Chapter XIV

"Time flies so fast talaga when you're having fun!" Masiglang sabi ni Ella. Ang bilis nga sembreak na namin.



"Talaga ba Ella? Nagenjoy ka? Sa school o sa boyfriend mo?" pangiinis ni Bri sa kanya.



"Humanap ka na nga rin kasi ng boyfriend hindi yung ako pinagiinitan mo. May kilala ako ireto ko sayo gusto mo?" sabi naman ni Bri.



Naglalakad na kaming apat nila Bri, Ella at Keily papuntang parking lot para duon antayin si Ali.



Last week kasi ininvite kami ni Ali to stay ng two days sa bahay nila since, 2 weeks na daw kasing wala yung parents niya for bussiness meetings.



So eto kami ngayon sa last day ng first semester pumasok nang mukhang maglalayas sa dami ng dala namin para deretso na kami kina Ali after class.



After almost 10 minutes of waiting dumating na rin si Ali na nagmamadali.



"Wow! readyng ready kayo ah" bungad niya samin.



"Aba oo shempre! minsan lang makakatikim ng libreng swimming yung balat ko no." sagot ni Ella.



"Alam ko naman yon kilala naman kita" pangaasar ni Ali.



Lumapit siya sakin at hinawakan yung dalawang pisngi ko bago ako inamoy.



"Hmm never gets old boo" banggit niya.



"Ah excuse me pasintabi naman sa mga single no." asar na sabi ni Bri.



"Ay sorry I'm taken you know" sabat ni Ella.



"May nagtanong ba?" sagot ni Bri.



"Init naman ng ulo niyo, don't worry lulunurin ko nalang kayo sa pool mamaya, pampalamig" pangaasar ni Ali bago ako pagbuksan ng pinto ng kotse niya.



"Ay sana all, ako rin nga Sam dali! gusto ko rin" excited na pagpilit ni Keily.



"E ito gusto mo?" sagot ko habang pinapakita ng kamao ko.



"Humanap ka ng sayo no." dagdag ko.



"Grabe naman bubuksan lang naman yung pinto e.." nagtatampong sagot ni Keily.



"Oh bubuksan lang pala yung pinto bat di mo pa kaya" pabirong sabi ni Bri.



"Sasakay kayo o dito na kayo sa parking lot lalangoy" pagbabanta ni Ali.



Sumakay naman na silang lahat bago pa sila maiwan dito.



Nagpatugtog kami sa sasakyan habang nagiingay sila sa likod. Nasan ba kami, parang nasa bar tong mga to e.



"Lakasan mo pa Sam!" sigaw ni Ella.



"Hahabulin na tayo ng pulis nito e." inis na sagot ni Ali. Nilakasan parin naman niya habang sumasabay rin sa tugtog.



"Oy contribution niyo para sa grocery mamaya akin na" malakas na sabi ni Bri. Talaga namang treasurer to if I know kurakot naman.




"Parang di ako sangayon na si Bri maghahawak ng pera natin guys" pangaasar ni Ella.



"Kaysa naman ikaw diba" balik na sabi ni Ali.



"Hoy akala mo naman ha! malaman ko lang na nawalan tayo ng fund sa school ilalaglag talaga kita" sagot ni Ella.



"Bakit ako? trabaho na ng treasurer yun no. Think before you make bawi" balik ni Ali.



Natawa nalang kami lahat sa asaran nila, palagi nalang talaga e walang palya hahaha



"Bakit tayo dito?" sabi ni Bri habang nagpapark si Ali sa tapat ng mamahaling butcher shop.


"Diba gusto niyong magihaw, to karne o" sagot ni Ali.



"Wag tayo dito ano ba yan, parang may ginto yung karne nila jan angmahal mahal, sa farmer's market tayo may karne din dun" inis na sabi ni Bri.



Napakamot nalang sa ulo si Ali bago pinaandar ulit yung sasakyan at umalis.



"Guys kuha tayo ng cart! tapos sakay ako!" sigaw ni Keily.



"Sige ipa box ka narin namin tapos sa trunk ka na rin ilalagay pauwi" nangaasar na sagot ni Bri.



"Harsh pero bet" dagdag ni Ella.



"Wag niyo na pagtulungan si Keily baka hindi niya kayo tulungan makaabot ng 6 ft. mamaya sa pool" pagpapatigil ko sakanila, siya kasi pinakamatangkad samin e.



"Anna!" tawag sakin ni Ali at agad ko naman pinuntahan kung nasan siya.



"Can we get choco pie? I mean kung gusto din nila, ah masarap yun baka magustuhan mo rin" nahihiyang banggit niya.



"Of course boo, ako nalang magbabayad para wala na silang reklamo" sagot ko.



Napangiti nang malaki si Ali at tumuloy sa paglalakad.



"Yes!" rinig kong bulong niya sa sarili.



Daig pa nito yung bunsong kapatid ko e.



"Ate dalawang kilo naman po ng pork belly" paghingi ni Bri sa nagtitinda.



"Ate wala po bang free taste dun sa bagong labas na hotdog?" walang hiyang tanong ni Keily.



"Mukha ka talagang hotdog Keil" sagot ni Ella.



"Wala po ma'am e limited edition po kasi yun"



Limited edition hotdog?! ano yon? parang gucci ganon? loiusvidog?!



"Why not let's buy a pack nalang para matikman na nating lahat" pagsusuggest ni Ali.



"Jan palang ubos na yung pera natin" di pag sang ayon ni Bri.



"I'll pay for it" dagdag ni Ali.



"Oh e ganun naman pala, why don't you pay for everything nalang no?! pinapahirapan mo pa kami e." pangaasar ni Ella.



"Oh e sakin na nga yung bahay diba, ikaw kung gusto mo hanggang pintuan ka lang" sagot ni Ali.



Here we go again, pampagood vibes talaga kayo e no.



"Hayaan niyo na nga, let Ali pay para dun sa hotdog ni Keily tapos bili na tayo ng iba pa" sabat ko para matapos na.



Kinuha na namin lahat ng kailangan bago dumeretso sa counter.



"Uy may pizza dun o, guys di ba kayo nagugutom, ako gutom ako tara?!" excited na sabi ni Keily.



"Gutom ka na ba boo?" mahinang tanong sakin ni Ali.



"Ah-e medyo palang naman" sagot ko.



"Let's eat bago umuwi" biglang sabi niya sakanilang tatlo.



"Hay, wala kayong patawad mga hatdog kayo malapit na kayong maging jumbo hotdog" napabuntong hininga nalang si Bri. Kakain pa pala ulit kami mamaya kina Ali no.




Dinala na namin sa sasakyan yung mga pinamili namin kasama na yung isang box ng pizza.



Nakarating na kami sa subdivision nila Ali chineck muna nila yung identification ni Ali saka kami pinatuloy.



"Grabe Ali para namang bahay to ng presidente ang strikto sa paglabas pasok" amaze na sabi ni Ella.



"Ganun talaga for safety precautions tsaka mukha ba namang loko-loko yung mga nasa likuran ng sasakyan haharangin talaga tayo" pang-aasar ulit ni Ali sa kanila. This girl is packed with humor.


Umirap nalang silang tatlo.




Bumagal na yung pagandar ng sasakyan ng makarating kami sa malaking gate nila Ali.




"Ali ang laki pala ng bahay niyo. Buti nagkikita pa kayo?" Sabi ni Keily first time niya pala kasi makapunta dito e.



"Oo gurl, alam mo konti nalang hahanapin ko na kung may nakatanim bang puno na nagbubunga ng pera sa bakuran nila" sagot ni Ella.



Sinalubong kami ng isang katulong nila Ali para tulungang buhatin at ayusin yung mga pinamili.



"Guys dun tayo sa guest room dalawa yung bed dun turo ko na sa inyo para malagay niyo na gamit niyo" sabi ni Ali.





"Bihis na kayo ha, and boo.. come with me? I'll show you something first" dinala ako ni Ali sa kitchen kung saan nadatnan naming nagluluto yung lola niya.



"La!" niyakap siya ni Ali sa likod dahilan para magulat siya.



"Ay anak ng butiki!" gulat na sigaw niya.



Natawa naman si Ali bago nagmano.



"La andito na mga friends ko ah, and I want you to meet Sophia.." pagpapakilala niya sakin.



"Oh hi iha.. nakwekwento ka sakin nitong si Aliya palagi ah" nagmano muna ako sakanya.



"Magaling talagang pumili ang apo ko ah.." pangaasar ni Lola kay Ali.



"Ah-hindi naman po" nahihiyang sagot ko.



"Shempre naman La! mana sa Lolo to!" natatawang sabi ni Ali.



Hinawakan siya sa pisngi ni Lola at napangiti.



"Asikasuhin mong mabuti yung mga bisita mo baka matauhan si Sophia at bigla kang iwan." utos nito kay Ali.



"Sus La! di ko hahayaan yun, I'll forever strive to deserve her" sagot ni Ali at ngumiti sakin.



They look so cute together, halatang sobrang fond ni Ali sakanya..



"You want to change na boo? I'll have to start the grill na e. Check ko na rin sila baka kung ano nang nasira nung mga yun" pabirong sabi ni Ali.



"La kaya mo na po ba mag-isa dito? Bakit hindi ka magpatulong kina manang?" pagaalala ni Ali.



"Nako apo kaya ko na 'to tutal tutulungan naman daw ako ng magadang dilag na katabi mo" nakangiting sabi ni Lola. Lola wala naman po akong sinabing ganun e.



Tinignan ko si Ali na parang humuhingi ng tulong pero nginitian niya lang ako.



"Sige La maiwan ko na muna kayo. Anna have fun with Lola" pagpapaalam ni Ali. Ngumiti na lang din ako gusto ko ring mapalapit kay Lola kaya maganda na rin to.



"Ito iha ikaw mag'rolyo sa likod ng tinidor para pwede na natin maluto itong ohelas para may maimeryenda kayo mamaya" Pagpapaliwanag ni Lola.



"Lola madalas niyo rin po bang gawin ito ni Ali?" tanong ko.



"Aba oo nung bata siya gustong gusto niyang nakikisali sa mga ginagawa ko pareho sila ng Lolo niya nakahiligan din ang pagluluto. Paborito ni Aliya na gawing meryenda ang ohelas" nakangiting sabi ni lola. Parang nagbabalik tanaw.



"Ganun po ba? Paturo po ako ng recipe niyo Lola para magawan ko po si Ali hehe" Tinawanan ako ni Lola.



"Kung gusto mo bumisita ka dito para maituro ko pa yung iba kong recipe sayo" Alok ni lola.



"Talaga po? Thank you Lola!" masiglang sabi ko.



Tinapos na namin yung pagluto at inihain na rin namin sa labas para makain na. Nadatnan namin na nagkakatuwaan sina Ella sa pool at si Bri at Ali naman ay busy sa grilling station.



"Mga iha kain muna kayo nitong gawa namin ni Sophia" pagtatawag ni Lola.



Nakangiting sinalubong ako ni Ali at binigyan ng thumbs up.



"Lola sigurado po ba kayong ginawa rin to ni Sophia? Masarap po kasi e parang mali po" pangaasar ni Ella. Kahit kailan talaga 'tong si Ella panira ng araw e.



"Nako oo naman, natural ata na magaling sa pagluluto si Sophia" kinindatan naman ako ni Lola. Magkakampi na kami ni Lola.



"Wow boo this is good" sabay yakap ni Ali sakin. Nakakailang points na to ngayong araw ha.



"Si Lola magaling magluto e" sabi ko naman



Umalis na rin si lola dahil magpapahinga na raw. Kami naman nagenjoy lang din.



"Ali thank you." biglang sabi ko sa kanya habang nakaupo kami at pinapanood lumubog yung araw.



"For what? Lagi ka nalang nagtathank you sa akin" sabi naman nito.



"For being the source of my happiness, sa pagmamahal mo. I have never thought na may darating sa buhay ko na magpapakita sa akin na may mabuting bagay pa pala dito sa mundo and it is love. Thank you boo. I am forever grateful for your existence."

Sinandal ko yung ulo ko sa balikat niya at naramdaman kong hinalikan niya yung ulo ko.



I thank God for blessing my life with this girl.


~~~~~~~

uwu :>

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top