Chapter XIX
"Ateeeee! Gising na!" ang ingay naman nitong si Cassandra.
"Ate ngayon na contest niyo di ba? Manonood ako kahit alam kong matatalo kayo" Aba ang lakas din ng tama ng kapatid ko e no.
"Sige manood ka para makita mo kung paano namin lampasuin year level mo" pagmamayabang ko naman.
Naligo na rin ako agad kahit ang sakit ng katawan ko binilisan ko parin galaw ko baka magalit pa DI namin kapag late ako.
Nagantay na ako ng masasakyan at dali daling pumunta sa room na naassign sa amin.
"Sophia dito!" sigaw ni Keily.
Nakabihis na sila ng costume, makeup at yung buhok na lang nila yung hindi naayos.
"Guys saan magbibihis?" tanong ko bago pa ako makita ni kuya DI na medyo late.
"Duon sa gilid samahan na kita ayusin ko tong suot ko" sabi naman ni Bri.
Habang nagbibihis tinanong ko kung nasaan si Ali napansin kong wala e.
"Nandun sa backstage kasama si Ella may hinahanap ata" sagot naman nito.
Natapus na rin kaming magbihis at magaayos kaya nagfinal practice kami pero hindi masyado bigay todo para mareserve yung energy.
"Okay guys kaya niyo to, lagi niyo lang tatandaan na presence of mind, have fun and smile." payo sa amin ni kuya DI kahit strikto to mabait parin.
Nasaan na ba sina Ali bakit wala parin yung mga yun?
Dumeretso na rin kami sa backstage dahil malapit na yung Mob dance competition.
Tinawagan ko muna si Ali para masigurado lang na okay siya.
"Hello Anna? Nakaready na ba kayo?" salubong niya sa kabilang linya.
"Oo boo andito na kami sa backstage nasaan ka pala?" pagaalala ko.
"Andito na rin sa backstage hinahanap yung pass ko boo nawawala e" rinig kong tumatakbo siya.
Pagkasabi ni Ali na nasa backstage na siya sabay din na kita ko sa kanya sa di kalayuan.
"Sige boo nakikita kita"
Pagkasabi ko nun nakita kong yumakap siya kay Justice ng nakangiti. Teka ano yun?
"Hello boo? Hello?" tanong ko. Hindi pa naman nakapatay yung call pero hindi na siya sumasagot.
"Thank you Ave" narinig kong malambing na sabi ni Ali.
Ayokong bigyan ng meaning. Mamaya mo nalang isipin Sophi. You have to focus for the contest.
"Okay guys pray muna tayo" sabi ng DI namin kaya gumawa kami ng bilog at nagsimulang magdasal.
"Kaya natin to! Matitikman nila ang bangis ng kulay Abo! Gray Paragons!" sigaw ng isa sa mga dancer kaya napasigaw na rin kami.
Binaliwala ko muna yung iniisip ko. I have to keep my mind relaxed mas naistress ako e.
Tinawag na rin kami ng emcee.
"GRAY PARAGONS!" kasabay ng sigaw ng emcee ang malalakas na sigaw ng mga sumusuporta samin.
Nagsimula na kami sa routine namin at inenjoy ang bawat sandali.
~Ang awit ng kabataan ang awit natin ngayon~
Sabay sabay na pagkanta namin at ng mga audience sabay sa background music.
Nakita ko si Ali sa harap. Ang laki ng ngiti at todo sigaw. Pati si Ella sumasabay na rin sa pagsayaw namin, namemorize na rin nila e.
~Awitin natin ngayon~
Pagtatapos namin sa kanta at sabay sabay sumigaw ng
"TIKMAN ANG BANGIS NG KULAY ABO!"
At saka bumaba ang blinds, sign na tapus na yung performance namin.
Dumeretso na kaming lahat sa room para magretouch dahil lalabas din kami mamaya para sa awarding for mob dance.
"Hi boo! Ang galing niyo. The crowd went wild paglabas niyo palang" salubong sa amin ni Ali at sabay yakap.
Nawala lahat ng pagod ko pagkayakap niya sa akin pero naalala ko nanaman yung kanina. Aish Sophi that's nothing.
"For the participants of mod dance competition please proceed infront of the stage"
Pagkarinig namin agad na rin kaming lumabas at dumeretso sa stage.
"Guys myghad kinakabahan ako to the fullest!" maarteng sabi ni Keily.
"Oo kabahan ka talaga nakita kita kanina nagkamali ka" pangaasar ni Bri.
"Omy! I did? Nagkamali ako? Is it super obvious?!" natatarantang tanong ni Keily.
"Keily kung hindi ka titigil kakatili mo itutulak kita pababa ng stage" pananakot ni Bri.
"3rd placer... RED RHINOS!"
Shit.
"2nd Placer.. BLUE WIZARDS!"
Hoy.
"Be aware that who we dont call for the first placer will be the champion for the Mob Dance Competition"
Okay okay chill.
"First place.. YELLOW TIGERS!"
OMYGA!
"And for the champion... THE GRAY PARAGONS!"
WAAA! kami nga!
sabay sabay kaming nagtatalon ng mga kasama ko sa team.
3peat na kaming champion sa Mob dance sana 3 peat din sa overall.
What a great way to leave a legacy sa school.
Nagyakapan yung buong team at nagtawanan.
"Shet guys anggaling niyo! kita ko yun a! kendeng kung kendeng! pati yung domino move myghad dabest!" sigaw ni Ella habang ginagaya pa yung step.
"Oo alam namin" pangaasar ni Bri.
"Charot lang thank you hehe" bawi niya.
"So? the next event is not until 2 pm pa, 11 am palang, let's celebrate?" pagaaya ni Ali.
"Shunga di tayo pwedeng umalis ng school Sam magaayos pa tayo" sagot ni Ella.
"Don't worry I got this ako na bahala kay Ave, nagpaalam na ako kanina" ahh buti naman.. buti ba?
"Malakas talaga! woo! tara na friends!, magma Mcdo tay-" sabat ni Bri pero hindi la siya natatapos ay nagsalita na si Ali.
"No.. no landi for you today Bri, Charles has class today di mo rin siya makikita"
"Aww sad naman isheshare ko pa naman sana na nanalo tayo kasi anggaling kong gumiling" nakasimangot na sagot ni Bri.
"Angdugyot Bri parang nawala gutom ko" pangaasar ni Ella.
"Wag kang kumain" pirming sabi ni Bri.
"King bee nalang tayo guys, chinese ka naman Ella diba? baka magutom ka ulit pag naamoy mo pinanggalingan mo" pangasar na suggest ni Ali.
"Hay cool off muna tayo bebe Charles, babalik ako promise yan" bulong ni Bri.
Binatukan naman siya ni Ella dahil don.
Nakarating na kami at nagorder. Dumating na rin yung pagkain habang nagkwekwentuhan kami.
"Alam mo boo? angganda mo kanina habang sumasayaw, tinitingnan lang kita alam kong mananalo na tayo" paglambing ni Ali. Pakilig naman e.
"Alam mo Ella?.." sabi ni Bri.
"Ano yun bebe Bri?" lambing na sagot ni Ella.
"Titigan lang kita..." hinawakan ni Bri ang mukha ni Ella.
"Naniniwala na akong nagmula tayo sa mga unggoy" napatawa nalang kami nang kinurot ni Ella si Bri.
"Wala talaga akong gana kumain guys e." sabi ni Bri matapos namin nagtawanan.
Ha? e ubos na nga niya order niya e.
"Di ko kasi nakita si Charles.."
"Alam mo wag ka nang tumuloy ng Canada, madali lang magapply sa Mcdo, mahirap ka nga masaya ka naman" sabat ni Ella.
"Ano ba namang pagiisip yan parang pwede nang itapon" singit ni Ali.
"Tara na 1 na oh baka mamiss natin yung next event" pagaaya ko.
"Mas miss ko si Charles" sabat ni Bri.
"Isang Charles mo pa ipapadala na kita sa bahay nila" banta ni Ella.
"CHARLES!!" sigaw ni Bri.
"Wala siya sa bahay nila" dagdag ni Ali.
Close nga talaga sila.
Nakasakay na kami sa sasakyan ni Ali pero biglang ayaw magstart ng engine.
"Shit! ngayon pa! it's crazy hot outside" inis na sabi ni Ali.
"Kalma ka boo, tingnan mo muna baka may mali lang somewhere" pagpapakalma ko.
"What the hell is wrong with you Bibi!? please start" pagmamakaawa niya.
"Alam niyo magcommute na tayo" suggest ni Bri.
"Omg it's very hot pa naman and I forgot my payong" sabi ni Keily.
"Ano boo? pano si Bibi? ayaw din naman nating mamiss yung events" tanong ko kay Ali.
"I'll just call the repair shop nalang boo, I guess we'll have to go now" kinakabahang sagot niya.
Naglakad na kami papunta sa gilid ng kalsada para mag abang ng tricycle.
Napansin ko naman pawis na pawis na si Ali at nagkakamot ng katawan.
"Okay ka lang boo?" tanong ko.
"Uhm yeah, sure it's just hot" sinusubukan niyang umakto na parang hindi naaapektuhan pero hatalang naiinitan na siya ng sobra.
Nakapara narin sila Ella ng tricy at sumkay na sa loob.
"Dun na tayo sa likod boo" sabi ko kay Ali.
"Ah sige.." maikling sagot niya.
Nakaupo na ako sa dulo part at napansin kong napalunok si Ali.
"Hey boo? what's wrong? sakay ka na malelate na tayo" utos ko.
"Of course boo.. uhm, just.. here, ahhh" natatarantang sabi niya.
"Hoy ano ba guys?! kuya bat di pa tayo umaalis?" rinig kong sigaw ni Ella.
"Ma'am yung isang kasama niyo po kasi parang ayaw po sakin.." nagtatakang sagot ni kuya.
"Kuya's harmless boo"
"Opo ma'am pamilyado na po ako!" pagpapaliwanag ni kuya driver.
"Ah hindi po, no boo it's not kuya...Hindi ko lang alam paano sumakay." nahihiyang sabi ni Ali.
"Gurl! isiksik mo lang pwet mo jan! tara na mapapagalitan tayo ni Justice!" sigaw ni Ella.
Dali dali naman nang sumakay si Ali at kumapit sa hawakan.
"Boo pawis mo.." mahina kong bulong habang pinupunasan siya.
"Ah let me boo kaya ko na to."
Nakarating na kami agad sa school at bumaba.
"Magkano po lahat kuya?" tanong ko.
"Limampu po ma'am"
"Guys kayo na muna magbayad, bayaran namin mamaya nina Keily" singit ni Bri. Sumunod ako sakanila sa tapat ng gate, tinatanaw kung ano nang nangyayari sa loob habang nagbabayad si Ali.
"Nako ma'am wala po akong pambarya jan!" narinig kong sabi ni kuya driver.
Nakita ko naman si Ali na nagaabot ng 1000 pesos kay kuya.
Iaabot ko na yung 50 kong barya kay kuya pero nagsalita si Ali.
"Keep it nalang kuya, sabi mo nga pamilyado ka"
"Talaga ma'am?! jusko pagpalain po kayo, magagalak po misis ko nito salamat po talaga!" gulat na sagot ni kuya.
"Ahh okay po welcome.." nahihiyang sagot ni Ali.
Pumasok na kami pero pansin ko paring malalim ang iniisip ni Ali.
"Boo? anong iniisip mo? may problema ba? si Justice ba? kung gusto mo ako na mageexplain bat tayo nala-"
"Boo anong limampu?" nakayuko niyang tanong. Kaya ba buong 1000 nalang binayad niya kanina.
"Ha?" nagtaka naman ako sa biglaan niyang tanong.
"Hatdog?" pangaasar niya.
"Forget it boo.." dagdag niya.
"No it's okay boo, 50 pesos yun" kalma kong sagot.
"Ah okay.. malaki nga yung 1000.."
Nagpatuloy na kami sa paglalakad at nanood ng events habang sina Ali at Ella nasa backstage tumutulong.
Natapos na lahat ng events at nagbreak muna for 15 mins bago iaannounce yung overall champion.
"Meryenda muna tayo boo halatang napagod ka e" suggest ko kay Ali.
"Hmm sure boo, I can use some sugar na rin" sagot niya.
Naglakad kami papuntang foodstalls at bumili. Di na rin namin namalayang andami na namin nabili at nakain.
"May bumabagabag ba sayo boo?" tanong ko nang napansin kong nakatulalang sinubo ni Ali yung buong siomai.
"Hmm?!" gulat niyang sagot. Di rin siya makapagsalita sa puno ng bunganga niya.
"Boo, don't worry mukhang okay naman yung performances ng year level natin pati sa quiz bee and all saka-"
"Boo ano yung galak?, magagalak yung misis ni kuya driver sabi niya e" seryoso niyang tanong matapos malunok yung siomai.
Ewan ko kung maniniwala ako pero napanganga nalang ako sa gulat.
You're full of surprises Ali. Hay Lord.. san ko bato napulot?
~~~~~~~
uwu :>
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top