makita ang maamo niyang mukha at ang mga matang tila nangungusap na katulad ng anak.
Humalik ako sa pisngi niya at sabay kaming pumasok. Magkapanabay kaming umakyat sa engrande at malawak na hagdanan, papunta sa kuwarto niya.
"Ang batang 'yan noong maliit pa'y lagi akong hinahanap. He wouldn't leave the house without kissing me goodbye. He wanted to always sleep beside me at night. He couldn't even eat food I didn't prepare." Maluha-luhang hinawakan ni Tita Arrianne ang mga kamay ko.
"Millie, I was very thankful to you. You helped Amos to have a normal life. Thank you for loving my son." Pumatak ang mga luha sa mata ni Tita Arrianne. Niyakap ko siya kasabay ng pagdaloy ng luha sa aking pisngi.
"Tita, you don't have to thank me. I love Amos... so much." I patted her back. "Bakit po ba tayo nag-iiyakan?
Tita chuckled and carefully wiped her tears.
Today was Amos' birthday. Amos wanted us to have a date for this day. It was his only request that Tita Arrianne gladly granted.
Three knocks on the door and Tita Arrianne started to fix my wrinkled dress. I was wearing an off-shoulder ruffled dress. I let my mid-length cut hair loosely and Tita Arrianne applied a light make-up on me.
Tita Arrianne was the mother I never had. I was grateful for her support of my relationship with her son.
"You're good to go." She smiled warmly.
I smiled back and kissed her cheek. "Thank you, tita."
"Mommy, what's taking Millie so long?"
Ngumiti ako nang marinig ang boses ni Amos. Humarap ako upang ipakita ang ayos ko.
His eyes twinkled. Lumapit siya sa akin at pinatakan ako ng halik sa labi.
"You're so beautiful," he whispered after the kiss.
Hindi ako gumalaw, nakokonsensiya sa pagiging iritable kanina. "I'm sorry. I acted immature a while ago." Nakangiwing tiningnan ko siya.
Naging masuyo ang tingin niya sa akin.
Tumingkayad ako at inayos ang suot niyang white shirt na pinatungan niya ng jacket. "You look good, too."
Tumikhim si Tita at inakay kami upang ihatid sa sasakyan.
We wanted our date to be casual. It was a simple lunch date in our favorite restaurant inside a mall. We wanted to spend the day together because we weren't able to do it often.
The simple things we do made me the happiest.
After eating, we strolled around the mall. Nasa kamay ko ang camera. Gusto ko siyang kuhanan ng litrato ngunit hindi ako makapili saan. Nakasunod siya habang lumilinga-linga ako sa paligid.
Excited akong tumakbo nang makahanap ng magandang background. "Amos, dali. Tumayo ka rito."
Some lights and Christmas decors scattered everywhere. It made the mall the perfect spot to take a picture. He looked like an angel with the lights on his background.
I smiled. I clicked for his solo picture and decided to take a selfie of us.
Lumapit ako sa kaniya at inianggulo ang camera upang makuhanan kaming dalawa. Bahagya siyang yumuko upang ilebel ang mukha sa akin ngunit hindi ko inasahan ang susunod niyang ginawa. Hinalikan niya ako sa pisngi nang pindutin ko iyon.
Napatingin ako sa paligid at namula ang mukha sa ginawa niya. He let out a chortle and kissed me again. My face looked like a tomato for sure. Mabuti na lamang at walang nakatingin sa amin at kung mayroon man, hindi na pinansin.
Huminga ako nang malalim at itinago ang mukha sa dibdib niya.
"Nakakahiya," bulong ko ngunit tumawa lamang siya.
He hugged me with one hand and held the camera out of my hold.
"You're cute here," sabi niya habang tinitingnan ang larawan.
Sinilip ko at napagtantong niloloko niya ako. I looked awful. My eyes were wide open and I wasn't smiling.
"Let's print this," malaki ang ngiting wika niya at hinawakan ang kamay ko.
"What? No! Hindi ako nakangiti riyan." Malakas na pigil ko nang humakbang siya patungo sa isang photo studio. Hinila ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya.
Napatigil siya.
"Even if we were not smiling in this photo, we were in love and it radiates within the picture. Plus it's my birthday. Consider this as your present for me. Please?" He looked at me with those puppy eyes and I couldn't help but to melt in his words.
"Sige na nga." Napapangiting humigpit ang hawak ko sa kamay niya.
Pagkatapos namin sa photo studio ay nagdesisyon kaming muling umakyat sa burol.
Hapon at hindi na masyadong masakit sa balat ang sikat ng araw. Kinuha niya sa sasakyan ang hinanda niyang picnic mat at snacks. Pagkarating namin doon ay pumunta kami sa madalas naming sinisilungang puno.
Tinulungan ko siyang i-set ang mat at umupo roon. Humiga siya sa kandungan ko. Matamis ang ngiting hinawi ko ang buhok na tumabing sa noo niya.
"Mahal kita," buong pagsuyo kong bulong.
He reached for my face and smiled. "Mahal na mahal din kita."
We just looked at each other with contentment and peace. Parang may humawak sa puso ko sa nakikita kong saya at pagmamahal sa mukha niya, natitiyak kong ganoon din ang mababanaag sa akin.
Mayamaya pa'y bumangon siya at nilapitan ang katawan ng puno. "Let's do something to mark this day," sabi niya na ikinanoot ng noo ko.
Lumapit siya sa dalang basket at naghagilap ng isang maliit na kutsilyo. Naintindihan ko ang gusto niyang mangyari nang lumapit siya sa puno. He started to engrave his name on the body of the tree and when he was about to engrave mine I stopped him.
"Ako na ang gagawa niyan!" excited na sabi ko.
Binigay niya sa akin ang kutsilyo at nakangiti kong iniukit ang pangalan ko. Ibinalik ko sa kaniya ang kutsilyo pagkatapos at nagulat nang muli siyang mag-ukit ng mga panibagong letra.
Punong-puno ng hindi maipaliwanag na emosyon ang dibdib ko nang matapos iyon.
Amos and Millie Forever.
Hawak-kamay naming pinagmasdan at nakita kong nangilid ang luha sa kaniyang mga mata. That was when the sky started to change colors into rubi and orange hues indicating that the sun was setting down.
Umupo siya at hinila ako. Isinandal ko ang ulo ko sa balikat niya at niyakap naman niya ako ng isang kamay.
"I don't like sunsets before," komento ko.
Lilac and lighter orange hues slowly spread on the vast sky.
"Why? The view is majestic." Gulat na napatingin siya sa akin.
Hindi ko pa kasi nasasabi 'to sa kaniya.
"It makes me sad that another day was ending soon." I chuckled. I was just being sentimental.
"Sunsets are proof that endings can often beautiful, too. We let the day end hoping that tomorrow would be better than today."
Napatitig ako sa kaniya nang mahimigan ang lungkot sa kaniyang boses. Ngunit nakangiti naman siya habang nakatitig sa magandang tanawin.
Guni-guni ko lang siguro.
Ngumiti ako. "That was before. You love sunset so much that I learned to appreciate it."
Humigpit ang yakap niya sa akin at hinalikan ang tuktok ng aking ulo. "I love you more than the sunset or anything else..."
Ito na yata ang pinakamasayang araw ng buhay ko. It was his birthday but I felt like I was the one who received a gift. At that moment, I couldn't even imagine that those sweet words would be remembered as a painful memory one day and the most beautiful day of my life turned into the most horrible one.
***
After I let you go that day, you didn't know how much I regretted. I should have noticed that something was wrong. Nahalata ko na sana noong sumakit ang ulo mo at sinabi mong nagbibiro ka. Nahalata ko na sana simula pa lamang.
At kung alam ko lang na ganoon ang mangyayari ay maaga sana akong gumising nang sumunod na araw.
Hindi. Noong araw pa lang sana na lumabas tayo'y hindi na ako umalis sa tabi mo.
Nakangiti kong sinulyapan ang mataas na sikat ng araw. Masaya at pakanta-kanta kong nilakbay ang daan papunta kina Amos, halos hindi ko naramdaman ang init.
"Manong, si Amos po?" matamis ang ngiting tanong ko sa guard.
Ngunit nawala ang ngiti ko nang malungkot niya akong tiningnan. Hindi lamang lungkot, dumaan din ang awa sa kaniyang mga mata.
"Miss Mille, wala na rito sina Amos."
I laughed nervously. "Kinabahan naman ako sa inyo, Manong. Saan po sila nagpunta? Hintayin ko na lang sila sa loob."
"Hindi na sila babalik," malungkot na sabi niya, halatang awang-awa sa akin.
I smiled humorlessly. Hindi 'yon magagawa ni Amos. Nangako siya sa akin.
Agad akong pumasok sa gate.
Tears escaped from my eyes when I saw the locked door of their mansion. Malakas na kinalampag ko ang malaking pinto. Hindi pa rin ako makapaniwala.
"Amos! Alam kong nasa loob ka, lumabas ka na, please..."
Nangatog at nanghina ang mga tuhod ko. Humawak ako sa malaking kandado upang humugot ng lakas ngunit napaluhod ako nang hindi ko kinayang tumayo. Malakas akong humikbi at inihilamos ang dalawang kamay sa aking mukha.
"Amos..."
***
Hindi ko alam kung ano'ng ginawa ko para gawin sa 'kin 'yon ni Amos. Iniwan niya ako nang walang pasabi. I wanted to hear his reasons. I wanted to hear his voice, even for the last time.
"Ang daya-daya mo, Amos. Why didn't you tell me about your d-disease?" Gumaralgal ang boses ko at nakayukong hinaplos ang katawan ng puno na nilagyan namin ng aming mga pangalan.
Everywhere reminded me of him. The memories that used to make me smile was now a torture. Beautiful but painful.
Napasalampak ako sa damuhan at tumama ang camera sa aking tuhod. Binuksan ko ito at nagsimulang panoorin ang huling alaalang iniwan ni Amos. Ilang buwan matapos silang umalis, may dumating na package sa aming bahay na naglalaman ng camera niya at isang envelope na nakapaloob ang aming mga litrato.
It pained me to see him suffering in the video. His head was wrapped in a bandage. Bumagsak din ang dating malusog na pangangatawan.
"I met you and fell in love. Those moments I was happier than ever."
Simula pa lang nangilid na ang aking mga luha. Kahit ilang beses ko nang pinanood ang video ay hindi pa rin nag-iiba ang mga emosyong nararamdaman ko. Sakit. Pait. Pagdadalamhati.
"I don't want to see the pain in your eyes while I would be in a difficult situation. I would undergo operations and I know my state will stress and depress you. Ayokong masaktan ka kung sakaling hindi maging successful ang operation. At kung sakali mang matagumpay at makalimutan kita, ayoko munang makita ka hanggang sa maalala kita at maging maayos ulit ang lahat. A-Ayokong makita kang nahihirapan at nasasaktan dahil sa akin."
Huminga siya nang malalim at saglit na tumigil. Kita ko ang sakit na rumehistro sa kaniyang mukha nang muli siyang magsalita.
"I will fight for us, Millie. Lalabanan ko ang kondisyong ito pero..." his voice cracked but still, he managed to continue. "Pero kung m-matalo ako..."
Tuluyan siyang tumigil at pinunasan ang kaniyang mga luha.
"Someday, makakahanap ka ulit ng taong magbibigay ng saya at kulay sa buhay mo. At natatakot akong sabihin na baka... baka hindi na ako a-ang taong 'yon..."
Puno ng lungkot at sakit siyang ngumiti. "I'm sorry."
I stared at the blank screen of the camera. Hinayaan kong pumatak dito ang aking mga luha.
"Ang daya mo, Amos... Hindi mo man lang ako binigyan ng pagkakataong damayan ka at makihati sa sakit na naramdaman mo. Hindi mo man lang ako hinayaang alagaan k-ka at iparamdam ang pagmamahal ko..." Suminghot ako at tinakpan ang bibig upang pigilan ang aking hikbi.
I was stubborn, alright, because after all the tears and frustration I couldn't forget him. I know this was the fight that I have to let go. I couldn't have him because this wasn't our time and this wasn't our moment.
The wind blew and the tree swayed with the harsh wind. I braced myself with the cold.
Some of the leaves left the tree to rest on the ground. I lifted my fist and slowly opened it to let a leaf fall on my palm.
Dahan-dahang sumayaw ang isang tuyong dahon at lumapag iyon sa ibabaw ng aking palad. Kasabay no'n ang pagtingkad ng langit sa nagbabadyang pagbaba ng araw. Nagbara ang lalamunan ko nang maalala ang sinabi ni Amos nang araw na 'yon... na siyang pinanghahawakan ko ngayon.
Sunsets are proof that endings can often beautiful, too. We let the day end hoping that tomorrow would be better than today.
I closed my palm and stuffed my hand in my pocket, only to find a piece of hard paper inside. Inilabas ko at napagtantong iyon ang larawan naming dalawa noong araw na 'yon.
A bittersweet smile lifted on my lips. We looked so in love on the photo but those happy and beautiful moments became a heartbreaking story. It was painful to see but I couldn't throw it away even if I knew he was gone. I flipped the photo and found a note that I didn't notice before.
I hope our love was beautiful in your memory.
Amos
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top