Chapter XV

"Who's ready for the bonfireee?!" sigaw ni Ali habang nagpupunas ng buhok.



Kakaahon niya lang sa pool pagkatapos nilang maglaro tatlo nila Ella at Keily sa tubig, kami ni Bri kanina pa nakahiga dito sa pool chair, sarap lang ng hangin.. at pagmasdan si Ali hehe.



"May pabonfire para namang anlamig sa Pilipinas" pangaasar ni Ella.



"Ay hinde para talaga yun sayo, nagcrecrave kasi ako ng lechon" balik ni Ali.



"Ay makunat na yan wag nalang" dagdag asar pa ni Bri.





"Hey boo.." umupo si Ali sa tabi ko at ngumiti.



She looks so good pag basa ah parang madaya, she has her towel around her neck. Sarap naman po ng bebe ko Lord.



"Hi boo, shall I get the pork belly ready?" tanong ko.



"Nope, ako na bahala, I got this" sagot niya.



"Ella! pakikuha nga yung pork belly sa fridge, saka yung marshmallows sa pinakataas sa pantry, oh and yung chocopie nasa kwarto ko" pabirong utos niya kay Ella.



Nabilaukan naman sina Bri sa iniinom nilang softdrinks at natawa.



"Omy god Sam! I like you talaga" tawa ni Bri.



"E kung ibato ko kaya sayo tong barbecue stick ha" akmang ibabato na ni Ella yung mga sticks kay Ali.



"To naman joke lang e, ako na kukuha! magpasiga ka nalang jan para naman may silbi ka" panloloko si Ali bago pumasok ng bahay.



"Sam! yung hotdog kooo!" pahabol na sigaw ni Keily.



Tinaas nalang ni Ali yung kamay niya with thumbs up at dumeretso na sa loob.





"Alam mo yang bebe mo malapit ko nang iihaw yan e." paghila sakin ni Ella papunta sa lugar ng bonfire.



"Halika tulungan mo ako dito para makabawi kayo sakin" dagdag niya.


Nagpaapoy na kami ni Ella habang inaayos nilang tatlo yung mga lulutuin.



"She looks really happy sayo Soph.." mahinang banggit ni Ella.


"I mean, hindi siya ganyan ka lively nung una natin siyang nakilala, you just seem to make her smile palagi" dagdag niya.



"You know what El, saating magkakaibigan niya lang nailalabas yung ganyang side niya. I remember she mentioned how we completed her life" I can say parang may iniisip na malalim si Ella.



"How about we share secrets later huh?" suggest ko. Nagulat naman siya sa sinabi ko.



"Oh bat parang takot na takot ka naman, may ibabaho ka pa pala bukod sa alam ko?!" pagbiro ko.



"Tanga hindi yun! kala mo naman kinabango mo no." sagot ni Ella.



"Tagal naman ninyo jan" narinig kong sigaw ni Bri.





Tumakbo naman papunta samin si Ali at tumulong na rin.



"So anong gusto niyong pagusapan" pagsisimula ni Ella habang nakapalibot na kami sa apoy at nagluluto.



"Sino nangsabing gusto ka namin kausap" pangaasar ni Bri.


"Ay putan-" ayan nabato pa tuloy ng unan.



"Pikon!" sagot ni Bri.



"Sige sige ako nalang muna guys" suggest ni Keily.



"Ahhhhhh..." pagiisip niya.




"Ahtdog?" di talaga matigil tong si Bri e.



"Tagal kasi e nagvolunteer ka pang mauna" dagdag niya.



"Ito na nga! ano kasi e, yung aso ko manganganak na.." may pakamot pa ng ulo tong si Keily.

#facepalm



"Edi congrats, okay next" pangasar ulit ni Bri.



"Hoy! seryosohin niyo ako! di ko kayang alagaan yun! sarili ko nga di ko maayos e." sigaw ni Keily.



"Ibenta mo. okay problem solved, next case" isa pang hirit Bri baka umiyak na si Keily.



Binatukan ko na si Bri kahit natatawa parin.



"Well it's a good idea naman, kikita ka pa" singit ni Ali.



Nag apir naman sila ni Bri dahil sa pagkampi nito.



"Ay oo nga! mayaman na ako! magkano ko kaya ibebenta? may bibili kaya if 5000 pesos pag male tapos mas mahal pag female?" excited na tanong ni Keily.



"Ano ba kasing breed ba ng aso mo?" tanong ni Ella.



"Ah- e... askal...pero cute" sagot ni Keily.

#facepalmpart2



"Alam mo ipapulutan mo nalang sa mga tambay yan" pagbiro ni Bri.



"Demonyo ka talaga e no." lumipad nanaman yung unan ni Ella kay Bri.



"Just saying no" sagot ni Bri.



"Saka namumuro ka na ah! kanina pa ako nahahampas e. dahil jan ikaw na susunod" balik ni Bri kay Ella.



"Ay walang ganyanan" pagtanggi ni Ella.



"Aba may tinatago.." singit ni Ali.



"Hoy wala!"



"Oh e bakit ayaw pang magsalita?!" tanong ni Ali.





"Sige na sige na! ano kasi... guys.. buntis ako" what the hell Ella?!



"Ano?!"

"The fuck?!"

Sabay sabay naming sigaw.



"Aray naman sakit sa tenga!" pagrereklamo ni Ella.



"Charot lang ano ba?!" sabay sabay naming hinampas ng unan si Ella para makabawi.



"Aray! tama na! magsasalita na ako, honesto na to promise! sa true lang tayo" pagpapatigil niya.



"Ano nga kasi yun? buntis ka pa jan, if I know kumain ka na ng bata sa takaw mo" inis na sabi ni Bri.



"Si Ethan kasi... di siya agree sa choice of school and course ko e." malungkot niyang sabi.


"Ha? bakit siya may say dun?! bat mo hinayaan?!" galit na tanong ni Bri. Nagagalit na ang nanay Bri, Lord have mercy.



"Kasi inopen ko sakanya, you know sabi niya 1st year college na siya and he knows best na sa gantong situation, plus he wants na same school kasi for college" pageexplain ni Ella.




"Ella.. the fact na hindi niya kayang suportahan yung goals mo dapat siguro unahin mo na yung sarili mo this time" pagpapakalma ko sakanila.




"Buti ka pa maayos kausap, di katulad ng iba jan galit agad hmp" pagpaparinig nito.



"Just do what you really want Ella, pagsisisihan mo if pipiliin mo yung ikakaplease ng ibang tao before yours." payo ni Ali.



"Isang himala ang marinig kang ganyan Ali kaya makikinig ako sayo" nakuha pang magbiro nito e.



Tinawa nalang namin yung mga nabanggit na problema bago kumain ulit.



"So ako na ba?" tanong ni Bri.



"Ikaw kung gusto mo si Keily ulit, makakarinig ulit tayo ng 'PROBLEMA' niya" sagot ni Ella.



"Hindi na ready na ako, I was born ready" pagtawa naman ni Bri.




"Uhm, plano kasi ni Papa magmigrate to Canada e.." panimula niya



"Wow! really?! edi good for you diba mas maraming oppurtunities dun Bri!" excited na sabi ni Keily.





"We leave next year.." dugtong niya.

Ha? bakit ganon kabilis..



Natahimik kaming lahat at halatang biglang nanlumo sa pangyayari.



"Huy! ano magtititigan nalang kayo habang umiinom?! wala kayong say ganon?!" pagbasag ni Bri sa katahimikan.



"Di lang namin inexpect no, may plano pa tayo for college diba?" mahinang sagot ni Ella.



"Wow mamimiss mo pala ako?" pagbibiro ulit ni Bri.



"Just don't think about it muna, we have almost than a year pa naman e" pagpapagaan ni Bri ng loob namin.



"Wala na bang pagasang mabago yan?" curious na tanong ni Keily.



"Hey shh let her be, it's her dad's plan, and it is for the best. Basta paguwi mo pogi bebe mo ha" pagpapatahimik ni Ali.



"Ay yun lang, di ko alam kung sinong iuuwi sa dami ng pipila" mayabang na sagot ni Bri.



"Walangya ka talaga e!" naluluhang sigaw ni Ella.



"Tama na nga it's my turn.." singit ko.



"Di niyo ba feel yung pressure ng college guys?! kasi ako I feel very very hmmmm very!" tanong ko sakanila.



"Oo nga e anghirap pa naman maging bobo.." seryosong banggit ni Ella.




"Buti nalang I'm smart" dagdag niya.



Aba akala ko nakaramdam na ng konting delikadesa to, wala na palang pag asa don.




"Stop it! I'm worried para sating lahat, we've been dreaming so high and andami nating plano. The future is never promised kaya natatakot ako what if we fail.. what if I fail?" natatarnatang sabi ko.



"Hey boo.. look at me. We all are pressured for what's next, but like this, everyday, we open up, cry about it, spend the day with the best people.." she looks saaming apat with a smile then back to me.



"Then the day's over again, di mo mamamalayan you already have a Dr. before your name" pagpapakalma niya sakin.




"Saka nasusurvive natin si sir Fernandez araw araw o, with that I know, I can do everything" pagmamayabang ni Ella.




"Thank you guys ha, angswerte ko sainyo, let's conquer college!!" sigaw ko at itinaas ang baso ng softdrinks.

"Cheers!!" sabay sabay na sigaw ng lahat.


I'm so blessed..





"Sam ano na? lalim ng iniisip ah" sabi ni Bri.



"I just really want to make this good enough para sainyo.." panimula ni Ali.



"I was no one before you guys, I didn't know how to move around the class cause I didn't have any one to talk to.." tumingin siya sakin.




"When Anna asked for my help that day I really didn't know how to react, di ako sanay na may nakiki interact sakin. I was even hesitant to come with you guys around cause I thought you didn't want me near" angganda ng ngiti niya habang nahihiyang nagsasalita.




"I don't even know what to say but I'll just drop it. You guys mean so much to me now, you make is so much easier to spend the day. I have something to look forward to everytime na lunch or larga. Yung kakulitan ni Keily, kabitchihan ni Bri and even our fights Ella." naluluha niyang dagdag.




"You entered my bubble without bursting it, which is very new to me, growing up all I got from people are expectations and criticisms, but you guys helped me find my self."




"You guys saved my highschool in many different ways.. and I'm just hoping we can keep this up forever"


Pagkatapos magsalita ni Ali ay parang gumaan na yung burong paligid, we were near crying with big smiles.




"Ano daw yon? parang dumudugo yung utak ko" natatawang sabi ni Ella.


"Yung bubble daw ano nagburst?" dagdag pa ni Bri.



Halata namang hiyang hiya si Ali sa nangyayari, she kept scrunching her nose. I'm so proud of her, opening up like that, she really is happy, sakin.. saamin.



"To us, our goals and to forever being young" pagtaas ni Ali ng baso.

"Kampayyy!!" sana palagi nalang ganito. I hope for better days, with Ali... with all of us.



~~~~~~~

uwu :>

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top