Chapter XX

We did it.

Finally..




I was staring sa stage while thinking.



Years of hardwork, fun and challenges. Sa wakas andito na kami, sama sama.



"Fajardo, Sophia Hannah"




Umakyat na ako sa entablado para tanggapin ang diploma, kinamayan ko na ang nagabot at humarap sa madla.. walang ibang tumatakbo sa isip ko kundi mga alaala sa paaralang to.




Angsarap sa pakiramdam manalo, manalo ng isa nanamang hakbang tungo sa bukas ng pangarap.



As I bowed tears escaped my eyes.. si Ali, Ella, si Bri at Keily.. naiiyak rin kaya sila?



Naisip rin kaya nila yung naiisip ko? as we grab onto another achievement, we have to let go of something else.




This.. this happiness brought by pride and freedom, is it enough para paglabas namin dito lubusan kaming masaya. O baka hindi.. na pagkatapos ng lahat, baka mas malaki yung sakit na kailangan na naming maghiwa hiwalay.



Anghirap pag unti unti mong kailangan tanggapin na magiiba na yung nakasanayan mo sa araw-araw.




Everyday, knowing that going to school means I get to be with them again is giving me strength, enough to keep me smiling.




Ngayon graduates na kami.. shet posible pala yon. Mas grabe to kaysa sa naramdaman ko nung nanalo kami sa highschool day. Wild nun grabe, napainom kami kinagabihan sa saya, last legacy e.




Are we ready for college? will we ever be ready?





"Boo!" nagulat ako nang may yumakap sakin sa likod. Si Ali.

"Congrats boo" bati niya.


"Hi boo, congrats din you did good" sagot ko.



"You were beautiful up there boo, sa stage..you were shining like you should, all ready for the next step." nakangiti sabi ni Ali.




Maybe because kayo yung iniisip ko, tayo.




"Are you ready for our bigger plans boo?" tanong niya.



"I'm always ready for you boo, for us" sagot ko.



"Hoy mga pokpok!!graduate na tayoo!" ano ba tong si Ella nagmomoment kami ng bebe ko e.



"OMG guys! nakita niyo ba ako kanina sa stage? kumayaw ako sainyo e!" sabi naman ni Keily.



"Oo kita namin mukha kang timang" sabat ni Bri.



"Akalain niyo yun gagraduate pala tayo!?" excited na sabi ni Ella.



"Wag mo kami isali jan Ella, ikaw lang di sure na papagraduatin satin" pangaasar ni Bri. Napairap nalang si Ella.



"So saan ang handaan?, how about Mcdo?" singit pa ni Bri.



"Tangina naman, magbagong buhay ka na Bri hindi ka na highschool" pangaasar ni Ali.




"Mom suggested kung pwede sa isang place nalang tayo? with your families" dagdag niya.



"Talaga?! libre mo?" tanong ni Ella.



"Namimihasa ka, hindi no. kkb" sagot ni Ali.



"Ay sure no prob bet ni mommy yan" singit ni Keily.



"So boo? what do you say?" tumingin si Ali sakin.



"Uhm tanong ko kina mama boo pero most likely naman papayag yun, balikan ko kayo ah" umalis na ako para ipaalam kila mama yung plano.





It's almost 5 pm na ng makarating kami ng family ko sa usapang restaurant mukhang kami nalang ata inaantay andito na mga sasakyan nila e.



"There she is! my future doctor!" sigaw ni Ali pagpasok namin.

"Goodevening tito, tita, thank you po pumayag kayo"


"Sus Ali di kami titigilan nitong si Hannah pag di kami pumayag hahaha" natatawang sagot ni papa.



"Ano ka ba Ali shempre gusto din namin ito, congrats sainyong lahat ha. Saan pala mga magulang mo para mabati na namin?" tanong ni mama.



"Nasa table na po mauna na po kayo susunod po kami ni Anna." lumingon ako sa table at nakita sina Bri na nakatingin at nakataas ang kilay. San ba kasi ako dadalhin nitong si Ali.






Nasa garden na kami nang tumigil si Ali at humarap sakin, may kinakapa sa bulsa niya.



Angganda dito, andaming bulaklak, ilaw at mga ibon. Nagulat ako nang may nilabas siyang necklace.



It's so luxurious, silver na pabilog yung design, with small but shining diamonds. It kind of matches the ring she gave me last time. Isinuot sakin yon ni Ali.



"This attracts goodluck boo, for future use hahaha" pagexplain niya.



"but seriously boo, I'm proud of you excited na akong magkaroon ng doctor sa buhay ko" dagdag niya.



"Ano ba'to boo parang walang laban yung regalo ko sayo e!" asar kong sagot.



"You got me something?!" excited niyang sambit.





Akala ba nito hahayaan kong wala akong regalo sakanya.



"Really boo?! can I have it now!?" tuwang tuwa si Ali, kitang kita sa mata niya yung saya.




"Calm down boo, it's just this.." sabay abot ko sakanya ng key chain na red na tulips.


"Waaa.." ewan ko kung niloloko ako ni Ali pero mukhang totoo naman yung amusement sa mga mata niya.



"Where'd you get this boo? angcute.." banggit niya.



"Are you serious boo?.. but it doesn't matter san ko nabili to. This is for you, my favorite flower. This means I will love you forever" pageexplain ko.




"Naiiyak ka ba boo?!" parang luluha na kasi siya e angsimple lang ng regalo ko compared naman sa pa diamond niya.





"Hmm wag mo na pansinin boo, it's just that, all this time na I was worried kasi we'll go our separate rate ways na, atleast now I have a piece of you, even better.. I have your love wherever I go from now on" nakangiti niyang sagot.




Niyakap niya ako bago hinawakan yung dalawang kamay ko at ngumiti.






"Let's go inside? papakilala ko sakanilang lahat yung future doctor ko" sambit niya.





Ansarap sa pakiramdam na may naniniwala sa mga pangarap mo, parang wala kang hindi kayang abutin.






Nagmano na ako sa mga parents nilang lahat at umupo sa tabi ni Ali. Mukhang nakapagkwentuhan na sila ah nagtatawanan na e. Kumain nalang kami habang nagchichikahan ang mga mudrabells.




"So ano palang mga plano niyo for future, kids?" tanong ng mommy ni Ali.



"We're not kids anymore mom" rinig kong bulong ni Ali.



"To naman, bata pa kayo, bata pa nga mga parents niyo oh may asim pa!" natatawang sagot ni tita.



Napafacepalm nalang si Ali habang natawa naman kami lahat.



"Ay ako tita gusto ko rin po magdoctor tulad ni Sophia" excited na sagot ni Keily.



"Oh really? that's really good" bati ni tita.



"Hehe thank you po" sagot namin ni Keily.



"How about you Brielle?"



"Ah e ano po kasi gusto ko po magkaroon ng career sa fashion industry.." nahihiyang banggit ni Bri.



"Wow that is very different, I'm expecting na mapapadalhan ako ng mga pieces mo ha" sagot ni tita.



"Sus tita baka nakalimutan na tayo niyan pag sumikat na siya" pagtatampo ni Ella.



"Wag kang magalala Els.. ikaw lang kakalimutan ko" pangaasar ni Bri.



"Ikaw alam mo pag sumikat ka talaga ilalabas ko lahat ng scandal mo!" nagulat sila at natawa nalang kami sa sinabi ni Ella.



"Ay I mean mga kalokohan po.." pagbawi ni Ella.



"Ako po mag FA ako para mayaman hehe" dagdag niya.



"Che di ka kasali sa tanong" pangasar ni Bri.




Nagtinginan sila ng masama habang natatawa kami at nagpatuloy kumain.





Napansin ko naman si Ali na kinakapa yung dibdib niya.



"Aliya are you good?" tanong ni tita.



"Uhm sure ma.." mahinang sagot ni Ali.



"Let me bring you to the doctor na kasi" inis na sabi ni tita.



"No ma, it's not needed naman feel ko baka di ko lang nakagat ng maayos yung kinakain ko" pageexplain ni Ali.




Napansin niya atang nakatingin ako sakanya kay lumingon siya sakin at ngumiti para hindi na ako magalala.






"Titos and titas pwede pong after this mag ktv kaming lima? I'll bring them home safely after po" pagpapaalam ni Ali.



Napapalunok na tong mga to sa kaba at halatang nakahinga ng maayos nang payagan kaming lahat.




Natapos na yung dinner at inaantay nalang namin na matapos kausapin ni tito si Bri, mukhang binabalaan na wag umuwi ng late hahaha. Strict naman po ninyo tito wag po kayong magalala walang magtatangka sa anak niyong maldita.





"Sarap ng nood niyo habang sinesermonan ako ha" sabi ni Bri nang papalapit na siya samin.


"Oo e mas masarap pa sa feeling ng vip sa sine" sabat ni Ali.



"Shet kantahan naaa! are you ready for my beautiful voice guys?!" excited na sabi ni Keily.



"Guys parang may change of mind alam niyo yon? baka makadisgrasaya pa tayo dito" pagpaparinig ni Ella.






Tumuloy na kami sa isang room na may videoke at nagunahan na sa remote sina Ella at Keily.



"Ano ba di pa kayo lasing niyan ha" pag awat ni Bri.





Sinimulan na ni Keily ang kantahan habang nagorder naman ng finger foods si Ali sa counter.


"Young dumb, young young dumb and broooke~"



"Shet Keily nakahigh ka ba? bagay mo gurllll!" pagsupport ni Ella kaya naman nag apir silang dalawa.



"Tunaaaaaaytt! we are yoouungg!" sigaw ni Keily sa mic.



"So let's set the world on fire!!! we go higher!!-" hinila ni Bri yung mic.



"THAN THE STAAAAR!!" sigaw nito.



Nagulat naman si Bri nang hinili ni Ella yung mic sa kamay niya.



"Anong than the star?! sun kase yon!" sigaw nito.



"Ha? yun naririnig ko e" bawi ni Bri.



"Nakasulat na nga oh graduate ka na di ka pa marunong magbasa?!" sigaw ulit ni Ella.



"Che! pareho lang silang star, considered na yon" umupo nalang si Bri at umirap.





"Well, well it's my turn" banggit ni Ella nang nagsimulang tumugtog ang wrecking ball.



"Wooo! Miley is shakkiiiing!" sigaw ni Keily.



Di na matigil tong mga to, di naman umiinom parang lasing.





"Guys akin ulit to!" sigaw ulit ni Ella nang tumugtog ang The story of us.



Hinahayaan nalang namin sila habang vinivideo ni Ali.



"Guys last na talaga!" hirit ni Ella sa kantang Magbalik.





~Tinininiwtininiwtininiwtininininiw!~ kanta niya.



"Parang bagay mo nalang maging gitara!" sigaw ni Bri.



"Boo? bat parang angbibitter naman ng kinakanta ni Ella" tanong sakin ni Ali.




"Ewan ko ba jan kung ano anong trip"





Naguusap kami nang humarap si Ella na umiiyak.




"Anak ng tokwa?! anong problema mo?!" sigaw ni Bri.






"BREAK NA KAMI NI ETHAN!!" pag amin ni Ella habang nakamic pa.



Sabay naman ang tingin namin sa likod dahil bumukas yung pinto.





"Uhm..ma'am? yung order niyo po.. sorry po nakakaistorbo ata ako" sambit ni kuya waiter habang hawak yung pinggan ng pagkain bago binaba at umalis na.




Nakatulala naman kaming lahat habang hawak lang ni Ella yung mic at umiiyak.



"Pucha naman oh anggaling ko tumiming!" lalong pagiyak nito bago umupo.


"Wag ka na umiyak di naman siya pogi" banggit ni Keily habang niyayakap si Ella.



"So sa tingin mo nakatulong yan?!" galit na tanong ni Ella.



"Shh na Els, you'll be fine. Tama lang siguro yan atleast ngayon free ka na sa mga future decisions mo" pagpapakalma ni Bri.





Nagyakapan na sila kaya sumama na ako bago kami dinaganan ni Ali. Tumawa na ulit si Ella at nagtype sa remote.



Break free by Ariana Grande..



Kumalma na ang paligid at hindi na mukhang lasing tong mga to dahil busy na sa pagkain. Tumayo si Ali ang kinuha yung mic bago bumalik sakin at hinawakan ang kamay ko.






"Heart beats fast, colors and promises.. how to be brave, how can I love when I'm afraid to fall~"


Paboritong kanta ko pa talaga, balak akong paiyakin nito e.



Pagitna kami nang pagitna sa room at napansin kong vinivideo kami ni Bri.



Next thing I know Ali pulled me closer and held my cheek, looking directly into my eyes.




"I have died everyday waiting for you, time has brought your heart to me, I have loved you for a thousand years..."



Angganda ng boses niya, hindi ko inakalang magaling siyang kumanta.



Wala akong ibang maramdaman kundi yung pagmamahal niya sakin.






"I'll love you for a thousand more.." mahinang bulong niya.




She's my everything now. Kakayanin naman lahat, she'll be the only thing I need after I achieve everything else.



Nagulat ako nang maramdaman kong may nambato samin ng unan at napatingin sa direksyon nito.





"Ngayon pa talaga kayo naglalandian!? sa harap ko pa talaga?! asan ang censorship?! asan ang hustisya!!!?" sigaw ni Ella.



Niyakap nalang ulit namin siya at dinaganan para hindi na tumuloy yung luha niyang nagbabadyang tumulo.



This will have to be kept in memory lane, one of the best nights ever.




Natapos na rin ang kantahan at kwentuhan, malapit na pala mag 11 pm kaya hinatid na kami ni Ali. As usual ako ang huli, 'save the best for last' daw kasi kaya eto dalawa nalang kami sa kotse.



"Daya mo boo di ka kumanta" pagtatampo ni Ali.


"Sumabay naman ako boo" pagpapaliwanag ko.


"Saka para sayo lang yung boses ko" bawi ko.



"Promise kakantahan mo ako soon ha"



"Soon boo, pag kasal na tayo araw araw mo na akong maririnig na kumanta baka magsawa ka" sambit ko.



"Sus imposible, boses mo lang hanap hanap ko palagi." paglambing niya.



Napangiti nalang ako at napasandal sa bintana.




Napansin ko na parang may mali kay Ali, hawak niya ulit yung dibdib niya and nakakunot yung noo niya.



"Ali okay ka lang? what's wrong?" pagaalala ko.



"Napagod ata ako boo e, angsaya kasi kanina" nakangiti niyang sagot.



Alam ko namang ayaw niyang nagaalala ako pero parang pinipilit nalang niyang maging okay e. Siguro nga napagod siya dahil sa sobrang wild nila kanina.



"Magpacheck up ka na kaya boo?" bigla kong naalala yung sabi ng mommy niya kanina.




"The only doctor I need is you boo, so hurry okay?" sagot niya.




"Boo naman e.. gusto mo saamin ka na muna matulog? kasya naman tayo sa kama ko sa baba ko na muna patulugin si cassandra" suggest ko, gabi na kasi tapos hindi siya okay, nagaalala lang ako.



"Di naman kailangan boo.. pwede naman ako nalang sa sofa" wait? what? payag siyang matulog sa bahay?!




"Talaga boo?! okay lang matulog ka sa bahay?!" excited kong tanong.



"Uhm kung okay kila tito boo" sagot niya.



"Oo oo! okay lang! saka hindi ka sa sofa tabi tayo hayaan mo na si Cassy" pageexplain ko.



"Mapapasubo ako sayo e hahaha, tawagan ko lang sila mommy" sagot niya.




Shet katabi ko matutulog si crush Lord! best graduation gift!



~~~~~~~

uwu:>

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top