Chapter XVI
"Bangon na mga alipin! tayo'y magshoshopping kailangan ko ng taga'buhat" Malakas na sigaw ni Bri sa amin habang hinihila yung mga kumot.
"Shattap! wala ka namang pera pang shopping" naiinis na sabi ni Ella.
Ang ingay naman kasi nito pero si Ali mukhang tulog na tulog pa rin. Mukhang anghel.
"Bri lika muna dito tabi tayo yakap kita" parang bata na sabi ni Keily habang nakapikit.
Tumayo na rin ako para magsipilyo at maghilamos hindi na rin ako makatulog for sure guguluhin lang din naman kami ni Bri.
Paglabas ko ng CR naguunahan pumasok si Ella at Keily pero in the end sabay na rin sila. Si Bri bumaba na ata. Tulog parin yung bebe ko kaya ginising ko na.
"Hey boo, rise and shine na" malambing na sabi ko.
"hmm.." sabi niya habang naguunat ng katawan.
"Hi beautiful what a nice way to start the morning" bungad agad nito. Ano ba yan Ali umagang umaga ha busog na busog na ako sa pagmamahal.
Hinalikan ko siya sa noo at sinabi na maghilamos na rin para makakain na kami ng umagahan. 9 am na rin pala.
Nadatnan kong tumutulong sina Bri sa pagaayos ng mesa.
"Ma'am kami na ho dito" sabi ng isang katulong nila Ali.
"Manang kaya na namin to ikaw naman tsaka close kami ng anak ng may-ari" Pangungulit ni Ella.
"Baka kasi may mabasag ka Ella kaya nagaalala lang si manang" pangaasar ko.
Naayos na rin namin yung hapagkainan ng dumating na rin si Ali na nakaligo na.
"Madaya naligo na, kami na lang mabaho" sabi naman ni Keily.
"Kesa makipagunahan pa ako sa inyo mamaya, saka kahit maligo kayo mabaho parin kayo" kalmadong sabi ni Ali.
"Aba if I know kaya ka lang mabango kasi mamahalin pabango mo" inis na sagot ni Ella.
"You wish but I don't wear perfumes, triggers allergies, ugh" sabat naman ni Ali.
She looked so hot in those tight ripped jeans paired with white shirt and black leather jacket. Nakatucked in pa yung shirt niya sa harap tapus naka black sneakers na fila. Ang ganda na ang gwapo pa. Naka'jackpot ah.
"Easy boo, ba't ka nakikipag'staring contest sa abs ko? talo ka niyan matigas yan e" sabi ni Ali sakin bago umupo.
Nakakahiya matagal na ba akong nakatulala sa kanya? Aish okay lang yan at least alam niya na patay na patay ako sa kanya hahahaha.
"Boo oh tell me kung kulang pa" abot ko kay Ali ng egg whites ng sunny side up.
"Sweet naman ng umaga ko, here's your share boo" sabay abot sakin ng yolk, bagay talaga kami nito ni Ali e.
"Here Bri oh, say ahhh" panggagaya ni Ella. Inirapan ko na lang siya. Inggit ka lang e.
Nang matapos kaming kumain ay nagsimula na rin kaming maligo at magayos.
"People of the pilipins what's taking so long?! ay pak english yon" excited na excited naman tong si Bri e kala mo naman di pa nakakakita ng mall.
Palabas na kami sa malaking pinto pero biglang nagsalita si Ali.
"So pili na kayo ng sasakyan" pagmamayabang nito.
Ikaw na mayaman e no.
"Ay gusto ko yun! yung malaki! ano nga ba yun? ranger?" tanong ni Ella.
"Range Rover kase.. pero sure jan ka na alis na kami ha" pangaasar ni Ali sakanya.
"Hoy sinasabi ko sainyo talaga! wala kang tagabuhat Bri!" sigaw ni Ella.
"Edi inamin mo ring alipin kita, tara na nga my alipin" sagot ni Bri.
Sumakay kami sa sasakyan ni Ali pero iba 'to sa sasakyan na ginagamit niya araw araw. BMW yun e Range Rover to ngayon. Parehong fav car ko huhu mabibili ko rin kayo.
Nakarating na kami sa mall na gustong puntahan ni Bri medyo malayo nga lang.
Nagpark na si Ali para makapasok na rin kami agad.
"Saan muna tayo guys?" tanong ni Ali.
"Duon muna tayo sa miniso may bibilhin lang ako" Pagaaya naman ni Bri.
Dumeretso na rin kami sa second floor kasi nandun yung store ng miniso. Nagikot ikot muna kami. Napunta kami sa stuffed toys.
"Anna may nakita akong kamukha mo halika dali" hinila na lang ako ni Ali papunta kung saan.
"Oh saan dito boo?" kami lang naman dito.
"Ito oh! Si pigie" sabay turo niya sa neck pillow na baboy yung design. Minsan talaga gustong asarin e.
"Boo ganun na ba ako kataba?" nagkukunwaring paiyak na sabi ko.
"Ahhhhh no boo.. That's not what I meant" natatarantang sabi naman ni Ali. Halla ang cute niya.
"Ganto na lang I'll buy it for you" ha? jinojoke time ko lang naman siya e.
"Ali hindi na kailangan biro lang yun" natatawang sabi ko.
"I really want to buy it for you napansin kong antukin ka sa byahe e, atleast now may kasama ka na maging antukin" pangaasar ulit niya.
"Boo kaya kong matulog nang wala yan" sabi ko naman.
"We're still buying it though, you shall not stop me!" pagpapacute niya.
How can i resist such cuteness?
"Okay fine boo" Agad siyang pumunta sa counter at nagbayad halatang tuwang tuwa.
Umalis na rin kami sa miniso.
"Punta muna tayo National Bookstore ichecheck ko lang yung new book ni Mitch Albom kung available na." pagaaya ni Ali kaya dumeretso na rin kami dun.
"Sige pero kayo nalang muna ni Sophi may bibilhin lang din kami nila Keily sa Uniqlo sasama na rin daw si Bri para tumingin" umalis na rin sila agad.
"Sasama ako kasi kailangan ko yung alipin ko" pagpapaalam ni Bri.
Inirapan nalang siya ni Ella.
"Boo wala pa e, guess I'll have to order it online nalang tagal naman magship dito. " sabi ni Ali matapos namin maghanap.
"Sige boo tawagan ko na sina Ella na magkita na lang tayo sa Kenny Rogers" sabi ko naman.
Dumeretso na rin kami sa Kenny Rogers para makareserve na ng seats. Dumating na rin naman sila after 5 mins.
Nag-order na kami at kumain.
"Thank you for the food, my tiyan is very blessed" masiglang sabi ni Keily.
"Boo I'll just go and get something ha? Balik din ako kaagad" biglang paalam ni Ali.
"Sure boo. I'll be right here" nagpaalam din siya sa tatlo.
Nagantay kami for about 15 mins saka dumating si Ali.
"Ano guys tara na?" pagyaya ni Ali pagdating namin.
"Sure tara na ang sakit na rin ng paa ko" pagrereklamo ni Bri.
"Ikaw nagyaya tapus ikaw pa unang susuko noob ka naman" pangpipikon ni Ella kay Bri.
"Pake mo ba, alipin ka lang susunod ka na mga sinasabi ko" sabi naman ni Bri.
Malapit na mabatukan ni Ella si Bri kaya humarang na ako sa gitna nila.
"Oh walang papalag nasa mall tayo, pakitang tao please, mamaya nalang sa natural habitat niyong dalawa" pangaasar ko.
"We have 4 massage chairs and foot massage in the house guys you can use it paguwi" sabi ni Ali kaya agad na rin silang tumayo.
"Apaka all in one naman ng bahay niyo pwede bang paampon" sagot ni Ella.
Naglakad na kami papuntang parking lot.
"Are you okay boo?, di ka ba napagod? " tanong ni Ali sakin.
"No boo. I'm fine I had a great day" nakangiting sabi ko.
Nakarating na rin kami sa bahay. Itong tatlo parang buong araw nagworkout sa pagod nila ang OA.
"Myghad nakakapagod" pagrereklamo ni Ella.
"I'm really sorry my alipin but please fix my bed first, I just want to sleep" sabi naman ni Bri.
"Halika dito ikaw ipapangmop ko ng kwarto!" hinili ni Ella si Bri habang sumisigaw.
"I want to eat" sabi ni Keily.
"Hoy kakakain lang natin Keily gutom ka nanaman? hirap siguro maging anak ka no. " sabi ko. Laging gutom e.
"Guys nakaready na yung mga pang'massage sa kwarto na tinulugan natin" pagkasabi palang ni Ali nagtakbuhan na yung tatlo. Naiwan nalang kaming dalawa dito sa sala.
"Hoy apat nga e kahit maging dalawa ka pa Ella sapat parin yon!" sigaw ko nang natatawa.
"Ngayon pwede na kitang masolo" sabi ni Ali nang may nakakalokong ngiti.
"Hey bawal yan" tumatawa habang yakap niya ako.
"Let's go may ipapakita ako sayo" hinila ni Ali yung mga kamay ko. Aba dati ako nanghihila sa kanya e.
Nakarating kami sa dulong kwarto sa second floor. Mukhang napabayaan pero maganda parin.
Binukasan ni Ali yung pinto.
"Pasok ka boo" sabi niya.
Sumalubong samin yung liwanag sa labas. Pagpasok mo may white grand piano nasa tapat ng malaking binta. May malaki rin na kama sa gilid at may mga couch.
"This room was my grandparent's" banggit ni Ali habang nililibot ang paningin.
"This room is full of happy memories, it's kind of like my own treasure chest.. " naiiyak nanaman siya.
"Well I can see that" madami ring picture frames na nakalagay sa tables e.
Umupo si Ali sa harap ng piano at nagsimulang tumugtog. Ang ganda pakinggan. Tumabi ako sa kanya.
"Boo.. I want to add more happy memories here, in this room. But this time, it's with you" hinawakan ni Ali yung mukha na parang kinakabisado ito.
Naglabas siya ng singsing sa bulsa niya.
"I was young and dumb but not broke when I asked you to be mine boo, I haven't got you a ring ever since." paninimula niya habang nakangiti.
"But I want you to have it now.. now I'm sure of what to make out of us, I want to have you forever. Out of every chaos, you were my rest.."
"So I'm sure, that after every day of work and pressure, you're the only home I want to go to." dagdag niya.
"Hold on to it boo, this is how I say you'll always have a part of me with you. Panghawakan mo tong pangako ko Anna.. saan man tayo makarating at dalhin ng tadhana, sayo lang ako babalik." isinuot ni Ali saakin yung singsing bago ako niyakap.
"We're still young, I can't tie you with me yet pero I'll make sure to never let you go, until then.. wear this with assurance"
"I love you boo.. thank you for making my world turn again." bulong niya.
"I love you Ali, sobra" naluluhang sagot ko.
"Guys andito lang pala kayo.." narinig namin galing sa pintuan, si Keily.
"Oh tapus na yung massage?" tanong ni Ali. Tumango lang si Keily.
"Gusto ko ng ice cream.." jusko Keily.
"Tara na boo, baka maubos yung laman ng ref niyo" pagaaya ko kay Ali.
"Hirap naman nagpapasok ng mga patay gutom dito hahaha" natatawang sabi ni Ali bago kami tuluyang bumaba.
~~~~~~~
uwu :>
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top