Chapter VIII

"Ang liwanag naman" Teka. Anong oras na ba? 8:36 am na! Agad akong tumayo at nagayos. Bakit ba kasi hanggang dito ang antukin ko? Ish.


Bumaba na rin ako agad para hanapin si Ali. Nadatnan ko silang naghahanda ng pagkain sa Dining Area.



"Oh hi sweetie good morning, did you have a good rest? I heard what happened yesterday" panimulang bati ni tita. Nakakahiya naman mukhang ako na lang yung tulog kanina.



"Yes po tita, ang lambot po kasi ng kama hehe" inosenteng sagot ko. Totoo naman kasi para akong nilamon ng ulap sa lambot.



"Sorry sweetie ha, it won't happen again. Halika na at kakain na rin tayo" malambing na pagyaya ni tita. Well hindi naman issue yun sakin. Mas magulo nga pamilya ko e.



"Hey there beautiful, didn't bother waking you up kanina. Mukhang ang sarap ng tulog mo with matching laway pa nga e" mahina ko siyang pinalo sa braso tsaka inirapan.



Tumawa naman tong si Ali sa kalokohan niya. Hilig talaga niya akong bwisitin e.



"Come on guys! Let's eat! Mamaya na landian!" pang-aasar ni kuya Jaxtin.


Pumwesto na kami sa mahabang lamesa na malapit sa pool. Andaming pagkain parang andami naman namin.



"Anna oh" biglang abot ni Ali sa egg yolk ng sunny side up sa plato ko.



"T-thank you.." kilig na sabi ko. Sakin yung yolk sakanya naman yung white. Ewan ko pero perfect match nga kami.



Kanina ko pa napapasin yung mga titig at sulyap ni Zach pero binaliwala ko na lang. Ayokong masira yung araw.



"So graduating na nga pala kayo next school year, what do you plan on taking for college?" biglang tanong sakin ni tita. Hot seat pala to. May pa Q&A.



"Medicine po tita" siguradong sagot ko.



"That's great. Magandang partner yun sa Bussinesswoman" sagot naman ni tita. wait..



"Po? businesswoman po?" pagtataka ko.




"Yes. Sam here plans to take Bussiness for college" Ha? si Ali? I mean pwede naman matalino naman to. But she never really mentioned taking it for college. Iba gusto nun e.




"Your plan" mariin ngunit mahinang singit ni Ali. Sabay sa pag-inom nito sa orange juice.



"You'll make good bussiness, even take over the family's unlike sa iba diyan who's only focus is getting kicked out of school" seryosong sabi ni tito. Grabe nakakatindig balahibo na to.




Napatingin naman sila kay Zach na napatigil sa pagkain at napabuntong hininga. Siya pala yun.




"Ehem ehem INIT a? Init Sophia no? Tara swimming na tayo baka mahimatay pa ako sa INIT dito" pagpapagaan ni kuya Jaxtin sa atmosphere.



Umakyat muna kami papunta sa kwarto namin para magayos. Natapos na rin ako sa pagbihis kaso hindi pa tapus si Ali kaya minabuti ko munang tignan yung social media account ko.


@alithegreat tagged you in a post

may tagged post sakin??

caption: "Ibalik mo na yung aso boo, hinahanap na ng may-ari"



Ay ang cute naman namin ni Pulgoso. Oo ako si marimar AW! Lumapit lang kasi sa amin kaya Pulgoso na pinangalan ni Ali.


comments:

@ellaellae!e!e!: Aba hindi nagtatawag! Makagat ka sana!

@BRItneyspears: Duh. Yung aso yung kawawa. Garapata yan e.



Kahit kailan talaga kalokohan lang alam ng mga to buti hindi namin sinama baka pati pinsan ni Ali jowain.



"Naglagay ka na ba ng sunblock boo?" sabi ni Ali pagkalabas niya ng banyo. "If not ako na maglalagay" ay wow, bravesoul.




"Willing naman ako magpalagay ulit basta ikaw para double the protection" patawang sagot ko. Hindi to pwede maaga pa para lumandi.



Tumawa ng mahina si Ali. Bakit kailangang maging cute siya sa lahat? Madaya.


"Tara na nga! Bago pa may mangyari, charot bata pa tayo next time ka sakin RAWR! " niyaya ko na baka maano pa e hindi pwede hahaha.



Bumaba na kami pero sinalubong kami ni Zach sa hagdan.



"Can I talk with you guys?" medyo ilang nitong tanong.



Napansin kong nagseryoso yung mukha ni Ali at humigpit lalo ang hawak nito sa kamay ko.


"Sure." pagsagot ni Ali. After all pinsan niya parin naman to tsaka no big deal na sakin yun.



"I'm really sorry for the way I acted yesterday Sophia" paghingi ng tawad ni Zach.



"I didn't mean to disrespect you both" okay na rin at nagusap na kaming tatlo para hindi na awkward.



"I realized what you said Sam. I'll make it up to you. Kakampi mo rin ako" finally okay na rin silang magpinsan.



Nginitian na siya ni Ali at sinabing okay na yun kaya dumeretso na rin kaming tatlo sa pool area.




Nakita kong binuhat ni Ali yung kapatid niyang si Lucas na dalawang taong gulang palang.



Sa wakas malalaro ko na rin siya. Nasa yaya lang siya kapag andito kami ni Ali kaya hindi ko malaro. Ang cute cute pa naman palangiti e.



"Hi baby Lucas! ang cute naman ng bebe na yan" ang sarap panggigilan e.



Sabay silang ngumiti ni Ali. Magkapatid nga magkamukha lalo kapag nakangiti. Ang lakas ng dugo ng Buenavista ha.



"He likes you" napahagikhik yung kapatid ni Ali. waa! gusto ko rin ng baby.


"Lucas this is ate Anna, isn't she pretty?, she is right? the prettiest." sabi ni Ali habang nililibang si Lucas.



Looking at them, having to know Ali more and more and getting even closer to her gives me this settling feeling of serene. She makes me realize everyday how lucky I am and how much I'm loved, a feeling I wasn't used to before but am now.


~~~~~~~

uwu :>

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top