Chapter XXI

"Hannah! Iabot mo nga dito yung tuyo para maluto na"



"Cassandra yung bunso mong kapatid gisingin mo na kakain na tayo maya-maya!"



"Ma ako na bibili ng red egg sa tindahan"



"Anak dalian ang galaw papasok na ako"



Umagang umaga ang ingay namin pero ganito naman kami lagi, nakakahiya lang kasi kay Ali.



"Hey boo, Good morning" magandang bungad ko kay Ali.



Nabaligwas naman to sa gulat. Hahaha ang cute lang, ang gulo pa ng buhok niya tapos pawis na pawis. Sorry Ali wala kaming aircon.



"Ah boo good morning" inaantok pa na sabi ni Ali.



"Sorry boo kailangan na kitang gisingin kasi mamamalengke pa ako mamaya e kaya kain na tayo ng breakfast" pageexplain ko.



"No boo, It's fine. I'll get up, di ka magisa mamamalengke ngayon" nakangiti niyang sabi.






Dumiretso na rin sa c.r. si Ali habang ako naman ay naghanda na nang mesa.







"Ate Ali dito ka sa tabi ni Ate Hannah"



Napalingon ako sa likod ko. Ang ganda naman ni Ali kahit bagong gising ang unfair ng mundo.




"Kain na anak" sabi naman ni papa sa kanya.



Napansin kong nag'blush ng kaonti si Ali sa sinabi ni papa. Ang cute cute.



"Wow tuyo!" excited na sigaw ni Ali.



"Ah.. oo boo tuyo, ayaw mo ba? pwede naman akong tumakbo papuntang tindahan para bumili ng gus-" pagaalala ko.



"No no no! This is great, finally after a month na hindi tuyo ang ulam nila manang sa bahay for breakfast" pagpapaliwanag ni Ali.



Aba. Akala ko kapag anak mayaman hindi kumakain nito. Iba ka Ali.



"Thank you tita at tito, ang sarap po ng pagkain niyo dito" masiglang sabi niya kina mama.



"Anong masarap? paulit ulit nalang kaya" Aba attitude 'tong si Cassandra ah.



"Bibig mo Cassandra" pagsaway ni mama.



Napansin kong medyo nanahimik si Ali duon.






Kumain kami ng maayos halatang gusto nga ni Ali yung ulam namin nakailang kain e. Nagayos na kami ng hapagkainan at pumasok na rin si mama tsaka nagpasada na rin si papa.




"Cassandra aalis na kami ah, mamamalengke na ako yung sina Hazel at Janeane bantayan mo"
pagpapaalala ko sa kapatid ko.



"Oo ate kapag hindi sumunod 'tong mga' to ako bahala" mataray na balik ni Cassandra. Maldita talaga e.



"Ate! Ate! pwedeng bili ka nung chocolate na iniinom? nakita ko kasi yung sa classmate ko pinatikim ako tapos ang sarap ate" Sabi ni Janeane.



"Ate pwede bili ka din ng remote control na sasakyan?" kahit kailan talaga Hazel. Ang boyish kasi nito e.



"Next time na lang ha? Sabihin natin kina mama, naka'budget kasi yung iniwan na pera tsaka may listahan na"



Nakita kong nalungkot yung dalawa. Hay. Balang araw maibibigay ko din sa inyo yung mga gusto niyo.




"Janeane ako bahala sa chocolate na yan gawa tayo may chocolate bar diyan na natira galing kina tita tunawin nalang natin saka lagyan ng gatas ha?" masayang pagsabi ni Cassandra kay Janeane.




"At ikaw Hazel may nakita akong old toys yung kapitbahay natin na itatapon na ata hingiin nalang natin okay ba sayo yun?" pagkukumbinsi naman niya kay Hazel.



Napangiti at napa'oo rin sila kaya medyo nakampante na rin ako. Si Ali nasa gilid ko pinapanood yung sitwasyon namin. Hindi ko siya mabasa.



Nakarating na kami sa palengke at naghahanap ng parkingan si Ali.



Nagpark na siya sa underground parking lot ng grocery store.



Lumabas na si Ali at pumunta sa side ko ng kotse bago binuksan ang pinto. Ewan ko kung inborn lang talaga sakanya yung pagiging sweet at maswerte lang talaga ako.



Aakyat na si Ali sa grocery store bago ko hawakan ang kamay niya.



"Boo hindi tayo dito" sabi ko.



"Ha? san ka bibili boo? dun na rin ba ako magpark?" tanong ni Ali.



"No boo sunod ka nalang sakin"



"Dun tayo oh" sabay turo ko sa public market.



"Wait boo, kunin ko lang yung payong sa kotse antayin mo ako jan" pagpapaalam niya.




Nagulat nalang ako nang nasa tabi ko na siya at binuksan na niya ang payong bago ako hinawakan sa bewang para tumawid sa kalsada.




"Ate isang kilong bangus naman pakilinis na rin po yung buntot paki tapa" bumili na ako ng bangus habang si Ali naman nakatulala sa nakikita niya.



"So what dish is this supposed to be boo?, roasted? glazed? fillet?" tanong niya.



Natawa naman ako at tumingin sakanya.



"Sinigang boo, sinigang"



"So broth? hmm sinigang is like one of the top dihses in rainy days isn't it?" sagot ni Ali.



"Uhmmm.. oo naman boo" natatawang sabi ko.



"Pero kahit mainit, magsisinigang parin tayo, iniisip ko nga kung lalagyan ko pa ng green chili or baka aya-" nagulat ako at napatigil magsalita nang tumalon si Ali sa likod ko at nabitawan ang payong.



"Boo! get away! yung isda! it's freaking alive!!" sigaw niya habang hinihila ako.




Shet di ko naisip to ah.




"Calm down boo, dapat lang talaga buhay yan.. hehe sorry ate ha baguhan lang kasi siya dito" pageexplain ko kay Ateng nagtitinda sabay abot ng bayad at umalis na.




"Wth was that boo? that catfish was so big it could eat me, it freaking jumped at my feet!? imagine that? hindi na sana ako nakakapaglakad ngayon kundi dahil sa fast reflexes ko" pagrereklamo ni Ali.




Is she serious? this girl is otherworldly.




"Alam mo boo? let's buy that catfish, I'm going to kill it, cook it in the grill while it's still alive and feed it to other catfishes" sabi niya habang hinihila ako pabalik.



"Hoy boo! ano ba? seryoso ka? hahaha di ka naman naano" natatawa kong sagot.




"Why does it have to be alive kase! maluluto din naman" pagtatampo niya.



"Come let's buy gulay na ha para makalimutan mo na yang hitong yan" paghila ko sakanya palayo.



"Ate magkano kangkong niyo?" tanong ko.



"15 lang ma'am bili na po kayo"



"Isang tali po"





"Boo damihan mo na kaya, kawawa si ate anginit init dito oh para makauwi na siya agad" bulong ni Ali.




"San naman natin ilalagay yung ganun karaming kangkong?" tanong ko sakanya.



"Well, pag may nakasalubong tayong kambing?..." mahina niyang sagot.



Sarap mong ibulsa Ali.



"Isang tali na rin po sa green chili at okra ate.." dagdag ko.



"Saka limang pirasong kamatis ho"



"Di mo talaga dadagdagan boo? malay mo yung kambing may pamilya, shempre maghahanap siya ng maipapakain sakanila.." pagkumbinsi ni Ali.



"Halika na nga" hinila ko na siya pagkakuha ko ng mga gulay.



"Chicken nalang for dinner, tara boo" pagaya ko.



"Ahh finally, poultry.." sagot niya.



"So is it grilled? what smoked? hmm another broth maybe? chicken soup?!" excited na paghula ni Ali.



"Adobo boo, chicken adobo" pirmi kong sagot.




"Wh-.. why boo? don't you have any other ideas? is that all you got?" pagrereklamo niya.




"No boo, yan talaga yung plano ko una palang" natatawa kong sagot.





Napabuntong hininga nalang siya at nilaro yung paa niya habang sinisipa ang poste sa tabi.



Bakit ba angcute nito, angsarap ihawin. Apakasosyal e.






"So are you done boo?" tanong niya pagkatapos ko magbayad.


"Hmm" pagtango ko.



"Okay" maikling sagot niya habang pinapayungan parin ako.



Napansin kong gusto niyang kunin yung mga hawak kong supot pero halatang hindi niya alam kung paano.



"Jan ka lang boo ha" pagpapaalam niya.



San kaya nagpunta yun.



"Akin na yan" nagulat ako nang hinawakan na niya ang kamay ko halatang iniiwasan ng mga basang supot at inilagay sa eco bag ang mga binili namin.



Aba angarte, pero sweet hahaha.



"Ikaw talaga ano ka e" pangaasar ko.



"Hehe I find ways boo BDO ako" sagot niya.



"Boo bakit jan ka dadaan, nasa parkingan yung sasakyan mo" sabi ko habang papasok si Ali sa grocery store na pinagparkingan niya ng kotse niya.



"May bibilhin lang ako boo samahan mo ako dali" pagaaya niya.




Nilagay ko na sa baggage counter yung bitbit namin at pumasok.



"Oh akala ko ba may bibilhin ka lang bakit nakacart ka pa?" tanong ko kay Ali.



"Madami akong bibilhin e" sagot niya.




"Ano ba yun?" curious na tanong ko.



"Depende.."



"Ano ba sa tingin mo gusto nga mga kapatid mo?" ha? ano daw?



"Ano? bakit mo natanong?" nakakapagtaka lang.





"Luh ikaw kaya ipaggrocery ng ayaw mo shempre madidisappoint ka" sagot ni Ali.



Finally narealize ko na balak niya.



"What? boo you don't have to do this" pagpigil ko.


"I know.. but I want to"



"Ali nakakahiya"



"So? ako hindi nahihiya" aba bastos to ah, iniwan ako sa entrance.



Naglalakad na kami sa aisle ng drinks ngayon, mukhang wala nang pipigil dito e.



Halata namang hirap na si Ali magisip kung anong dadamputin.



"Ali ito nalan-" nagulat nalang ako nang kumuha siya ng tig iisang box ng mga chocolate drinks.




"Si Janeane nalang magdecide anong gusto niya boo, wag ikaw" sabat niya.



Jusko anggasto ng taong to.





Hinabol ko na si Ali papunta sa aisle ng mga cereal at nadatnan siyang may hawak na dalawang klase at kinocompare ito.



"Hmm, the first time I tasted this one hindi ako natigil sa kakalaro buong araw, peak sugar rush" banggit niya habang nakakunot ang noo.





"I loved it!" excited niyang dagdag at inilagay sa cart yung isang cereal box.




Akala ko ba nahyper siya dun, you're upside down sa kaibahan Ali.




"But this one's good din naman, but looks like a frustrated rainbow" oo nga naman parang hindi nakakain itsura nito e daming kulay.



"Which means more fun!" dagdag niya at inilagay din ito sa cart.



What? anong pagiisip ba meron to?



"Nevermind laman tiyan din to lahat" sabi ni Ali bago kumuha ng tigiisang box at pinuno ang cart.



"Omygod Ali! anong balak mo?" gulat kong tanong.




"I know boo.. don't worry, dadamihan ko rin ng milk, lagi ko ring naiisip yan daming cereals ubos na gatas, hay what a crisis."




I was left speechless bago hinabol si Ali na kumukuha na ng ilang boxes ng gatas.




"Boo tama na yan"

pagpipigil ko sakanya.




"Oh trust me boo, that's what manang always say pag sasama ako maggrocery. Five's never enough" sagot niya habang nagdadagdag pa ng gatas.



Shit. Kasya pa ba to sa ref namin.






"So now we go to the best aisle.. frozen processed goods" banggit ni Ali habang nakangiti. Mapapagalitan ako sa nanay ko nito e.



Halos kalahating oras na nagikot si Ali bago kami napunta sa fruit bar.




"Really boo?" sarcastic kong tanong sakanya. She really thinks mapapansin to ng mga bata pag nakita yung ibang pinamili niya.



"No boo, this is for you" she answered sweetly.



What? para sakin?



"Pick everything you want" utos niya.



Hindi ko alam kung mahihiya pa ba ako, alam ni Ali kung gaano ako kaadik sa prutas na kaya kong ubusin yung isang basket pag new year sa isang upuan lang.



Di na ako nahiya at sinunod siya.




Dumeretso na kami sa counter after ng halos isang oras ng pagwaldas ni Ali ng pera.






"You really didn't have to boo" nahihiya kong bulong sakanya.



"I know.. but I want to" balik niya sakin nang nakangiti.



"This is nothing boo, you mean so much more than this"





Sobrang swerte ko pero..grabeng gastusan to ha.




Ilang boxes ng cereals, chocolate drinks to, mga hotdog, tocino, bacon at madami pang frozen goods, andami ring chocolates and chips parang naliligaw lang yung apples at oranges ko.





Kahit nahihiya ako, I'm just really thankful kay Ali.. matutuwa silang tatlo dito, at magugulat sina mama.



~~~~~~~

uwu :>

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top