Chapter XXVI
We were already at Ali's condo unpacking her things when I remembered about her laptop.
"Ipapaayos mo ba yung laptop mo boo?" tanong ko.
"No boo. Bibili na akong bago" What? hindi masyadong malala yung basag nung nakita ko ah pwede pang ipaayos.
"Ahh okay" maikling sagot ko. Aantayin ko nalang na siya mismo magsabi sakin kung bakit ba nasira yung laptop niya and maybe even ask about what I saw.
"Ughh sakit naman sa likod nito" pagrereklamo ni Ali habang nagstrestretch.
"Sus tapos dinala mo na ata buong kwarto mo tapos isang maleta lang yung damit, lahat na laruan e"
"Those are not toys boo" ha? daming alam e.
"Those are for entertainment purposes" edi laruan nga.
"Siguraduhin mo lang na hindi puro ENTERTAINMENT ang aatupagin mo dito" pagpapaalala ko.
"Oo naman, konting tulog din" seryoso niyang sagot.
"You're so annoying" sabi ko at binato siya ng unan.
"Wow ako pa annoying boo ikaw nga tong bawat gamit na ilalabas sa boxes may reklamo"
"Ay gusto mo iwan kita dito, bahala ka magayos"
"Edi go hanap ako ibang tutulong" maarte niyang sabi.
"Ganon ha! ikaw alam mo ka!!" hinabol ko na siya ng remote ng tv kaya naman tumakbo siya at nagtaklob sa kama.
"Oyy joke lang boo! hahaha" pagawat niya.
"Ewan ko sayo!"
Lumabas na siya sa kumot at tumatawa parin.
"You're just hungry boo hahaha, papadeliver na po" pagbawi niya.
We were eating sa table while I observed her condo.
White walls with gray tones, it's quite the same sa kwarto niya, only 17 floors higher. It's complete with a kitchen and dining table for four. The living space is big with sofas and tv, puro glass din yung mga pader, you can see the busy life outside talaga from above.
Her room features a queen sized bed with black sheets, a walk-in closet and a spacious bathroom.
"Do you want to move in with me?" muntik ko ata nailuwa yung kinakain ko sa biglaang tanong ni Ali.
"What?"
"I mean the condo is too big for one boo"
"That's too much na ata Ali" sagot ko.
"Ohh.. well maybe sometime boo? think about it?" oh I will.
"Sure boo"
"How about a date after this?" pagaaya ni Ali
"Intramuros sounds good?" tanong niya.
"Intramuros sounds good." sagot ko nang nakangiti.
"That is.. after I buy a laptop"
I smiled, still thinking about wether to ask her or not.
We're walking around Intramuros after buying Ali's laptop.
"Hey? what are you thinking about?" tanong niya. Kanina pa ata ako natulala.
"Can we sit down boo?" pagaya ko kaya umupo muna kami sa bench beside the lamp post, pababa nanaman yung araw, I've been wanting to talk to Ali.
"I saw it boo.."
"I know" maikling sagot niya habang nakatingin sa taas.
"What is it for?"
"Didn't you read it?" tanong niya.
"Uh.. I did, but I need to hear it from you." nahihiyang sagot ko.
"It was from the campus, sorry I didn't tell you" panimula niya.
"The day Bri left, I did an interview for my bussiness course.. but I had one even before that" so she got accepted.
"College of Law"
"Sabay dumating yung results sa email" pagkwento niya habang naiiyak.
"I asked myself why did I even went to that interview.. when I knew I didn't have a choice"
She smiled bitterly while looking down.
"I got in boo.."
She looked at me and I felt so bad for her. This was supposed to be the part where I jump from happiness for her but no, none of that seems to fit the situation.
I hugged her, ever so tightly. Maybe this way she can feel that I'm is here for her.
She laughed before letting go.
"Why am I even fretting about it? I'll move on, like everytime." she said while looking at the sun setting.
"It's just another day, like everytime.."
I didn't know what to say kaya pinanood ko nalang ring lumubog yung araw.
Kasama ng lahat ng bagay na hindi na dapat pinanghahawakan.
Napa'buntong hininga na lang din ako sa lahat ng nangyayari. Nagsisimula na kaming magdesisyon hindi na lang para sa sarili namin. Adulting huh.
"Hahahahaha boo stop!"
"Ang drama mo boo konti na lang teleserye na to"
"Nakakahiya Ali! Andaming tao oh!" patuloy pa rin siya sa pangingiliti.
"I won't stop so you better run" nakangising sabi nito.
"Ah ganun ha, akala mo!, papatulan na talaga kita" Well Ali talo sakin mga kapatid ko sa kilitian.
Nagsimula na akong lumapit sa kanya nagaakmang mangiliti.
"Didn't see this coming" sabi naman niya sabay takbo palayo sakin.
"Huwag kang magpapahuli Ali, sinasabi ko sayo" pananakot ko. Mas lalo namang lumakas yung tili niya. Ang sarap pakinggan ng mga tawa niya.
All I could think of is that sana tumigil yung oras, I want to stay here, happy with Ali.
Until our kilitian turned to tagu-taguan.
"San na ba kasi yun?"
I walked even further when I saw a shadow sa may gilid ng puno.
Nilapitan ko to at kinilala, I saw Ali.
"Wah! kala mo matatakasan mo ako!" sigaw ko pero hindi na siya tumakbo at tumatawa nalang habang hingal na hingal.
"Oh okay ka lang?" tanong ko.
"Hmm oo boo, napagod lang" sagot niya habang napahawak sa tuhog at muntik natumba.
"Uy Ali! okay ka lang ba talaga?" nagaalala na ako but she looked calm.
"Yes boo, gutom lang ako saka anlayo din ng tinakbo natin no" sagot niya.
"Are you sure? uwi na kaya tayo? or kung gusto mo higa ka muna sakin dito sa damuhan" pagaaya ko.
"Di na boo, street foods nalang tayo dali!" sagot niya at hinila na ako.
Nakarating na kami ni Ali sa pwesto ng mga nagbebenta ng street foods. Bigla akong nakaramdam ng gutom.
"Nakakagutom naman boo, nakakamiss mag'streetfood" sabi ko.
"Masarap dito boo, dito ako madalas kapag kakain ng gantong pagkain, malayo layo sa mga tao" sabi naman ni Ali.
Inabot na sa akin ni Ali yung plastic cup at stick para makakuha na ng mga gusto ko.
Dinamihan ko yung kuha ko sa kwek-kwek.
"Hey, allergic ka sa egg at chicken di ba?" patay tayo niyan, naalala pala ni Ali.
"Uh.. oo boo hehe" nagpacute na lang ako ewan ko ba kung uubra sa kanya.
"Please?.." pagpapakiusap ko, alam ko ng alanganin na siya na pumayag e.
"Okay just this once tsaka may gamot sa sasakyan, uminom ka kaagad" seryosong sabi ni Ali.
"Yes ma'am" masayang sabi ko, effective pala pagpapa'cute ko try ko ulit sa susunod.
Kumain na kami ni Ali bago ko naalala na anong oras na pala.
"Uwi na tayo boo?" pagaaya ko.
"Aw sad" pacute niyang sagot.
"Hahaha malapit na pasukan boo, you said susunduin mo ako palagi diba?" pagbibiro ko.
"Ay tama tama of course naman" hahaha naconvince naman siya nito.
Hinatid na niya ako kina tita bago umuwi sa condo niya.
Wala pa atang 15 minutes when I received a text from her.
"Thank you boo, for helping me sa maraming bagay"
"Andito lang ako palagi, make sure na hindi lang yung streetfood ang dinner mo ha"
"Luh inaantok na ako e"
"So? di ka pa naman tulog"
"Zzz"
"Oh sige talaga"
"Charot to naman, kain ako mamaya I love you"
"I love you boo"
Binaba ko na yung phone ko at nagayos ng sarili bago magdinner at matulog.
I was already eating alone, tapos na daw kasi sila tita, when I saw my phone lit up sa sofa so I went to see baka nagtext ulit si Ali.
@JakePerez messaged you
~~~~~~~
uwu :>
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top