Chapter XXXVIII

"What rose?"

Huh?

"Yung rose.. sa table-" Ali still lookes confused.

Nevermind baka namali lang ng lagay kung kanino man yun.

"Ah wala boo, baka nagkamali lang.." I said, binalewala ko nalang.

I didn't want that 'simple, unnecessary' things to ruin our night"

~~~~

Looking back, I should've paid more attention to it, it didn't sit right sa isip ko.

It's already our junior year, sobrang mas nahihirapan na kaming lahat.

Hanggang sa bahay hindi ako makapagpahinga, napapadalas na yung pagaaway nina tito, ilang ulit na kaming nakikitulog kay Ali ni Faith.

Nahihiya ako pero what can I do, Ali is the one to initiate din naman.

I feel safe when she's around, always. It gets things off my mind.

But with that nakakaabala na ako ng sobra, there are times na hindi kami pareho papasok sa school kasi malala yung nangyari kinagabihan and she insists to stay home and take care of me and Faith.

Like today, we're eating sa dining table sa condo ni Ali or more like I'm eating while she's in her laptop, she called in sick again sa school.

Katutulog lang ni Faith kaya nagrerest kami when Ali's phone rang again.

She's currently busy with her take home assignments sa table kaya pinakuha niya nalang sakin.

I sighed when I saw who's calling.

It's the fourth time her dad called this morning.

I can see Ali na nastrestress na din sa mga pinaguusapan nila.



She's massaging her temples with closed eyes habang kausap yung dad niya.

"Yes dad I know, I'm sorry I really don't feel good.." mahinang pageexplain niya before coughing.


I'm used to her faking it pag kausap niya yung prof niya but this one is real.




She dropped her phone before leaning sa table.

"Boo.. are you fine?" nagaalala na ako sakanya, nadadamay siya sa lahat ng gulo sa buhay ko.


She smiled softly at me.

"Of course boo, tapos ka na ba kumain?" she asked.

I hummed.

"Please eat na rin" nilapit ko sakanya yung pagkain niya.

"I'm good boo, I'll eat after this" she went back to her work.




Pinuntahan ko si Faith sa taas para ayusin na yung gamit niya.

Sanay na siguro siya sa gantong set up namin, nakakaawang bata.


What's more disturbing is that wala manlang pake sina tita kung saan kami nagstay ni Faith everynight na magaaway sila ng ganun.

Pag uuwi kami parang wala lang nangyari, it's very tiring.

I'm even forced to practice for church service every saturday kahit drained ako sa school works.

It's not that I didn't like it, I just think I need a rest.



"Boo? uuwi na kayo?" pumasok si Ali sa kwarto.

"Hmm oo boo, thank you ulit ha" sagot ko bago akmang bubuhatin na si Faith na natutulog pa.

"Let her sleep.."

"Pero kasi boo-"

"Ihahatid ko kayo paggising niya, please come with me muna sa baba.." she said almost weakly.







Umupo kami sa sofa and Ali put her head on my shoulder.



"Move in with me boo" she whispered.


How I just want to..

"Ali-"


"What? what's your reason? huh boo? bakit hindi ka pa magstay dito? ayaw mo ba? "


"It's not I don't want to-"

"Then why boo?" she sat back up and looked at confused.

"Nahihiya lang ako kina tito, kina mama, sa family mo.. sayo" I explained.


"It's my decision" she said firmly.


"Boo.. I want to, gustong gusto ko na dito nalang tumira sayo.."


I cupped her cheeks.

"Pero ayoko iparamdam sa pamilya ko na kailangan ko pa ng higit pa sa naibibigay nila.." I explained.


She sighed before removing my hands sa mukha niya and holding it.


"We're juniors already boo, next year gagraduate na tayo, you're near to not needing them already"


I kissed her lips softly


"I'll come home to you one day Ali, one of these days.."

She just smiled weakly.










"Tita?"

"Oh hannah, andito na kayo"

"Ah opo, si tito po?"

Hindi nagsalita si tita at kinuha lang si Faith.




"Hi hannah"

Nagulat ako nang nakita ko si Jake sa sala pagpasok ko ng bahay.


"Uhm hello.."

"Ano kasi nababalitaan ko na napapadalas pag absent mo, I'm here to help you cope up" he explained.

"Oh? okay" maikli kong sagot bago papasok na sa kwarto pero nakasalubong ko si tito na palabas.



"Magbihis ka na Hannah, may pupuntahan daw kayo ni Jake diba?" bungad niya habang nagmamano ako.

"Ho? pero saan-"

"Sige na magiingat kayo ha" nagmamadali na si tito na umalis, baka pupuntang church.


Hindi pa ako nakakapagpahinga ah, ano nanamang pakulo to.

I looked at Jake who's smiling wide.

I frowned bago nagayos ng sarili sa kwarto.


I changed to my casual jeans and loose blue shirt tucked in front before going out.


"Where are we going?" I asked him coldly.

"Ah gusto ko lang na gawin tong araw as rest day mo so kahit saan mo gusto"

"Sa kama" I whispered.

"Huh?"


Ugh do I really have to do this, I don't want to disrespect him, lalo na si tito kahit pagod na ako.


"Fine, take me anywhere basta uuwi tayo agad" sagot ko.

He smiled bago magpaalam na kay tita.




We rode in his white civic to a resto bar.

Did he really think makakarest ako dito.

"Sa tatay to ng kaibigan ko, hang out place naming friends" he exclaimed as we entered.

Maaga palang so it's not fully packed, umakyat kami sa VIP room and met with his friend.

"Bro, si Hannah.. pamangkin ni Pastor" I reached my hand sa kaibigan niya.

"Oh hello, name's Warren, I finally met you palagi kang kwento nitomg si Jake- ugh" sinikuhan siya ni Jake kaya napatigil siya sa pagsasalita.

"Hahaha what bro? nahihiya ka ba?" sinikuhan ulit siya ni Jake kaya tumigil na siya sa kakaasar.



"Yeah right right, 'friend' mo si Hannah, upo na kayo I'll bring you guys drinks" Warren said bago umalis.



Umupo na kami sa round couch, I feel awkward sa situation as Jake smiles at me.


We were friends naman na, we can talk casually sa church, or wave at each other sa campus but we never really had the chance na magkasama ng ganito, kami lang.





"So, ano bang tumatakbo sa isip mo? hindi naman kasi normal sayo na magabsent lang ng ilang beses in one week" he started the conversation.

"I know.. marami lang talagang nangyayari, and it's personal.." I didn't want to talk to him about it. Baka masira ko pa image ni tito.

"You don't have to pretend with me, okay lang umiyak ka, or magwala ka kahit ano.." he said.

"Ilabas mo lang, kaibigan mo ako, leader mo ako, I can help.. I will help"


I couldn't help but cry. It's true I've been keeping it inside me cause I didn't want to disturb things around me.

With Ali being pressured with her dad and studies, sila mama hirap din sa pagpapadala ng allowance ko at tulong kina tita, ayoko na makadagdag sa mga iniisip nila.



"I'm sorry.." pinunasan ko agad yung luha ko.

"Ano ka ba? okay lang, ito oh" inaabot niya sakin yung panyo niya kaya kinuha ko na ito.

"Diba sabi ko nga ilabas mo lang, let me be your crying shoulder, I promised tutulungan kita diba, sa college and sa lahat" pagpapakalma niya sakin.

I slightly chuckled.

Maybe this is rest.










Naihatid na ako ni Jake sa bahay ng mga 4 pm, after we drank sa bar kumain kami sa labas kaya busog akong humiga sa kama.

Tulog rin sina tita at Faith, di pa nakakauwi si tito.


I opened my phone and was shocked, hindi ko natext si Ali, I didn't hear my phone ring kanina or even vibrated.

Shit.

You have 26 messages from Boo🐻💕

I read every one of them.

Nagaalala na si Ali, she asked me to call her when I read her texts so I did.


"Boo?" bati ko.

"Hmm? why ngayon lang?" she said sleepily.

"Did I wake you up? I'm sorry boo.." sagot ko.

"It's fine, I've been waiting for your call na rin naman, where have you been?" she asked.

"Uhm.."

"Tinulungan ko kasi si tita magayos ng bahay boo" I lied.

This is my second lie to Ali, I feel really bad pero baka mas mabuti nang hindi ko sabihin sakanya yun, wala namang malisya e.

"Oh okay, but have you rested?" she asked with concern.

"Hmm I'm already resting boo"

"Then I'll call you later, I love you" she hang up the call and I immediately regret what I had said.

Sinalubsob ko yung mukha ko sa palad ko.


"What the hell Sophia?" I whispered.

Nagulat ako nang may nagbukas ng pinto sa kwarto ko.

"Oh Hannah, nakauwi ka na? kamusta yung lakad niyo ni Jake?" tanong ni tito habang nagtatanggal ng polo.

Nakauwi na pala siya.


"Ah okay lang po tito.." sagot ko.

"Buti nalang andito siya para pagaanin yung loob mo ano?"

Huh? anong ibig niyang sabihin?

"Uh.. opo" I faked a smile para tumigil na si tito.

"Sa susunod ulit ha" sabi niya bago lumabas.



Susunod? may susunod?








Kumakakain kami sa lamesa ng dinner, tahimik lang sila tito at tita.


"Ah tito? baka hindi po muna ako makikipractice sa sabado, hahabol po kasi ako sa mga namiss ko sa kalse" I broke the silence at nagpaalam.

"Ano? pwede naman atang gawin mo yan sa church habang nagpapractice o pagkatapos?" I bit my lower lip, I really need to finish my school works, natatambakan na ako.

"Pero kasi tito-"

"Dahil ba kay Jake?"

What? anong kinalaman ni Jake dito?

"Hannah.. mabait na bata si Jake" panimula ni tito.

"Ah opo tito pero-"

"Malaki ang utang na loob natin sa pamilya niya, nakasangla itong mismong tinitirhan natin sakanila, and hindi nila nakakalimutang tulungan tayo sa mga bagay bagay.."

"Uhm opo tito pero hindi nama-"

"Nakausap ko na ang mga magulang mo" pirming sabi ni tito.

"Po?!,t-tungkol saan po" nauutal kong tanong.

"Simula ngayon gusto kong magsimula kang sumama sama kay Jake, maaalagaan ka niya, matutulungan ka"

Hindi ko naiintindihan kung saan nanggagaling lahat nito but I'm starting to feel fucking pissed.

Ngayon pa na nagsisimula na akong maging open kay Jake as a friend?!

"Gusto ko for you to spend more time with him"

"Tito? hindi ko po naiintindihan.."

"Masusuportahan ka niya, gagraduate na siya bilang engineer"


I stared at him looking confused, what in the hell is he saying?!


"Pumayag sina mama at papa mo, kilala na nila si Jake matagal na"

"Tito please!" I stood up before slamming the table.

"Ano pong pinagsasasabi niyo?!" galit na tanong ko.

"Pagbigyan mo si Jake na ligawan ka Hannah" pirming sagot ni tito.


"Ano?! tito hindi ako single! alam niyo yun alam nila mama't papa yun I have Ali!-"

"Na babae rin!!" tumayo si tito at sumigaw.


"Babae kayong pareho Hannah, magpasalamat ka nalang saakin at tinatama ko na yung landas mo!"


"Anong tamang landas to? matagal na kami ni Ali and you never said a word tapos ngayon ganito?" naiiyak na ako sa kakaisip bakit ganto yung nangyayari ngayon.

"Hannah tama na, sumunod ka nalang. May utang na loob ka sakin, at may utang na loob kami sakanila"

Hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko mula kay tito, sinubukan kong tumingin kay tita pero iniwas lang niya yung mata niya.

Umalis ako sa bahay at tumakbo papalayo.

Umiiyak na ako sa galit at patuloy na naguguluhan.

Tinawagan ko sina papa para kausapin.

"Pa? totoo ba yung sabi ni tito?"

"Oh anak, napatawag ka"

"Pa sagutin mo ako!, totoo ba yung sinabi ni tito?"

"Ah nasabi na pala niya.."

"Pa.."

"Anak pasensya na.. hindi ko rin to gusto, masaya ka kay Ali pero.."

"Hannah" rinig kong hinila ni mama yung phone kay papa.

"Ma? ma bakit ka pumayag?!" umiiyak na tanong ko.

"Sundin mo nalang yung tito mo, wag ka na munang tumawag, marami kaming trabaho dito"

"Ma!, ma?!" pinatay niya na yung call.


Napahagulgol nalang ako sa galit at sakit.


Bakit nila ako gagamitin?! bakit nila ako ginaganito wala naman akong ginagawang masama!






I wanted to shout, cry gusto kong magwala pero nasa daan ako.





I know hindi ko dapat sabihin kay Ali but she's all I need right now.








I went to her condo after composing myself and bought ice cream.

"Boo?!" nagulat siya when she opened her door.

I hugged her tightly.

"Wh-bakit boo?" she asked.

"Hmm nothing, ice cream?" I showed her what I brought.

She smiled widely before kissing me sa labi.

Yes, she is all I need.




We sat sa couch and watched her favorite series.

"So what brought you here boo?-"







"I'm moving in Ali"

~~~~~~~

uwu :<

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top