Chapter XXII

Angbilis ng oras, magcocollege na kami. Andaming bagay na tumatakbo sa isip ko pero wala kaming oras magalala ngayon.


Aalis na pala si Bri. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko.





Bri's POV

"Arghh shet anginit na"



Nagising na ako kasi parang antagal ko nang tulog wala pang gumigising sakin.



Flight ko na pala ngayon. Puka wala manlang text galing kila Ella sarap hambalusin.



Dumeretso na ako maligo kahit parang tulog pa akong naglalakad, 7:36 am na 1 pm pa flight ko pero maaga daw kaming pupuntang airport.



Pagkatapos ko naligo naalala ko hindi ko nakuha yung tuwalya ko. Hayop na yan.



Tumakbo ako papunta sa kwarto saka magpunas doon at nagbihis, kagabi pa nakaready lahat ng gamit ko pati susuotin ko ngayon.



Tiningnan ko ulit yung phone ko pero wala paring messages or calls from anyone. Jusko tulog pa ba sila o wala talaga silang pake.



Nakabihis na ako't lahat lahat bakit wala paring tumatawag sakin? anong oras ba plano ng tatay kong umalis?



"Pa!? may agahan na ba?!" sigaw ko habang nakahiga pero walang sumasagot.



Ano to? naiwan na ba ako? joke ako joke?




Lumabas ako ng kwarto at sumilip sa kusina, walang tao, sala, walang tao.





"Pa!? anong oras na oh!" 8:40 na ah anong ganap? makaka Canada pa ba ako jusko.


Dumeretso na ako sa kwarto nila papa baka tulog pa or nagreready, dun din kasi nakalagay mga maleta namin.



"Hoy ano to?" kabang tanong ko sa sarili.




Walang tao sa buong bahay, wala na lahat ng gamit pati mga bag ko.



Tinatawagam ko si papa pero cannot be reached.



Naiwan nga ata ako..




Tinawagan ko sina Sophia para humingi ng tulong.




Anna's POV

Nagring yung phone ko habang nagbibihis kaya agad ko namang sinagot.


"Sophi?!" sigaw ni Bri. Mamimiss ko mga sigaw nito.

"Sophi naiwan ata ako! wala sina papa sa bahay walang tao walang gamit!" nagaalalang sabi niya.

"Ha? imposible naman, laki mong sakit sa ulo makakalimutan ka? tawagan mo" utos ko.

"Sa tingin mo hindi ko ginawa yon? tulungan mo nalang ako punta ka sa bahay" sagot niya.

"Hala Bri diba sinabi ko na may lakad kami nila mama ngayon, sorry na di ko naman ginusto na di ka maihatid e" magtatampo to panigurado.

"Puchang yan, wala kang share sa ipapadala ko" galit niyang sabi.

"Sus matitiis mo ba ako" pagpapatawa ko.

"Ugh sige na! tawagan ko sina Ella" binaba na niya yung tawag at tinapos ko na magbihis bago lumabas ng bahay.






Bri's POV

Binaba ko na yung tawag bago dinial si Ella.

"Ella! sunduin mo ako at samahan sa airport" agad kong utos.

"Hoy baket ha? may bayad?!" sagot niya.

"Apakahayop mo hindi ka yayaman sa ganyan"

"E bakit muna? san sina tito? bakit ako pa naisip mong bulabugin? diba sinabi ko may na sayo sasamahan ko si mama mag pacheck up ngayon? hahabol nalang akong airport" pageexplain ni Ella.

"Ah basta sige den" ayokong sabihin kay Ella na naiwan ako no, malamang magagamit na niya sakin na pang asar yon.



Si Keily kaya? di naman busy yon.

"Keily? san ka?" tanong ko pagsagot niya ng tawag.

"Hi Bri! kamusta nasa airport ka na ba?! pupunta ako mamayang pagkatapos ko dito sa vet!" anglively ng taong to kahit kailan, nakakairita minsan.

"Bakit ka nanjan?" tanong ko.

"E ano kasi si cheesecake e nagsusuka" ano ba namang pangalan yan, sarap ng aso mo.

"Sige sige den" sagot ko bago iend yung call.


Shet si Ali nalang natitira. Lord be with me.



"Hello Ali?" bungad ko.

"Bri? hey sorry I'm driving, on my way to my interview for my college course" ahh busy.

"Weh? sige goodluck, di ka makakaputang airport?" tanong ko.

"Of course not, I'll go as soon as I finish the interview, won't be too hard naman siguro, be safe" binabaan na ako ng phone ni Ali.



Wooo team commute!


Sa dami nang kakalimutan ako pa.



Kinuha ko na yung backpack ko at sumubo ng tinapay bago lumabas ng bahay at tinext si papa na papunta na akong airport.



Naglalakad ako papuntang parkingan nang nagsimulang umulan. Shete.



Lord sabihin mo lang kung di ko na to itutuloy, magpapaiwan nalang ba ako.



Bago pa ako makatago sa silong may humila na sa braso ko at pinayungan.





"Hatid na daw kita" huh? natauhan ba tatay ko?




"Brielle? sakay ka na sakin.." Charles? Shit.



"I mean ako na maghahatid sayo sa airport" di na aki nakaimik sa gulat ko hanggang makasakay kami sa sasakyan niya.




"Pano mo nalamang aalis ako ngayon?" tanong ko.



"Ah? e.." ang shy niya talaga, cuteee.



"Ah si Sam siguro no? did she ask you to fetch me?" inunahan ko na siya, hiyang hiya e.



"Hmm oo" mahinang sagot niya.



"Wag kang magalala, I don't bite" unless.. charot.



"Uhm sure, thank you" mahina niyang sabi.



Ha? thank you daw? feel ko tuloy nahaharass ko siya. Anginosente parang biktima agad wala pa akong ginagawa.






"Alam mo mamimiss ko Pilipinas.." panimula ko. Napangiti lang siya. Hirap naman nito pagsalitain.



"Pero may mas mamimiss ako e"



"Ano naman yun?" tanong niya nang hindi parin tumitingin sakin.







"Ikaw" aray pota! bigla siyang napabreak. Gulat ka naman bibi ehe.



"Char lang ano ka ba? hahaha angtense mo kasi" pagbiro ko.



"Ah hinde red light kasi" ay kala ko naman nainlab ka sakin.


"Ah by the way, ingat ka dun goodluck sa studies." sabi niya.


"So you talk naman pala ng ikaw ang nagsisimula" pangaasar ko kaya naman namula siya at napalunok.



"Huy joke lang" effortlessly funny ka pala e.



Ngayon tuloy I just wish we had more time. Hay ano ba tong iniisip ko, my dreams are waiting for me, Canada is waiting for me.



Awkward lang si Charles the whole ride hanggang aiport. Cute paren ehehe.



"Ahm andito na tayo, hatid na kita hanggang loob." sweet naman. Pero parang di na makakahabol yung mga hayop ah.







Papasok na ako para mahanap sila papa nang narinig ko yung pangalan ko sa paging system.


Anong kagaguhan to bat ako hinahanap, tanim bala na bato, tanim shabu? makukulong na ba ako jusko Canada higupin mo nako.



"Brielle Santagio, paging Brielle Santiago please proceed to the cafe beside Gate 3"

Hoy uwi nalang ata ako bakit ganon anong nangyayari? papaaaa.






Anna's POV

We're here ngayon sa cafe sa airport inaantay si Bri. She really thinks papalampasin namin tong pagalis niya dahil may ibang lakad kami.



We just wanted to surprise her.

Napage na pala yung pangalan niya, natatawa kaming lahat dito knowing na nagpapanic na yun kahit hindi niya ipakita.



"Siya na ba yun? may kasama siya?" tanong ni Keily.

Is that?.. si Charles.



Napatingin ako kay Ali na nakangiti sakanila Bri. May plano pala to ah.


Hindi parin kami nakikita ni Bri sa malayuan kaya umupo muna kami at nagkukunyaring ibang tao.



"Papasok na sila guys shh na kayo" bulong ni Ella.







Bri's POV

Bakit ba ako nandito sa cafe na to, di parin sumasagot nila papa.



Ang awkward ni Charles pero bet padin hahaha. Umupo muna kami sa isang table for two bago ako tumingin sa paligid.



Nagulat ako nang may nagbaba ng cake sa harap namin.






Anna's POV

"Surprise!!" sabay sabay naming sigaw at inilagay yung cake sa table nila Bri.


Halatang gulat na gulat siya ah. Napamura pa.



"Mga hayop! akala ko di na tayo magkikita!" naluluhang sabi ni Bri.



"Sus! papayag ba kami!?" sagot ko.



"Alam mo kahit na perwisyo ka di ka namin matitiis" sabat ni Ella.



"Hngg Brii!! mamimiss kita! wag ka boboypren boypren dun ha!?" sigaw ni Keily.



Natahimik naman kami dahil napaubo si Ali nang nakatingin kay Charles.




"Ehem! Charlie boyfriend daw oh hmm" pangaasar niya.




"Ano ba kayo baka totohanin ako niyan" mahinhin na pacute ni Bri.


Nakatanggap naman siya ng batok kay Ella.




"Aray naman yan talaga ipapabaon mo sakin" tampo nito.




"Hinde ito oh" sabay abot ni Ella ng explosion box.




"Dami tayong pictures jan and messages narin namin" masayang sabi ni Keily.



"Still we want you to go on even without us, physially.. so here." dagdag ni Ali bago iabot yung camera.




"Use it to capture even the smallest things you treasure.. pag nagkita ulit tayo we'll have something just to look at and probably have a peak of what you've become" dagdag niya.




"Bakit naman english?" natatawang sabi ni Bri.



"Pero gagamitin ko to, galing sainyo e"



"Para san yan kung walang lalagyan? hahaha ito oh" abot ko ng photo album.



"Ingat ka.." naiiyak na sabi ni Keily.






"Wag tayong iiyak please.. nakakahiya myghad" sabat ni Ella habang umiiyak na rin.



Mukha kaming mga tanga pero wala na ata kaming pake.



"Sumulat ka ha, okay lang kahit next month na yung padala mo land safe nalang muna" pagbiro ni Ella.



"Oo sige wag kang magaalala makakatikim ka rin ng lupa ng Canada, huhukay ako agad para maipadala na" sagot ni Bri habang naiiyak na rin.



"Magaral ka nang gaga ka, wag mo kaming alalahanin, maganda parin kami sa future" pabiro kong sabi.





Natatawa nalang kami habang umiiyak, tumingin ako kay Ali na nakangiti at tumatalikod from time to time. Alam kong malungkot to ng sobra. Her friendship with Bri has always been different from ours, very unique.



Nagring na yung phone ni Bri kaya sinagot niya ito.







Bri's POV

"Hello Pa? nasan po kayo?" tanong ko sa call.


"Gate 3 na nak, paalam ka na sakanila" sagot ni papa.


Naiyak na ako ng tuluyan. Ito na pala talaga yun, parang ambilis naman kahit ilang years na akong naglolook forward.




"Alis nako ha.. ayoko na umiyak yakapin niyo na ako" utos ko sakanila.



Humarap ako kay Charles pagkatapos ng yakap.




"Uhm bye na muna ha, add friend kita pagdating ko dun" nakangiti kong sambit.



"Uh okay thank you, ingat ka." thank you naman to ng thank you, cute cute hngg.



Palabas na kami ng cafe nang may pumitik sa tenga ko kaya agad ko siyang hinarap.






"Sooo? you're finally leaving.." si Sam.

"Just let me talk.. and let's not cry hm? let's save it for later, like everytime."
dagdag niya.


She looks so down and pale but trying to act right. Tiningnan ko lang siya ng nakangiti.



"Soar high L" tawag niya sakin yun pag seryoso kami. Well minsan lang naman kami nagseseryoso.




"Don't come back unless you've already reached your dreams" halatang nagpipigil lang siya ng iyak.

"And achieve them fast so you can see my face again" pagbiro niya, hinayaan ko lang siyang mailabas lahat habang nakangiti lang ako.




"See you L.. see you when I see you" pagtapos niya bago tumulo ang luha.

Wala na akong nasabi bago niya ako niyakap ng mahigpit.


This one I'll fucking miss. Soar high too Sammy.



Bumitaw siyang umiiyak at agad tumalikod papunta kina Sophia.



I walked up the escalator looking at them nang di inaalis yung tingin ko sakanila.





"Let's not cry.." bulong ko sa hangin bago ako pumikit at pumatak ang luha ko.






Anna's POV

Nakauwi na kami galing airport at napagusapang magchat nalang.



Inopen ko yung phone ko at nagopen ng social media para magpost.

@ellaellae!e!e! posted

Caption: Land safe kambal, padala ko ha 💜

@RATEDKeily posted

Caption: Sabihin mo lang pag sad ka ipapadala namin si Charles bebi 😎

Nagpost na rin ako naunahan na pala ako e.

Caption: Till we go crazy again 🍻

Nagscroll pako at makita ang post ni Ali.

@alithegreat posted

Caption: Let's go higher than the skies hmm?.. pero wag mahuhulog marupok ka pa naman 🙅‍♀️


Naiiyak nanaman ako nito e. She's actually moving miles away from us, but atleast she's nearer to her dream diba. Studying fashion design in this country is not what will make you successful ugh.

I decided na magscroll pa para hindi na ako maiyak.

@BRItneyspears posted

Caption: Mayor is in the plane 🚁 See you when I see you..

Comments:
@ellaellae!e!e!: Helicopter yung emoji mo tanga.
@BRItneyspears: Pareho lang lumilipad
@alithegreat: bat di palang ibon 🤷‍♀️


Kahit saan talaga, walang pinipili tong mga to e.


~~~~~~~

uwu :<

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top